
#7 LOVE AND GENDER
Nikka's POV:
"hindi ako nakatulog kakaisip kung anong gagawin ko para magbati kami ni Labs."
kaya naman eto ako, ang aga ko pumasok, hindi ko alam kung pano ko siya iaaproach ngayon, papasok na sana ko ng bigla akong tinawag ni Clyde.
"Nikko!" sigaw nito habang papalapit saken.
"oh ayos na pala ang paamo, nakakatakbo ka na." sabi ko
"ahahha thanks to you, aayain sana kitang lumabas mamaya, gala tayo?" sabi niya saken.
"ah eh kasi tol medyo madami pa kong gagawin ngayon eh." sabi ko
"ah ganun ba, sayang XD sige next time nalang." sabi niya tapos eh pumunta na siya sa room namin, ako naman naiwan na naman ako sa corridor, ewan ko ba kung bakit ang hilig kung tumambay dito, sayang yun, chance ko na sana pero uunahin ko muna si Labs this time makabawi man lang ako antay ako ng antay sa wakas eh nakita ko rin siya.
"LABS!" sigaw ko na halos rinig na sa buong school tumigil lang siya saglit pero nagtuloy-tuloy pa rin sa paglakad.
"LABS!" sigaw ko ulit saka ako lumapit sa kanya, hinarap ko siya habang siya naman eh nakayuko lang, ayaw niya bang makita ang maganda kong mukha?
"Sorry na." sabi ko
"yun na yun teh? kinalimutan mong birthday ko tapos sorry na lang ang sasabihin mo?" sabi ni Labs na may tampo pa rin ata saken.
"sorry na sorry na as in SORRY NA!" sabi ko sa kanya tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit yung as ing hindi na siya makakahinga.
"tumigil ka nga pinatitinginan na tayo ng mga tao dito oh." sabi niya na parang nahihiya sa pinagagagawa ko.
"tomboy ako bakla ka, ano ang malisya?" sabi ko sa kanya tapos tinaasan ko siya ng kilay.
"eh kasi naman eh ba't kasi inuna mo siya?" tanong saken ni Labs.
"eh alam mo namang bukod sayo importante din siya saken diba?. hindi ko naman talaga nakalimutan yung birthday mo actually pupunta na dapat ako nun after ng game namin eh kasi naman din wrong timing pati yung aksidente naglaro kasi kami kahapon ng basketball biglaa nalang siyang na out of balance." pagkukwento ko sa kanya.
"so meaning hindi mo nakalimutan? mas pinili mo siya ganun?" sabi ni Labs saken ng parang nang-iinterogate.
"ahhmm ehheheh parang ganun na nga pero diba alam mo naman na 2 years din yun? 2 years nakong nagpapanggap na tomboy mapansin niya lang ako." sabi ko sa kanya hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin ko eh.
"eh pano naman yung16 years na pagkakaibigan natin ah?"
"ah syempre walang tatalo dun." sabi ko sa kanya.
"wala daw tatalo =___="
"sige na, babawi nga ko sayo eh, bukas since half day tayo, alis tayo?" pag-aaya ko sa kanya.
"hmm pag-iisipan ko mga 2 seconds." pagbibiro niya.
"eh Labs naman eh." sabi ko sabay hawak sa kamay niya, well ganito talaga kami since birth, since nung di pa siya bakla were so close aakalain mo ngang kambal kami nitong loka lokang to eh kaya naman wag niyong bibigyan ng kulay ang pagiging close namin.
"sige na nga basta sa susunod ah wag mo na kong ipagpapalit, promise?" sabi niya saken
"promise." sagot ko, oh well masaya ko kasi at the end of the day bati na kami ni Labs, sayang yung kanina dapat pala pumayag ako nung inaya ako ni Clyde kaya lang ano, hmm. nga noh kung pumayag ako ok lang kasi nagpapanggap naman akong tomboy pangalawa wala akong gagawin mamaya. ay asar lang =____= SAYANG.
_______________________________________________________________________
VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro