
#1 LOVE AND GENDER
Bago sila makarating sa school eh may nakita itong si Nikka na nagtitinda ng dirty ice cream, oh well kahit mayaman din tong babaeng to hindi siya maarte di tulad ng iba, isa sa mga paborito niya ang dirty ice cream kaya naman hinila niya talaga si Lebie para naman makabili ito, habang si Lebie naman alam na kinikilig inside yan XD
"ice cream nga po.teka asan yung tindera?" sabi ni Nikka.
"yan ata chi?" sagot ni Lebie
"chocolate o vanilla?" sabi ng Tindera na napakaweirdo at take note bata ang nagtitinda. bigla itong sumulpot.
"ay bata ang cute :) mo naman " sabi ni Nikka.
"chocolate o vanilla?" pag-uulit ng bata sa kanyang tanong.
"both para masaya." sabi ni Nikka.
"sa buhay kelangan mong pumili, alin ang mas gusto mo Chocolate o Vanilla" inulit ulit ng bata ang tinanong niya.
"ang bata bata mo pa ang dami mo ng alam " sabi naman ni Lebie.
"tss naman kapag wala akong alam lalaki akong mangmang duh." sabi nung bata,
"ang kulit mo. sige na nga chocolate ang gusto ko." sabi ni Nikka tapos eh inabutan siya nito ng Chocolate ice cream.
"Darating ang puntong kelangan mong mamili sa buhay mo. at pag dumating yun piliin mo kung ano ang gusto mo kung sino ang gusto mo, wag mong susundin ang utak mo dahil baka magsisi ka at masabi mo sa sarili mo na hindi pala ko nagmahal, nag-isip lang ako." sabi ng bata.
"hai naku bata ang dami mo ng alam XDD" sabi ni Nikka tapos eh nauna siyang umalis aalis na din sana si Lebie ng may sinabi sa kanya ang batang sorbetera.
"mahirap magpanggap para sa taong mahal mo, pero minsan try to take risk na aminin sa kanya baka mamaya kung kelan ka na ready na aminin sa kanya eh huli ng lahat kasi di na pwede." tapos ay nginitian siya ng bata tapos eh umalis na, hahabulin sana siya ni Lebie kaya lang eh napaisip siya sa sinabi ng bata.
"HOY TOL HALIKA NA ! BAKA MALATE TAYO!" sigaw ni Nikka sa kanya na nasa tapat na ng gate ng school nila.
"ANDIYAN NA!!!" sigaw naman na pabalik ni Lebie.
Lebie's POV:
"mahirap, pero titiisin ko muna to kaya pa naman eh saka na pag hindi ko na talaga kaya, kung alam lang ng batang yun kung gaano kahirap magtake ng risk. pero may point siya sa sinabi niya. arrgghh!! nakakainis naman kasi tong si Nikka lagi nalang niyang ginugulo ang isip ko."
"HOI TULALA KA NA DIYAN!" pangugulat ni Nikka kay Lebie.
"ah naalala ko may kelangan pala kong kunin sa locker ko, sige mauna nako." sabay takbo ni Lebie at kumaway-kaway pa ito kay Nikka.
________________________________________________________________________
VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro