Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17 - Comeback

Love and Lust

~

ISANG linggo halos iniisip ni Fia ang mga napag usapan nila ni C.A. Isang linggo rin siya nitong hindi ginulo o kinontak man lang. Hindi naman siya nakikibalita kay Azil tungkol sa pinsan nito dahil pinipilit niyang iwaksi na sa sistema niya ang dating kaibigan. Madalas na rin kasi silang magkasama ni Azil ngayon, panay siya nitong sinasama sa Heluxus Hotel, alam na alam na ng lahat na fiance siya nito. Halos tatlong araw nga iyong headline sa mga dyaryo at magazines. Napakayaman at sikat talaga ng mga Heluxus. 

Wala ng urongan ito. Isa pa'y nakikita niyang unti-unti ng nakakabangon ang Ai's kahit papano. Pa-unti unti ay nakakabawi na sila. Hindi pa naman katulad ng dati pero at least, nagiging okay na. 

'Yung puso lang naman niya ang hindi okay ngayon e,

Inayos na niya ang kanyang buhok. Maigsi na iyon kaya hindi na niya kailangan pang i-ponytail. Pupunta sila ngayon ng Tito Patrick niya sa Heluxus Hotel, may board meeting silang a-attenan. Kinakabahan si Fia actually, dahil baka naroon din si C.A but then, she needs to compose herself.

“Are you ready, Fia?”

Tumango siya. “Opo Tito,”

Ngumiti ito sa kanya. Again, iyong guilt na nararamdaman niya dahil sa mga pinagagagawa niya noong mga nakaraang taon hanggang nito lang nakaraang buwan. Walang kaalam alam ang lalaking nagpalaki sa kanya kung paano niya ito pinaikot. Napakalaki ng tiwala sa kanya ng Tito niya pero ano ang sinukli niya?

Paano niya ba sasabihin sa Tito niya na buntis na siya?

“Nga pala Fia, sigurado ka bang payag kang magpakasal next month? Paano na ang pag aaral mo? Balak pa naman ng mga Heluxus na sa Columbia muna kayo ni Azil pagkatapos ng kasal niyo.” tanong ng Tito niya habang nasa loob sila ng sasakyan.

Iyon rin ang iniisip ni Fia pero sabi niya sa sarili, mas maganda na iyong nasa Columbia sila ni Azil pagkatapos ng kasal nila. Hindi pa naman nila napag uusapan ang tungkol sa batang dinadala niya.

“Ahm, pwede naman po akong mag drop out tapos next year ko na lang po ipagpatuloy.” tugon niya.

Kitang kita niya ang pagtutol sa mga mata ng tiyuhin niya. “Fia, ilang buwan na lang at ga-graduate ka na. Pwede niyo naman iurong ang bakasyon niyo ni Azil.”

Pero gusto niya munang umalis habang nagbubuntis siya.

“Okay lang po Tito para makapag adjust pa po ako.” sagot niya pa.

“Paano kung mabuntis ka niya?”

Natigilan si Fia. Pakiramdam niya ay umurong ang dila niya. How can she explaine that she's pregnant with someone else's child, not her fiance. Paniguradong malaking gulo iyon pero nagtitiwala siya kay Azil. 

“A-ah, w-wala naman po s-sigurong masama, mag.. mag asawa naman na po kami kung sakaling mabuntis ako.”

She wants to drop this conversation. Mabuti nalang at nanahimik na ang Tito Patrick niya kahit na tutol pa rin ito sa mga naging desisyon niya.

Para naman sa Ai's ang lahat ng ginagawa niya.

Para na rin sa sarili niya.

Nakarating sila sa Heluxus Hotel. Sinalubong sila ng secretary ni Azil na si Irish, sinamahan pa nga sila hanggang sa makarating sila sa conference room kung saan naghihintay ang iba pa, wala pa naman ang mga kliyente.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay napatingin sa kanila ang mga Heluxus na nasa loob niyon. Napatayo pa nga iyong Mama ni C.A ng makita sila ng Tiyuhin niya.

Sa isang banda, si C.A ay nakaupo lang doon habang pinaglalaruan ang hawak nitong techpen. Ni hindi siya nito tinapunan ng kahit saglit na tingin man lang.

“Patrick?”

Napukol ang atensyon niya nang marinig niyang magsalita ang ina ni C.A. Tinawag nito ang Tito niya kaya awtomatikong napatingin siya sa kanyang tabi.

Titig na titig ang Tito niya at tila gulat na gulat sa presensya ng ina ni C.A, si Mrs. Aileen Heluxus.

“What are you doing here? It's been so long. Kamusta ka na at sina Nana,” bumaling ito sa kanya. “Don't tell me siya iyong anak ni Jason, iyong nakakalaro ni C.A noong bata pa sila? God! Kaya pala mag bestfriend ang dalawa ngayon.”

Marami pang sinabi ang mama ni C.A pero ni isang salita walang lumabas sa bibig ng Tito niya. Gulat na gulat pa rin ito at tila hindi makapaniwala.

Aileen.. Aileen Heluxus.

Ai's Restaurant.

Oh my god! Ang Mommy ni C.A ang first and last love ng Tito Patrick niya. 

“Ah, I think I need to excuse myself.” anang tiyuhin niya bago dire-diretsong lumabas.

“Ti.. to..” hindi na niya nahabol pa ang tiyuhin. Mamaya ay kakausapin niya na lang ito. Humarap siya sa Mommy ni C.A. “Pasensya na po, masama lang po ang pakiramdam ng Tito ko.”

Caleb Heluxus snorted. “Clearly, he's still not get over to you, my wife.”

“Caleb!” saway ni Aileen.

Nilapitan naman siya ni Azil. Doon lang napatingin sa gawi nila si C.A. Mas malamig pa sa yelo ang titig nito sa kanya.

“Are you okay? Nahilo ka na naman ba papunta dito?” mahinang tanong sa kanya ni Azil.

Minsan gusto niya itong tanongin kung bakit ganito ito ka-sweet at kalambing. But she believes that, his mom raised him well kaya ganito ito makitungo sa iba. Sa kanya. 

Ngumiti siya rito. “Yeah,” paninigurado niya. “Pasensya na pala, medyo na-late kami ni Tito.”

“Nah, it's okay. Wala pa naman iyong mga ka-meeting natin.” sagot.

“You're not even needed here.” biglang sabi naman ni C.A.

Natahimik siya, iyong boses ni C.A puno nang sarkasmo pero kasing lamig ng yelo. Parang tinatarak ang puso niya, ganoon ang epekto niyon sa kanya. 

“Clevin, stop insulting my fiance.” Azil said in a low baritone voice.

C.A just snorted. “You're fiancee, huh?!”

Akmang magsasalita pa si Azil nang pigilan na niya ito. Ayaw na niyang mas lumalim pa ang hindi pagkakaunawaan ng magpinsan. After all, tinutulongan siya ni Azil, ayaw na niyang masaktan pa siya ni C.A.

“Really? What's the matter with you, Clevin?” His mother asked. “Ayaw mo ba si Azil para sa bestfriend mo?”

“She's not my bestfriend.” maagap na sabi ng binata.

Parang may sumaksak naman sa puso ni Fia pero hindi niya iyon pinahalata, siya ang may gustong matapos na maging ang pagkakaibigan nila ni C.A kaya kailangan niyang pagtiisan ang nararamdaman niya ngayon.

THE WHOLE meeting went well. Maliban nalang sa mga matatalim na titig na tinatapon sa kanya ni C.A, panay rin nitong binabara ang pinsan nitong si Azil kahit kaharap ang kliyente nila. Napapailing na nga lang si Azil e. 

Nabunutan lang ng tinik si Fia nang matapos ang meeting na iyon. Actually, plano niya sanang magpakunsulta na sa OB ngayon. Magpapasama sana siya kay Azil kung papayag ang binata.

“I have a lunch meeting, Fia. Gusto mo bang sumama?” tanong ni Azil sa kanya ng makalabas sila sa conference room.

Oh! That's answered her question. Hindi siya nito masasamahan dahil may meeting ito.

Bahagya siyang umiling sa binata. “No, mabo-bored lang ako 'don, isa pa gusto ko sanang—”

“Damn it Hyana! I told you not to drive! Alam mo naman kung anong nangyari sayo noong huli kang nagmaneho ng sasakyan! Are you really out of your mind?” C.A hissed.

Hindi na nga naituloy ni Sofia ang sasabihin niya kay Azil dahil sa biglaang pagdaan ni C.A sa gilid nila at tila nagmamadali. May kausap ito sa cellphone at obvious naman na si Hyana iyon.

She just looked down.

Hinaplos naman ni Azil ang buhok niya. “Cheer up, Fia and teach him a lesson. The little one inside your womb is your ace.” he then winked at her.  “Driver ko nalang ang maghahatid sayo pauwi.”

Yeah. Uuwi nalang siguro siya. Bukas nalang siguro siya pupunta sa OB-Gyne nawalan kasi bigla siya ng gana ng makita niya si C.A habang kausap si Hyana sa kabilang linya.

Hindi na siya nagpasama pa kay Azil sa parking lot, hinihintay naman na siya roon ng driver ni Azil. 

Hanggang ngayon nagtataka pa rin siya sa binata kung bakit ito pumayag sa ganitong sitwasyon. Siguro ay hindi lang talaga ito makatanggi sa ina, or maybe may iba pa itong rason but then, nagpapasalamat na rin siya at nagkaroon siya ng bagong kaibigan. 

Sumakay si Fia sa elevator pababa sa parking lot. Pipindutin niya na sana ang button para sa ground floor nang may humabol pang papasok sa loob. Sabay pa silang napasinghap ni C.A nang makita nila ang isa't isa.

Awkward.

Pero mas nangingibabaw ang kaba ni Fia lalo na nang sumakay na rin ito sa loob. Ramdam na ramdam niya ang tension sa pagitan nilang dalawa.

Bakit ganoon? Pakiramdam niya ay bumagal ang takbo ng elevator. Samantalang iyong tibok ng puso niya daig pa ang nakikipaghabulan.

“How long have you been cheating?”

Again, his called voice made her tremble in fear. Oh God Fia, brace yourself.

“I did not cheat.” matapang na aniya. “Napagod lang ako sa kung anong mayroon tayo.”

“That's why you jump into Azil's bed?!” asik nito sa kanya.

“How dare y—”

“Fuck Fia!” singhal nito.

Napaatras pa siya nang humakbang ito papalapit sa kanya hanggang sa mapasandal na siya sa malamig na pader ng elevator.

“I hated the fact that you're with him. I hate it when he's touching you and damn! I want to fucking kill him for claiming what's mine.”

“I'm not yours.” God! Saan ba siya nakakakuha ng lakas ng loob.

“Who owns you then? Everyone? Tell me, mas magaling ba siya sa kama kaya pinagpalit mo ako sa kanya? Mas masarap ba siya, huh Fia?”

Hindi na nakapagpigil pa si Fia at malakas niyang sinampal si C.A. Grabe! Nag uumapaw na iyong sakit na nararamdaman niya. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang galit. Ang kapal kapal ng mukha nitong sabihin sa kanya ang lahat ng ito.

“I never slept with someone but you.”

“Liar!” sigaw nito.

Kinulong ni C.A ang kanyang pisngi gamit ang kamay nito. Mahigpit itong nakahawak roon at gigil na gigil sa kanya. Nangilid ang mga luha ni Fia. No! Don't cry please.

“I owned you Fia. I fucking owned you.” he said before claiming her lips savagely.

Pilit niyang itinutulak palayo ang binata. Ayaw niya ito! Hindi na talaga ang dating C.A na nakilala at minahal niya ang kasama niya ngayon. He's ruthless and heartless.

Tumigil rin si C.A sa paghalik sa kanya. Idinikit nito ang noo ito sa kanya.

He cupped her face. “I hate you, I hate you, fuck! I love you. Just please comeback to me, my Fia. You're killing me, you're torturing me.”

Mariin siyang napapikit. Naalala na naman niya iyong kanina. Si C.A habang kausap si Hyana sa cellphone at tila alalang alala. 

She shook her head. Stop it C.A! Stop hurting her. Ayaw na niyang bumigay.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro