Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kab. 3: Dating Kaibigan

Santy's POV


Kasalukuyan na akong naglalakad patungo sa isang silid nang may biglang may kung anong humarang sa harapan ko.

At dahil sa nakayuko ako habang naglalakad ay huminto ako. May nakita akong maitim na sapatos na nakaharang sa dadaanan ko. Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang taong humarang sa akin.

Ang laki ng hallway. Bakit sa tapat ko pa huminto 'to?

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko hanggang sa magtama ang mga paningin namin.

Halos malaglag ang panga ko nang mapagtanto ko kung sino itong tao na humarang sa akin at ang unang tanong na biglang pumasok sa isip ko ay...

‘bakit siya nandito?’

Nakasuot siya ng kulay puting shirt with matching black jacket, itim din ang pants niya.

Hindi nito binutones ang jacket na suot niya, kaya kitang-kita ko kung gaano kaputi ang T-shirt niya pero 'di ko maaninag kung ano 'yong design na nasa gitna nito. By the way. Naka-rubber shoes siya, color black na may halong white sa gilid.

Taray, ang simple pero ang angas ng datingan.

Nakatitig lang ako sa kanya, ilang beses ko pa kinurap ang mga mata ko para masiguradong hindi ko siya guni-guni or what samantalang siya, iyon. Nakapamulsa lang at kasalukuyan ng nakangiti sa akin na parang walang nangyari.

Napakainosente ng ngiting iginawad niya at dahil sa gulat ay hindi ako nakapag-react kaagad.

Nang mapansin ng taong nasa harapan kong hindi ako makaimik ay marahan niya akong tinapik at dahil doon, naibalik ang ulirat ko.

Nasa harapan ko pa rin siya at nakakunot ang noo.

"A-ah?" Wala sa sariling sambit ko sa kaniya. Mahina siyang tumawa sa harapan ko.

"Gulat na gulat, ah. Kumusta? Long time no see, my friend." Nakangiting bati niya na siyang nagpangiti na rin sa akin.

"Loko ka. Ang tagal mong hindi nagpakita tapos haharang-harangin mo na lang ako rito. Aba!" Malakas ang boses kong tugon ko sa kanya na ikinabungisngis niya naman.

"Oh. Sorry naman. . . infairness ah, na-miss kita." Biglang banat niya na ikinatameme ko. Ngumuso pa talaga siya.

So bago ako nag-react, nag-isip na muna ako.

Don't assume, ‘my friend’ nga lang daw eh. He just missed you as a friend.

Okay, hingang malalim. Act normal, Santy!

"Aba't!" Napapahangang komento ko sa kanya. Sandali ko pang tinakpan ang bibig ko gamit ang isang palad ko.

Pinilit kong 'di magpaapekto sa naging banat niya. Sandali akong tumingin sa mukha niya at umakto pang hindi makapaniwala sa narinig.

"Nag-states ka lang gumaganiyan ka na? Don't worry, I miss you rin! Wala na kasi akong boybessy dito. Nakaka-miss makipag-asaran," kuwento ko pa.

Subalit, noong tumingala ako para tingnan ang reaksyon sa mukha niya ay nagtaka ako dahil sa biglang pagsalubong ng dalawang kilay niya.

Oh, oh! Not a nice joke.

"Just scratch that boybessy thing." Tila'y nandidiring usal niya. Pinagdidiinan ang salitang, boybessy.

Ops, hindi naman kaya...

"Napagtanto mo na bang pang-gay ha?" Tumango lang siya sa sinabi ko.

Nag-US lang, umayaw na kaagad sa tawagan namin. Lokong 'to.

"Eh matagal na kitang tinatawag na boybessy, ah? Bakit ngayon mo lang yata inaayawan?" Mahinahong tanong ko sa kanya na pinipigilan pa ang sarili kong matawa.

"Wala lang. I just find it. . . so girly, like Rhien Lyzeil Santy." At sinong may sabing puwede niya banggitin ang fullname ko, aber?

Nagpintig ang tainga ko sa narinig ko. Nakataas ang dalawa kong kilay na napatitig sa kaniya.

"Excuse me, Mr. Charl Vince Hermozza. What did you just say? Sinong girly?" Bahagya siyang umatras sa pagbanggit ko ng pangalan niya.

Alam kong alam niya ang puwede kong magawa sa kanya.

May pa-girly ka pa, ah. Mabatukan nga.

"Aray! Why did you do that?"

"Dahil sa girl—"

"Totoo naman, ah. Saan ka makakahanap ng lalaki na okay ang salitang boybessy?" Salubong ang dalawa niyang kilay na reklamo sa akin. Sumipol ako at nagkunwaring 'di ko siya naririnig.

Opo, nanenermon na siya niyan.

"Matatanggap ko pa kung par, pre o kahit dre, eh kaso hindi. Mas gusto mo ng boybessy at baka dahil do'n, mapagkamalan pa akong gay. Kaya 'di talaga puwede. At isa pa, napakalaking hinayang kung magiging bakla ako." Mariing depensa niya pa na tinanguan ko na lang.

Huminga ako nang malalim. Itong lalaki na 'to talaga, oo.

"Huwag ka ngang ano riyan. Ang OA nito. Akala mo talaga. . . kay gwapong nilalang eh matangkad lang naman." Mapang-asar kong parinig sa kanya. Nakita kong napabuntong-hininga siya sa sinabi ko.

"Akala, akala. Tigilan mo ko, Santy ha. Kakauwi ko lang kaya. Ang ganda talaga ng bungad mo sa akin. Sa sobrang ganda, nakakaiyak." Waring nagtatampong parinig niya sa akin kaya napangisi ako.

"Hay nako! Kailangan mo pa ba ng pormal na pag-welcome sa iyo? Hindi naman na yata," banat ko na pinanliitan niya ng mata niya.

"Yes, need ko 'yon." Direktang sagot niya na ikinabasag ng pagiging madaldal ko pero siyempre, hindi ako nagpahalata.

"Aish, bahala ka." Naiusal ko na lang.

Wala na akong masabi, eh. At isa pa, ayaw ko rin siyang batiin dahil alam ko rin naman na balang araw babalik din siya sa states.

Alam kong pansamantala lang siyang mananatili rito. Hayst. Palagi naman, sadyang hindi lang ako nasanay.

"Oh sige, maiba nga ako. Saan ka ba papunta? Samahan na kita." Pang-iiba niya ng usapan kaya napatahimik ako. Sandali akong napaisip sa sinabi niya eh ang kaso, blanko utak ko.

Saan nga ba ako papunta?

"Santy?"

"H-ha?" Takang tanong ko pa saka inalala kung saan nga ba ako papunta.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit, "Saan ka kako papun—"

At doon, bigla kong naalala na...

"Ay, oo nga! Paktay. Kailangan na pala itong ipasa!" Natarantang saad ko.

Kaya ito, walang sali-salita'y nilampasan ko ang boybessy ko. Lakad-takbo ang ginawa ko para makapunta sa faculty. Putek, anong oras na!

Natawa naman bigla si Carl sa inasta ko sa harapan niya at patakbong sumunod na lang din sa akin.

Pagkapasok ko sa faculty room ng English Department ay agad hinanap ng mga mata ko ang adviser namin. At noong nakita ko ang tagapaggabay naming guro ay kaagad akong lumapit sa kanya.

Lumapit ako sa babaeng nakasalamin na hindi naman nalalayo sa edad namin pareho ni Charl.

Pakiwari ko nga, wala pa sa 30's ang age ng adviser namin, ang ganda pa rin kasi niya at hindi mo mahahalatang matanda na siya sa lagay na 'to.

Kasalukuyan nga pala siyang nakaupo sa silya niya habang busy sa pag-ta-type sa laptop niya na nasa ibabaw ng lamesa niya.

"Ah, Ma'am Advi. Ito na po 'yong listahan ng mga sasali sa night concert. Nariyan na rin po yung mga waivers pati mga bayad ng mga kakalase ko." Magalang kong bungad sa kanya.

"Oh. Thank you, Gracia. Kanina pa kasi ito hinahanap sa akin." Nakangiting usal ni Ma'am Advi saka niya ako nginitian kaya napangiti na rin ako.

Inilapag ko sa lamesa niya ang mga papel na hawak ko kanina at doo'y inilipat naman niya ito sa tabi ng laptop niya. Kinuha niya 'yong pinakaunang papel na kasama rin sa ipinasa ko saka niya pinatong ang stapler sa ibabaw ng mga waivers.

Sa papel na kinuha niya, roon nakalista lahat ng kasama sa night concert na gaganapin sa school namin, next week. Binasa niya iyon saka tumingin ulit sa akin.

"Nice. Halos kalahati ng klase ay sasama kaso ikaw, Gracia. Bakit wala ang pangalan mo rito at bakit ngayon mo lang pala ito naipasa?" Kunot-noong tanong ni Ms. Advi sa akin na bahagya pang hinanap sa mga listahang papel ang pangalan ko.

"Ahm. Sorry po, may ginawa lang kanina at hindi ko po namalayan ang oras. Hindi po ako kasama kasi may gagawin po ako sa araw na 'yan, Ma'am." Nakatungong paliwanag ko na tinanguan niya na lang at saka bumaling sa likuran ko.

Sumilip siya't dahil doon, napansin niya si Boybessy este—si Charl.

"Oh. May kasama ka pala, Gracia. Outsider o transferee? Sino ka, iho?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong sa amin ni boybessy.

"Ah, hello po. I'm Vince Charl Hermozza. Kakaayos ko lang po ng papers ko kanina. Papa-transfer po ako rito, Madam. I'm from united states po at kakabalik lang po namin last month. Ang sabi po sa akin no'ng nasa guidance, bukas pa po ako makakapasok dito." Maaliwalas ang mukhang tugon niya sa adviser ko.

"Eh bakit kayo magkasama, magkakilala kayo?" Si Ma'am, hindi ko alam na palatanong pala siya? Wews.

"Sandy and I are old friends po. Naging magkaklase po kami noong nasa elementary pa lang kami." Si Charl ang sumagot.

"Ah..." Nasabi na lang ni Ma'am Advi, tumango pa ito sa kaniya.

At dahil hindi ko maatim na tingnan sila'y nagdesisyon na rin akong magpaalam na kay Ma'am.

"Ma'am, alis na po kami." Nakangiting paalam ko na tinanguhan niya na lang sabay sabi ng, thank you.

Pagkatapos namin mag-usap ay daglian ko nang hinila palabas ng faculty room itong si Boybessy.

Baka usisahin pa kami ni Charl kakatanong ni Ma'am sa amin eh 'di matagalan pa akong makauwi kapag nagkataon. Atat na kaya akong umuwi, anong oras na kaya.

"Where we—hey!"




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro