Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 - Don't


Love and Lust

~

SINAMAHAN ni Fia si C.A sa silid nito. Ramdam na ramdan niya ang lungkot ng binata habang inaangkin nito ang kanyang katawan. Siguro ay iniisip nito sa sana ay si Hyana ang kasama nito at hindi siya. Nakakalungkot isipin ang bagay na iyon ngunit matagal na niyang tinanggap ang katotohang hindi siya makukuhang mahalin ng binata ng buo hangga't nariyan si Hyana. It's just lust, pure lust. She'll always be a shadow behind Hyana Samonte.

Hinaplos niya ang maaong mukha ng binata habang mahimbing itong natutulog. C.A is look like an angel from heaven above, wala naman iyon sa looks kung tutuosin. Ang alam niya, mahal na mahal niya si C.A at kahit kailan ay hindi na iyon magbabago.

She knew that once she'll stop loving him, she'll be free but she don't wanna be free. She just love him so much no matter what.

"Hmmm.." bigla nalang itong napaungol at isiniksik ang mukha nito sa kanyang leeg. "You smell so good, Fia."

Fia, he called her by her name and that's what he thank for, he never acknowledge her as Hyana Samonte when they're doing this.

"C.A, ano bang plano mo?!" biglang tanong niya. Naalala niya kasi iyong sinabi ni Mr. Heluxus kanina. "Nag aalala na sayo ang mga magulang mo. Isa pa, kailangan ka ng kompanya niyo."

"I don't care, Azil can handle the company." Tukoy nito sa pinsan. "I just want to take a break from this fucking heartbreak."

Sumikip ang dibdib ni Fia sa narainig. That's how broke he is?! He's willing to forget everything just for Hyana. Bakit ba hindi siya naging si Hyana Samonte. Napaka-swerte naman nito at minamahal ito ng lalaking pinakamamahal niya.

Patuloy ang paghaplos ni Fia sa buhok ng binata. Bigla niyang naalala iyong pinag usapan nila ni Hyana kanina bago siya magtungo dito. Mas lalong bumigat iyong sakit na nararamdaman niya sa dibdib. Isang linggo?! Kakayanin niya ba iyon?! Pero hindi ba't iyon ang tama? At iyon din ang nararapat.

"Gusto mong magbakasyon?!" Wala sa sariling tanong niya.

Naramdaman niya ang pag angat ng mukha ng binata at pinakatitigan siya. Nilingon niya rin ito. His midnight blue eyes never failed to amaze her heart.

"Where to?"

Ngumiti siya ng tipid. "Kung saan mo gusto, sasamahan kita."

Kitang kita niya kung paanong kumislap ang mga mata nito. Oh, C.A! Stop doing that! Mas lalo siyang nahihirapan na iwanan ka kapag ganito.

"Brazil? Europe? Africa? Japan? US?" suhestyon nito.

"Anywhere you want." simpleng tugon niya.

He let out a heavy sighed. "How about your classes, Fia?!"

"I already done my part on exams. I guess, my one week absence wouldn't affect my grades."

"One week?!" manghang tanong nito sa kanya. "You're willing to be with me for one whole week?!"

Bakas sa gwapong mukha ng binata ang kasiyahan sa sinabi niya kaya mas lalo siyang napapangiti. At least he smiled.

"Why not??" Nakangiting aniya.

"Oh, Fia." he hugged her tight. "If only I could wish that you'll be Hyana for that whole week, I will."

Natigilan siya sa narinig. Si Hyana na naman?! Siya iyong nandito, siya iyong sasamahan ito sa buong isang linggo but then, si Hyana pa rin ang nasa isip nito.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. She cupped his face and made him face her. "Listen carefully babe, sa bakasyon natin ayokong iisipin mo si Hyana. Ayokong babanggitin mo ang pangalan niya." It may sound so selfish but she need to do this, "I want you to relax yourself, I want you tpo forget her and the pain in that one week. Just you and me C.A. Can you grant my request?!"

Ngumisi ito sa kanya. "I like your idea, babe. You never failed to amaze me."

Ngumiti siya sa binata at saka binigyan ito ng mabilis na halik sa mga labi nito. Just this week, hahayaan niya naman ang sarili niyang maging masaya. She wanna feel that carefree living with C.A. Just this week.

"WHAT DID you say?! Isang linggo?! Fia, malaki ang magiging epekto niyon sa mga grades mo. Baka mawala ka pa sa dean's lister kung sakali. Nahihibang ka na bang talaga?!"

Galit na galit sa kanya ang kaibigan niyang si Trisha ng sumunod na umaga. Pinaalam na niya kasi rito ang plano niyang next week kasama si C.A and as usual, hindi na naman mapakali ang kaibigan niya at umuusok na ang ilong nito sa galit.

"Naku Fia ah, huwag ako! Hindi na talaga magandang impluwensya sa sarili mo iyang obssession mo sa kaibigan mo. Tumigil ka na ha!" Pagalit na sermon nito sa kanya.

"Hindi obssession iyon Trisha, mahal ko siya at ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kanya." sagot niya.

Umirap ito. "Iyang pagmamahal mo sa kanyang bumubulag na sayo. Pagkatapos niyan ano?! Hindi ka makaka-graduate? Hindi biro ang isang linggo Fia, ah!"

"Huli na 'to.." bulong niya dahilam para matigilan ang kaibigan niya. "Pagbigyan mo na ko, after this, I will move forward without him in my life."

Nanlalaki ang mga mata nitong napatitig sa kanya. "Oh my god! Oh my god! Are you freaking sure?! Titigilan mo na talaga siya after this week? Please tell me you're not joking."

"I am not." mabilis na sagot niya. "Tatapusin ko na ang lahat ng ugnayan na mayroon man kami after this week," hinarap niya ito. "kaya please, pagbigyan mo na 'ko, huli na talaga ito Trisha."

She crossed her arms and look at her, grinning from ear to ear. "Fine. What do you want me to do?! God! At last, mauuntog ka na rin!"

"Hindi ako mag papaalam kay Tito Patrick na isang linggo akong a-absent sa classes ko." paunang sabi niya.

"What?! E, anong sasabihin mo?! Loka ka, magtataka iyon kapag isang linggo kang hindi umuwi sa mansyon ng Tito mo."

"That's why I'm asking for your help. Sasabihin ko na one week akong mag o-overnight sa inyo para matapos natin agad ang mga paper works. Iyon ang idadahilan ko, ang kailangan ko lang ay kooperasyon mo."

Tumaas ang kilay ng kaibigan niya sa sinabi niya. "Paano kapag nagpunta si Tito Patrick sa amin at hinanap ka?! Anong sasabihin ko aber?!"

"The truth." tugon niya. "There's no need to hide it kung talagang mabubuking na talaga."

Natampala na lamang ni Trisha ang noo nito. "Okay, fine. Anyway, saan ba kayo magbabakasyon ni C.A?!"

"Sa El Nido."

"Really?! In fairness ha, maganda doon. Sa bakasyon ako naman ang samahan mo roon ha?!" kumikinang ang mga mata nito habang sinasabi iyon.

Tipid siyang ngumiti. "Sure, no problem."

Nagtittili pa ang kaibigan niya sa tuwa. Siya naman ay nagpasalamat na rito. Malaki talaga ang naitulong sa kanya ni Trisha pagdating sa mga ganitong bagay and sh's really thankful of that.

After classes dumiretso na siya pauwi para mag empake, kanina ay nakausap na niya sa telepono ang Tito Patrick niya, mag o-over time raw ito sa restaurant dahil sobrang dami nilang guest ngayon at isa pa'y may dinner meeting daw ito sa pinsan ni C.A, iyong namamahal ng Heluxus Hotel ngayon. Wala naman na siyang magawa kundi sa telepono na lang magpaalam, mabuti nalang talaga at pumayag ang tiyuhin niya basta raw ay araw araw siyang tumawag rito.

Again, she felt guilty. Nakukuha niyang magsinungaling sa mga taong importante sa buhay niya para kay C.A. Nakokonsensya naman siya pero huli naman na ito at pagbibigyan na niya ang sarili niya. After that, susundin na niya iyong gusto ni Hyana.

In the first place, C.A wasn't hers. She's contented with those stolen moments but she knew that it'll last. And that's gonna happen after this week.

By the end of this week, no more fuck buddies, no more friends with benifits,

And no more love and lust.

ANG SABI ni C.A sa kanya ay sa Heluxus Leisure Park nalang sila magkita. Doon din kasi mangagaling ang helicopter na gagamitin nila papuntang El Nido Palawan. May nabiling properties daw doon si C.A matagal na raw iyon at matagal na rin daw noong huli nitong nabisita ang pribadong resort doon.

Huli na 'to, huli na talaga.

Hindi niya naman kasi maintindihan kung bakit kahit kailan ay hindi siya nakita ni C.A bilang siya, hindi bilang kaibigan nito. Sa tingin niya ay hindi na mangyayari iyon. Hindi kailanman dahil masyadong lunod si C.A sa pagmamahal nito para kay Hyana gaya ng pagkalunod niya sa pagmamahal niya sa binata.

She'll always be a shadow.

They'll never be together.

Nadatnan niya si C.A sa HLP, nakasuot ito ng kulay itim na V-neck shirt at cargo shorts. He look so hot wearing those simple clothes, parang bumabalik iyong dating C.A na nakilala niya. Hindi lang panay suit and tie ang suot nito.

Napalingon ito sa kanya. Kaagad niya itong nginitian at kumaway. Tinakbo niya ang pagitan nila ng binata at sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap.

"Thank you Fia, thank you that you'll willing to acompany me."

Ginantihan niya ang higpit ng yakap nito sa kanya. It feel so good to be true. "I'm always willing to do everything for you C.A." Makahulogang aniya.

"Let's go?!" tanong nito sa kanya.

Inalalayan siya nito paakyat sa helicopter. This is it! Sana pagkatapos nito ay hindi na siya mahirapan pa sa mga susunod na gagawin niya.

Handa na siyang magparaya, handa na rin siyang lumaya.

**

A/N: Doctor said that due to my sudden lost of weight I need to rest, masyado na daw akong pabaya sa sarili ko, aside from being a single mom, may event po akong ino-organize, then yung writing contest at may work din po ako kaya sorry. Kahit one week lang torturers huwag muna po kayo mag demand ng updates. Thank you so much! God bless all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro