Kab. 6: Meeting Her
Santy's POV
Napatingin ako sa sahig nang mapadpad sa puwesto namin sina Charl at Miya. Napansin nila ang katahimikan ko at alam kong alam nila kung bakit ako ganito—except nga lang kay boybessy.
"Hey, bakit malungkot?" Kunot-noong tanong ni Charl bago tumabi sa 'kin ng upo. Tinapik pa niya 'tong isang balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Wala na—" Napatikom agad ako ng bibig ko nang biglang umeksena itong si Mxy.
"Ehem, Santy. Baka naman," parinig niya sa 'kin kaya nailipat ang paningin ko sa kanya.
Oo nga pala, hindi ko pa napapakilala si Charl sa kanila.
"I'm sure, kilala mo na siya Miya pero hayaan ninyo akong ipakilala ko nang maayos ang boy bessi—este bestfriend ko sa inyo." Tumikhim muna ako bago ko siya pinakilala.
Hinarap ko si Charl sa dalawa kong girl bestfriends. Taka naman akong tiningnan ni Charl, nagpalipat-lipat siya ng tingin sa aming tatlo.
"This is Charl Vince Hermozza. Boybessy ko 'to since elem. Puwedeng-p'wede kayong magkagusto rito basta sabihin niyo lang sa 'kin para—" Natigilan ako sa pagsasalita ko nang biglang mag-react itong si Charl.
"Wait. Binibigay mo na ba ako sa kanila?" Nanlalaki ang mga matang aniya.
"Nope, nirereto lang." Nakangiting sagot ko na siyang dahilan kung bakit ako nabatukan ni Charl pero mahina lang naman.
Pasalamat siya kaibigan ko siya kasi kung hindi, nakatikim din 'to ng isang malutong na kutos mula sa mabigat kong kamay.
"Tawagin niyo na lang akong Vince 'wag na lang Charl kasi. . . may personal akong dahilan kung bakit." Nakangiting wika pa niya sa dalawang babaeng nakatulala na sa amin with matching akbay pa 'yan sa balikat ko, palibhasa kasi mas matangkad siya sa 'kin.
I wonder bakit?
"Chavi," sambit ni Mxy. Sa hindi ko malamang kadahilanan, sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa kaniya.
Tumawa muna siya bago nagsalita ulit, "Chavi, for short ng Charl at Vince?"
"Ay bet," komento ko bago ngumiti sa kanila.
"Ayaw, tunog chubby kasi—" Bago pa man siya tumutol ay nagsalita na kaagad ako.
"Hayaan niyo siya guys, ang arte talaga nito." Salubong ang kilay kong tiningnan siya saglit.
"What the—ako pa talaga sinabihan mo niyan?"
"What the ka rin, nagugutom na ako. Huwag ka mang-away ngayon baka anong magawa ko sa 'yo. Hmp!"
Hindi ko alam pero nangigil ako bigla pero may pakiramdam ako na sinadya ni Charl 'to kasi napansin niyang malungkot ako kanina. Hmm, hay ewan.
Bahagya naman akong bumungisngis nang mapansin na parang na-amaze sina Miya at Mxy sa 'min ni Charl. Ano ba 'yan, kami lang 'to.
"Ah. Vince, tagasaan ka?" Alanganing tanong ni Miya kay boybessy.
"Galing akong states pero sa Cavite ako nauwi ngayon. Nandoon kasi Ate ko." Maaliwalas ang mukhang tugon ni Charl sa kanila.
"Sasabihin ko sanang dotdotdot kaso ang haba ng sagot niya," singit ni Mxy na naglabas pa ng awkward niyang tawa dahilan para pareho kaming matawa ni Miya.
Ang epic kasi ng pagkakasabi niya ng dotdotdot, syempre tunog budots 'yon.
"Alam niyo, mga baliw kayo." Kunot-noong saad ni Charl na tinawanan lang naming tatlo.
"Masanay ka na Charl, ganito kaming tatlo kapag magkakasama kami. Puro kami kamemahan kahit hindi nakakatawa, tumatawa pa rin kami kasi nga, mga abnormal kami." Natatawang kuwento ko pa kay Charl. Tumango lang siya sa paliwanag ko, may na-realize siguro.
"Tara na nga, kain na lang tayo nagugutom na ko." Biglang yaya ni Miya na siyang sinang-ayunan namin.
Aba't sino namang tatanggi sa pagkain?
"Sige, arat na." Natatawang gatong din ni Mxy.
At habang naglalakad kami, "Saan ba tayo?" napahinto ako sa paglalakad no'ng biglang magtanong ng ganito si Charl. Napahinto rin saglit 'yung tatlo dahil huminto ako.
"Ano bang tanong 'yan Charl, malamang sa tindahan. Duh!" Kunot ang noong kong tinitigan si Charl. Biglang tumawa sina Miya at Mxy sa sinabi ko. Napakamot naman ng ulo si boybessy.
"Nagtanong ako nang maayos, ganda ng sagot." parinig pa niya sa 'kin bago ako inakbayan ulit. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.
"Hoy kayong dalawa, 'wag kayong PDA rito kung totoong mag-bestfriend lang kayo." Makahulugang sambit ni Mxy nang lingunin niya kaming dalawa ni boybessy. Nagkatinginan kami ni Charl sa isa't isa bago palihim na tumawa.
Parang gustong ipagdiinan ni Mxy 'yong bestfriend na term, hahaha!
"Huwag niyo na lang kaming intindihin kasi na-miss ko lang talaga bestfriend ko. Biro niyo three years kaming hindi nagkita tapos ngayon na lang ulit," kuwento ni Charl sa kanila.
Pagkatapos ay pinisil pa niya itong pango kong ilong. Nainis ako bigla kasi pango na nga, inipit pa niya! Kaya kahit matangkad siya ay pinilit kong akbayin siya saka ko idinikit sa kilikili ko ang batok niya. Natawa lang siya sa inakto ko.
Bakit ba ganito 'yung mga matatangkad? Ang hilig mangmaliit ng mga maliliit eh maliit na nga, psh.
"Mainggit kayo Mxy, Miya!" Pang-aasar ko sa dalawang babae na nauuna na sa paglalakad papunta sa canteen.
Napalingon sila sa amin ni Charl dahil sa sigaw ko. At hayon, sinimangutan lang nila kami bago ako inirapan kaya natawa kaming dalawa ni boybessy.
Infairness, legit na nawala lungkot ko dahil sa kanila.
Hindi na ako inakbayan pa ni boybessy bagkus ay sinabayan niya na lang ako sa paglalakad.
Habang namimili kami ng pagkain sa canteen ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Nagbabaka-sakali na makita ko ang magkakabanda at hindi nga ako nagkamali, dahil dito rin sila kakain.
Napako ang tingin ko ro'n sa isang table na 'di kalayuan sa puwesto ko ngayon, nasa bandang gilid 'yung lamesa kung saan nandoon lahat ng mga kabanda niya, kompleto silang lima. Masaya silang kumain at nagkikipagdaldalan sa isa't isa. Saglit akong napatitig kay Aidan.
Why so handsome? Kahit smile niya lang makita ko, sobrang napapahanga pa rin ako.
Napabuntong-hininga ako sa naisip ko.
Kailan kaya mauulit 'yung una naming pag-uusap? Nakaka-miss lang. Actually, tinotoo ko talaga 'yong pagtatago ng chubby chocolate na ibinigay niya sa 'kin dati and take note, hindi ko pa 'yon nabubuksan. Sana lang hindi 'yun langgamin.
Inilagay ko iyon sa drawer ko kasama ng mga secret notebooks ko. Syempre itatago ko talaga 'yun kasi nga, binigay 'yon ng naging long time crush ko at isa pa. . . alaala rin iyon kaya dapat lang i-treasure ko 'no.
Napatingin lang ulit ako sa mga kasama ko no'ng bigla nila akong hilahin.
"Ikaw Santy, anong gusto mong kainin?" tanong ni Mxy sa 'kin na tumingin pa sa mga nakahilerang pagkain sa kanteen.
"Magpapansit na lang ako." Wala sa sariling sagot ko sa kanila habang sumisimple ng tingin sa puwesto nila Aidan.
Oh 'di ba? Nasaktan na nga naghahanap pa ng ikakasakit ng pesteng puso na 'to. Wala eh, hinahanap pa rin kasi siya ng mga mata ko.
Subalit nabaling ang tingin ko kay Charl nang bigla niyang harangin 'yong tinitingnan ko. Naningkit ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Binigyan ko siya ng tingin na, umalis-ka-riyan-may-tinitingnan-ako look pero hindi siya natinag.
"Sila 'tong sinundan mo kahapon 'di ba? Siya 'yyng nagpapalungkot sa 'yo kanina, tama? Bakit mo pa tinitingnan?" Sunod-sunod niyang tanong sa 'kin na base sa tono niya, para bang gusto niyang sabihin na umiwas na ko kay Aidan at sa grupo niya.
Saglit ko siyang tinitigan sa mata naghahanap ng rason kung bakit niya nasabi iyon pero bigo akong mahanap 'yon kaya imbis na sagutin ko 'yung mga tanong niya ay hinayaan ko na lang. Hindi naman siya nangulit kaya okay lang.
"Miya, Mxy, ang tagal niyo namang mamili." Tila'y nagmamadaling anas ko kina Mxy at Miya na hindi pa rin nakakamili ng bibilhin nila.
"Sorry 'te ha," baling sa 'kin ni Miya saka siya tumingin sa counter ng canteen. "Sige. Tatlong pansit na lang po, Ate tapos po isang Royal at dalawang mismo na Coke."
Pagkatapos bumili ay naghanap na kami ng mauupuan. Laking gulat ko ng biglang humarang sa amin sila Aidan, Tyjay at Rijo. The surepluz boys.
Mas lalong hindi ko inaasahan na magsasabi pa sila nito, "Doon na lang kayo sa 'min umupo, girls." Nakangising yaya ni Tyjay sa amin bago tinuro ang puwesto nila kung saan nakaupo sila Krish at Joy.
Ang tadhana nga naman mapaglaro na nga, nanadya pa.
"Ay, sige lang hahaha. . . tara," tugon ni Mxy sa paanyaya ni Tyjay saka kami tumuloy papunta na sa upuan nila.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil makakasama ko na naman si Aidan o malulungkot kasi katuwang namin 'yung buong grupo niya knowing na may ‘something special’ kina Aidan at Krish.
Napabuntong-hininga ako sa naisip akong iyon. Bakit ba ako apektado? Crush ko lang naman siya 'di ba?
"Rijo, samahan mo muna sila roon tapos pasabi na lang kay Krish at Joy na kasama natin sila sa table," utos ni Aidan sa kaibigan niyang kabanda niya rin na siyang sinunod naman nito.
Ngumiti sa 'min sila Tyjay at Aidan pero bakit feeling ko sa akin lang nakangiti si Aidan? Argh. Nababaliw na nga siguro ako.
Sinabayan na nga kami ni Rijo sa paglalakad papunta sa table nila samantalang sila Aidan ay pumunta na sa counter para umorder ulit ng pagkain.
Sinadya kong magpahuli habang naglalakad kami at sinasabayan naman ako ng bestfriend ko. Tinapik ako ni Charl kaya taka akong napatingin sa kanya. Lumapit siya sa 'kin saka mahinang nagsalita.
"Sino sila? Though, kilala ko 'yung isa kasi siya 'yung sinundan natin no'ng nakaraan but then, I still don't know neither him or them. Sikat ba sila rito sa school kaya maraming umaaligid sa kanila most especially, sa mga girls?" Takang tanong niya na ikinangisi ko.
Hindi nga pala niya, alam.
"SurePluz band. Sila 'yong mga kabanda ng crush kong si Aidan," paliwanag ko saka nagpalipat-lipat ng tingin.
Tumingin ako mula sa dalawang lalaki na nasa counter which is sina Aidan at Tyjay hanggang sa dalawang babae na nasa table nila, Krish and Joy at sa isang lalaki na kasama naming maglakad, si Rijo. Napansin naman ni boybessy ang pasimpleng pagtingin ko sa limang kasapi ng banda.
"Lima sila sa banda?" Paniniguradong tanong ni Charl at tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.
Ngumiti sa amin sila Krish at Joy nang mapansin nila kaming papalapit sa kanila.
"Krish, Joy. Dito raw sila uupo sabi ni Aidan," paalam ni Rijo kila Joy at Krish bago muling ngumiti sa amin.
"Sure," pagpayag ni Krish kaya nagsiupo na kaming apat. . . ako, Charl, Miya at Mxy.
Ineksamin pa kami nila Joy at Krish habang may iniinom silang gulaman shake.
Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o mainis sa ginagawa nilang titig sa 'min—o baka naman kasi, namumukhaan ako nito kaya ganito 'to makatingin.
"Hey, natatandaan kita. Nakita na yata kita sa Gholibee, ikaw nga ba 'yun?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Krish sa 'kin. Tumango muna ako bago nagsalita sa harap niya.
"Yes, ako nga 'yon. Actually, hindi ako mag-isa no'n kasi kasama ko 'to." Mahinahong sambit ko saka ko tinapik itong si Charl na nasa tabi ko lang naman.
Taka muna akong tiningnan ni boybessy saka siya ngumiti kay Krish no'ng napansin niyang binaling ko ang paningin ko sa puwesto ni Krish. Ngumiti rin naman ito pabalik sa kaniya.
"Ah, nice. Eh ano nga bang mga pangalan niyo? Pakilala naman kayo," singit ni Joy sa amin, ako na ang naglakas-loob na nagpakilala sa grupo ko.
"I'm Rhien Lyzeil Santy Gracia. Santy na lang for short," pakilala ko sa sarili ko.
Hinawakan ko sa braso si boybessy, "Then ito naman, si Charl Vince Hermozza." Tumango si Charl sa kanila sabay sabing, "Vince na lang."
"This is Shainana Miaka Kou, Miya na lang at 'yung katabi naman niya ay si Mxyanne Ghermoso." wika ko na tumingin pa sa gawi ng dalawa kong kaibigan na babae.
"Mxy na lang." Nakangiting dagdag ni Mxyanne sa sinabi ko.
Nasa gitna na kami ng aming pagpapakilala nang biglang sumingit 'yong dalawang lalaki na nasa counter lang kanina.
"Late na ba kami?" Natatawang tanong ni Aidan saka siya tumabi kay Krish.
Ewan ko, pero nakaramdam ako ng inggit sa nakita ko. Sana tabihan niya rin ako ng gan'yan.
"Hindi, ano ka ba? Nagpapakilala pa lang sila," ani Krish kay Aidan.
Samantala, 'yong isa pang kasama ni Aidan na si Tyjay ay umupo sa may dulong parte ng silya bali siya lang 'yung bukod tanging gumitna ng upuan na nasa dulo ang puwesto.
Sa totoong lang, pakiramdam ko dapat tatabi sa 'kin si Tyjay kaso niyaya siya ni Rijo na tumabi sa kaniya kaya no choice siya.
Eh, uso pa naman ang issue dito sa school namin. Oh, baka ako lang itong nag-a-assume?
So ang nangyari, ganito ang kabuuan ng puwesto namin.
ako, Charl, Miya at Mxy.
----------------------sa tapat naman sila,
Aidan, Krish, Joy, at Rijo katabi niya si Tyjay.
"Nagpapakilala pa lang? Eh late na nga kami. Hindi pa namin sila kilala." Nagtaka bigla si Krish dahil sa sinabi ni Aidan. Hindi niya siguro in-expect na 'di kami kilala ni Aidan.
"Talaga? Pero pinapunta niyo sila rito," singit ni Joy sa usapan no'ng dalawa.
"Kasi, sila 'yung nagpahiram ng table sa 'min no'ng nakaraan. Gusto lang naming mag-thank you sa kanila." Nakangiting wika ni Aidan na bahagya pang tumingin sa 'ming tatlo.
"Sige nga. Kung nagpakilala na sila, try niyo nga ulit sabihin sa 'min kung sino-sino sila." Makahulugang usal pa ni Tyjay sa dalawang babae na kanina ay nakikinig lang sa amin.
Nakatingin lang kaming apat sa kanila pero syempre kumakain din kami. So, in short. . . nakatingin kami sa kanila habang kumakain. Sayang naman 'yung binili namin kung 'di namin kakainin, 'di ba?
"Okay game!" Parang natutuwang pagtugon ni Joy sa hamon ni Tyjay.
"Santy?" aniya, tinanguhan ko lang lang siya bilang tugon ko.
Sunod niyang tinuro si Charl, "Vince." Ngumiti ito sa kaniya na siyang ikinatameme saglit ni Joy pero no'ng nakabawi ay ipinagpatuloy niya ang pagbanggit ng mga pangalan.
"Mxy, Miya." Sa huling nasabi ni Joy ay natawa kami nila Charl, Mxy, Miya at syempre ako.
Nagtaka naman sila Aidan, Rijo, Tyjay at Joy. Si Krish ngumiti lang.
"Bakit kayo natawa, mali ba?" Takang tanong ni Aidan na ikinabungisngis nila Miya at Mxy.
"Baliktad. Ako si Miya at siya si Mxy." Pigil ang tawang paliwanag ni Miya sa kanila.
"So, you're Santy. Vince, Miya and Mxy? Am I right?" tanong ni Tyjay na tinanguhan lang naming apat. Ngumisi siya kasi tama 'yong mga sinabi niya.
"Oh paano ba 'yan. Memorize ko na agad, kayo naman Rijo, Aidan." hamon naman nito sa dalawang lalaki na kabanda niya.
Hindi naman mayabang 'no?!
"Vince," Tumingin si Rijo kay Charl. "Miya." Nanliliit ang mga matang tiningnan niya si Miya. Halatang naalala niya 'yung bangayan nila.
"Emcee?" tanong niya na ni-like sign lang ni Mxy. "At ikaw si Santy!" Nakangiting sambit niya na parang kilalang-kilala niya ako. Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Aidan's turn." Nakataas ang isang kilay na usal Tyjay saka siya tumingin kay Aidan.
"Mxy, tama?" Tumango lang si Mxy kay Aidan. "Miya, and Vince?" Ngumiti lang naman ang dalawa sa kaniya. "...and you, you're Santy." Nakangiting tinitigan niya ako subalit inialis niya agad 'yung pagtitig na iyon.
Oo. Nginitian niya lang naman ako pero bakit ganito. Dinaig pang may palaka 'tong loob ng puso ko. Parang lalabas na siya sa sobrang kaba na kasalukuyang nararamdaman ko. Kinakabahan nga ba ako o kinikilig?
Myghad. No to fall na dapat ako ngayon eh pero sa ginagawa niya parang gusto ko ulit mahulog, kahit na walang kasiguraduhan kung sasaluhin niya ba ako o hindi.
*insert buntong-hininga uli.
Minsan hindi mo malaman kung crush lang ba talaga ang tingin mo sa isang tao o hindi, na tipong imbis na mapasaya ka lang niya eh nagagawa ka na niyang palungkutin. How I wish na sana hindi na lang ganito 'yung nararamdaman ko.
Napakakomplikado kasi, ang hirap pang intindihin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro