Epilogue-END (CIA)
Thank you so much Torturers!
Love and Lust
~
MAKAILANG ulit nang napamura si C.A habang tinitingnan ang asawang namimilipit na sa sakit. Damn! Kung bakit ba naman kasi nilang naisipang mag bakasyon sa Ilocos gayong kabuwanan na ni Fia. Dapat talaga ay hindi na siya pumayag sa gusto ng dalaga and now, they're here, stuck in his private resort at ilang kilometro pa ang layo ng Hospital. Actually, nagpatawag na siya ng Doctor kay Sianah pero mukhang matatagalan pa ito dahil may kalayuan ang pribadong resort niya. Ayaw naman niyang sina Edzel at Danz ang magpaanak kay Fia, shit! Ayaw niyang makita ng mga ito ang para lang sa kanya.
“C-C.A, m-masakit na t-talaga.” impit na sabi ng asawa.
Fuck! This is his fault damn it! “Okay, just wait love. Paparating na yung Doctor. For now, inhale exhale.” aniya para pakalmahin ang asawa.
Ginawa naman nito ang sinabi niya pero napapangiwi pa rin ito sa sakit. “L-love, l-lalabas na talaga. The baby is breaking me apart.”
“Goddammit!” mas lalong nataranta si C.A.
“Don't cuss, Clevin Aiton!”
Napakamot siya sa noo. “Sorry love, now tell me what to do?”
“A-ask for help, diba marami ka namang taohan dito? C'mon love, masakit na talaga.” nakangiwing anito.
Damn! Puro lalaki ang mga taohan niya rito, kung mayroong mang babae iyong cook lang at si Sianah. Nakaka-frustrate!
Napalingon siyang muli sa asawa. Butil butil na pawis na ang namumuo sa noo nito, halatang hirap na hirap na sa kalagayan. Damn! Ganito pala ang pakiramdam na makitang manganganak na ang asawa, natataranta talaga siya!
“Just wait here, love. T-tatawagin ko si Sianah.” aniya bago lumabas ng silid.
Hindi na niya kailangang lumayo pa dahil nakasalubong na niya ang babaeng taohan niya sa pasilyo. Walang sabi sabing hinila niya ito at dinala kay Fia.
Napatingin sa kanya si Sianah bago bumaling ng tingin sa kanya.
“M-master, parating na po si Doctora.” anito.
“Damn!” kinuha niya ang baril niya at kinasa bago tinutok kay Sianah, “hindi na mahihintay pa ng asawa't anak ko ang Doctor. Now, I'm ordering you to do the job!”
He may be out of his mind pero kailangan na niyang gumamit ng dahas! Nasa panganib na ang buhay ng mag ina niya.
“C.A! Huwag mo siyang takutin!” sigaw ni Fia.
Lumambot ang kanyang ekspresyon. “Sorry, love.”
Nakita nilang bumuntong hininga si Sianah bago sinabi ang mga kailangan nito. Pinatawag niya na rin iyong kusinera para may katulong ito sa pagpapa-anak sa asawa niya.
“Marunong ka bang magpa-anak?” kunot-noong tanong niya sa taohan niya.
Ngumisi ito sa kanya. “Nagawa ko na nga sa sarili ko e, kay Madame Fia pa kaya.” makahulugang anito.
Kumunot ang noo niya at bahagyang nagtaka sa tinuran nito pero binalewala niya iyon ng napaigik na naman sa sakit si Fia.
Dinaluhan niya ang asawa at hinawakan ito sa kamay. Pinunasan niya pa nga ang pawis nito sa noo. Panaka-naka niya itong hinahalikan sa kamay at panay sabi niyang mahal na mahal niya ito.
“Okay, Miss Fia. Push!” umpisa ni Sianah.
Itsura nga ni C.A ay parang tinutulongan na niya ang asawa niya sa pag-push! Damn! Maramina siyang pinatay na tao at isa lang ang kinatatakutan niya at iyon ay ang aswa niya pero ngayon, shit! Natatakot na rin siyang makitang nanganganak ang asawa niya. Parang nato-trauma na siya na buntisin ang asawa.
Di bale, next time ay hindi na siya sasama sa delivery room at sisiguraduhin niyang wala sila dito sa resort. Damn it!
Ilang minuto pa ang nakalipas bago narinig ni C.A ang malakas na pag iyak ng isang batang babae. God! He swear that that touches his heart. Her first cry, their baby's first cry.
Hindi na napigilan ni C.A ang sayang nararamdaman. Ni hindi niya nga namalayan na may butil ng luhang tumakas mula sa kanyang mga mata.
“Congratulations Master and Madame. Welcome to the world Lady Cia.”
Nilingon niya si Fia at hinalikan ito sa noo. “I love you, love. I am so in love with you.”
Nanghihinang ngumiti si Sofia sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkahapo gayunpaman ay mas nangingibabaw ang tuwa sa mga mata nito.
“Cia Sabrine.” she whispered.
Tumango siya at hinalikan ito sa likod ng palad. “Yeah. Our Cia Sabrine.”
MALAKAS na pag iyak ni Cia Sabrine ang nagpaggising kay Fia sa pagkakatulog. God! Wala pa siyang masyadong tulog magmula ng dumating si Cia sa kanila. Well, wala naman kay Fia ang pagpupuyat at pagod sa pag aalalaga sa una nilang anak ni C.A dahil worth it naman. Kulang pa nga iyon dahil sa sayang hinatid ni Cia sa kanila ni C.A.
Tumayo siya sa kama at binuhat si Cia, mukhang kailangan na nitong mag dede. Hindi siya nag b-breastfeed dahi gustohin niya man, walang gatas na lumalabas sa dibdib niya. Naubos na yata ni C.A! Ang galing kasing dumede!
“Okay Cia.. Shh, mom's here. No need to cry baby.” pang aalo niya sa anak.
Hay! Bakit ba kasi wala pa si C.A e! Gumala na naman siguro ang hinayupak! Paano'y may kinasal na sa kaibigan nito kaya present ang gago! Hindi naman niya alam na gagabihin pala ng ganito si C.A.
Wala siyang kasama sa bahay kundi ang mga bodyguards ni C.A, minsan ay nandito si Sianah para samahan siya pero naglalagi ito sa Ilocos dahil sa anak nito. Bumukod na kasi sila ni C.A ng bahay. Ewan niya ba s lalaking iyon at ayaw nitong doon muna sila sa mansyon ng mga Heluxus. Mabubwisit lang daw ito kay Clyde.
You can't believe it, hindi nga ito ang kinuhang best man ni C.A noong kasal, sa halip ay ang kaibigan nitong si Hellion ang best man noong kasal nila. Simple lang naman iyon at hindi sa simbahan. Hindi siya pumayag na sa simbahan sila ikasal. Hindi niya alam kung bakit, maybe out of guilt. Siyempre, hindi naman talaga sa kanya si C.A, kung tutuosin may punto si Hyana Samonte, inagaw niya lang ang binata. May lihim silang relasyon at nasira niya ang kung ano mang mayroon ang dalawa.
Anyway, mukhang maayos naman na ang lagay ni Hyana Samonte ngayon, nasa Japan na ito at kasalukuyang nag aaral duon. Wala na itong comment about sa kasal nila ni C.A, parang na-realize na rin nito na wala na itong mapapala sa kanya.
Inilapag muli ni Sofia si Cia sa crib nito ng makatulog muli. Kasabay naman niyon ang pag doorbell ng pinto. Alam niyang bubuksan na iyon ng mga bodyguards pero bumaba pa rin siya, pinabantayan niya muna si Cia sa taohan ni C.A na nasa labas ng silid nila.
Ang buong akala ni Fia ay si C.A na ang bubungad sa kanya pero hindi,
It's her Uncle Patrick.
Hindi siya makapaniwala. “U-uncle..” kumurap kurap siya. “M-maupo h-ho kayo.”
After how many months? Seven? Ngayon niya lang ito muling nakita. Ni hindi nga ito nag abalang umattend sa simpleng Garden Wedding nila ni C.A.
“Hindi na, gusto lang sana kitang hiramin saglit, a-anak.” anito.
Napanguso si Fia. Hindi niya pinigilan ang luha niya ng marinig niyang tinawag siya nitong muling 'anak'
“Don't worry, hindi kita ilalayo, saglit lang anak.” he assured her.
Tumango siya, binilin niya ng maiigi sa mga taohan nila si Cia bago lumabas ng mansion. Pinasakay siya ng Uncle niya sa Auto nito at nagsimula itong mag drive.
Habang nasa kahabaan sila ng byahe, ito na mismo ang bumasag sa katahimikan nila.
“I love his Mom so much, so much that I didn't even have the chance to move on.” panimula nito.
Matamaan lamang siyang nakikinig. Matagal na rin siyang curious kung sino nga ba si Ai sa Ai's Restaurant. Ang Mommy ng asawa niya.
“Nagalit ako kay Aileen dahil nakuha niyang mahalin ang taong naging dahilan ng pagkamatay ni Aleen. Hindi ko alam kung ano ba ang nakita niya sa Heluxus na iyon at pinakasalan niya ito. I made myself perfect as prince to have her as my princess but it didn't work out. She doesn't need a prince, she don't want a prince, she loves a beast, a complete devil and it pains me. Hanggang ngayon dala dala ko iyong sakit Fia kaya hindi ko matanggap na anak ng lalaking iyon ang minahal mo. H-hindi ko matanggap anak.”
Nakita niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela ng sasakyan. Siya naman ay panay ang pagtulo ng mga luha.
“Until one day, Aileen slapped me hard for not attending your wedding with her son. Aileen even punched my face. Kung ano anong mura ang natanggap ko sa kanya pero isa lang iyong tumatak sa akin.” saglit siya nitong nilingon at binalik ang tingin sa daan. “Loving is good but moving on is much better. Don'y hold on to the things that not meant for you. Let go.”
“U-uncle..” panay ang hikbi niya.
“I'm sorry anak kung isa ako sa mga naging dahilan para hindi mo makamit agad iyong happy ending na pangarap mo. Maybe Aileen is right, I'm too bitter and I want you to end up like me which is I can't stand, hindi ko kayang mag suffer ka tulad ko. Mahal na mahal kita Sofia, you're always be my baby.”
“T-tito..”
Hindi na niya napigilan pa ang sarili at niyakap niya ito ng mahigpit. Humagulgol siya sa balikat ng tiyuhin. Oh God! Thank you for giving her a person like him, an Uncle like him.
Inilayo siya nito ng bahagya at pinunasan ang luha niya.
He smiled. “Baba na, may naghihintay sayo sa labas.”
Kumunot ang noo niya at napatingin sa hinintoan nila. Hindi alam ni Fia na ganoon na pala kalayo ang byahe nila dahil nasa Pangasinan na sila. Exactly at OUR LADY OF MANAOAG Church.
Kahit na panay ang pagtulo ng mga luha ni Fia, bumaba pa rin siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng simbahan. Wala ng katao tao doon dahil bukod sa malalim na ang gabi, sarado na ang main gate. Tanging siya lang ang naroon at..
“Oh my God!” natutop niya ang kanyang bibig.
Nilibot niya ang kanyang mga mata at mas lalong napaiyak ng makitang kumpletong naroon ang pamilya niya at pamilya ni C.A. Naroon din ang kaibigan niyang si Trisha, goodness! At paanong nauna sa kanila si Cia at ang mga bodyguards nito?!
They were all smiling at her.
Doon niya nakita si C.A sa harapan niya. Nakangisi ito sa kanya na para bang naisahan siya nito.
“Suprise love! Church wedding.” he smiled at her.
“You!” hinampas niya ito sa dibdib. “Hindi man lang ako nakapag ayos! Tingnan mo nga ako! Ikaw naka-suit tapos ako naka pajama terno! Nakakainis ka.” panay pa rin ang iyak niya.
C.A chuckled a bit. “You look very beautiful in my eyes whatever you're wearing love, specially when nothing.” he winked at her.
“C.A! Bunganga mo!” hinampas niya itong muli sa balikat.
Hinuli ni C.A ang kanyang kamay at hinalikan iyon. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at hinalikan iyon.
C.A kissed her forehead as he wiped her tears.
“The battle between love and lust has ended. We won love. I love you.” he said and claim her lips passionately.
Yes, they won. Love won.
* * EVIL TORTURERS * *
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro