Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#0 LOVE AND GENDER.

Lebie's POV:

Helloo ako si Lebie De Monteverde, 16 years of age, gwapo, mayaman, matalino kaya lang nagmamahal kasi ko kaya ayun naging bobo, eto ako ngayon papunta sa bahay nila Nikko kuno. yep bakla ako, sa paningin ng taong mahal ko. hindi naman siguro masama ang magpanggap diba? lalo na kung yung taong yun talaga eh mahalaga sayo bakit ba ko naging ganito ito ang flashback.

5 years ago.

"Hey Nikka! " sigaw ni Lebie.

"Oh Labs!? bakit?" tanong naman ni Nikka.

"ah wala lang XD tara kain na tayo sa canteen." pag-aaya ni Lebie kay Nikka.

"akala ko naman kung ano na XD." sabi nito tapos eh kinuha ang kamay ni Lebie at hinawakan sabay hila papuntang Canteen. pumili sila ng makakain. at nang maupo sila sa isang table.

"Hey Labs! bakla ka daw?!" seryosong tanong ni Nikka nang walang anu-ano'y nabuga ni Lebie ang kanyang iniinom na Juice.

"sino namang may sabi sayo niyan?" tanong ni Lebie habang kinakagatan ang kanyang sandwich.

"luh edi syempre mga kaklase natin lagi mo daw kasi akong kasama tapos wala kang nagiging kaibigan na boy or tropa man lang." sabi ni Nikka.

"ano ba sa tingin mo?" tanong ni Lebie.

"tss bakla ka man ikaw pa rin naman bestfriend ko."

-END OF FLASHBACK

at dahil sa sinagot niyang yun, nagbago ang lahat. gusto kong mapalapit pa sa kanya kaya napagdesisyunan kong magpanggap na bading/syoke/beki/bading para naman sa kanya yun eh diba. ok lang na maglambing ako sa kanya kasi sa kanya walang malisya pero sakin? malamang meron mahal ko yun eh.

*Ding dong Ding dong*

"Andiyan na!" sigaw ni Nikko. oh yes siya ang dating Nikka na ngayon eh Nikko na daw, maging ang mga kaklase namin noon eh nagulat sa transformation niya pero don't worry nagpapanggap lang din siya tulad ko, but di gaya ko ako alam kong nagpapanggap lang siya, siya? hindi niya alam na nagpapanggap lang ako., bakit ba siya nagpapanggap? eto naman ang flashback para dun.

2 years ago nang may mambulabog sa buhay naming magbestfriend. isang transferee na ubod ng suplado at manhid si Clyde Oliver Lorenzo . first day palang eh nagustuhan na siya ni Nikka ko. kaya naman gumawa siya mali este ako ng paraang para mapansin siya nito,

"hey ano, uhm kasi, uhm. gusto kang makausap ni Nikka" sabi ko sa kanya ng nauutal duh ang hirap magpanggap na beki ako sa harap ibang tao noh alam mo naman sa panahon ngayon ang mga tao ay napakamapanghusga hindi naman nila ang buong istorya. habang kinakausap ko siya eh nasa likod ko lang naman si Nikka at nakikinig.

"Ano kasi.. uh,," hindi pa natatapos ni Nikka ang sentence niya eh nagsalita na agad si Clyde.

"i don't like girls like you." malamig na sabi nito, hindi na napigilan ni Nikka ko ang luha niya, tuloy tuloy itong pumatak sa magagandang mata niya. at dahil sa galit ko nasuntok ko ang mukha ni Clyde na siyang ikinagalit din saken ni Nikka. 

-END OF FLASHBACK

oh well ngayon bati na kami, at still magkaklase pa rin kaming tatlo.

"Tol tara na!" sabay akbay saken ni Nikko kuno, ayaw niya kasing tinatawag ko siyang Nikka eh para daw makatotohanan talaga ang pagpapanggap niya.

"ano ka ba di mo kailangang magpanggap pag kaharap mo ko" sabi ko sa kanya ng medyo malamig talagang boses.

"labs adik ka ba?! pano kung may makakita saten edi buking nako nun baliw ka ba? tsaka isa pa wag mo ng ulitin yung ganung boses mo mukha kang baliw, papaalala ko sayo beki ka hindi lalaki XD" sabay hagalpak nito sa kakatawa, maiinis sana ko eh, kaya lang hindi ko magawang magalit sa kanya as in nakakabwisit na siya everytime ipapaalala niya saken na bakla ako at hindi lalaki nabibwisit ako sa kanya pano ba naman kasi kung alam niya lang. kung alam niya lang sana. kaya lang hindi eh kaya wala din akong karapatang magalit.

"Kuyyaaaa !!! ateee!!!~~~" narinig kong sigaw mula sa isang sasakyan, naglalakad lang kasi ni Nikka kasi malapit lang ang bahay nila sa school at nung nilingon namin kung sino ang tumatawag samin nakita ko si Arrie na Kapatid ni Nikka..tapos eh bumaba ito at sumenyas driver na mauna na ito tapos eh lumapit sa amin.

"ilang beses ko bang sasabihin sayong ate ako ate!" sabi ko sa kanya baka mamaya maniwala sa kanya si Nikka eh.

"wutt kunwari pa kasi eh. wag kang feeling girl kasi hindi ka naman talaga bading eh." sabi ni Arrie saken.

"Arrie tama na yan, wag mo ng awaying yan ate mo." pagsasaway sa kanya ni Nikka ko.

"eh ate naman kasi." sabi ni Arrie bigla namang tinakpan ni Nikka ang bibig ni Arrie

"pshhh tumigil ka na nga malapit na tayo sa school maya niyan may makarinig sayo." bulng ni Nikka kay Arrie.

"psh sige na nga una nako! hai naku ang dami talagang mapagpanggap ngayon!" sabi ni Arrie sabay alis at tagus-tagusan sa  buto ko ang sinabi niya hindi ako naka-ilag sa pagpapatama niya.

___________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: