Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kab. 8: Cultural Show

Santy's POV



Hindi pa man tumutunog 'tong alarm clock ko sa mini table na katabi lang ng kamang hinihigaan ko ay kusa na akong bumangon.

Sinadya ko talagang maaga gumising ngayon dahil Lunes na naman at may pasok na ulit kami plus! Excited na rin ako sa mga ganap mamaya.

Bakit naman ako excited?

Makikita ko lang naman si crush na tumugtog ulit at dahil d'yan mas ginaganahan akong pumasok sa school.

Time check: 4:45am
—brought to you by my stitch alarm clock.

At dahil medyo maaga pa hindi na muna ako naligo agad. Namuni-muni na muna ako bago ako nagbanyo para magsepilyo tsaka syempre maligo na rin.

Habang naliligo syempre ginawa ko pa rin 'yong kinagawian ko ng gawin sa banyo, which is gawin itong mini concert stage para sa mahiyahing singer na 'gaya ko.

“Meron pa kayang tulad mo...” Sinabayan ko ang unang linya ng kanta.

‘...na merong mga matang katulad sa 'yo, sa bawat tingin tila ba nagsasabing, mananatili hanggang sa huli.’

Dahan-dahan kong binuksan ang shower saka nagtatatalon dahil sa lamig ng tubig. Ito hirap kapag pang-umaga eh! Nakalimutan kong magpakulo muna ng tubig, sheez.

‘Meron pa kayang tulad mo...’

"Ang lamig talaga, potek!" Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang sabong nasa isang maliit basket na nakalagay sa pabilog na lababong nasa baba lang din nitong hose ng shower.

‘...na merong mga kamay na tulad sa 'yo. Sa tuwing hawak na'y 'di na nangangamba, kailanma'y hindi na mag-iisa.’

Pinatay ko muna 'yong shower saka kumuha ng panghilod, sinabunan ko 'yon saka kinuskos sa buong katawan ko.

‘Puwede ko ba na malaman, sa'n ba matatagpuan.’

“Meron pa bang. . . isa pang ikaw. Sa'n hahanapin, sabihin sa akin.” Birit ko sa kanta habang nagsasabon ng katawan ko.

‘Kung meron pa bang, isa pang ikaw.’

‘Ngayon na wala ka na, nagtatanong ang puso...’

‘Meron kaya, meron pa bang tulad mo.’

Habang naliligo't nakikinig sa kanta na nanggagaling sa cellphone ko, may bigla tuloy pumasok sa isip ko.

Kung totoo man na taken na talaga si crush may katulad pa kaya siya? Kasi kung meron doon na lang ako. . . joke, hehe. Hindi ko nga alam kung kaya ko ba siyang ipagpalit e, wews.

Inalis ko sa isipan ko ang kakornihan na 'yan. Ibinaling ko na lang sa pagbibihis 'yung isip ko and yes, tapos na po ako maligo hahaha!

Binuksan ko ang isang kulay puting aparador na nakapuwesto sa tapat ng kama ko, kinuha ang uniporme ko na nakasampay lang sa loob nito.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa kusina para kumain, sakto naman 'yung pagpunta ko kasi nakahain na 'yung mga pagkaing niluto ni Mama.

"Good morning, Rhien ko!" Masiglang bungad ni Mama nang makita niya ako dahilan para ngumiti ako sa kaniya.

Lumapit ako kay Mama saka ako yumakap, "Good morning, Ma..." Malambing kong bati sa kaniya.

"Aww. Sweet naman ng Rhien ko. Sige na, kumain ka na." Nakangiting aniya saka humalik sa noo ko.

Umupo na ako sa silya ko saka hinintay si Mama na kumuha ng plato at kutsara't tinidor para sa akin.

Suwerte ko sa nanay ko, legit. Ang laki ko na pero pinagsisilbihan niya pa rin kami, syempre hindi lang ako kasi kahit sila bunso tsaka si kuya todo alaga siya, asikasung-asikaso niya kaming lahat pati na rin si Dada.

"Eat well, bebe. Mamaya pa raw si Kuya mo papasok kaya ihahatid kita sa school mo ngayon," wika ni Mama na umupo pa sa katabi kong silya.

"Sige po," tugon ko bago ngumiti ulit at nagsimula na nga akong kumain.

Pagkatapos kumain, hinatid nga ako ni Mama sa school then pagkahatid niya sa 'kin kaagad naman akong pumunta sa tambayan namin nila Charl and yes po! May tambayan kami, hahaha.

May mga waiting shed kasi na nakapalibot sa quadtriangle ng school namin at isa roon ang tambayan namin.

Nag-decide kasi kaming maghintayan nila Mxy, Miya and Charl para sabay-sabay kaming papasok sa classroom namin. Ngayon lang namin sisimulan 'tong hintayan na 'to kasi alam niyo na, palagi kasi akong late hehe.

Isa pa, may pa-rules na sila Mxyanne sa 'kin na kapag 10 mins before ng start of the class eh wala pa ko. . . iiwanan daw nila ako kaya ito, nagmamadali na kong puntahan sila.

Patakbo kong pinuntahan 'yung waiting shed na malapit sa canteen namin, kinawayan naman ako ni boybessy no'ng na-realize niyang ako 'yung papalapit sa puwesto nila.

Oh 'di ba? Mas nauna pa si Charl sa 'kin, ako na lang talaga hinihintay nila. Partida ang aga ko na magising nito, ah! Wews.

"Hays. Mabuti naman hindi tayo late ngayon." Salubong ni Mxy sa 'kin na nginitian ko lang.

"Well," bungad ko na proud pa kasi sakto lang 'yung pasok ko. Maaga pa nga, actually.

"Sus. Malamang kaya maaga 'tong Sandy na 'to kasi nabalitaan niyang tutugtog na ulit si Aidan niya," parinig ni Miya na tinawanan nilang dalawa ni Mxy.

Itong dalawang 'to talaga, oo.

"Hindi ah!" Deny ko sa pagpaparinig nila. Kahit na sa loob-loob ko'y totoo naman, hahaha.

"Weh?!" Sabay na sambit nila Mxy at Miya.

"Hay nako! Oo na lang," naisagot ko na lang sa kanila saka bumaling sa tahimik kong boybessy na nasa tabi ko lang.

Napansin ko lang kasi, habang nagdadaldal kaming tatlo eh hindi ko naririnig na sumasali sa usapan itong si Charl kaya binaling ko sa kaniya 'yung topic.

"Ay, bakit ang tahimik ng boybes ko?" tanong ko sa dalawang babae pero imbis na sagutin nila ako ay nagkibit-balikat lang sila pareho, kaya tiningnan ko si Charl.

"Wushu, bakit ang tahimik natin?" baling ko sa kaniya, siniko ko pa siya para mapansin niya ako.

"I don't know your topic, kaya paano ako sasabat?" Simpleng reply ni Charl.

"Sus, wala ba talaga ideya?" parinig ni Mxy kaya napatingin ako sa kaniya. Sumipol naman si Miya sa narinig na banat ni Mxy. Taka kong tinginan silang tatlo.

Walang ideya saan? Tungkol ba sa banda o kay Aidan?

"Kayo ha. Ano bang nakain niyo't hindi kayo nag-iimikan sa isa't isa?" Takang tanong ko sa kanilang tatlo pero walang sumagot.

"Alam mo Santy, ang ingay mo. Ma-la-late tayo sa ginagawa mo. Tara na," yaya ni Miya bago niya ako hinila, nauna kaming maglakad kaysa ro'n sa dalawa.

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong sumunod sa 'min sila Charl at Mxy. May something kaya sa dalawang 'to?

Habang naglalakad kami papasok ng classroom namin ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ma-curious sa kung anong nangyayari sa tatlong 'to.

"Ikaw nga Miya, magtapat ka nga sa 'kin. Ano bang meron?" bulong ko kay Miya. Ngumiwi naman siya sa narinig mula sa 'kin.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita, "Mamaya pa raw tutugtog sila Aidan at hindi pa raw sure kung makakapag-perform sila ng maayos." Automatik na napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman daw?" Nag-aalalang tanong ko.

"Maysakit si Aidan ngayon. Hindi namin alam kung anong sakit niya, siguro nilagnat." paliwanag ni Miya sa 'kin na nagdala ng pag-aalala sa puso ko.

Lagnat? Saan naman niya makukuha 'yun eh hindi naman umulan kahapon? Paano nagkasakit si Aidan? Okay lang kaya siya? Hayst.

"Eh si Charl bakit tahimik, inaway ninyo 'no?" tanong ko ulit kay Miya.

"Ewan. Siguro na-o-op talaga o baka..." pambibitin niya kaya napaawang ng konti ang labi ko.

"Baka ano?" Kunot-noo kong tanong.

"Nagseselos?" Natawa ako bigla sa sinabi ni Miya.

"Paano siya magseselos? Hindi naman niya ako gusto, hahaha! Inaway pa nga niya ako no'ng bumisita siya sa bahay." depensa ko sa sinabi ni Miya, tumango lang siya sa 'kin.

"Nice naman. Bestfriend talaga, napunta pa sa bahay nila oh," biro pa niya na tinawanan ko lang.

"Mahilig talaga siya sa surprise visit kaya 'di na bago sa 'kin. Isa pa, imposible 'yang sinasabi mong selos-selos na 'yan, hahaha!" Dadag kuwento ko pa sa kaniya.

"Eh sa hindi ko alam, hula ko lang kaya 'yon, duh! Pero malay natin 'di ba?" komento niya na tinawanan ko lang uli.

"Itigil mo na 'yan, pfft." Pigil ang tawang saad ko sa kaniya.

Nang matunton na namin itong classroom ay nagsunud-sunod kaming apat na pumasok. Mabuti na lang wala pang teacher. Atlis, hindi ako late kasi 'yung teacher namin ang late hahaha!

At habang papasok kami ay naririnig ko na 'yong main topic na pinag-uusapan ngayon ng mga kaklase namin.


“May klase pa ba? Hindi ba may Culminating ngayon?”

“Oo nga, alam ko meron eh.”

“Hindi ko sure kung may klase pa us pero sana wala, hahaha!”

“Mamaya pa naman simula no'ng Culminating Activity sa baba.”

“Saan ba raw gaganapin?”

“Sa ground, sa loob ng gymnasium.”

“Ayiee. Excited na kong mapanood si Tyjay ko!” Waring kinikilig pang sambit ng isang gay na kaklase ko.


Umupo na ako sa upuan ko saka ko tinutok sa bintana 'tong paningin ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti sa mga pinagsasabi nila. Siguro dahil, nangibabaw na naman 'tong excitement sa puso ko na mapapanood ko ulit na tumugtog itong buong banda nila Aidan pero. . . naroon pa rin 'yung pakiramdam na nag-aalala ako sa kung ano na bang kalagayan niya ngayon.

Itong balita kasi ni Miya eh, hayan tuloy kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit pero kanina pa 'to.

Sa totoo lang, kaya ako maaga gumising kanina ay dahil kinakabahan nga talaga ako. Alam mo 'yung feeling na kinakabahan ka kasi may hindi magandang mangyayari? Basta iyon 'yung na-fe-feel ko kanina pa, kaya inisip ko na lang na dapat ma-excite lang ako kasi nga tutugtog na ulit itong SurePluz Band, hindi dapat ako kabahan kasi okay naman si Aidan.

Sana talaga, ayos lang siya.

"Hoy Santy! Kanina ka pa tulala, baba na raw tayo!" sigaw ni Miya sa 'kin.

"Ha?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya.

"Ano 'yan, 'te? Mamaya ka na mag-daydream. Puntahan na natin bebe mo. Tara na!"

Nagmamadaling niyaya ako ni Miya kaya ito, mabilis akong napahalungkat sa berde kong bag para kunin itong cellphone ko at wallet, nilagay iyon sa magkabilang bulsa ko. Daglian naman akong hinila ni Miya palabas ng classroom namin.

Doon ko lang na-realize na kanina pa pala nagpapababa 'yong SSC namin para sa culminating activity na gaganapin ngayon dito sa school namin at nasa labas na pala ng classroom sila Mxy at Charl. What the...

So ako na lang pala ulit itong hinintay nila?

"Arat na!" Nakangiting salubong sa 'min ni Mxy, dahilan para ngitian ko silang tatlo.

"Lokaret ka! Mas excited ka pa sa tunay na fangirl ah," parinig ko sa kaniya na nginisian niya lang.

"Na-miss ko lang talaga na makita silang mag-perform hihiz," aniya na tinawanan ko.

Sabay-sabay na nga kaming apat na bumaba at nagpunta ng gym.

Pagpasok namin sa gymnasium. Syempre. . . ang init! At mas lalo pang uminit kasi ang daming tao, legit na siksikan talaga. Nagsimula na 'yung Culminating Activity ng school namin. Nakita kong may nagsasayaw na ng tinikling sa stage.

Humanap kami ng magandang puwesto sa unahan at kahit maraming tao nakakuha pa rin kami ng magandang puwesto. Sa bandang unahan kami umupo, sa gitnang part kung saan kitang-kita mo ang kabuuan ng stage.

"Ang init talaga," reklamo ni Miya pagkaupo namin.

"Malamang Pinas 'to e," banat ni Mxy sa kaniya.

"Oo nga," gatong ni Charl kaya tumawa ako sa kanila.

Halos dalawang oras pa ang lumipas bago lumabas sa stage ang SurePluz Band. At dahil famous nga sila sa school. Rinig na rinig ang tilian ng mga babae at ng mga binabae noong lumabas sila nang tuluyan upang tumugtog na.

Napangiti ako dahil unang nagpakita sa kanila si Aidan, sabi na eh! Ayos lang siya, okay lang siya. Tingnan mo oh, tutugtog siya ngayon kasama ng mga kabanda niya.

"Good afternoon, guys! We are now going to perform the opm hits na alam naming makaka-relate kayo and now, I'm going to ask you all. . . Are you ready!?" Masiglang pag-eenganyo ni Aidan sa mga manunuod.

Isang malakas na tilian, tambol ng drums at hiyawan ang ibinigay sa kanila ng mga tao, especially the fans like me. May ilan pang nagtatawag ng mga pangalan nila, isa-isa. Habang ako naman, nakatitig lang kay Aidan.

Sumisigaw rin naman ako pero more on titig talaga ako kapag mga ganitong may performances sila.

Mas lalo nga akong na-fa-fall kapag nakatingin lang ako sa kaniya. Kung paano niya hawakan 'yung gitara niya, paano niya ito tugtugin at kung paano niya nailalabas 'yung mga ngiti niya sa tuwing tumutugtog sila. Gusto ko lang talaga siyang panoorin, period.

*Instrumental*

“Ginawa ko naman lahat, sumugal ako kahit alam kong talo.” Si Rijo ang unang kumanta. Syempre ang daming sumigaw, lead vocalist eh.

“Iginugol ko, lahat ng oras ko sa ‘yo. Para maramdaman mo lang na. . . gan’yan kita kamahal,” boses pa rin ni Rijo.

“Pero parang, wala lang sa ‘yo ang lahat. . . ng mga paghihirap ko.” Sumunod na kumanta si Tyjay, same with Rijo ang daming tilian sa paligid.

“Sana’y ‘di na lang, kita nakilala. Sana’y ‘di na lang kita nakasama, sinaktan mo lang ako...” Literal na nag-slow motion ang paligid ko. Is this real? Kumakanta na talaga si Aidan?

Sandaling tumahimik ang buong paligid. Kagaya ko ay marami rin ang mga nagulat, hindi makapaniwala kaya 'di nakapag-react kaagad.

“Sana’y ‘di na lang kita, minahal.” Mas lumakas pa ang hiyawan dahil sa huling kanta ni Aidan.

A-ang. . . bilis ng tibok ng puso ko, para akong aatakihin anumang oras. Ang lungkot ng kanta, pati 'yong boses niya pero bakit kinikilig ako nang ganito? Susmeyo ka Aidan, bakit ka ganiyan!?

“Di na sana nagising, sa magandang panaginip kung madaratnan ko lang ang. . . umagang kay sakit,” Si Rijo na ulit ang kumanta.

‘Di sana niyakap. . . ang kunwari mong pagtingin...’

‘Para ‘di na ako nasugatan, sa ginawa mong patalim.’

Ngayon, kumalma na ang mga tao. Sinubukan na lang ng ilan na buksan ang kanilang mga flashlight mula sa mga cellphone nila, winagayway iyon sa hangin. Syempre, ginaya namin 'yon.

Para tuloy kaming mga sira, sinubukan naming gumawa ng white lights kahit tirik na tirik pa ang araw dito sa gym.

Sa chorus na part ng kanta, si Aidan pa rin ang kumanta at sobrang galing lang kasi nahati-hati nilang tatlo 'yon. Iyong dalawang babae na kasama nila, nakangiti lang sa kanilang tatlo at hinahayaan na kantahin 'yong mga linya nila.

“Pero parang ayos lang sa ‘yo, ang lahat. . . kahit na ako’y sugatan.” Huminto sa pagkanta si Rijo kaya nagpalakpakan ang mga tao pero nagulat kami kasi biglang nag-spoken word itong si Tyjay and I was like, wow.

Sa pinaka-ending, sabay-sabay silang tatlo sa chorus at aminado akong ramdam na ramdam ko 'yong pain ng kantang kinanta nila. Ewan ko ba, pero kuhang-kuha ko kung anong gustong iparating ng kantang 'yon.

Hindi naman siguro sila mga broken 'no?

Habang nakatitig ako kay Aidan. Napapansin kong tumitingin siya kay Krish. And I was like, ‘ah oo nga pala, may girlfriend na siya’.

Ang sakit, mukhang para sa 'kin 'yong kanta ah. Ako pala 'tong broken dito...

Binalewala ko na lang 'yong napansin ko. Binaling ko na lang ang tingin ko sa gitarang hawak niya. Saying to myself na ‘okay lang 'yan’. Forcing myself to smile.

Well. This is how I comfort myself and I hate the fact na, gusto ko pa rin siya kahit may girlfriend na siya.

Anyways. Marami pa silang tinutugtog. Kinanta rin nila 'yong mga kantang IV of spades, I belong to the zoo, Callalily tsaka 'yong sa Dec Ave. Tapos may dalawang kanta ng parokya ni edgar pa silang kinanta nakalimutan ko lang kung anong title, basta 'yun. Pagkatapos ng performance nila, as usual nagpalakpakan ang mga tao.

Nakasunod pa rin ang tingin ko kay Aidan hanggang sa pag-exit nila sa stage. I saw how happy he is habang katabi niya si Krish. At ewan ko kung bakit ang lakas ng loob kong sundan sila sa backstage.

Nakita kong nagtaka sina Mxy, Miya at Charl sa ginawa kong biglaang pag-alis sa kinauupuan ko pero mamaya na ko magpapaliwanag sa kanila.

Mayroong parte sa 'kin na gustung-gusto kong kausapin si Aidan, just want to make sure kung maysakit ba siya or what o kung kumusta ba siya. Hay ewan.

Oo na, ang OA ko banda rito pero masisi mo ba ko? I'm curious at sobrang nag-aalala ako. Feeling close na kung feeling close pero gusto ko siyang tanungin mismo.

So iyon na nga, tinuloy ko ang paglalakad ko papunta sa backstage at hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Krish and A-aidan, just...

















☜☆☞
©Bandang Lapis // Sana'y 'di na lang.
©Justin Vasquez \\ Isa pang ikaw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro