Chapter 18 - Marry
Love and Lust
~
MASAKIT, tagos hanggang sa kaluluwa ni Fia iyong nararamdaman niya. Minsan iniisip niya, paano kung naniwala siya kay C.A na mahal talaga siya nito? Paano kung hindi siya bumitaw? Magiging masaya kaya siya? Kaya lang napakalabong mangyari niyon, lalo na ngayon na nakikita niya pa ring magkasama sina C.A at Hyana, minsan ay kasama ito sa Heluxus Hotel. Madalas silang magkita doon at sa tuwing nakakasalubong niya ang dalaga, panay irap at matatalim na titig ang binabato sa kanya ni Hyana Samonte. Hindi na lamang niya iyon pinapansin dahil ayaw na niya ng gulo.
Siya na ang lumalayo.
Napapabuntong hininga na lamang siya. Bakit kaya, ang daming pahirap sa mga babae? Pagdating sa pag ibig sila ang mas nahihirapan although hindi naman natin alam ang point of views ng mga lalaki pagdating sa ganitong bagay. But then, maswerte pa rin si Fia dahil naniniwala siyang lahat ng mga babae strong at kayang kayanin anoman ang pagsubok na dumating.
In her case, mukhang unti unti na niyang natatanggap ang mga nangyayari sa kanya. Unti unti na niyang natatanggap ang mga pagkakamali niya. Ang plano niya ay iurong ang kasal nila ni Azil. Ayaw niyang maikasal sa taong hindi niya mahal, ayaw niyang ipaako sa iba ang batang dinadala niya. Kung ang Ai's naman ang pag uusapan, hihingi na lang siya ng tulong kay Azil. Hindi naman siguro abuso iyon dahil naging magkaibigan naman sila. Ang gusto niya lang sa ngayon ay mapalaki ng maayos ang bata sa sinapupunan niya.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Hanggang ngayon hindi niya pa alam kung paano niya sasabihin sa Tito niya ang lahat. Lalo na ngayon na wala naman siya planong ipaalam kung sino ang ama ng dinadala niya.
“Fia, pasensya ka na. Nahuli ako ng dating.” humahangos na sabi ng kaibigan niyang si Trisha.
Nasa Ai's sila ngayon at naisipan niyang makipagkita kay Trisha. Matagal tagal na rin noong hui silang nagkita dahil hindi naman na siya napasok sa university.
Ngumiti siya sa kaibigan. “Okay lang.”
“Naku Fia ah! Marami kang dapat na ipaliwanag sa akin. Ano iyong mga nababasa kong headlines sa newspapers na ikakasal ka na sa tagapagmana ng mga Heluxus? Ang tibay mo Fia a! Heluxus na naman!” anito sa kanya.
She just sighed. “Hindi ko naman iyon itutuloy.”
“Ano??” napalakas ang boses nito kaya napatingin sa kanila ang ilang tao sa Ai's. “Bakit?” this time bumulong na si Trisha, nahiya rin siguro. “Don't tell me dahil kay C.A?”
Dahan dahan siyang tumango. Iyon naman ang totoo, dahil kay C.A kaya niya planong iurong ang kasal.
“T-teka, Fia..” napahinto ito. “Huwag mo sabihing b-buntis ka?” tanong nito.
Gusto niyang mapangisi ng wala sa oras dahil napakagaling maghula ni Trisha. Kumbaga sa storyang nambibitin, spoiler is real.
Again, dahan dahan siyang tumango.
“OH MY GOD!” she exclaimed.
Kaagad na nagtakip ng bibig si Trisha dahil sa lakas ng boses nito. Nakakunot na tuloy ng noo ang ilan sa mga customers nila.
Hinawakan ni Trisha ang kamay niya. “Gaga ka! Bakit ka nagpabuntis? Sinunod mo iyong payo ko na huwag kang mag pills? Gaga ka talaga! Joke lang iyon bakit mo ginawa?” halos pabulong na anito.
Natawa siya bigla. “Hindi ko naman sinadya iyon Trish, nakalimutan ko lang talagang uminom habang nasa bakasyon kami sa Ilocos.”
“So, ano palang nangyari sa Ilocos? Talagang iniwan mo na siya? Ngayon pa na may laban ka na.”
Bigla tuloy siyang nagulohan kay Trisha, akala niya ba ay ayaw nito kay C.A para sa kanya?
Umiling na lamang siya. “Tapos na ang lahat sa amin Trisha. Hinayaan ko na sila ni Hyana.”
Tumaas ang kilay ni Trisha. “Mabuti naman at nauntog ka na.” ngumisi ito sa kanya. “E ano nang plano mo ngayon dyan sa batang dinadala mo?”
“Papalakihin at mamahalin.” simpleng aniya. “Ginusto ko naman ang mga nangyari sa akin. Ako lang din ang dapat na sisihin.”
“Duh! Pati yung malibog na si C. A” irap pa nito.
Hindi niya na lang iyon pinansin. Nagkwentohan pa sila ni Trisha hanggang sa nagpaalam na ito, marami pa raw kasi itong gagawin kaya hindi na rin siya nag atubiling payagan itong umalis na. Marami pa namang pagkakataon para magkita sila. Isa pa'y pupuntahan niya pa si Azil sa Heluxus Hotel. May usapan kasi sila na doon sila mag lu-lunch. Baka sabihin niya na rin ang balak niyang umurong sa kasal nila.
What is marriage if you don't love each other?
Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang pagkakamaling nagawa mo. If she needs to raise her child alone, she's more than willing to do it. No need to drag a third person for this.
This is her problem. She must face it alone.
NAKARATING kaagad si Fia sa Heluxus Hotel. Actually, pinasundo pa siya ni Azil sa driver nito at sinalubong naman siya ng secretary nito sa main hall. Minsan natatawa na lang siya dahil hindi pa rin siya nasasanay sa mga ito. Hindi siya masanay na ganito kayaman ang mga Heluxus at maaring doble pa ang yaman ni C.A dahil sa grupong kinabibilangan nito. She won't judge him, she loves him. Period.
Hinatid siya ni Irish, iyong secretary ni Azil sa opisina nito.
“Maupo muna kayo Miss Sofia, nasa meeting pa po si Sir Azil.”
Tumango siya rito. Nagpaalam naman na itong lalabas na. Siya naman ay naiwan na roon sa loob.
Naghintay na lang si Fia loob ng opisina ng binata. Ilang minuto pa ang nakalipas nang bumukas muli ang pinto at iniluwa niyon si C.A.
“Azil you should check thi...” natigil ang sinasabi nito nang makita siya.
Napatayo naman si Fia. Iyong puso niya, hindi na naman mapakali. Para na namang nakikipagkarera.
“N-nasa meeting si Azil.” aniya.
Tumango naman si C.A. “Oh!” he snapped. “Ilalapag ko nalang sa table niya 'tong folder. Pakisabi, i-review niya.” pormal na anito.
Pagkatapos niyon ay lumabas na ito ng walang paalam. Na para bang hindi siya nito kilala. Hay Fia, ano bang ine-expect mo? Matapos mong sabihing friendship over at tanggihan ang pagmamahal na sinasabi nitong nararamdaman para sa kanya ay papansinin pa siya nito? Malamang hindi na dahil ayaw na niya.
Parang nawalan tuloy ng gana si Fia, gusto niya sanang tawagin iyong secretary ni Azil para magpakuha ng tubig pero ng ayaw na niya itong abalahin pa, alam naman niyang marami pa itong ginagawa kaya siya nalang ang bumaba sa restau para kumuha ng tubig.
Pagbaba niya doon nagulat siya nang harangin siya ni Hyana. Nagtataka naman siya kung ano ang pakay nito sa kanya, iyong huling na usap sila ay noong bago sila umalis ni C.A papuntang Ilocos, irap lang naman ang ginagawa nito sa kanya magmula ng bumalik ito.
Humalukipkip ito sa harapan niya. “Mag usap tayo.”
Tumalikod na ito at naunang naglakad papunta sa kung saan. Wala nang nagawa si Fia kundi ang sundan ang dalaga. Maybe, kailangan nga naman nila ulit mag usap. After all, pinalaya naman na niya si C.A hindi na niya kailangan pang maguilty kay Hyana Samonte.
Nasundan niya ang dalaga hanggang sa makarating sila sa parking lot.
Napatingin siya sa paligid. Obviously, walang ibang tao kundi sila dahil sa parking lot na ito ng Heluxus Hotel.
“Anong pag uusapan natin?” siya na ang unang nagsalita.
Hyana look at her without any emotion in her angelic face. “Kailan mo titigilan si C.A?”
Napakunot ang noo niya. “Anong sinasabi mo? Matagal ko na siyang nilayuan.”
“Matagal?” nang iinsultong balik tanong nito. “Matagal mo na siyang tinigilan pero hinahanap hanap ka niya? Sabihin mo nga Fia! Anong pinakain mo kay C.A at baliw na baliw na sayo ang boyfriend ko?! Magmula nang magbakasyon kayo sa Ilocos naging ibang tao na siya, kasama ko nga siya pero nasa ibang ibayo naman ang utak niya. Binantayan niya nga ako nung naaksidente ako, hindi niya nga ako iniwan pero ikaw iyong hinahanap niya! Anong ginawa mo sa kanya Sofia! Ano?!” galit na galit na anito.
Hindi na ito tulad noong unang beses silang nagharap na kalmado, ngayon ay halos pumutok na ang litid nito sa leeg habang sinasabi iyon.
“Maayos kami Fia, maayos kami pero sinira mo kami. Tama nga iyong sinabi nila, maganda nga ako kung malandi naman ang kalaban ko, talo ako.” humagulgol na ito.
Hindi naman makapagsalita si Fia, parang hinahayaan niya na lang ang kanyang mga mata na sabihin ang lahat kaya pati siya ay iyak ng iyak.
“Mahal na mahal ko si C.A, Sofia. At hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. He's my dream man. My knight in shining armor. My first and last love, bakit mo siya inagaw sa akin?! Bakit?!”
Nagulat na lang siya sa sumunod na ginawa nito. Hinablot nito ang buhok niya at pagkatapos ay pinagsasampal siya. Panay ang pag igik ni Fia lalo na nang maramdaman niyang bumaon ang kuko nito sa balikat niya.
“T-tama n-na, m-maawa k-ka, buntis ako.” aniya habang pilit na itinutulak si Hyana palayo sa kanya.
Tila iyon ang naging magic word para tumugil ito sa ginagawa nito. Bakas sa mukha ng dalaga ang matinding pagkagulat. Gustohin mang bawiin ni Fia ang sinabi niya pero hindi na niya nagawa, huli na ang lahat.
“Buntis ka?!” she exclaimed. “C.A got you pregnant?!”
“O-oo.” nanginginig ang kanyang mga labi. “Wala akong balak na ipaalam sa kanya 'to Hyana kaya wala kang dapat na ipag alala, hinayaan ko na nga kayo diba? Kaya hayaan mo na rin sana ako.”
Namumula ang mga mata nito sa galit. Pansin niya ang mabiis nitong paghinga.
“You slut!” sigaw nito at akmang sasampalin siya pero may isang kamay na sumangga sa braso nito.
“Hurt her and you'll regret every seconds of your life.” a familiar deep baritone voice said.
Napalingon si Fia sa gawing iyon. Bumuhos lalo ang mga luha niya ng makita niya si C.A, hindi niya alam pero iyong luha niya ayaw nang tumigil,
“C-C.A, how did you..”
“I treated you well Hyana, I respect you and your decisions in life, you must respect mine too. Yes, I cheated, yes I'm asshole but I love Fia more than anything. Hurt her again and I won't think twice to burn you alive.” tiim bagang na anito.
Hindi nakapagsalita si Hyana, si C.A naman ay lumapit sa kanya at saka siya pinangko. Sinakay siya nito sa sasakyan nito. Hindi pa rin siya natigil sa kakaiyak. Nakakainis! Puro nalang siya umiiyak.
Sumakay na rin si C.A sa driver's seat. Binuhay nito ang makina bago pinaharurot palayo ang sasakyan. Natanaw pa nga niya si Hyana na napaupo nalang sa sahig ng parking lot at umaalog ang balikat.
“Why did you hide the truth?” malamig na tanong ni C.A sa kanya.
Pakiramdam ni Fia ay umurong ang dila niya. Walang kahit na anong salitang lumalanbas sa bibig niya kahit na ang damo niyang gustong sabihin.
“I heard everything, Fia. You're pregnant with my child and now we're going to get married, ASAP.”
**
A/N: Wala po akong update tonight. Christmas party namin, so yeah, early update :)
Merry Christmas torturers :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro