Chapter 12 - If
Love and Lust
~
MADALING araw na ng bumalik sila ni C.A sa private resort nito. Tahimik lang ang binata at tila walang planong kiboin siya. Hindi niya alam kung ano ba ang kinakagalit nito sa kanya, kausap niya lang naman ang kapatid nitong si Clyde at nagpasalamat dito dahil tinulongan siya nitong bumaba sa puno. Isa pa, hindi naman niya alam na naroon din ang kapatid nito. If only she knew that C.A will act like this, sana ay hindi niya na lang pinansin ang kapatid nitong pilyo.
Ayaw naman niya kasing patulan ang mga biro ni Clyde. Tsaka isa pa, he just wanted to help her and C.A is not there. Sana pala ay hindi na lang niya pinansin si Clyde at hinayaan na lang niya ang sarili niyang mahulog.
Maghapon talaga siyang hindi pinansin ni C.A, inaabala nito ang sarili para lang iwasan siya, tulad kanina, inaalok na niya itong sabayan siyang kumain ngunit nginisihan lang siya nito. Oh God! Ayaw niya iyong ganito. Ilang araw na nga lang sila dito tapos ganito pa,
Hindi natalaga nakapag pigil si Fia kaya ng makasalubong niya si C.A sa living room ay hinawakan na niya ang braso nito.
“C.A.”
Kunot na kunot ang noo nito. “What?!”
“I'm sorry,” nagyuko siya ng tingin. “Hindi ko naman na magagalit ka kasi nagpatulong ako sa kapatid mo na bumaba sa puno. You weren't there, may kausap ka sa cellphone mo and it seems like important kaya hindi na kita tinawag. Siya iyong tinawag ko kasi siya iyong nag offer na tumulong. I'm sorry C.A.” paliwanag niya.
Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hangin ni C.A. Naramadaman niya ang kamay nito sa balikat niya kaya nag angat siya ng tingin. She can't explain the expression of his midnight blue eyes.
“I'm not mad at you, I'm fucking mad with myself 'cause I let hin touch you.” puno ng prustasyong anito. “I want you mine, only mine Fia, why can't he understand that?! Pag aari kita at ayaw kong hinahawakan ka ng iba kahit na kapatid ko pa yan.”
Fia froze upon hearing those. C.A is too possessive. Hindi niya alam kung magugustohan niya ba iyon o hindi, parang ang laki laki ng pinagbago ni C.A magmula ng tumapak sila rito sa Ilocos.
“Fuck!” he cussed. “J-just don't mind what I say, Fia.” sabi nalang nito.
Akmang maglalakad na ito para lagpasan siya pero pinigilan niya itong muli.
Hinawi ni C.A ang buhok nito pataas. He looks so frustrated.
“Hindi mo naman kailangang mag alala, C.A. Sayo lang naman ako at hindi ako mag papaangkin sa iba.” puno ng sinseridad na aniya.
Lumambot ang expression ng mukha ni C.A, hinawi nito ang kanyang kamay bago nito pinulupot ang braso sa bewang niya.
Marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “I don't know what will happen to me if you're not here beside me, Fia.”
Oh, C.A!
“Please stay Fia,” anito. “Dito ka lang sa tabi ko.” dagdag pa nito na para bang mawawala siya.
God! Bakit mo ba sinasabi ang mga bagay na ito C.A? Bakit ngayon pa?! Kung kailan handa na siyang iwan ito.
Pinilig niya ang ulo niya bago niya isinandal iyon sa balikat ng binata. “Hindi ako mawawala C.A,” mahal na mahal kita.
LATE AFTERNOON, nasa pool area sila ni C.A habang nag me-meryenda. Wala na rito si Clyde kaya medyo payapa na ang binata, iyon nga lang panay naman ang irap sa kanya ni Sianah sa hindi niya malamang dahilan. Oh, God! Hindi niya pa rin nakakalimutan iyong nakita niyang kahalayan ng dalawa sa kusina. Geez! Kinikilabutan pa rin si Fia. Hindi niya na lang ito pinansin.
“Here,” sinubo sa kanya ni C.A ang isang hiwa ng mansanas. “Eat up babe, you're too skinny.”
Binuka niya ang kanyang bibig at tinaggap iyon, maagap namang pinunasan ni C.A ng tissue ang kanyang labi kahit na wala namang naiwang mansanas roon. Ngiting ngiti si Fia, nagugustohan niya talaga ang ganitong version ni C.A iyong maalaga at para bang siya lang ang babaeng nakikita nitong nag e-exist sa mundo. If only they could stay like this forever.
“I like your long hair babe.” kumento nito.
Ngumiti siya. “Really? Balak ko pa namang pagupitan 'to.”
“Don't.” pigil nito. “You look stunning in my eyes with your long hair.”
Namula ang kanyang pisngi. “C-C.A.. You're making me uncomfortable.”
“And you're making me insane, my Fia.” anito.
She was flushed. Ang init init ng mukha niya ngayon. Kasabay niyon ang paghahargumento ng puso niya.
Hinawakan nito ang pisngi niya at saka dinampian siya ng halik sa labi. Saglit lang iyon at agad na binawi ng binata ang labi nito ngunit nanatiling nakadikit ang noo nito sa kanya.
He brushed his nose to hers, “It may be too late to say but I want you to know that I am so fucking in lo—”
“Whoa! Whoa! What a show! I didn't expect na may romantic moment pala dito.”
Kaagad na humiwalay sa kanya si C.A at marahas na hinarap ang kapatid nitong si Clyde. Nandito pa pala ito ngayon! Damn!
“What the hell are you still doing here Clyde?! I throw you out didn't I?!” asik ni C.A sa kapatid.
“Chill!” tinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko ito, “Hyana Samonte just called. Mag usap daw kayo pagbalik mo sa Manila.”
Kitang kita niya kung paanong natigilan si C.A. Siya naman ay nawala ang ngiti sa labi. Sunod sunod na pagtarak ng kung anong matulis na bagay sa kanyang dibdib ang nararamdaman niya, para bang sinasampal siya ng katotohanang pagkatapos ng kahibang ito'y hindi pa rin sa kanya si C.A. Hindi pa rin sila.
Nilingon siya ni C.A, ngumiti siya ng tipid. “W-why d-don't you call her?!” hindi siya makatingin sa binata.
Tinitigan siya nito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. What now?! Iyon naman ang gusto nitong gawin diba?! Sinuggest niya lang iyon dahil ayaw niyang maunahan pa siya ng pesteng mga luha niya.
Nagbuga ito ng hangin. “Right.” tumayo na ito. “I have something important things to say anyway,”
Yeah. Maybe he'll propose again and leave her heart broken. God! Ang sakit sakit naman kasi.
Nilabas ni C.A ang cellphone nito at nagsimulang nagtipa doon bago naglakad palayo. Sinundan niya ng tingin ang papalayong likod ng binata.
Napabuntong hininga na lamang siya bago tumayo. Aakyat na lang siya sa kwarto.
Nakatungo siyang naglakad at nang nasa tapat nA siya ni Clyde ay nagsalita ito.
“You'll end up getting hurt, Miss Borja.” his baritone voice said.
Nag angat siya ng tingin at nginisihan ito, “Hindi ba't iyon naman ang ginagawa mo sa babaeng taohan ni C.A? What is her name again? Sianah?!”
Kumunot ang noo nito. Wala naman siyang balak na kausapin pa si Clyde pero ayaw niya iyong pimanghihimasukan siya, alam naman niya iyong ginagawa niya e.
Nilagpasan na niya ito. Hapong hapo siya, ang gusto nalang niyang gawin ay ipahinga iyong bigat ng dibdib niya. Ang sakit sakit kasi! Parang mabubuwal na siya.
Kasalanan naman niya kung bakit siya nakakaramdam ng ganitong bigat sa dibdib. Pinili niyang maging second option kahit na alam niyang hindi lang siya ang nasasaktan sa ganitong sitwasyon. Niloloko nila si Hyana. Mas nasasaktan ito kaysa sa kanya. Madamot kasi siya, kaya niyang ibigay ang lahat huwag lang si C.A.
He was never hers but loosing him made her heart broken.
“Magkapatid nga sila, parehas silang mapaglaro sa babae.”
Napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang tinig na iyon. Lumingon siya sa likod, nakita niya si Sianah na nakasandal sa isa sa mga poste doon habang may hawak hawak na isang bote ng alak. Mapula na ang pisngi nito, meaning tinamaam na ito ng espiritu ng alak.
“Gusto mo ng kausap?!” tanong pa nito.
Para bang may hipnotismo ang mga salita nito at wala sa sariling napatango siya. Siguro nga ay kailangan niya ng makakausap, iyong makakaintindi sa kanya. Iyong hindi siya huhusgahan.
“BAKIT ang shaket? Hang shaket shaket Shianah! Bakit ba tayoo napunta sha ganitong shitwasyon?!” Halos hindi na makilala ni Sofia ang sariling boses. Goodness! Tinamaan na talaga siya ng alak. Hindi niya nga alam kung ilang bote na ba ang naubos nila.
Yes, per bottle sila ni Sianah. Ayaw kasi nitong gumamit ng shot glass. Mukha namang malakas ang resistensya nito sa alak dahil maayos pa ang pananalita nito.
Tumawa ito ng malakas. “Ganyan talaga! Init lang naman ng katawan ang habol sa atin ng mga lalaki!” humalakhak ito, “Tayo namang si tanga, go lang ng go!” Itinaas nito ang boteng hawak nito. “Kampai!”
Tumawa siya ng malakas at pinagbangga ang boteng hawak hawak nila. Grabe! Ngayon lang siya uminom ng ganito pero iba pala, nakakabawas ng bigat ng dibdib kahit paano.
Lumukot ang mukha niya ng maramdamang muli ang pait ng alak sa lalamunan niya. “Matanong kita Shiana, kailan ka pa nasha ganitong shitwasyon?!”
Bahagya itong nag isip. “Eight? No, Ten years. Ten years na niya akong binabalewala. Ten years na niya kaming binabalewala.” mapait na anito.
“Kami?!” puno ng kuryosidad na tanong niya. “Weyt! Hangtagal mo na palang nagpapakatanga kay Clyde! Homaygad! Shayo na ang korona.” humagikgik siya.
Umiling iling ito. “Lasing ka na, Miss Sofia. Baka hinahanap ka na ni Master C.A.” pumormal ito.
Hinawi niya ang kamay nito sa braso niya. “Yoko nga! I-shex niya sharili niya!” asik niya rito.
Umiling ito. “Alam mo bang never akong tiningnan ni Clyde gaya nang kung paano ka tingnan ni Master C.A.” madamdaming anito.
Parang magic words iyon at kusang bumalik si Fia sa huwisyo.
“P-paano niya ba ako tingnan?! Paano ba siya tumingin sa isang katulad ko?!” puno ng kuryosidad na tanong niya.
“It's so true and passionate. Napaka-swerte mo Moss Fia.” Lumungkot ang boses nito.
True and passionate? Really? Sa nakikita niya kasi parang hindi naman. C.A is more gentle and passionate with Hyana. Halatang in love na in love ito sa dalaga.
Tumayo na si Sianah at inilagay ang kanyang braso sa balikat nito.
“Halika na, Miss Fia. Ihahatid na kita sa silid niyo ni Master C.A.” anito.
Hindi na siya tumutol pa. Akalain mo 'yon, nakahanap siya ng kakampi niya at iyon ay sa kataohan ni Sianah. They were on the same boat. Iyon nga lang, sa tingin niya ay mas malala iyong kay Sianah.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto.
“M-Master C.A..” tila takot na sambit ni Sianah.
“What the hell happened to her?!”
Iyong tono ng pananalita nito, kahit na galit ay nahuhulog pa rin siya. Hulog na hulog. Sinenyasan niya si Sianah na lumabas na, at kahit na luray luray siyang maglakad, pinilit niyang lapitan si C.A. Pinulupot niya ang braso niya sa leeg ng binata.
“Why did you drunk?!” tiim bagang na tanong nito.
“Are you gonna leave me?” balik tanong niya na pilit na iniignora ang naunang tanong ng binata. “If you didn't met her, could you possibly love me? If I am not your best friend, or if we didn't share our childhood, is it possible for you to love me, huh?!”
Kusang tumulo ang mga luha ni Fia, hindi niya alam kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob para itanong ang mga bagay na 'to. Epekto na rin siguro ito ng alak.
“There is so many if's in my mind. Don't you know that my heart is being tortured by you for so long?! Don't you know that, huh?”
“Fia..” he sighed. “I lo..”
And before she could here his words, she passed out.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro