Chapter 20 - Scandal
Love and Lust
~
EVERYTHING seems so perfect. Naging smooth naman ang pagsasama nina C.A at Fia. Mabilis silang naka-adjust, lalo na si C.A dahil napakabilis magbago ng mood ni Sofia ngayon, actually magdadalawang buwan na nga ang bata sa sinapupunan ni Fia pero hanggang ngayon hindi pa rin nila nasasabi ang totoo sa mga magulang nila, sa Uncle Patrick niya. Hindi niya kasi alam kung saan magsisimula, paano kung hindi matanggap ng Tito niya? Alam niya na ang tungkol sa nakaraan ng Tito niya at ng Mommy ni C.A, kinuwento sa kanya ng binata pero hindi ganoon kadetalyado. Wala rin naman daw kasi itong alam, ang tanging natatandaan lang nito ay matalik na magkaibigan sina Mrs. Aileen Heluxus at ang Tito niya.
So, na-friendzone ito or umabot din ang mga ito sa kung anong mayroon sila ni C.A noon? No! Dapat ilag ang Mama ni C.A kung ganoon. But..
“Stop thinking to much, love. Masama iyan sa bata.” puna sa kanya ni C.A.
She made a face. “Where are you going again?”
Pansin niya kasing bihis na bihis na naman ang binata. Palagi nalang itong wala, sa tuwing pupuntahan niya ito sa unit nito pero madalas naman silang magkausap sa phone at parati din siyang sinasamahan ni C.A sa mga check ups niya, lately, mas nagiging abala na ito. Siguro may babae na naman.
Humalukipkip siya at tumayo sa harapan ng binata. She arched a brow. “Where are you going Mr. Heluxus?”
He chuckled a bit. “Relax, love. You're coming with me.”
Kumunot ang noo niya. “Where to?”
He smiled at her, a genuine one. Inabot nito ang kanyang kamay at hinaplos iyon. “We'll going to say the truth about your pregnancy and about us,” he took out a heavy breathe. “hindi habang buhay maitatago natin ang tungkol sa pagbubuntis mo, Fia. We need to move, ayokong itago ang anak natin.”
Nanlaki ang kanyang mga mata. “P-pero ka-kaka-anunsyo lang ng cancellation ng kasal namin ni Azil. Ayokong masira ang pangalan ng pamilya niyo dahil sa akin.”
Umiling ito. “I don't care, love. You're mine in the first place. Akin lang, Fia.”
“P-paano kung..” nag aalangan talaga siya!
“Shh.. Everything is going to be okay.”
She sighed. Kinakabahanpa rin siya. Paano kung husgahan siya ng mga tao dahil sa mga nangyayari? Paano kung hindi siya matanggap ng mga magulang ni C.A matapos siyang umurong sa kasal nila ni Azil. Hindi naman niya masisisi ang mga ito.
Wala nang nagawa pa si Fia kundi ang magbihis. Tama naman si C.A, hindi nila matatakasan ito at isa pa, nagkakaroon na ng umbok ang kanyang sinapupunan. Sooner or later malalaman din nila na buntis siya.
Ngumiti sa kanya si C.A at saka inalalayan siya sa sasakyan. Kinakabahan pa rin si Fia habang nasa byahe sila patungo sa Heluxus Hotel, naroon na daw ang mga magulang nito. Sa resto.
C.A held her hand and somehow, it calms her. “Relax, love. After this ang Tito Patrick mo naman ang kakausapin natin.”
Tipid siyang ngumiti. “Yeah. Hindi ko lang maiwasang kabahan.”
“It's okay, I love you.” hinalikan nito ang likod ng palad niya.
God! She still can't believe it. C.A is so in love with her. Ito na iyong pinapangarap niya at hindi siya makapaniwalang matutupad iyon. Worth the wait talaga dahil every single day, pinaparamdam sa kanya ni C.A kung gaano siya nito kamahal.
Nakarting sila sa Heluxus Hotel at kaagad silang sinalubong ng mga taohan doon, they even assist them hanggang sa VIP room sa resto kung nasaan ang mga magulang ni C.A. Again dumagundong na naman ang kaba sa kanyang dibdib.
Huminga ng malalim si Fia bago sila pumasok sa loob. Halos manlamig ang kanyang buong katawan ng unang bumungad sa kanyang mga mata ang seryosong mukha ng ama ni C.A, napakapit tuloy siya ng mahigpit sa braso ni C.A. God! Bakit ba siya kinakabahan.
Nagulat na lang si Fia ng yakapin siya ni Aileen Heluxus. Parang hindi siya makapaniwala. Hindi ba siya nito huhusgahan?
“I'm so glad to see you again, Sofia. Kamusta ka? Pinahihirapan ka ba ng pagbubuntis mo? Pagpasensyahan mo na si C.A kung masyadong abala dito sa Hotel. Anyway, nakailang check up na kayo sa OB? God! Magiging lola na pala ako!” teary eyed na anito.
Napalingon siya kay C.A, hindi niya kasi alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Nabibigla siya, actually. Ngumiti ito sa kanya at para bang sinasabi nito na okay lang ang lahat.
“Halika na, maupo ka hija at baka mangawit ka. Buntis ka pa naman.” Inalalayan siya ng Mama ni C.A.
Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod. Tumabi na rin si C.A sa kanya pagkatapos. Iyong mama naman nito ang bumabangka sa mesa.
“You know, hindi ako makapaniwala na may relasyon pala kayo ng anak ko kaya pala ganoon nalang ang pag-aalala mo sa kanya nung nangyari ang rejection ni Hyana.” anito.
Nagyuko siya ng tingin. Hindi siya makasagot sa Mama ni C.A. Para bang kinakain siya ng kunsensya niya. Iniisip ba nito na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina C.A at Hyana? Well, siya naman talaga ang may kasalanan. She actually steal C.A away from her.
“Don't worry hija, hindi naman kita hinuhusgahan.” ngumiti ito sa kanya, iyong totoo. “I am not his biological mom,” tumingin ito kay C.A. “kakambal ko ang totoong Mommy ni C.A, yes nagkaroon sila ng malanding ugnayan ng asawa ko. Nang mamatay ang kapatid ko, galit na galit ako sa Daddy ni C.A but then I fell, I won't judge you because even me is not perfect. Pareho lang tayong nagmahal, hija.”
Naiiyak talaga siya. Hindi napigilan ang mga luha niya dahil sa sinasbi ng Mommy ni C.A, she's too kind.
“C.A told me how much he loves you. He already fix what's to fix. Nakausap na rin namim si Georgina at um-okay na rin siya tungkol sa bagay nito. Isa pa, ayaw ka naman daw niyang pilitin, gusto ka lang talaga nito para kay Azil,” ngumiti ito sa kanya. “Sabihin mo lang sa amin kung kailan namin pwedeng kausapin ang Uncle Patrick mo, para mamanhikan na. Ayaw kong lumabas iyang unang apo ko na hindi pa Heluxus ang apelyido mo. Right honey?” sumulyap ito kay Caleb Heluxus.
“Yeah, love. You're the boss.” simpleng tugon nito. “Welcome to the family, Sofia.” baling pa nito sa kanya.
God! She's just too overwhelmed. Ang buong akala niya ay huhusgahan siya ng mga magulang nito but then this, ang sarap sa pakiramdam na malamang tanggap ka ng mga magulang ng taong mahal na mahal mo.
Pagkatapos nilang kumain nagpaalam na ang mag asawa. Sila naman ni C.A ay planong pumunta sa mall para mamili ng ilang gamit pang infant. Kanina pa siya nito kinukulit tungkol sa bagay na ito. Ang gusto niya nga sana saka kapag nalaman na rin ng Tito niya na buntis siya.
“Come on love, kahit kaunti lang. Just the cribs, baby dresses, mittens, baby socks, feeding bottles, diapers. Ano pa ba?”
Sinamaan niya ng tingin si C.A. Where did he get that idea?!
“What?” tumaas ang kilay nito. “Nag search ako sa google about that, bumili rin ako ng books para alam ko kung ano ang dapat gawin. We are first time parents, Fia. You can't blame me.”
Napailing siya. “I can't believe you! Ha!” She scoffed. “but seriously, I want to go home. Gusto kong makausap ang Uncle Patrick ko.”
Sumeryoso ang mukha ni C.A. “I'll come with you.”
Kaagad naman siyang umiling. “No. Ang gusto ko ako muna ang kumausap sa kanya bago niyo siya harapin kasama ang mga magulang mo.” hinawakan niya ang braso ni C.A. “dahil tulad ng Mommy mo, ayaw kong lumabas si little torturer ng hindi pa Heluxus ang apelyido ko.”
“Damn!” hinampas nito ng bahagya ang manibela ng sasakyan. “Can I take you home instead? Shit! I wanna make love to you, my Fia.”
Natawa siya. “Not now C.A.”
Goodness! She actually miss how his naked body presses against hers but they need to fix this first before that. Kaya pa namang mag tiis ni Fia, ewan niya lang si C.A.
He sighed in frustration. “Fine, but after this I will pin you on the bed and make love to you all night and day. Two days straight, Fia.” he winked at her.
She gasped. Bakit imbes na matakot siya, nae-excite pa siya.
C.A drove to her Uncle's house. Habang nagmamaneho ang binata ay panay lang itong tanong ng tanong sa kanya kung okay lang ba siya, kung anong gusto niyang kainin or kung nahihilo ba siya. Nahihirapan daw ba siya sa pagbubuntis niya, lahat ng mga tanong na iyon tawa lang ang naisagot niya. Hindi niya alam na ganito pala si C.A, taranta kung taranta.
Actually, masaya na si Fia. Wala na nga siyang mahihiling p kundi ang approval ng Tito niya although alam niyang malaking disappointment ang ginawa niya lalo na't hindi pa siya nakaka-graduate ng college. Alam niyang mali pero dahil puso ang pinairal niya nagiging tama.
Dahan dahang huminto ang sasakyan ni C.A. kasabay niyon ang pagkunot ng noo ni Fia, may kulay pulang kotse kasi sa tapat ng bahay at hindi naman iyon pamilyar sa kanya.
“May bisita si Tito?” tanong niya pa sa sarili.
Hindi na niya hinintay na pagbukasan pa siya ni C.A, bumaba na siya sa sasakyan eksakto namang bumukas ang gate nila at iniluwa niyon ang Tito niya,
Kasama si Hyana Samonte.
Pinagpawisan ng malamig si Fia ng mapansin niya ang galit na mga mata ng Tito niya na nakatingin sa kanya. Naramdaman niyang tumabi sa kanya si C.A.
“Good afternoon Mr. Borja,” bati nito kay Patrick Borja bago bumaling kay Hyana. “What are you doing here, Hyana?”
Hindi nito pinansin ang tanong ni C.A sa halip ay humarap ito sa walang kibo niyang tiyuhin.
“Pasensya na po ulit sa biglaang pagdalaw. I hope, matulungan niyo ho ako.” Ngumiti pa ito.
Hindi sumagot ang Uncle niya. Mas lalong kinabahan si Fia.
“Get inside, Sofia.” matalim at buong buong anito.
“Mr. Bor—”
“You shut up Heluxus!” sigaw pa nito. “Fia! Go inside!”
Napalingon siya kay C.A. Bagama't nagugulohan siya sa nangyayari may ideya na siya kung ano nga ba ang nangyayari.
“T-tito..” nagkandautal siya.
“Kailan mo pa ako niloloko, Fia?” malamig na anito. “Kailan ka natutong lumandi ng ganito ha? Putangina! Ang akala ko ba pakakasalan mo si Azil at hindi ang gagong ito?” tinuro nito si C.A. “are you that desperate Fia? Pumatol ka sa may nobya na? What's this huh? Can you please fucking enlighten me my niece?!”
“Mr. Borja let me—”
“I told you to fucking shut up Heluxus!” asik pa nito.
Hinila siya ng Tito niya papasok sa mansyon. Pinipigalan pa ito ni C.A para sana makapagpaliwanag pa pero hinarang na ito ng mga guards. Siya naman ay halos kaladkarin ng Uncle niya hanggang maapasok sila sa loob.
Humahagulgol na si Fia. “T-tito.. M-magpa-paliwanag p-po a-ako. P-please k-kumalma p-po k-kayo.”
“How can I calm down if my favorite niece is acting like this huh?!” asik nito sa kanya. “Have you seen the news? After mong iurong ang kasal kay Azil makikita ka sa Heluxus Hotel kasama si C.A? And don't you fucking deny it Fia, Hyana Samonte told me everything!”
Doon lang napalingon si Fia sa malaking flat screen TV sa sala nila. Nasa balita siya at ang official statement ni Hyana Samonte about sa issue.
“Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa mga magulang mo Fia, pinagkatiwala ka nila sa akin, inalagaan kita ng maayos pero ito ang igaganti mo? B-bakit Fia?”
“T-tito..”
Nag iwas ito ng tingin. “This scandal about you is leaking out. I will fix this Fia but I'm bringing you in Ireland, doon ka muna sa Tita Gracia mo.”
Oh no! No! Hindi pa nga niya nasasabing buntis siya at magpapakasal sila ni C.A tapos eto pa?!
God! Kailan ba matatapos ang paghihirap niya?
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro