Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 - Only friends

Love And Lust

~

Chapter 1 - Only friends

ABALA SI Sofia sa mga assignments niya. Malapit na din kasi ang finals kaya mas pinagbubutihan niya pa ang pag aaral niya. Ayaw niyang ma-disappoint ang mga magulang niya lalo na ang Tito Patrick niya na siyang nagpapa-aral sa kanya. Kung tutuosin, kayang kaya naman siyang pag aralin ng mga magulang niya, malaki laki din naman kasi ang kita ng mga magulang niya sa palayan na pag aari nila sa Ilocos. Iyon nga lang, gustong gusto talaga siya ng Tito Patrick niya na pag aralin. Wala kasi itong asawa at anak. Hindi na ito sumubok matapos ang heartbreak nito sa first love nitong hindi niya nakilala.

Sa ngayon, narito siya sa Maynila. Dito siya nakatira sa bahay ng Tito Patrick niya. Madalas niya din itong tulongan sa restaurant nito. Minsan ay naroon siya para tumulong.

Matapos niyang gawin ang mga assignments niya, niligpit na niya ang mga libro niya. Kailangan niya talagang magpursigi sa pag aaral lalo na't graduating student na siya ngayong taon. Konting push na lang pwede na siyang makapag-apply ng trabaho.

Isasara na sana niya ang bagpack niya ng makita niya ang kulay pink na invatation card na nakasuksok sa pagitan ng notebooks niya. Wala sa sariling kinuha niya iyon.

Napangiti siya ng mapait. Invitation pala iyon ni Hyana Samonte. Ang girlfriend ng bestfriend niyang si C.A. 21st birthday na pala nito.

Napabuntong hininga siya. Naroon nanaman iyong kakaibang sakit na nararamdaman niya sa bandang kanang dibdib niya.

Clevin Aiton Macaraeg-Heluxus, her bestfriend and her lover..

In bed.

Masakit man isipin pero hanggang kama lang si Sophia, kumbaga kapag nasa harap sila ng mga tao, siya iyong mabait na bestfriend pero kapag silang dalawa lang ng binata, kakaibang pagkakaibigan na nila ang ginagawa nila sa kama.

Wala e, ganoon talaga. Mahal niya si C.A pero obvious naman na mahal din nito ang girlfriend nito. Hindi naman kasi sinasadya naay nangyari sa kanilang dalawa ng binata noong birthday ng kapatid nitong si Cereese. Pareho silang lasing ng binata, pero alam nila parehas ang ginagawa nila. Matapos ang gabing iyon, paulit ulit na siyang inaangkin ng binata kapag silang dalawa lang. Hindi niya alam kung paanong napapayag siya sa ganoon klaseng relasyon pero nangingibabaw kasi sa kanya ang pagmamahal niya sa binata kahit na ang sakit sakit na.

Muli siyang bumuntong hininga at napagpasyahang itapon nalang sa trash bin niya sa loob ng silid ang invitation. Hindi siya pupunta.

Para saan pa? Para masaktan siya?! Tsk! Alam naman niya kung gaano nadudurog ang puso niya sa tuwing nakikita niya sin C.A na kasama ang nobya nito. Halos araw araw nalang iyon at tila manhid ang binata sa totoong nararamdaman niya para dito.

"SOF, hindi ka ba sasabay sa akin? Pupunta na ako ng restau hahatid na kita sa school." Dinig niyang anang kanyang tyuhin.

Inayos naman niya ang hapag, tinulongan na niya ang mga kasam bahay ng tiyuhin niya dahil ayaw naman niyang wala siyang ginagawang gawing bahay.

Umiling siya sa tiyohin niyang nag aayos ng coat nito. "Hindi na po Tito. Mamayang ten thirty pa naman po ang first subject ko."

"Ganon ba? Magpahatid ka kay Domeng ha. Hindi ka pa pwedeng mag drive."

Napanguso naman siya sa narinig. Paano ba naman nagkakuha na siya ng driver licence at lahat lahat pero ayaw pa din siya pagamitin ng tiyohin niya ng sasakyan na siya ang nagmamaneho.

"Uncle naman." Maktol niya.

Lumapit ito sa kanya at ginulo ang buhok. "Twenty two ka palang, ayokong mapahamak ka sa pagmamaneho. Saka na kapag thirty ka na." biro nito.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "Uncle Patrick!"

Tinawanan lang siya ng tiyohin at saka hinalikan ang kanyang noo. Napangiti naman siya, namimiss niya tuloy ang Itay niya.

"Sige, mauna na ko ha. 'Yong bilin ko magpadhatid ka kay Mang Domeng."

Ngumiti lang siya sa Tito Patrick niya, nanghihinayang talaga siya at hindi ito nakapag asawa. Siguro ay talagang mahal na mahal nito ang first love nito kaya hanggang ngayon ay hindi pa din ito maka move on.

Siya kaya kailan kaya siya makakamove-on kay C.A?!

Pashnea naman kasi! Hindi niya akalaing mahuhulog siya ng ganoon kay C.A. Since the first night they made love--yes para sa kanya ay made love iyon, kahit na alam niyang para kay C.A ay sex lang iyon. Since that night she realized that she's deep in love with her bestfriend.
That's the hardest thing, falling inlove with your bestftriend.

Maituturing nga silang "Friends with benefits" but she has the own version of that, and it is "Love and Lust".

Nasasaktan siya sa tuwing iniignora ni C.A ang mga messages niya, sa tuwing miss na miss niya ang binata habang abala naman ito sa trabaho nito at kay Hyana.

Ang sakit palang mainlove sa bestfriend mo, ano?

Halos araw araw parang sinasaksak ang puso ni Sofia. Lalong lalo na kapag nakikita niya kung gaano kamahal ni C.A ang nobya nitong si Hyana.

Wala siyang laban, pero dahil tanga siya kuntento na siyang hanggang kama lang ng binata.

GAYA NG sinabi ng tiyuhin niya, nagpahatid siya kay Mang Domeng papunta sa School. Nagpasalamat muna siya bago bumaba sa sasakyan. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng may humila sa kanyang braso papasok sa isa pang sasakyan.

Nahigit ang kanyang hininga hindi pa siya nakakapagsalita ng siilin siya nito ng halik sa labi.

Here we go again, hindi nanaman nakatanggi si Sofia at hinalikan pabalik ang pamilyar na labing nakalapat sa kanyang mga labi.

C.A.. God I really missed you..

Painit ng painit ang halik na namamagitan sa kanila. Lumalaban talaga si Sofia sa ganitong bagay dahil gusto niyang ma-satisfy ang binata. Nagmumukha man siyang cheap na malandi, wala e ganoon talaga ang pag-ibig.

Habol ang hininga ni Sofia ng bumitaw ang binata sa halik. Tulad ng dati ay may kung anong ngisi nanaman ito sa labi.

"How are you sexy? I miss you." He winked at her.

Pinigilan ni Sofia ang pamulahan ng pisngi. Pashnea talaga! Kinikilig siya kapag ganito kalambing si C.A sa kanya.

Huminga siya ng malalim upang itago ang kilig. "Anong ginagawa mo dito?!"

"Hinatid ko si Hyana, babe." kibit balikat na sagot nito.

Again, parang may sumakal nanaman sa puso niya. Alam na alam niya talaga kung gaano kaimportante si Hyana para dito.
"Ditch your class today babe at least three hours. I really want you badly, sexy." may tono ng paglalambing sa boses nito.

"No!" mariing pagtanggi niya. "May exam ako bukas, babe. Hindi pwede ngayon kailangan kong mag aral."

Marahas itong nagbuga ng hangin sa bibig. "Tss! As if you can say no to me." ngumisi ito sa kanya.

Nagulat nalang si Sofia ng paharurotin ng binata ang sasakyan nito palayo sa eskwelahan niya hanggang sa makarating sila sa kalapit na hotel. Iyong sikat na kulay pulang hotel.

"Dito nalang babe, puputok na 'to e!" nakangising anito sa kanya.

Napairap naman si Sofia. Ano pa bang magagawa niya? Alam naman niyang hindi siya makatanggi kay C.A


"SAAN KA galing bakit hindi ka pumasok sa first and second subject natin?! Naku, Fia ah! Hindi ko nagugustohan yang glow sa mukha mo mukhang may kademonyohan nanamang ginawa ang bestfriend mo sayo!" bungad agad sa kanya ng kaibigan niyang si Trisha.

"Trisha Aguillon! Tigilan mo nga ako." suway niya ngunit hindi pa din maalis ang ngiti sa kanyang labi.

Siguro kung si C.A ang bestfriend niyang lalaki. Si Trisha naman ang maituturing niyang bestfriend niyang babae.

"Nako, nako ha! Iyang mga ngiti na yan alam ko na kung saan ka talaga nanggaling. Nag SOGO kayo no? Yun lang naman malapit na hotel dito sa School."

Nanlaki ang mga mata niya bago tumingin sa paligid. "Trisha ano ba?! Iyang bunganga mo baka may makarinig sayo."

Humalukipkip ito. "Matakot ka kapag si Hyana ang nakarinig sa akin. Kaso dun naman yun sa kabilang building kaya napaka-imposible. Tss! Ewan ko ba naman kasi sayo Fia, ang ganda ganda mo naman tapos napatol ka pa dyan sa lalaking walang kwenta. Wala namang bayag iyong ganoong mga lalaki."

"Trisha!!" suway niya.

Hindi naman ito nagpatinag. "Totoo naman di ba? May jowa na nga siya tapos pinatos niya pa bestfriend niya. May pa-babe babe at sexy sexy pang nalalaman. Wala naman siyang bayag!"

"Miss Aguillon watch your mouth."

Natigilan silang pareho ni Trisha ng sawayin sila ng Professor na si Sir Blue Onyx Chui. Tiningnan niya pa si Trisha dahil alam niya kung gaano ito kapatay na patay sa Professor nilang iyon.

Siniko niya ng pasimple si Trisha bago bumulong. "Trish, yang laway mo, tumutulo na."

Parang wala namang narinig ang kaibigan niya dahil nakatulala lang ito sa gwapong Professor.

"Sir Yummy.."

"What did you say Miss Aguillon?!"

Doon naman tumalima ang kaibigan. "Ay Sir! Pupunta na po kami sa room." Anito nago nagmamadaling hinila siya papasok sa room.

Humihingal na umupo si Trisha sa tabi niya. "Oh my God! Oh mu God! Ang gwapo talaga ni Bebe Blue Onyx. Syet! Ang sarap niyang hapangin bes!"

Hinampas niya ito sa balikat. "Magtigil ka nga mamaya marinig ka nanaman 'nun. Baka patalsikin ka nun dito, family pa naman nila may ari ng School."

"Future husband ko iyon bes! Yay!" kinikilig na anito.

Napailing nalang siya, hindi ba nahahalata ni Trisha na bakla si Professor Chui?! Sabi nga nila kapag mas makinis pa sayo, alam na. Kaya lang kasi ang manly pa din ng tindig ni Professor Chui kaya siguro walang masyadong nakakapansin. Sadyang malakas lang ang radar niya kapag hindi straight ang isang tao. Ewan niya ba, talent niya siguro iyon.

Hindi nalang niya pinansin ang pagde-daydream ni Trisha. Inayos na niya ang gamit niya dahil mamaya ay parating na din ang Prof nila. Hindi naman kasi nila Prof si Sir Chui kaya ganito nalang kung mag day dream ang kaibigan niya.

Napatingin si Sofia sa cellphone niya nang mag vibrate iyon.

Fr: Hottie

Babe bitin, I want more of you. Kita tayo later?

Napailing naman si Fia, gustohin man niyang mag reply ay hindi na niya ginawa. Alam naman niyang ito ang masusunod kaya para saan pa ang tumanggi siya? Isa pa, gusto naman niya ang ginagawa nito sa kanya except lang iyong part na nasasaktan siya kapag sinasampal siya ng katotohanang pang kama lang siya.

Bestfriend.. Iyon na ang bagong term ng heartbreak sa kanya.

Natapos ang buong maghapon niya sa kakaisip kay C.A. Lintek na yan, bakit ba kisi bestfriend lang? Hindi ba pwedeng girlfriend na? What a demanding bitch.

Paglabas pang niya sa gate ng School natanaw na niya ang sasakyan ng binata maging si C.A na nakasandal sa pinto ng sasakyan habang humihithit ng sigarilyo.

Yosi nanaman? Kay C.A siya actually natutong manigarilyo. Lahat ng gusto nito kaya niyang gawin kaya nga kahit na lung ano anong weird na posisyon sa kama ay nasubokan na halos nila.

Nag angat ito ng tingin sa kanya. Ngumiti ito. Ang gwapo talaga ng gago.

Akmang lalapit sita dito ng bigla nalang sumulpot ang nobya nitong si Hyana mula sa kung saan.

"C.A sweetie, ang sweet sweet mo talaga. Sinundo mo pa ko." Dinig niyang anito.

Nag iwas siya ng tingin ng kindatan siya ng binata bago ito bumaling sa nobya. "Of course sweetie, saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan basta kasama kita." Sagot naman nito.

Inabala nalang ni Sofia ang sarili sa paghihintay sa sundo niya kahit na ang totoo ay tinext niya si Mang Domeng kanina na huwag na siyang sundoin. Akala niya kasi ay matutuloy sila ni C.A ngayon.

But then Hyana came, sad but it's fine with her. She can deal with the situation pa naman.

Hanggang sa makaalis ang dalawa ay doon lang siya nakahinga ng maluwag. Sinundan niya pa ng tingin ang papalayong kotse ng binata.

"Hindi ka naman kasi aso pero habol ka ng habol sa buto. Sabagay, hindi naman mukhang buto si C.A yummy ang abs siguro 'non kaya nagkakaganyan ka." Boses palang alam na niya kung sino iyon.

Laglag ang balikat na humarap siya sa dalaga. "Trish, huwag ngayon please."

"Ewan ko sayo! Kung ako sayo hindi na ako gagamit ng pills para mapikot ko na yang gagong 'yan. Mukhang desperada ka naman na sa kanya bakit hindi mo pikutin? Tapon mo na yang pills mo ng mabuntis ka na niya. Araw arawin ka ba naman ng gago imposibleng hindi ka mabuntis niyan." Umingos ito sa kanya.

"Ewan ko sayo Trish." Sabi nalang niya.

Napalingon siyang muli sa kalsada. Hindi na niya matanaw ang sasakyan ng binata.

Everyone is right, C.A and her are only friends, just friends.

**

A/N: 100+ comments for the next update! Haha ako naman ang mag de-demand lol. Goodnight torturers :*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro