Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16 - Over

Love and Lust

~

GUSTONG gusto ni Sofia na umatras at tumakbo palayo nang marinig niya ang pamilyar na baritonong boses ni C.A sa kanilang harapan. Oh, God! Nakabalik na pala ito at nagkataong umattend rin ito sa party ng Mom at Dad ni Azil. Goodness! Napakaliit talaga ng mundong ginagalawan nila. Lahat nalang ay konektado at parang sinasadya yata ng tadhana na pagtagpi tagpiin ang lahat.

Ni hindi siya makatingin ng diretso kay C.A. Gayonpaman, alam niyang galit ito ngayon. Halata naman iyon sa boses ng binata.

What now? Bakit ito magagalit sa kanya? Dahil ba titigil na sila sa ganoong klaseng relasyong mayroon sila dahil parehas na silang mag se-settle down. Ang pinagkaiba lang, si C.A masaya, siya hindi.

Hindi naman kasi habang buhay na ganoon sila. Hindi rin habang buhay ang pagpapakatanga ni Fia sa ganitong sitwasyon. Ang panghabangbuhay lang yata ay ang nararamdaman niya para sa binata. 

Taas baba ang dibdib ng binata. Tila nagpipigil ito ng galit. Kinabahan naman si Fia.

“Why did you leave me? Why did you cut all of our communication? Why did you blocked me, Fia? And why are you..” bumaling ito ng tingin sa pinsan. “..with him?”

“Cous, she's my—”

“Don't!” pigil nito kay Azi, “..talk Azil! I can kill you now for touching my girl.”

Napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Azil. Hindi siya makatingin sa madla dahil nakukuha na nila ang atensyon ng mga ito. Good God! Please help her.

“She isn't yours anymore, cousin.” nakangising sagot ni Azil sa pinsan. “We're getting married in a month.”

“You!” duro nito kay Azil.

Inilang hakbang ni C.A ang pinsan at saka ito binigyan ng malakas na suntok. Mas lalo nilang nakuha ang atensyon ng madla, nagsilapitan pa nga sina Mrs. Georgina at Sir Xavier, maging ang mga magulang ni C.A.

“What's happening here?” Aileen Heluxus exclaimed. “God! Clevin!”

Sinapak muli ni C.A si Azil. Hindi pa sana titigil ang binata pero inawat na ito ng Daddy nito.

“What the hell is wrong with you Clevin Aiton Heluxus?!” Caleb Heluxus' voice boomed inside the venue. Agaw atensyon na talaga sila. 

“This motherfucker,” duro ni C.A kay Azil. Akmang susugod pa ito pero nasapak na ito ni Sir Caleb.

“What the hell is your problem young man?!”

“Oh please! Stop!” C.A's mom was teary eyed. “Stop it Caleb! Stop C.A and Azil, please. Huwag kayong gumawa ng gulo. Pag usapan natin 'to.”

Nagkagulo na talaga. Si Fia naman ay naiiyak dahil sa mga nangyayari. Putok ang labi ni Azil at may sugat ito sa kilay. Naiiyak siya dahil pati ito ay nadadamay sa gulong pinasok niya.

Nilapitan niya ang binata at akmang hahawakan niya ito nang may humila sa kanyang braso.

When she looked back, it's C.A with his cold midnight blue eyes.

“Let's talk.” anas nito.

Ni hindi siya nito binigayan ng pagkakataong makapagsalita man lang. Hinila na siya nito palabas ng venue. Iniwan nila ang mga tao roon na takhang taka sa mga nangyayari. Halos kaladkarin pa nga siya ni C.A papunta sa kung saan. Hindi na niya alam, naiiyak siya at the same time nagugulohan na. Isabay mo pa ang pagkahilo niya at ang pakiramdam niyang parang lalagnatin pa siya.

Nakarating sila sa parking lot at halos ibalya pa siya ni C.A papasok sa sasakyan nito. Naiiyak siya sa totoo lang, natatakot rin siya dahil iba talaga ang aura ni C.A ngayon. Parang capable itong saktan siya physically bagay na ikinakatakot niya dahil nag aalala siya para sa lagay ng bata sa sinapupunan niya.

Sumakay na rin si C.A. Tiim na tiim ang bagang nito at kunot na kunot ang noo habang nagmamaneho papunta sa kung saan.

“Saan b—”

“Fucking shut up, Fia! Baka ano pa ang magawa ko sayo.” singhal nito sa kanya.

Kinagat niya ang labi niya upang pigilan ang nagbabadyang mga luha. God! Ano na naman ba ito? Bakit ba nagkakaganito si C.A gayong pinalaya niya lang naman ang sarili niya.

Tahimik na umiiyak lang si Fia, hindi naman siya pinapansin ni C.A, drive lang ito ng drive hanggang sa makarating sila sa mala-palasyong lugar. Nasa main gate niyon nakasulat ang acronym na ‘ETHQ’.

Naunang bumaba si C.A, pinagbuksan siya nito ng pinto bago siya hinila palabas. Napaigik pa si Fia dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya.

Halos kaladkarin siya nito papasok sa mala-palasyong lugar na iyon. Lahat nga nang makakasalubong nila ay binabati nila si C.A ng ‘Master C.A’ doon niya napagtanto na maaring ito na ang itinuturing headquarters ng grupong kinabibilangan ni C.A. It's tol classy to become a headquarters, parang palasyo ito na nilikha para sa isang Reyna.

Dinala siya ni C.A sa isang napakalaking silid. Binalya siya nito sa kama at walang sabi sabing kinubabawan siya nito. Napasinghap pa siya ng marahas siya nitong hinalikan sa labi. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha niya. Nanginginig talaga siya sa takot lalo na nang sirain ni C.A ang suot niyang dress.

Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Pilit niyang tinutulak palayo ang binata. Masyadong marahas ang mga halik na ginagawad nito sa kanya, ramdam pa rin nga niya ang paghapdi ng kanyang mga labi.

“C.A..” she cried and cried. “No.. Please.. Stop!” pagmamakaawa niya.

Hindi naman tumigil ang binata sa ginagawa nito. Bahagya pa itong lumayo sa kanya para tanggalin ang pang itaas nitong suot. Muli siyang inatake ng marahas na halik sa labi, panay naman ang iyak ni Fia.

Pakiramdam niya ay hindi si C.A ang kasama niya ngayon. Pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa ibabaw niya ngayon. C.A never treated her like this. Hindi siya nito sasaktan ng ganiton.

“C.A.” napahagulgol na siya.

“Shut up!”

Halos matigalgal si Fia ng maramdaman niya ang malakas na pagdapo ng palad nito sa kanyang pisngi. Nalasahan niya pa nga ang sariling dugo sa mga labi. Yes, pumutok iyong labi niya sa lakas ng pagkakasampal ni C.A sa kanya.

Wala siyang nagawa, nakahiga lang siya roon habang umiiyak. Tumigil rin si C.A sa ginagawa nito sa kanya, tila bumalik na sa tamang huwisyo ng makita nito ang pumutok niyang labi.

“Fia.. I..”

Sinubukan nitong hawakan ang kanyang pisngi pero iniwas niya ang sarili. Kahit na wala siyang lakas, pinilit niyang maupo sa kama at niyakap ang sariling binti. Iyak siya ng iyak. Sobra talaga iyong sakit na nararamdaman niya ngayon.

“I... Fia..” he looks so frustrated but she doesn't care, natatakot siya. “I-i'm sorry, h-hindi ko sinasadya babe. Fuck! Fuck!”

Sunod sunod na itong nagmura. Tumayo ito at pinagsusuntok ang pader. Hindi yata ito tumigil hangga't hindi pa nagdurugo ang kamao nito. Hilam na hilam naman ang mga mata ni Fia. Pakiramdam niya ay nauubusan siya ng lakas. 

Naramdaman niya ang paglundo ng kama. Nagsumiksik pa siya sa gilid kahit na wala na siyang pupuntahan. Natatakot kasi siya na baka saktan na naman siya ni C.A.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. “Babe, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I'm sorry, please stop crying.”

She shook her head as she cried harder. “L-lumayo k-ka.”

Halos hindi na nga niya maintindihan ang sariling boses at ang inilalabas nito dahil sa tindi ng mga paghikbi niya. 

“I swear, hindi ko sinasadya. I didn't mean to hurt you, babe.” sinserong anito. “I am just angry. I was so jealous, babe. Bakit mo kasama si Azil? Bakit mo ako iniwan sa Ilocos? Bakit ka umalis?”

Sa lahat ng tanong nito panay hikbi pang ang naisagot niya. Walang salita ang gustong lumabas sa kanyang bibig. Wala talaga.

C.A cupped her cheeks and made her face him. And there it is, his midnight blue eyes. Full of misery.

“Fia looked at me.” anito. “I don't want you to be with him. You're mine, right? You're always mine, my Sofia.”

Umiling siya. “I a-am not yours anymore.”

Kitang kita niya kung paanong natigilan si C.A sa sinabi niya.

“Pagod na pagod na ko C.A, pagod na pagod na ako sa kung anoman ang mayroon tayo. Nakakapagod nang masaktan. Nakakapagod nang magpakatanga. Ayoko na C.A.”

Napabitaw ito sa kanya. “W-what did you say?” hindi makapaniwalang anito.

“Ayoko na.” she was sobbing pretty hard. “Pagod na pagod na ko, C.A. Hindi ko na kaya iyong ganito, hindi ko na kayang maging panakip butas mo lang kapag wala o may problema kayo ni Hyana. Gusto ko nang palayain yung sarili ko, gusto ko ng palayain iyong sakit na nararamdaman ko rito,” tinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib. “Marunong din akong mapagod C.A, marunong din mapagod iyong puso ko. Pagod na pagod na 'kong mahalin ka.”

Umiiyak na rin si C.A tulad niya. Hindi niya alam kung bakit, siguro ay naawa rin ito sa kanya.

“Fia, mahal kita.”

Ang tagal tagal niyang hinintay na sabihin iyon ni C.A pero ngayon, hindi siya masaya. She's tired. So tired.

Napangiti ng mapait si Fia. Gusto niyang maniwala, gusto niyang yakapin ito ng mahigpit. Gusto niyang marinig ng paulit ulit iyon pero napapagod na ang puso niyang maniwala sa isang ilusyon lamang.

“Mahal mo ako kasi may problema kayo ni Hyana? Mahal mo ako kasi wala siya? Hanggang kailan mo sasabihing mahal mo ako? Hanggang kalan mo lang 'yan mararamdaman? Habang wala siya, ako ang mahal mo pero kapag nandyan na siya, bestfriend mo lang ako. Hanggang bestfriend mo lang ako. Reserba mo lang ako diba, C.A?”

Umiling iling ito. “No.. No Fia, don't say that. I love you, I really do.”

Humikbi siya. “Gusto kong paniwalaan pero pagod na pagod na 'ko.” aniya. “Mahal mo lang ako ngayon pero kapag nandyan na si Hyana, siya na ang mahal mo. Ayoko na C.A. Ayaw ko na talaga.”

Umiling si C.A. Hinawakan siya nito sa kanyang mga kamay na para bang doon na ito naka-dipende. Parehas silang nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha. Iyong sakit at pighati, ramdam na ramdam ni Fia.

“Just hold on,” umiiyak na anito. “Just hold me tight, please. I won't let you go, Fia.. I love you so much.”

Nasasaktan si Fia, sobra pero gusto niya na rin talagang palayin ang sarili sa sakit. Napapagod na kasi ang puso niya, sobra na, tama na.

Dahan dahan niyang binawi ang pagkakahawak ni C.A sa kanyang mga kamay. Napatitig sa kanya ang binata na tila nagsusumamo na hawakan siya.
“I'm tired of holding on. I'm tired of loving you C.A, I'm sorry but I'm tired.” madamdaming aniya.
Napahilamos ito ng mukha. “You're tired of me because of Azil? You're marrying him instead of me? Bakit Fia? Ganyan ka ba talaga?”

“Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin.” matapang na aniya. “I'm out of this C.A, fuck buddies over,”

Kinuha niya ang lahat ng lakas ng loob niya para tumayo sa kama. Naglakad na siya papunta sa may pinto, tumigil siya sa harapan ng pinto. Hinawakan niya ang pihitan ng pinto.

Nilingon niya si C.A “..friendship also over, C.A. Goodbye.”

Yes, over.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro