Kab. 5: Angklung
Santy's POV
"Santy! Kailangan na raw tayo sa baba!" Malakas na sigaw ni Mxy sa akin mula sa pintuan ng classroom namin.
"Saglit lang naman! Natataranta ako," tugon ko sa kanya mula sa kinauupuan ko saka ko binuksan ang bag ko para dagliang kunin ang wallet at cellphone ko.
Pagkatapos kong kunin ang mga kailangan ko'y inilagay ko na ito sa bulsa ng palda ko, sa kanang bulsa 'yong cellphone ko at sa kaliwang parte naman ang wallet ko.
Sumabay na ako kay Mxy pababa ng school building namin. Literal na lakad-takbo ang ginawa naming dalawa.
Pagkababa namin ng building ay dumeretso kami sa gym ng school namin dahil naroon ang entablado kung saan kami madalas nag-eensayo ng Rondalla.
And yes, may practice po kami ngayon kaya exempted kami sa klase. May excuse letter naman kami kaya ayos lang sa mga teachers namin as long as wala kaming test or quiz sa mga subjects namin, puwede kaming ma-excuse para mag-practice.
Pagkatapak pa lang namin sa loob ng gymnasium, sumakto namang mag-uumpisa pa lang ang practice namin.
Hays, salamat. Akala ko talaga late na kami.
Patakbo kaming lumapit sa stage na nasa unahan at gitang bahagi ng gym. Lumabas mula sa isang pintuan ang coach namin which is, isang MAPEH Teacher. Si Ma'am Emsepi.
Tinuturuan niya kaming tumugtog at siya rin ang naghahanda ng sinusunod naming lyrics na ginagamit naman namin sa pagtugtog.
Ang ginagawa niyang lyrics ay ginagamitan niya ng mga chords pati 'yong sinasabi ni Ma'am na solmization na ang gamit na scale is 'yung tinatawag na solfège-basta 'yong Do Re Mi. Ang hirap i-explain, wews. Ito 'yung ginagamit namin sa tuwing may practice kami.
Pareho kaming miyembro ni Mxy at Miya ng Rondalla Ensemble. Ito 'yong music club na naging daan para makilala namin ang isa't isa at syempre para matuto at mag-enjoy sa pagtugtog na isa sa mga bonding naming tatlo.
Kahit na aksidente lang ang pagkakasali ko rito noong nasa ika-8 baitang pa lang ako dahil sa kaklase kong si Ryan eh nagustuhan ko na ito kaya nagpatuloy ako together with Mxy and Miya.
Dito ko nakita ang sarili ko as a composer. And yes po, nagsusulat ako ng mga kanta. Gumagawa ng sarili kong tono. At aminado akong dahil sa music club na 'to, nahasa ko ang sarili ko pagdating sa pagtugtog at paggawa ng mga kanta. Mas lalo ko tuloy minahal ang musika.
Saglit nga, tunog makata na yata ako roon hahaha!
Marami kaming tinutugtog sa Rondalla like drums at iba't ibang uri gitara; una na riyan syempre 'yong gitara mismo, electric guitar, oktabina, bandurya, bajo de arko, ultimong pati ukulele kasama rin sa tinutugtog namin.
At dahil rondalla ensemble nga siya. Madalas kawayan instruments talaga ang tinutugtog namin at isa itong angklung sa kawayan instrument na 'yon, na isa sa madalas naming tinugtugtog ng dalawa kong kaibigan.
Ano ang Angklung?
Isang musical instrument na gawa sa kahoy na kung tatapikin sa ibabang parte sa bandang kanan ay tutunog ito.
May iba't ibang tunog ang Angklung. Nahahati ito sa Do, Re, Mi, Fa, Sol, La, Ti at iba pa, may flat at sharp pa 'yan pero ang nakalagay sa label na nakasulat sa Angklung ay ganito:
C R M F G L T C#
Actually. . . dalawang letra lang naman ang nag-iba riyan 'yung Sol, 'G' saka itong Do which is the letter, 'C'.
"Okay. Attention everyone." Napahinto ako sa pag-iisip nang bigla kong marinig ang tinig ni Ma'am na ngayo'y tapos na sa pag-tape ng mga manila paper at cartolina sa dingding ng stage.
"Ito na 'yong bago nating tutugtugin and so far, alam kong alam niyo naman ang tono nito kaya no need na para kantahin ko pa pero kakantahin ninyo." Mahinahong paliwanag ng titser slash coach namin.
"Woah. Ang galing talaga ni Ma'am." Nakangiting papuri sa kanya ng isang estudyante na hindi ko kaedad.
Nakalagay sa isang maliit na patch ng blusa nito ang salitang, Grade 8 eh Grade 10 na ako ngayon, so mas matanda ako sa kanya.
Ngumiti lang si Ma'am rito saka tumingin sa isang grupo na nasa tabi lang naming tatlo nila Mxy.
"Kayo. . . Grade 8, Einstein at Newton, kompleto na ba kayo? Lahat ba nandito na?" Takang tanong ni Ma'am sa mga Grade 8 tapos nag-opo naman ang karamihan.
Sila ang itinuturing namin na newbie sa mga ganitong bagay. Bali, grade 8 ang kadalasang mga baguhan sa amin. Kahit noong nagsisimula pa lang ako, grade 8 din naman ako no'n.
May mga kasabayan din naman ako rito pero ang karamihan sa mga nakasabayan ko noong Grade 8 at Grade 9 pa lang ako ay nawala na.
Siguro kasi hindi kaya ng schedule nila. Hindi ko naman sila masisisi na mag-quit kasi mahirap talaga mag-manage ng time. Mas lalo na ngayon, may k-to-12 na. Imbis na graduation eh moving-up pa lang ang sa 'min.
Karamihan sa mga kasabayan ko, pinopokus na lang ang sarili nila sa pag-aaral which okay lang naman, mas maganda nga 'yon.
Syempre, hindi madaling mag-aral 'no! Ka-stress din naman sa school pero depende na lang talaga sa 'ting mga estudyante kung paano natin i-ha-handle ang mga ganitong stress natin sa buhay, hahahaha.
Naantala lang ang pagiging lutang ko nang biglang sumigaw ang coach namin.
"Ano ba 'yan! Nakailang ulit na tayo rito hindi niyo pa rin makuha. Nakailang beses na ba ako nagsabi na hintayin ako. Hintayin na ituro ko 'yung nota bago kayo tumugtog. Huwag kasing magmadali kaya nasisira, e. Isa pa." Waring nagtitimping saad niya pa sa amin saka niya itinutok ang maliit na stick sa kartolinang kulay hinog na manga.
By the way, ang tinutugtog namin ngayon ay Lupang Hinirang. Ito raw muna kasi ang kailangan naming i-memorize bago ang ibang mga kanta. Mas importante raw kasi ito, sabi ni Ma'am.
"Sol fa, la sol re, la, ti, do-" and so on...
Ang sumunod naman naming tinugtog ay ang Mo Li Hua. Isang traditional song ng China, which means white flower. Na-discuss sa amin 'to noong nasa grade 8 lang din ako. Kinanta pa nga namin, eh.
Mo Li Hua.
M m s l d d l s s l s, 2x
S s s m s l l s
m r m s m r d r d
M r d m r m s l d s
R m s r m d l s
L d r m d r d l s
[m-Mi, s-Sol, l-La, d-Do, r-Re]
Ito ang nakalagay na lyrics sa kartolina. Sample lang 'to pero ganitong-ganito talaga format niya.
At para malaman ninyo kung anong tono niya, try niyong hanapin sa piano tiles ang Mo Li Hua, doon niyo subukang kantahin 'yan para lang malaman niyo, hahaha. Same lang sila ng tunog, promise.
So, nagtuloy-tuloy ang practice namin hanggang uwian na ng mga students na pang-umaga ang pasok, like us grade 10 students pero nandito pa rin kami sa school. Nag-overtime para makasabay sa general practice namin.
Buong araw kaming excuse nila Mxy at Miya dahil kasama kami sa Cultural Show na siyang gaganapin next next week na, kaya kailangan na naming paghandaan kung ano man ang gagawin namin doon.
Legit ipit slash gahol kami sa oras ngayon dahil malapit na rin ang examination week namin, wews. Hindi naman gusto ng mga teachers na pasabugin mga bungo namin 'no? Joke.
Kaming dalawa ni Mxy ay parehong rondalla member. Although, kasama namin si Miya last year dito sa rondalla eh masaya naman kaming makita siya naging choir member na ngayon.
Maganda kasi boses ni Miya at talagang may ibubuga siya pagdating sa kantahan kaya noong nalaman namin 'yon...
Talagang pinush namin siyang sumali sa choir kahit na gusto niyang mag-stay sa rondalla kasi ayaw niyang mapahiwalay sa amin at isa pa, dito naman talaga kami nagsimulang tatlo eh. But in the end, napasali namin siya roon this year lang din.
Ang binanggit kong cultural show pala kanina ay isang culminating activity ng school namin.
Dito madalas mapapanuod ang iba't ibang katutubong sayaw at kanta ng bansa natin. Dito rin nalalaman ng karamihan sa mga estudyante ng school naman ang iba pang mga traditional dances at songs ng ibang bansa.
Syempre, cultural kaya asahan na pang-culture talaga ang mga makikita sa program na 'to. May mga mapapanuod din naman ditong mga bago.
At dahil sunod tayo palagi sa uso, kaya ito. Natural na may mga banda rin dito na nagpapatugtog ng mga bagong kanta. Ito ang itinuturing na center ng show na kung saan pang-trend ang mga kantahan at sayawan.
And speaking of bands,
Nandito rin sa gym ang bandang SurePluz. Nag-re-rehearsal din sila ng tutugtugin nila sa Cultural Show. At syempre, bilang baguhan sa school namin niyaya ko si boybessy, Charl na sumali rin sa choir.
Kagaya ni Miya. Maganda rin boses nitong lalaking 'to kaya hinimok ko na sumali siya sa choir ng school namin, sa tingin ko naman bagay siya roon.
At isa pa, ayaw ko siyang kasama rito sa rondalla baka makipagkompetensiya pa ako 'no. Ang hilig pa naman niya mang-asar mas lalo na kapag nagkakamali ako, grr.
Pumayag naman siya sa suhestiyon kong 'yon sa chat kagabi. Ang sabi pa nga niya, okay lang para naman daw pareho kaming kasama sa cultural show.
Isa pang nakakahanga kay boybessy is, mabilis siyang maka-adapt. Nakakatuwa 'no? Hindi rin siya mahirap turuan kasi fast learner naman siya hindi kagaya kong usad-pagong.
Nagpatulong lang ako kay Miya na isali siya roon at hayon na nga. . . nakasali siya sa choir nang walang awdi-audition, hahaha!
"Sige. Breaktime muna tayo. Mamaya na natin ituloy itong practice. Mga gutom na yata kayo kaya ganiyan na kayo katamlay. See you later, students." Biglang paalam ni Ma'am Emsepi sa 'min kaya nagsitayuan na ang ilan sa mga nakaupong estudyante.
"See you Ma'am, anong oras po babalik?" Takang tanong naman ng isang grade 8 student kay Ma'am.
"Mga saktong 4:00 pm," sagot naman sa kanya ng titser namin bago ito tumayo at tumuloy na sa faculty room kung saan siya galing kanina.
Tiningnan ko ang puwesto ng mga choir at nakita kong papunta na sa puwesto namin sila Miya at Charl.
"Hi, Santy!" Si Charl, patakbo pang lumapit sa puwesto.
"Hala, woy. Bagong friend mo ba 'yang kasama ni Miya? Parang hindi ko siya kakilala, ah." Namamanghang komento ni Mxy.
Nabaling tuloy ang atensyon ko sa kanya. Saglit ko siyang tiningnan at iyon, titig na titig siya ngayon kay boybessy.
"Hindi ko siya new friend, actually. Matagal ko na siyang friend." Nakangiting tugon ko na tumingin pa sa mukha niya saka tumingin muli kina Miya at Carl.
Gulat akong tiningnan ni Mxy. Tipid akong tumawa sa itsura niya. Ano ba 'tong babaeng 'to.
"Oh? Eh, bakit hindi mo siya naikuwento sa 'min ni Miya? Sino siya?" Takang tanong niya na hindi ko sinagot.
"Mamaya, papakilala ko siya sa inyo nang maayos." Nakangising sambit ko na lang sa kanya kaya sumimangot siya. Hala sige, magtampo.
Habang nag-uusap kami ni Mxy ay hindi ko maiwasang hindi sumulyap sa bandang SurePluz, kung nasaan ang ultimate crush ko sa school.
Naalala ko na naman tuloy 'yung kahapon.
Hayst.
Nakakainis ka self, alam mo na ngang may jowa na siya hindi ka pa rin tumitigil magkagusto sa kanya, ang sakit tuloy.
Sana puwede ko siyang i-uncrush anumang oras 'no?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro