Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

The music was exceptionally loud, and different colors of lights were streaming all over the place. Normally, Kathryn wouldn't be bothered by her distracting surroundings. Naging regular na si Kathryn doon. Nowadays, the place served as her second home. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam pero sumasakit ang ulo niya sa maingay na paligid.

"Kass! Kassandra!"

"Ha?" Wala nang focus ang paningin ni Kathryn. Medyo nagiging blur na ang paligid niya.

"You want another bottle?"

Napatingin siya sa kasama niya. "Who are you?"

She laughed as an answer. "Kass, don't tell me you're already drunk?!"

"Sino ka nga?"

"Si Kiray ito, gaga!" Tumatawang sagot nito sa kanya. "And you know what? Those guys across our table have been eyeing you the whole time since we got here."

Napatingin siya sa mesa na katapat sa kanila. She just let out an exhausted laugh. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa kanya? She is Kassandra Benitez - one of the most beautiful and sought-after actresses in the country. Not that she's really bragging about it - well, maybe a little - but it's what the people of the country is branding her for.

"Come on, Kass. Puntahan natin sila," pang-eenganyo sa kanya ni Kiray.

She shook her head. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong patulan ang mga lalaking interesado sa kanya. Something about guys that are interested in her just turns her off.

"Well, kung ayaw mo, ako nalang ang lalapit sa kanila."

"Go ahead -"

Hindi na hinintay pa ni Kiray ang karugtong na sasabihin niya. Tumayo na agad ito at lumapit sa mga lalaking tingin nang tingin sa kanya.

She downed the remaining of her drink, and then decided to get up to dance. Pero hindi pa man siya nakalapit sa dance floor ay may pumigil na sa kanya.

"Hey! What the hell are you doing?"

The hands that had grip her was a strong one. Hindi agad siya nakawala sa hawak nito.

"Let go of me! Or I am gonna call my bodyguards!" She threatened.

"Kass, come on. You're drunk."

The voice belonged to a man and was familiar to her. "Tony?"

"Kass, you're drunk. We need to go home," pagpipilit nito.

"No! I want to stay here. Nag-eenjoy pa ako," pagtanggi niya.

Pero mukhang wala itong narinig dahil tuloy-tuloy lang ang paghila nito sa kanya palabas ng club. Hindi man lang ito nahirapan sa kabila ng pagpupumiglas niya.

"Tony, ano ba?! Sabi nang ayokong pang umuwi, eh! Nag-eenjoy pa nga ako!"

"Will you still enjoy it when you read the articles about you tomorrow? I'm sure not."

"Wala akong pakialam!! Let me be."

"Come on, Kass. Just... please. Let's go home." There was pleading in his voice. And something about it made her want to give in to it.

Napatango nalang siya dito. He gave her a small smile and then continued to pull her towards his car. Pero nagulat nalang siya nang bigla nalang itong huminto kaya ay nabunggo niya tuloy ang matigas na likuran nito. Kung hindi lang ito nakahawak sa kamay niya ay malamang ay natumba na siya sa sahig.

"Shit." She heard him muttered.

"What? Why?" She tiptoed to see what was happening.

And then she saw it. Several flashes of camera was already blurring her vision. Naging magulo na ang paligid at ang tanging naririnig niya ay ang sari-saring pagtawag ng pangalan niya. Humigpit din ang hawak ni Tony sa kamay niya at mas inilapit pa siya nito sa katawan nito. Unti-unting pinapalibutan na siya ng mga press na naghihintay sa kanya habang dahan-dahang iginigiya siya ni Tony patungong kotse nito.

"Kass! Kass!!"

"Kass, anong ginagawa mo sa club?"

"Kass, may rason ba kung bakit nagpapakalasing ka?"

"Kass, bakit hindi mo tinanggap ang project with Direk Cathy?"

"Kass, ikaw ba talaga ang rason kung bakit naghiwalay si Tony at si Nikka?"

"Kaya ba nagpakamatay si Nikka? Dahil sa iyo, Kass?"

Hindi na niya narinig pa ang ibang mga katanungang ibinato sa kanya dahil isinara na ni Tony ang pintuan ng sasakyan, saka ito nagmamadaling umikot papuntang driver's seat side para sumakay na rin. Nang nakapuwesto na ito ay humarurot na ito palayo sa club.

The whole ride was unpleasantly quiet. Alam niyang may gustong sabihin si Tony sa kanya, pero hindi ito nagsalita. Napabuntong-hininga nalang siya.

Tony Labrusca was closest to a bestfriend she could have in the show business industry. When she entered the entertainment industry, ito na ang naging kasa-kasama niya. Sabay kasi sila ni Tony na pumasok sa showbiz. Tony was also as famous as her. Naging sikat ito nang naging katambal nito si Nikka de Castro, ang ex-girlfriend nito. But when news broke out about his break-up with Nikka four months ago, parating pangalan niya ang nasasangkot dito. Kesyo siya daw ang third party at inagaw niya si Tony kay Nikka. Hindi naman din kasi mapagkakaila ang closeness nilang dalawa. It only gained a few negative issue on her part. Mas marami pa nga ang sumuporta sa kanya.

A few days after Nikka and Tony broke up, news about Nikka's suicide went viral all over the country. Nagsimula nang dumami ang bashers niya. Iyong mga sumusuporta niya noon ay kinamumuhian na siya ngayon. It gained a lot of bad criticism for her and Tony. Pero dahil sa magandang record niya sa trabaho, siya pa rin ang paboritong kunin ng mga producers at endorsees. Kaya kahit na halos negative issue na ang nakapaligid sa kanya, marami pa rin siyang projects. Iba naman ang nangyari kay Tony. Dahil nasanay na na mag-partners si Tony at si Nikka sa halos lahat ng projects nito, wala nang masyadong kumukuha kay Tony. And it costed him some of his projects, too.

"Antonio."

"Don't call me that."

Wala sa sariling napahagikhik siya. She knows he hates it when she calls him that.

"What? It's your real name."

Napatingin siya dito pero hindi ito nakatawa, o nakangiti man lang. He really was dead serious. So she stopped giggling and focused on the road. Maya-maya lang ay naramdaman niya ang kamay nitong nakahawak na sa kamay niya.

"Kass, I'm worried for you."

Napatingin uli siya dito. Hindi ito nakatingin sa kanya pero alam niyang malungkot ito.

"Gabi-gabi ka nalang nasa club. You've almost denied all the good projects offered to you. At iniiwasan mo na ako."

Wala sa sariling hinablot niya ang kamay galing dito. He was right. She was avoiding him.

"Is something wrong?"

Hindi niya sinagot ito. She just laid her head by the car window and shut her eyes. Ayaw niyang pag-usapan. Sumasakit ang dibdib niya.

"Is this about - "

"Just wake me up when we reach the house."

He heard him sigh.

"I'm sorry, Kass."

Hindi na siya sumagot at nagpahila na sa antok.

________

"Kassandra Benitez, ano na namang problema itong binibigay mo sa akin?"

Napabuntong-hininga siya. Masakit ang ulo niya dahil may hangover pa siya kagabi.

"What's your face doing in front of the newspaper early in the morning?"

Nagkibit-balikat nalang siya. Napapagod siyang patulan ang mood ng manager niya.

Inilapag nito sa harapan niya ang newspaper na naglalaman ng artikulo tungkol sa pagka-club niya kahapon. Nakita niya ang litrato nilang dalawa ni Tony. Nakatungo ang ulo niya at nakasandal sa likuran ni Tony habang hawak-hawak nito ang kamay niya. May nakalagay pa na caption sa ilalim ng litrato na nagsasabing sabay na umalis silang dalawa ni Tony ng club at sweet na sweet pa habang magkaholding-hands.

"So, ano ba? Totoo ba talaga iyong sa inyo ni Tony?"

Hindi niya sinagot ito. Bagkus ay napahiga siya sa inuupuang sofa ng sala niya.

"Are you still guilty about Nikka's death? Iniisip mo pa rin ba na ikaw ang dahilan kaya nagpakamatay si Nikka?"

"Oh, for God's sake!" nalang ang nasabi niya at napabalikwas ng bangon mula sa sofa at tumungo sa kitchen. Nadatnan niya doon ang butihing kasambahay niya na nagtitimpla ng kape.

"O, eto. Pampawala ng hang-over mo," anito pa na iniabot sa kanya ang tasa ng kape.

Matipid na ningitian niya ito. "Salamat po, manang."

"Huwag kang pa-stress sa trabaho. Nangangayayat ka na," naga-alala pang puna nito.

Ningitian nalang niya ang may-edad sa pagmamalalasakit nito. Ito na rin lang ang kasa-kasama niya sa bahay.

"You can tell me the truth, you know. Hindi iyong ganitong wala kang sinasabi sa akin," pagpapatuloy na litanya ng manager niya.

Nakasunod na rin pala ang ito sa kaniya sa kitchen.

Napabuntong-hininga na naman siya. "Can you just please stop already? Sumasakit lalo ang ulo ko sa iyo, eh."

"Eh, ano ba talaga ang nangyayari sa iyo, Kass? Hinayaan kita sa gusto mo na i-cancel iyong ibang engagements mo. Kasi ang sabi mo, hindi na kaya ng powers mo. Naiintindihan ko naman iyon, eh. I understand that you also need a break. Heck, ikaw ang isa sa mga hardworking na artista na kilala ko. Pero itong nagpupunta ka sa club gabi-gabi, ibang usapan na ito, Kass."

Dinala niya ang tasa ng kape at pumunta ng sala. Saka siya umupo ulit sa kinauupuan niya kanina lang at hinagod-hagod ng kamay ang init na nagmumula sa tasa ng kape. Tumabi naman ang manager niya sa kanya.

"Kath, ano ba talaga ang problema?"

Napatingin siya sa manager niya. "Alam mong wala nang tumatawag sa akin sa pangalan na iyan."

"Oo nga. But, it is your real name."

Oo, hindi Kassandra Benitez ang pangalan niya. It was Kathryn Bernardo. Iyon ang birthname niya. Pero walang kahit ni isa man sa showbiz ang nakakaalam doon. Kahit si Tony, hindi nakakaalam doon. Si Reina lang, ang manager niya.

"Kath, you can tell me what's wrong. Ano pa ba ang silbi ko bilang manager mo kung hindi mo man lang sasabihin sa akin kung ano ang problema mo?"

"Rein, can you keep a secret?" Tanong niya dito.

"Of course, Kath. You can tell me anything," sagot nito.

Baka kailangan na talaga niyang sabihin sa manager niya ang problema. Hindi na niya kayang itago pa ang sikretong bumabagabag ng sistema niya. Hindi niya alam kung anong kahihinatnan ng pagsabi niya dito sa totoo, pero sana makatulong ito para makatulog na rin siya ng mahimbing sa gabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro