Kab. 9: School Garden
Santy's POV
Pagkatapak ko pa lang sa likod ng stage kung saan nag-perform sina Aidan ay literal na napanganga ako.
Nakangiti si Krish sa harapan ni Aidan, nag-uusap sila't hindi ko akalaing may makikita akong 'di kanais-nais na pangyayari.
Nakita ko lang naman kung paano lumapit si Krish kay Aidan para halikan ito. At si Aidan. . . niyakap niya pa si Krish habang naghahalikan sila.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Napako ako sa kinatatayuan ko na tipong hindi ko maigalaw itong buong katawan ko. Hindi ko alam kung paano ako mag-re-react o dapat ba akong mag-react sa nakita ko.
Saglit na napaawang ang labi ko. Nanliliit ang mga mata ko. Pakiramdam ko konting-konti na lang maiiyak na ako. Mabuti na lang dahil hindi sila nakatingin sa puwesto ko.
Marahan kong ginalaw ang pareho kong kamay saka dahan-dahang umatras gamit ang dalawa kong paa. Grabe, para akong namanhid bigla.
No'ng medyo malayo na ko sa backstage at pakiramdam ko ay kaya ko pang gumalaw ay kusang tumakbo na ang mga paa ko.
Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo o kung anong dahilan ng pagtakbo ko, kung saan ko balak pumunta. Hindi ko alam...
Ang tanging alam ko lang, masakit. Sobrang sakit.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa madapa ako pero tumakbo pa rin. Huminto lang ako noong na-realize kong nasa garden na ako ng school namin.
May mga iba't ibang bulaklak dito na talagang masarap sa mata. Hangin na galing pa sa mga matatabang puno na nakatanim sa paligid nito.
Huminto ako at patakbong lumakad sa isa sa mga pinakamatandang puno na nakatanim doon.
Doon ko hinayaan ang sarili ko na mag-breakdown. Hinayaan kong matumba ako sa punong iyon. Sumandal pa ako at medyo pumikit pa dahil sa araw na tinatabunan naman ng mga dahon ng puno.
Kahit na ang ganda ng tanawing makikita rito sa garden, hindi ko pa rin maiwasan na isipin 'yung nakita ko kanina.
Paulit-ulit na nag-re-replay sa utak ko 'yong paghalik ni Krish kay Aidan pati 'yung. . . pagyakap ni Aidan kay Krish habang naghahalikan sila.
B-bakit gano'n? Hang...
At dahil parang sirang plakang inulit-ulit ng utak ko ang halikan na 'yan nila Krish at Aidan ay hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi umiyak.
Akala ko makakaya kong itago 'to. Akala ko hindi ako masasaktan kasi crush ko lang siya, kasi hindi ko naman siya mahal. Akala ko makakaya kong maging ‘fan’ niya lang, pero hindi eh.
At itong puso na 'to, ewan ko ba. Nakakainis kasi siya pa rin ang gusto ko.
Ilang pruweba pa ba ang kailangan kong makita para layuan ko na si Aidan? Bakit ba gusto ko pa rin siya? Bakit ba gusto ko pa rin 'yung taong sinaktan na ko nang sobra-sobra?
Ang sakit-sakit na kasi. Bakit ba hindi p'wedeng sa iba na lang. Bakit kasi nahulog pa ko sa taong imposible kong makuha, sa taong mayroon ng iba?
Dahil sa nangyari, ang daming tanong na biglang nagsilabasan mula sa isip ko. Tanong na ako mismo hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung kailangan ko bang hanapin 'yung sagot o 'yong sasagot.
Ang bigat sa pakiramdam. Pakiramdam ko kulang pa 'tong pagluha ko. Pakiramdam ko hindi sapat na umiiyak lang ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit! Kaya hinampas ko ang dibdib ko. Nagbabaka-sakali na mawala 'tong sakit pero hindi kasi nandoon pa rin.
Para akong tinutusok ng maraming karayom sa sobrang sakit, hinahampas ng martilyo sa sobrang bigat. Hindi ko alam kung normal pa ba 'to.
Napahawak ako sa damit ko na katapat ng puso ko. I feel my heartbeat, slowing. Mahina siya pati 'yong pulso ko at hindi ko alam kung bakit.
Nanghihina ako subalit hindi 'to puwede. Hindi p'wedeng mahina ako. Kailangan kong maging okay. Si Aidan...
As long as he's happy, I must also be happy right? Dahil gano'n naman kapag fan ka 'di ba? Magiging okay ka na lang din kasi okay naman siya.
He's been my crush since then. He's been my idol since I started my highschool years. Maybe this is my line, my limit. Hanggang dito lang ako kaya dapat tanggap ko iyon. Now that I can see his happiness dapat maging masaya ako. . . kahit 'di na para sa sarili ko kung 'di para na rin sa kaniya.
So, dapat maging okay ako...
Hindi dapat ako nasasaktan. Hindi dapat ako umiiyak...
"Hays..." Huminga ako nang malalim. Umaasa na sana'y maging okay na ako.
Ilang oras pa muna ang pinalipas ko bago ko punasan ang mga luhang medyo natuyo na sa pisnge ko.
Pagkatapos kong umiyak at noong naramdaman kong medyo okay na ako ay pinagmasdan ko ang paligid ko.
Ang ganda ng garden. Sa sobrang ganda hindi dapat ko ito iniiyakan. Ewan ko ba bakit dito pa ako nagdrama, hahaha.
Makikita itong school garden sa likuran ng school building namin.
Siguro, kaya nila nilagay 'to rito ay dahil kung sa harapan ito ilagay ay baka masira lang 'yong ibang halaman kasi puro usok ng sasakyan ang parating nandoon sa main entrance which is harapan ng school namin.
Syempre, may mga tricycle roon na nagsisilbing service ng mga ilang juniors namin sa school, so in order to protect the plants ay inilipat nila ang mga ito sa likod ng school. And I can say na tama lang na nilagay nila ito rito. Medyo tago nga lang pero atlis safe.
Lumago naman nga halaman na nakatanim dito eh. Halatang right spot ito para sa mga tanim dito sa school.
Muli akong bumuntong-hininga. Pinakiramdaman ko rin 'yong hangin na binibigay ng mga puno.
This is so relaxing...
Ang sarap sa tainga 'yong tunog ng paghampas ng hangin sa mga dahon na nasa puno at mga halaman na nakatanim dito. Mas nakadagdag pa ng ganda nito ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak na nakatanim din dito.
Kung mahilig ka sa photography. Paniguradong magiging magandang spot ito para sa iyo.
Pinagmasdan ko pa 'tong paggalaw ng mga halaman at bulaklak. Habang pinagmamasdan ito, hindi ko maiwasan na mapangiti. Knowing na ang ganda ng paligid at totoong maaliwalas ay talagang nakakagaan sa pakiramdam.
Kaya siguro mabenta pa rin 'yong mga park na may mga garden kasi may ibang impact pa rin 'yung kalikasan sa 'gaya nating mga tao.
Totoo nga na sobrang nakatutulong 'tong environment natin. Mas lalo na sa emosyon na mayroon ang tao. Walang ginagawa 'yung mga puno, mga halaman at mga bulaklak sa akin pero tingnan mo, naging okay ako.
Hay nako. Kanina lang nagdradrama ako, ngayon nagiging environmentalist pa ko, hahaha.
Pagkatapos kong tumambay sa garden ng school namin ay dumeretso naman ako sa canteen. Syempre, nakakagutom ang maging tambay 'no!
Bumili lang ako ng dalawang sandwich isang tuna at ham and cheese at isang zesto orange bilang panulak.
Nasa daan na ako pabalik ng gymnasium ay napahinto ako sa paglalakad ko nang may biglang kumalabit sa akin.
Taka akong napalingon sa likuran ko at bahagyang nagulat dahil 'yong kumalabit sa 'kin ay nasa gilid ko lang pala.
Pinagtri-tripan ba ako nito?
Kunot-noo ko muna siyang tiningnan tsaka ako ngumiti sa kaniya.
"Ikaw pala Jay, hi!" bati ko sa kaniya bago ngumiti.
"Ay sorry ah? Kasi feeling close ako, hehe. Teka, I'm Tyrune Jayvie Jhilaro and you're Santy right?" Pormal na pagpapakilala niya na tinanong pa ako kung si Santy nga ako. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
"Yes, I'm Santy. Kilala kita ano ka ba." Natatawang sambit ko sa kaniya na tinawanan niya lang din.
Okay ang akward, wews.
"Ah, wala lang. Trip ko lang ipakilala 'tong sarili ko sa 'yo." Simpleng wika niya sa sinabi ko.
"Ay gano'n ba? Sige. Nice meeting you, Jayty." Nakangiting wika ko na inabot pa ang kamay ko na kaagad niya rin namang inabot at hindi niya rin agad binitawan ang handshake namin.
"Jayty? Cute ng tawag mo ah." Tila natutuwang response niya sa ginawa kong nickname sa kanya.
"Oo, kasi sabi mo you're Tyrune Jayvie so bakit hindi ko pagsamahin itong two names mo 'di ba?"
"Total, Jay naman ang tawag ng karamihan sa mga fans mo sa 'yo. . . so why not idagdag ko 'yung Ty na galing sa first name mo na Tyrune therefore, Jayty ang nagawa kong tawag sa 'yo. Ayos ba?" paliwanag ko sa kaniya. Tumango lang siya sa 'kin.
"Tho, puwede namang Tyjay na lang din pero kasi 'di mo naman ako kabanda, hahaha!"
"Naks, oo. Ayos lang naman 'yang Jayty mo, mas gusto ko nga eh. Hindi nga lang ako na-inform na mahaba ka magpaliwanag, pfft." Natatawang komento niya sa nasabi ko kaya ito, natawa na rin ako.
"Ah gano'n ba? Sorry na. Nasanay lang," usal ko.
"Okay lang. I like girls who have their own intelligence naman." Medyo nag-alinlangan akong tumawa no'ng narinig ko 'to mula sa kaniya.
Para kasi siyang may gustong sabihin eh.
Ang weird lang kasi kilala ko siya as bandmates nila Aidan and I don't know kung may intensyon ba siyang ipakilala 'yung sarili niya sa 'kin o ano.
"By the way. Saan ka pala papunta?" tanong niya na nagpa-realize sa 'kin na kailangan ko ng magpakita kila Mxy, Miya at Charl.
"Babalik na ko sa gym. Nandoon mga kaibigan ko e," dahilan ko.
"Ah gano'n ba? Ahm. May sasabihin sana ako sa iyo e kaso saka na lang, hahaha. Sige, balik ka na." aniya na ikinataka ko.
Nagsalubong ang dalawa kong kilay no'ng bigla siyang umalis. Patakbo siyang pumunta sa iba pa nilang kasama sa banda na nasa loob ng canteen.
Anong trip no'n?
Hanggang sa gym napaisip ako sa gustong sabihin ni Jayty sa 'kin.
Pero hindi ko hinayaan na hanggang sa bahay ay maging palaisipan pa rin 'yung sinabing iyon ni Jayty. Ngunit 'di ko maalis na maghinala at maghula. Baka may pinapasabi si Aidan? Meron nga ba?
Nako self. Kung mayroon man. . . ano ngayon? Hay nako, walang kadala-dala si ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro