Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologo




“Itigil na natin ‘to.” Halos mabingi ako nang marinig ko ang nakabibinging mga salitang iyon galing sa kaniya.

Para akong sinaksak ng kutsilyo direkta sa puso ko. Ang sakit. Umiwas ako ng tingin sa kaniya’t pinilit pang ngumiti.

“A-anong sinasabi mo riyan?” palusot kong tanong sa kaniya.

Nagkunwaring walang ideya sa sinasabi niya subalit seryoso lang siyang nakatingin sa akin at pakiramdam ko wala siyang balak bawiin ang sinabi niya kani-kanina lang.

“Nagugutom ka ba? Tara, kain tay—”

“Let’s break up,” aniya muli dahilan para mapalunok ako ng sarili kong laway.

Kung kanina parang sinaksak ako ng kutsilyo sa sakit, ngayon naman. . . para bang pinukpok ako ng maraming pako sa dibdib ko. Sa sobrang baon nito’y ramdam na ramdam ko ang bigat sa pakiramdam ko.

Bakit ba kasi ganito ang bungad niya sa ‘kin? Sa pagkakaalala ko, ayos naman kaming dalawa pero bakit nagkaganito siya bigla?

“Anong mayroon, bakit ba naging ganito ka? Kung may problema ka, puwede naman nating pag-usapan di—”

“No, Ly. We need it. I need us to break this relationship.” He insist.

“Then why! Bakit kailangan nating maghiwalay?”

“Kasi. . . kung ipagpapatuloy pa natin ito, masasaktan lang kita at ayaw kong mangyari iyon. Mabait ka sa ‘kin pero ako hindi. I’m sorry but we really need to—” paliwanag niya na kaagad ko namang pinutol.

“Sa tingin mo ba, hindi ako nasasaktan ngayon?” balik-tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Ramdam kong natahimik siya sa sinabi ko.

Hindi ko siya kayang tingnan dahil paniguradong babagsak lang ang mga tubig mula sa mata ko dahil sa sobrang sakit ng mga salitang binibitawan niya sa harapan ko.

“Iyan hirap sa iyo, eh. Nagdedesisyon ka para lang sa sarili mo. Paano ako? Naisip mo pa ba ako o ‘yung mararamdaman ko man lang bago ka magsalita nang ganito, ha?”

“H-hindi...” Mahinang usal niya. Iniwas niya ang paningin sa mukha ko. Ibinaling niya ang tingin niya sa bintanang nasa likod ko.

“See? Pinatunayan mo lang na ‘di ako.” I paused for a while as I realized what I've just said.

“Oo, alam ko. Hindi naman talaga naging ako, ‘di ba? Tanggap ko naman, e. Kaso. . . ang sakit, dito.” Pigil ang luhang saad ko bago iduro ang puso ko.

At sa wakas, nakaya ko na rin siyang tingnan sa mata subalit parang pinagsisihan ko pang tinitigan ko pa siya sa mukha niya.

Isang sampal sa akin ang makitang malamig ang mga mata niyang nakatingin sa gawi ko. Habang ako, nakikipaglaban pa sa mata kong halos maluha-luha na sa lahat ng naririnig ko mula sa kaniya.

“Hanggang dito na lang, tayo.” pagtatapos niya ng usapan namin at bago pa man siya makaalis ay hinawakan ko siya kaagad sa braso niya.

Huminto siya at muling tumingin sa akin. “No, you can’t do this to me Ai—”

“Yes I can, kasi ito ‘yong kailangan nating dalawa. We need to take a break.” sambit pa niya subalit ‘di ko inintindi ang bawat salitang binanggit niya.

Pakiramdam ko kasi, para akong sasabog anytime dahil sa sobrang emosyon ko na kanina ko pa tinatago sa kaniya. . . halu-halong emosyon na nga at hindi ko na alam kung alin sa mga iyon ang nangingibabaw.

Alam ko sa sarili kong nasasaktan ako ngayon ngunit ‘di ko ito gustong ipakita sa kaniya. He’s. . . not worth it.

“Pero hindi sapat na dahilan iyon para makipaghiwalay ka—” Sinubukan kong mangatwiran kaso parang pinagsisihan ko lang na nagsalita pa ako.

“And I. . . still love her, Ly.” tugon niya sa akin na tila ba’y balewala lang ang sinabi ko.

Kitang-kita ko kung paano kuminang ang dalawa niyang mata pagkatapos niyang aminin sa ‘kin iyon. Natigilan ako’t napaawang ang labi ko sa narinig ko. Umatras ako palayo sa kaniya at binitawan ang hinawakan kong braso niya.

Mahal...

Siya?

So the reason why he wants to break our relationship is because of that girl? Hindi ba’t iniwan na nga siya’t dinurog no’n, still doon niya pa rin gusto?

Sarkastiko akong ngumiti nang maipasok ko sa utak ko ang sinabi niya. Ano pa nga bang bago?

Loyal nga pala ‘to.

...sa babaeng pinakamamahal niya.

B-bakit?

Bakit ganiyan siya magmahal?

Gano’n ba ako kadaling bitawan at iwan na lang kung kailan niya gusto?

Hindi ba puwedeng, ako na lang?

Nahihirapan akong umintindi, pero isa lang alam ko. Ayaw ko siyang mawala sa akin. Ayoko pa. Huwag muna.

“Am I not good enough for you?” Wala sa sariling wika ko sa kaniya.

Napatingin siya sa akin habang ako, nakatitig sa kawalan. Ayaw ko siyang tingnan. Masyadong masakit. And through my peripheral vision, alam kong nakatitig lang siya sa ‘kin.

Hindi ko nga mahulaan kung nag-aalala ba siya o naawa sa kalagayan ko, e. Well, kung hindi niya ako trinato ng ganito e ‘di sana maayos ‘di ba? Kaso. . . kasalanan ko rin. Pinilit ko ‘yung sarili ko sa kaniya kahit alam kong may iba siya.

Sana. . . hindi na lang kita, nakilala.

At sa sandaling iyon, hindi ko na alam kung ang anong nararamdaman ko.

Gusto kong matawa sa sarili ko, kasi simula pa lang naman alam kong talo na ako. Gusto ko ring mainis sa sarili ko kasi kahit alam kong talo ako, tinuloy ko pa rin. Nagpanggap na para bang ako lang ang babae niya when in fact, may mas nauna pa naman talaga sa ‘kin.

Sinubukan ko. Sumugal ako sa taong wala namang kasiguraduhan. Nahulog ako sa alanganin.

At ang mas nakakaasar pa, umaasa pa ako na baka ako na ‘yung taong gusto niya at mas magugustuhan niya pa subalit, nagkamali ako.

Ilusiyon ko lang pala talaga ang lahat, isang maling akala kumbaga.

Sa sobrang pagka-assume ko, nasira ako. Nawasak at hindi ko alam kung paano ko ulit ito bubuoin. Ito ang unang pagkakataong may gumawa sa ‘kin ng ganito kasakit, at talagang sa kaniya ko pa naranasan?

Sa lahat ng first ko, siya ang may gawa at sobrang sakit para sa ‘kin ang pakawalan siya nang ganito pero...

Napahawak ako sa sintido ko nang maramdaman ko ang sobrang pananakit ng ulo ko.

A-anong nangyayari?

Ilang segundo lang ay bigla na lang ding nagdilim ang paningin ko’t naramdaman kong bumagsak na ako.

“Ly!”


Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas ng pagkatok ng ‘di ko mawaring tao mula sa pintuan ng kuwarto ko. Huminga ako nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili ko.

Guni-guni ko lang yata iyon.

Kunot-noong tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at doon ko naramdaman ang makahalong lungkot, sakit at bigat sa pakiramdam.

Ang nakakapagtaka, bakit sunud-sunod ang pagpatak nitong mga luha ko pababa sa pisngi ko?

And from there I knew, it was just all a dream. Tama, panaginip lang ito.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro