Kab. 7: Simpleness
Santy's POV
Sabado ngayon at walang pasok sa school. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasan na hindi alalahanin 'yong mga nangyari nitong nakaraang linggo.
Nakahilata pa rin ako sa kama ko at hindi ko alam kung babangon ba ako o hindi.
Saglit akong humikab. Matamlay kong inabot ang cellphone ko na nakalagay sa lamesa na katabi lamang ng kamang hinihigaan ko. Bumaliktad ako sa kama saka binuksan 'yung phone ko.
12:00pm. . .!?
Daglian akong napaupo sa kama ko no'ng na-realize kong tanghalian na pala, pero wala pang isang minuto'y humiga ako ulit. Syempre tamad akong Santy, hahahaha!
Pero seryoso? Mukhang napasarap yata 'tong pagtulog ko kaya hindi ko namalayan na late na ko nagising, pakiramdam ko nga kulang pa 'yung tulog ko. Inaantok pa kasi ako o baka naman kasi naging antukin na ako? Nevermind.
Si Aidan kasi eh! Nagparamdam na naman sa panaginip ko. Wews.
Ang sabi nila, may meaning daw 'yon. Miss ka raw ng tao kapag bigla mo siya napanaginipan. Totoo kaya 'yun? Eh 'di palagi akong nami-miss ni Aidan kasi palagi siyang nasa panaginip ko eh—omo.
At dahil sa hindi ako mapakali sa kama ay nagdesisyon na rin akong bumangon na saka pumunta sa banyo para magmumug at syempre mag-toothbrush na rin.
Pagkatapos magsepilyo't maghilamos ay kinuha ko muna ang cellphone ko na iniwan ko lang sa kama ko tsaka ako nagpunta sa sala namin sa baba ng bahay namin. Naabutan ko naman doon na nanonood ng spongebob sina bunso at Kuya.
Napangiti ako nang ma-realize kong pareho pala nilang gusto si Spongebob kaya malamang papanoorin nila ng sabay 'yong cartoon na 'yan.
Dumeretso na lang ako sa kusina saka naghanap ng makakain. Nagugutom na kasi ako.
Binuksan ko ang cellphone na hawak ko, in-open ang data para makapag-online. Pumunta muna ako sa app na chrome at doon na ko nagbukas ng facebook account ko.
Laking gulat ko kasi nangunguna sa ‘people you may know’ itong pangalan ni Aidan. Shemz. Add friend ko ba?
Nah. Huwag tayong marupok, self.
Hindi ko nga siya in-add, nag-stalk naman ako. Pinalitan ko 'tong nakalagay sa free facebook na ‘use data to see photos’.
Pumunta ako sa photos ni crush. Tamang tingin lang ng mga litrato niyang naka-post sa facebook niya at nangangarap na, sana balang araw maging close kami.
Habang tumitingin ng mga pictures niya na nasa mismong fb account niya. Napahinto ako sa isang photo na hindi ko aakalain na makikita ko.
It's a picture of Aidan and Krish holding their hands na naka-wacky pose pa 'yong isa pa nilang kamay na hindi hawak ng isa't isa.
At ang nakalagay pa sa caption ng photo na iyon ay, ‘It's officially. She's mine already.’ with matching over 100 emoji pa 'yon at syempre heart emoji rin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko o kung paano ba dapat ako mag-react. Tinitigan ko lang ang picture na 'yon at nakita kong ang genuine no'ng smile ni Aidan at si Krish? Bakas 'yung kilig sa mukha niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha nilang dalawa ro'n sa picture.
Dapat ba akong masaktan sa mga ganitong bagay? Hindi naman 'di ba? Eh, bakit ang sakit?
Napatigil lang ako sa pag-scroll ng mga pictures no'ng bigla may tumawag ng pangalan ko mula sa labas ng gate ng bahay namin.
Sa unang beses ng pagtawag sa pangalan ko ay hindi muna ako gumalaw sa kinalalagyan ko dahil baka trip lang 'yon kaya kinompirma ko muna.
At sa pangalawang beses na may tumawag sa pangalan ko ay bahagya na kong sumilip sa bintana namin. Pareho pang tumingin 'yung dalawa kong kapatid na lalaki sa 'kin.
Taka akong napatingin sa may gate nang mapagtanto ko kung sinong tumatawag sa 'kin at may isang tanong lang naman ang biglang may nag-pop up sa utak ko.
Bakit nandito 'yan?
"Rhien, bingi ka ba? Kanina pa may tumatawag sa 'yo sa labas." Tila seryosong wika ni Kuya sa akin. Naiinis yata kasi istorbo ako sa panonood nila ni bunso.
Kaya para hindi na tuluyang mapikon itong si kuya ko sa 'kin lumabas na ako para makita 'yong taong tumatawag sa maganda kong pangalan.
"Santy!" sigaw pa uli nito kaya medyo binilisan ko ang paglalakad ko para pagbuksan ng gate si boybessy.
Oo guys, impatient talaga 'to at siya lang naman itong biglang naninira ng doorbell namin. Ang buwisita hahaha, chos.
"Saglit nga! Atat na atat makapasok sa bahay ah. . . at sinong may sabing pumunta ka rito, aber?" bungad ko sa kaniya pagkabukas ko ng gate.
Marahan akong napalayo sa kaniya nang bigla niyang hinarap sa 'kin itong cellphone niyang—taray apple ha. Binasa ko 'yong chat na pinakita niya gamit itong cellphone niya na ngayo'y nakaharap sa tapat mismo ng mukha ko.
Oh teka, si Mama 'to ah?
Susubukan ko sanang i-scroll pababa 'yong chat nila kaso bigla na niyang binawi itong cellphone niya kaya. . . kaagad akong sumimangot kasi nga, hindi ako nakapag-backread! Sayang.
Curious na nga ako kung anong mga pinagsasabi ni Mama sa kaniya.
"Oh. Bakit ayaw mo ipabasa convo ninyo ni Mama? Eh, Mama ko naman 'yan." Kunot-noong tanong ko na nakabusangot pa rin ang mukha.
"May sikreto kaming malupit ng mama mo." Awtomatikong nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.
"Secret?!" bulalas ko. Ngumisi naman siya sa naging reaksyon ko.
"Ano 'yon? Hoy ikaw ah, may mga pinagsasabi ka kay Mama 'no? Ikaw 'ata nagsusumbong sa kaniya eh!" bintang ko na direktang tumingin pa sa kaniya. Tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Chill. I don't do that. You know me, Santy." aniya na para bang sigurado siyang kilala ko siya.
Well kilala ko nga siya, hahaha.
Binibiro ko lang naman. Malay natin baka sabihin niya 'yung sikreto nila ni Mama.
Ano ba kasi iyon?
Tiningnan ko lang siya nang masama. Iyong tipong kapag-hindi-ka-umamin-F.O-na-tayo look pero walang epekto kasi tinawanan niya lang ako. Napabuntong-hininga ako.
"By the way, nandyan ba si Tita Sany?" pang-iiba niya ng usapan.
"Wala. Pumasok na siya sa work niya, kanina lang." sagot ko bago sinirado ang gate namin.
"So, sinong nandyan sa loob ng bahay niyo?" dagdag tanong niya pa.
"Sila kuya tsaka bunso." Maikli kong tugon saka naunang lumakad papasok ng bahay namin.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay. Parehong tiningnan ng mga kapatid ko 'yong kasama ko at noong nalaman nilang si Charl itong kasa-kasama ko eh si Kuya lang 'yung ngumiti. Ngumiti rin si Charl bilang ganti sa ginawa ni Kuya sa kaniya.
Ewan ko nga bakit nginitian ni kuya si Charl. May lihim din yata 'tong dalawa, ahm.
Si bunso naman, parang walang pakialam, binalik niya lang ulit ang tingin niya sa TV at dahil nakapokus ako sa bunso namin ay hindi ko namalayan na kinuha na ni Kuya si Charl. Sumunod na lang ako sa kanila.
"Oy Carl! Long time no see, bro! Halika, upo ka." Masiglang bati ni Kuya kay Charl bago niya ito pinaupo sa tabi niya.
Syempre kung boy bestfriend ko siya, mas mag-bestfriend pa silang dalawa ni Kuya ko. Kahit na sabihin nating magkababata kami, still boys are boys.
Iba pa rin kapag magkatropang lalaki at nakakatuwang isipin na pa hanggang ngayon, ganito pa rin samahan nila kahit na nawala si Charl sa 'min ng ilang taon.
Hinayaan ko na lang sila Kuya at Charl na mag-usap doon sa salas habang nanonood sila sa Yey channel.
Pumunta na ako sa kusina saka naghanap ng puwedeng ipang-alok na pagkain sa bwisita kong friend, chos hahaha.
No'ng may makita akong nestea sa ref namin ay kinuha ko ito saka tinimpla sa pitsel namin na babasagin.
Pagkatapos magtimpla ay kumuha ako ng tatlong puting baso na babasagin pa rin saka nagpunta sa salas kung nasaan nakaupo sina bunso, kuya at si boybes.
"Ito lang kaya kong inalok sa 'yo Charl, kaya 'wag kang magrereklamo riyan." May halong kamalditahan 'yung tono ng boses ko habang nilalagay ko 'tong pitsel tsaka baso sa lamesa.
"Grabe pala kapatid mo mag-serve sa bisita ninyo, nagmamaldita. Tsk. Tsk. Kaka-turn off tuloy." parinig ni Charl sa akin habang nakatingin siya kay Kuya. Si Kuya naman nakangisi lang.
Halatang gusto akong pagtripan ng mga 'to.
"Anong pinagsasabi mo?" Taas kilay kong tanong kay Charl.
"Wala. Ang panget mo, kako." May bahid ng pang-aasar niyang sabi kaya ito, napikon ako.
"Kapal naman nito. Namimisita lang eh, nambubuwiset pa. Pinaghanda na nga siya." Mariing sumbat ko sa kaniya pero imbis na maasar siya e tinawanan niya lang ako.
Bakit ba talo ako sa asaran?! Nakakainis ha.
Sa inis ko bumalik na lang ulit ako sa kusina saka tinuloy ang gawain kong naantala kanina noong dumating si Charl, nag-facebook ako ulit.
Syempre dahil boring ang messenger ko ay bumalik ako sa pag-stalk kay crush.
Oh 'di ba? Ang sakit na nga no'ng nakita ko kanina, hindi pa rin ako nadala.
Iniwasan ko na lang tingnan 'tong mga group photos niya tsaka itong mga pictures na kasama niya si Krish. So meaning, solo pictures o family photos niya lang ang tiningnan ko.
Noong nagsawa na akong tumingin sa pictures niya ay sa timeline niya naman ako tumambay.
Tiningnan ko lang 'yong mga posts niya. Including his shared posts, memes, and his profile pictures na nasa mahigit 1000+ ang mga reacts.
Habang nakatambay ako sa timeline niya, doon ko lang napagtanto na simpleng tao lang naman siya. Kahit sa mga pictures niya makikita mo iyon.
'Yung tipong nakangisi lang siya, konting ngiti, fierce o kahit tamang tingin lang sa camera mapapansin mong sobrang simple lang talaga pero malakas karisma niya. Ni 'di ko nga alam bakit sa pagiging simple niya eh maraming nahuhumaling sa kaniya at syempre, kabilang na ako ro'n.
Siguro, isa na ito sa katangiang nagustuhan ko sa kaniya. Simpleng may dating na hindi mayabang. Tipong kahit ang famous niya sa social media o sa mismong social accounts niya, kaya niya pa ring makihalubilo sa ibang mas mababa sa kanya.
And one fact that I like about him is that he's humble. Super duper humble niya para sa 'kin. I love the way he interacts to people.
'Yung tipong kada may gigs sila o kahit simpleng practice lang sa may gym ng school namin, talagang nakakausap siya ng ibang tao.
Hindi siya 'yung tipo na hindi namamansin. In short, hindi siya snobber at sobrang dagdag points 'yon! Kasi 'di ba? Kapag kilala ka o famous ka, sobrang bihira na lang din 'yong mga taong 'di snobber mas lalo na kapag alam nilang fan ka nila—and I'm thankful kasi hindi snobber si Aidan.
Ano ba 'yan!? Pinapantasyahan ko na naman siya. Eh ano naman kung hindi siya snobber? May jowa na siya 'no.
Napabuntong-hininga ako sa biglang naisip ko.
Napahinto ako sa pag-iisip no'ng nakita kong bigla siyang nag-post sa timeline niya.
Devaniel Aidan L. Royaldez
Posted 1 min ago.
See you guys on Monday! We're going to perform LIVE! Where? Sa Culminating Activity na ginawa ng mismong MAPEH Head Teacher ng school natin! This activity was entitled, ‘The Cultural Show’. So pakaabangan niyo po itong pagtugtog ng banda namin ng mga lumang kanta na hinding-hindi malalaos! That's for now. Stay tuned for more announcements. Have a nice day people! ^o^
305Reacts 240Comments 187Shares
Grabe, ang effort niya pa mag-invite! And yes! Finally, makikita ko na naman siyang tumugtog! Na-excite tuloy ako bigla sa balita niya.
>_<
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro