Chapter 6 - Never
Love and Lust
~
PUGTO ANG mga mata ni Sofia kinaumagahan. Ni ayaw nga niyang bumangon sa kama, pakiramdam niya ay ang bigat bigat ng katawan niya. Kasing bigat ng nararamdaman ng kanyang dibdib. C.A proposed to Hyana, gumuho na ang lahat ng pag asa niya. Hindi pa siya handang bitawan si C.A, ni wala nga siyang planong bitawan ang binata. God, mahal na mahal niya si C.A hindi ba pwedeng siya nalang ang mahalin ng binata?! Hindi ba pwedeng maging siya na lang si Hyana Samonte.
Iniisip niya sana ay panaginip lang ang nangyaro kagabi, sana ay hindi totoo na nag propose na nga ang binata sa pinakamamahal nito. Pakiramdam kasi ni Fia ay literal siyang nahahati sa dalawa. Para siyang mamamatay.
Wala sa sariling bumangon siya sa kama. Hindi p-pwedeng hindi niya sabayan sa agahan ngayon ang Tito Patrick niya at isa pa'y may klase siya mamaya at kailangan na niyang gumayak ngayon.
"How are you, Fia? Masama daw ang pakiramdam mo sabi sakin ng kaibigan mong si Trisha kaya daw maaga kang umuwi sa birthday party ng anak ni Governor." Pambungad na tanong sa kanya ng Tiyuhin niya sa hapag.
Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong hininga. "Pasensya na po, medyo sumakit lang po ang ulo ko kagabi kaya hindi na po ako nakapag paalam sa inyo."
Tumango tango ito. "Papasok ka ba ngayon? Kung hindi mo kaya, huwag na muna."
"Hindi po pwede Tito. Exam po namin ngayon, kailangan ko pong pumasok." Paliwanag niya.
"Right, sumabay ka na lang sa akin."
Tumango na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain kahit na wala naman talaga siyang ganang kumain ngayon. Ayaw niya lang na mag alala pa ang tiyuhin niya sa kanya dahil alam naman niyang napakarami nitong inaasikaso sa restaurant. Bigla tuloy siyang napaisip kung magiging kasing galing din ba siya ng tiyuhin niya sa pagpapatakbo ng negosyo. Hindi naman lingid sa kaalaman niya kung gaano kalaki ang tiwala sa kanya ng Tito Patrick niya kaya nga ang gusto nito ay siya ang mag take over sa pamamahala sa libo libong Ai's Restaurant kapag nag retire na ito.
Ngayon ay mas lalo siyang nagi-guilty sa mga pinag gagawa niya. Alam niya kung paanong madi-disappoint ang tiyuhin niya sa kanya kapag nalaman nito ang pinasok niyang relasyon sa bestfriend niya.
"Tumawag ka na ba kina Inang mo?! Nag aalala iyon sayo, nakailang tawag nga siya sa akin kanina." Sabi sa kanya ng Tito Patrick niya habang nasa loob sila ng sasakyan. "Alam mo namang hiniram lang kita sa kanila para may makasama ako sa bahay. Huwag mo naman daw silang kalimutan."
Natawa siya ng bahagya. "Tinawagan ko naman po si Inang kanina," tukoy niya sa ina. "Sinabi ko na po na maaayos na ang pakiramdam ko. Sinabi ko rin po na magbabakasyon po ako sa Ilocos sa semestral break. Miss na miss ko na po ang bukid."
"Ayaw mo na ba rito sa siyudad, Fia?!"
Bigla siyang natigilan sa narinig. Obvious na obvious ba ang sakit na nararamdaman niya na tila ba inaayawan na niya ang buong siyudad dahil hindi niya matanggap ang naganap kagabi?!
"Sasamahan ko po kayo rito, Tito." ngumiti siya sa tiyuhin.
Ngumiti naman ito pabalik at saka ginulo ang buhok niya. "Aasahan ko 'yan, anak." bumaling ito ng tingin sa daan. "Nga pala, naabutan mo bang nag propose na kagabi ang kaibigan mong si C.A sa anak ni Governor?"
Napapikit siya ng mariin. Kilala ng Tito niya si C.A at alam na niyang magtatanong ito tungkol sa bagay na ito. Sayang at hindi niya naiwasan.
"H-hind-i n-na po." Nagkandautal siya. "S-so, nagpropose na po pala siya. That's good, matagal niya na pong nabanggit sa akin ang tungkol riyan." She tried to sound happy but she just can't at mukhang napansin naman iyon ng tiyuhin niya.
"You sound unhappy."
"Ofcourse not po!" Mabilis na tanggi niya. "Mahal po siya ng kabigan ko kaya bakit naman po ako hindi magiging masaya?!!"
Tinapik lamang ng tiyuhin niya ang balikat niya. "I can feel your pain, Fia."
Pinagpawisan siya ng malamig sa narinig. Napalunok siya tila ba hindi alam ang gagawin. Mabuti na lamang at nasa tapat na pala sila ng University na pinapasukan niya. Nakahinga siya ng maluwag.
"Sige po Tito, pasok na po ako." Paalam niya.
Tumango ito. "Take care, Fia."
Lumabas na siya ng sasakyan, kumaway pa siya sa tiyuhin bago tuloyang pumasok sa loob ng paaralan. Napabuntong hininga na lang siya. Paniguradong usap usapan na ngayon ang pagiging engage ng anak ni Governor sa isang sikat at mayamang businessman. Ngayon pa lang ay ihahanda na niya ang sarili niya.
Nakapasok na siya sa room ng major subject niya. Kaagad niyang natanaw ang kaibigan niyang si Trisha, tatayo sana ito ng makita siya ngunit sinenyasan niya na huwag na. Alam naman niya kung ano ang sasabihin nito at wala siyang balak na makinig. Ang gusto niya ay mapagtuonan niya ng pansin ang exams nila ngayon.
"Fia." Tawag sa kanya ng kaibigan ng makarating siya sa upoan niya.
"Not now Trisha." aniya na hindi man lang ito nililingon.
Mukhang naintindihan naman siya nito kaya hindi na siya nito kinulit pa. Bigla tuloy siyang na-guilty, hindi niya dapat dinadamay pa si Trisha sa bigat ng nararamdaman niya. Di bale, kakausapin niya nalang ito mamayang break time nila.
Nilingon ni Fia ang cellphone niya, laking gulat niya ng makita kung ilang missed calls ang galing kay C.A, bigla siyang nag alala but then pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi, malamang ay ibabalita lang nito sa kanya kung gaano ito kasaya na finally, ikakasal na ito kay Hyana Samonte ang babaeng pinakamamahal nito. Inignora niya na lamang iyon at saka tinago na niya ang cellphone.
Ilang sandali naman ay dumating na ang Prof nila. Nagbigay na ito ng exams sa kanila at doon niya itinuon ang pansin. She wants to give up C.A, she know that's its over so why hold on?
Mabuti na lang at nakapg focus sa exam si Fia at nasagutan niya naman ang lahat ng mga tanong doon, kampante siyang makakapasa siya at malamang ay mag suma pa. Siguradong matutuwa ang Tito Patrick niya kapag nagkataon, pati ang Inang niya at ang Papa niya.
"Fia, ayos ka lang ba? Nakasagot ka ba sa exams kanina?!" Nag aalalang tanong ni Trisha sa kanya.
Ngumiti siya rito. "Oo naman."
"Kamusta ka? Kagabi tinanong ka sa akin ni Tito Patrick ang sabi ko na lang masama ang pakiramdam mo, nag aalala nga siya at the same time gulat din kasi kaming lahat dahil tinanggihan ni Hyana ang alok ni C.A na magpakasal sa kanya."
Napakunot ang noo niya sa huling sinabi ni Trisha. "Tinanggihan niya si C.A?!"
"Yes," tumango ito sa kanya. "She's not yet ready pa daw, hindi pa daw ngayon at mas lalong hindi pa raw after graduation. She wanted to spread her wings pa raw and so on, ang lungkot nga ni C.A but then, he deserves it after all. He's a jerk! Dapat lang sa kanya ang ganoon. Kung tutuosin Hyana doesn't deserve him 'cause he's a fucking cheater at user."
Iniligpit niya ang mga gamit niya. "I have to go."
"Why?!" takhang tanong ni Trisha. "Don't tell me pupuntahan mo siya."
"He needs me."
Nalaglag ang panga ng kaibigan niya sa sinabi niya. "Why are you doing this Sofia?! He deserves it! Stop torturing yourself, stop torturing your heart Sofia. Hindi ka niya mahal!"
Nilingon niya ito at ngumiti ng tipid. "I love him and I am willing to do everything for him, even if I'm hurting."
"Malala ka na Fia."
Ngumiti lang siya ng tipid. Kailanman ay hindi maiintindihan ng kaibigan niya ang nararamdaman niya para kay C.A. Siguro nga ay nahihibang na siya, nahihibang na siya sa pagmamahal niya para sa binata.
DUMIRETSO si Fia sa mansyon ng mga Heluxus, hindi niya alam kung bakit dito siya dumiretso gayong alam niyang sa condo na nananatili ang binata, siguro'y alam niyang tatakbuhan nito ang ina nito. Ilang taon na silang magkaibigan ni C.A at kilalang kilala na niya ito.
Pinapasok siya sa loob ng mga kasambahay, kilala naman siya rito dahil minsan na siyang naparito noon, hindi niya nga lang alam kung natatandaan pa siya ng mga magulang ng binata.
Napatigil si Fia sa paglalakad sa hallway ng makasalubong niya ang Mommy ni C.A na si Mrs. Aileen Heluxus, may dala dala itong isang baso ng tubig at gamot.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. "G-good a-afternoon po, Mrs. Heluxus."
Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito ngunit maaliwalas pa rin naman ang mukha nito.
"You are?!"
Tumikhim siya. "Sofia Borja po, k-kaibigan ni C.A"
Tumango tango ito bago siya nginitian ng pagkatamis tamis. Napakaganda talaga ng ina ni C.A kahit na may edad na ito. Alam niya na hindi ito ang tunay na ina ng binata kundi ang namayapa nitong kakambal. Masyadong kumplekado ang buhay ng binata ngunit lahat ng iyon ay detalyado sa kanya.
"K-kamusta po siya?!"
Doon nawala ang ngiti ng ginang. "I really like Hyana for my son but I guess, hindi pa talaga handa ang dalaga sa mga plano ng anak ko." ramdam niya ang kalungkutan sa boses nito. "Anyway, I kmow you're too close with my son, parang kapatid ang turing niya sayo hindi ba?! Kailan na ba tayo huling nagkita?!"
"N-nung birthday po ni Cereese." Damn! Bakit ba siya nauutal. Cereese is C.A's sister anyway.
"Right. Pasensya ka na at hindi ako matandain, alam mo na sign of aging hija." ngumiti ito sa kanya. "Pwede bang makisuyo ako na ikaw na ang maghatid nitong pain reliever sa kwarto ni C.A, ipaghahanda na rin kita ng meryenda. Feel at home."
Ngumiti siya rito at tumango. Kaagad niyang kinuha ang isang baso ng tubig at ang gamot na pinapabigay ng ina nito.
Pain reliever iyon. Kaya ba nitong tanggalin ang sakit na nararamdaman ni C.A sa puso nito? Alam niyang hindi. Hayst! Maging siya ay nalulungkot dahil sa nangyari sa binata kung tutuosin dapat pa nga'y matuwa siya dahil magkakaroon na siyang ng tyansang makuha ang pag ibig ng binata pero hindi, nasasaktan siya kasi alam niyang nasasaktan si C.A.
Para bang doble iyong sakit na nararamdaman niya.
Nagbuga siya ng malalim na hininga bago pinasok ang silid ng binata. Nanlaki pa ang kanyang mga mata dahil bumungad sa kanya ang basag basag na gamit at bote ng alak sa sahig. Kaagad na hinanap ng kanyang tingin ang binata at natagpuan niya itong nakaupo sa mahabang sofa sa gilid ng kama nito habang nakayuko. Nakatukod ang magkabilang siko nito sa tuhod nito habang nakasiklop ang mga kamay nito. Hindi niya mawari kung tulog o gising ba ang binata.
"C.A.." tawag niya.
Kaagad na nag angat ng tingin ng binata sa kanya. Kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito, pugto iyon at halatang kagagaling lang nito sa iyak.
Inilapag niya ang dala dala niya sa may side table roon bago lumapit sa binata.
"Okay ka lang ba?!" nag aalalang tanong niya.
"I called you. Many times. You didn't pick up your phone." walang emosyong anito.
Tumabi siya sa binata. "Nasa school ako kanina, I'm sorry kanina ko lang din nalaman iyong nangyari, maaga kasi akong umuwi."
"I miss her.." I wish I was her..
Bahagya siyang napatingala upang pigilan ang nagbabadyang mga luha.
"Nakausap mo na ba siya?! Baka hindi pa talaga siya handa sa mga bagay na gusto mo."
God! Hindi niya alam kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob para magsalita ng ganoon gayong alam niya sa sarili niyang parang unti unti siyang pinapatay habang nakikita niyang ganito kamiserable ang lalaking mahal niya.
Mukha namang wala ng planong magsalita ang binata kaya tumayo na siya. Kailangan niya munang huminga kaya lalabas muna siya saglit.
Ngunit, pahkabang na sana siya ng hawakan ni C.A ang pulsohan niya.
Napalingon siya rito.
"Don't.." pigil nito sa kanya. "....leave me."
Oh, God C.A! She'll never leave you. Masyado ka niyang mahal para iwanan ka niya kahit na ang sakit sakit ng mahalin ang taong tulad mo.
"I won't," aniya bago hinaplos ang pisngi nito. "I'll stay here.. Beside you."
She'll never leave him. Alam niyang mas kailangan siya ngayon ni C.A,
Bilang kaibigan..
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro