Kab. 20: Kung tayo, tayo.
Santy's POV
"Pero. . . nakuha ko 'yung lesson sa kuwento mo, salamat." Wala sa sariling napangiti ako sa sinabi niya.
Kahit paano e nakatutuwang makita na napangiti ko siya kahit papaano, kahit sa simpleng ganito lang, hehe.
Ilang minuto siyang nanahimik pagkatapos kong magkuwento. Habang ako nama'y tahimik lang din na naghihintay na ikuwento niya kung ano man itong nararamdaman niya.
Hindi ko naman kasi ugaling ipilit ang tao na magkuwento kapag ayaw niya, hangga't maaari gusto kong maranasan ng taong iyon na may makikinig sa kuwento niya, magsabi man siya o hindi.
Ang gulo ko na ba? Sorry na, hihi.
Nawala ako sa isip ko nang biglang magsalita si Aidan, hay salamat.
"Ahm, Santy." Simpleng tawag niya sa pangalan ko, marahan akong lumingon sa gawi niya.
"Tama bang bitawan ang karelasyon mo ng ilang taon?"
Bitawan? Karelasyon? Omo. Bibitawan na niya si Krish?
Hala, sandali nga. Ano ba dapat kong sabihin kay crush? Ahm.
"I think, it depends sa tao. Kung kailangan mo siyang bitawan, e 'di gawin mo pero kasi. . . kung may rason ka pa naman para ipaglaban itong relasyong mayroon kayo then, bakit mo siya bibitawan, 'di ba?" Napatango siya sa sinagot ko bago bumulong sa 'kin ng, "Tama ka naman."
Actually, hindi bulong e kasi narinig ko.
"Ano kasi, I have a girlfriend. . . three years na sana kami pero dahil sa isang taong ayaw sa relasyon namin, nasira ang lahat. Naghiwalay kami. And now, I'm thinking kung kailangan ko na ba siyang bitawan."
Oh, three years na pala sila ni Krish? Ang tagal na pala nila.
"I've been fighting. . . pero bakit gano'n? Bakit, parang ang bilis niya lang bitawan lahat ng kung anong mayroon sa amin? Nahihirapan na rin naman ako, napapagod. . . pero kahit kailan, hindi ko naisip na isuko 'tong pinaglalaban ko kahit noong simula pa lang."
Napatungo ako. Iniwas ko ang paningin ko sa puwesto niya.
Hindi ko kasi kayang makita na ganito si Aidan, na nasasaktan siya, parang miserable. At ewan ko ba, pakiramdam ko nasasaktan din ako para sa kaniya.
"Ang sakit lang. . . kasi, mahal naman namin ang isa't isa pero parang limited lang 'yung pagmamahal na iyon dahi—"
"Saglit nga. . . itong tinutukoy mo bang girlfriend ay si, Krish?" naniniguradong tanong ko dahilan para mapahinto siya sa pagdradrama niya.
Sabay lumaki ang mata niyang napatitig sandali sa 'kin at kaagad kong pinutol ang titigan naming 'yon. Pakiramdam ko namumula pisngi ko, putek.
"The heck!? No, hindi siya. Ibang babae itong tinutukoy ko," pagtanggi niya sa naging tanong ko.
What the. All this time!
Mali pala ang conclusion kong ‘sila’ ni Krish, pero iyong sa kiss nila...
Napalunok ako't mariing napailing. Ano ba 'tong pinag-iisip ko.
"E, sino pala?"
"Si Charleine. Siya lang naman talaga itong naging girl friend ko ever since. At 'yong sa amin ni Krishiana, lahat iyon palabas lang."
"Palabas?" Wala sa sarili kong tanong na 'di ko namang akalaing maririnig ni Aidan.
"Kaya naging kami ni Krishiana kasi, kinailangan niya ako. . . sa career na meron kami, kailangang maging kami dahil iyon ang gusto ng iba na mangyari. Pinagbigyan lang namin sila, kaso..."
"Kaso ano?"
"Masyado na niyang tinotoo ang lahat. Alam ni Krish na may totoo akong girl friend pero binalewala niya lang 'yon." Nangunot ang noo ko sa narinig kong kuwento niya.
Sandali nga, hindi ko kinakaya itong mga nalalaman ko about sa kanya, kay Aidan.
Ang daming informations na 'di ko alam about sa kaniya at aminado akong, mas lalo tuloy akong na-curious sa buong pagkatao niya.
"Ah. . . Charleine pala name niya. . . wala na ba kayo?"
Nang maramdaman kong nanahimik si Aidan ay pasimple akong sumilip sa mukha niya at iyon, para siyang nakatingin sa kawalan.
Akala ko hindi na siya sasagot pa kaya napatikhim na lang ako pero nagkamali ako.
"Masakit man pero, oo." Kaagad akong lumingon sa kaniya nang marinig ko ang sagot niya.
Mapait na ngumiti si Aidan at aminado ako, nasaktan ako sa ngiti niyang 'to na parang dati lang itong pagngiti niya 'yung dahilan bakit ako nagiging masaya kaso kasi ngayon, iba na e.
"Ang Daddy niya. . . ayaw na ayaw niya sa akin, ayaw niya sa relasyong mayroon sa 'min ni Charleine and until now gumagawa pa rin siya ng way para maihiwalay kami at ngayon. Nanalo na siya. Nakipagbreak na nga sa 'kin si Rleine."
Ramdam na ramdam ko 'yung lungkot niya habang nagkukuwento siya. Napasabay tuloy ako sa pagbuntong-hininga niya.
Grabe naman kasi love life nitong lalaking 'to.
Akala ko talaga. . . 'yong mga kagaya niyang tao e pinagpapala nang lubos kaso hindi pala sa lahat ng oras at mas lalong, hindi sa ganitong bagay tulad ng pag-ibig.
"So, anong gagawin mo na? Magmumukmok na lang, magdradrama ka na lang ba ng ganito, ha?"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa katawan ko para masabi ko itong mga salitang 'to.
Maski si Aidan nagulat sa mga nasabi ko e. Bakit ko nga naman kasi nasabi 'to, hay nako naman.
"Hindi naman gano'n kadali an—"
"I know. Hindi talaga magiging madali kaya nga may mga kaibigan ka 'di ba? Alam kong mahirap kalimutan ang almost 3 years na relationship pero tingnan mo kahit 'yong almost 10 years ng magkarelasyon tapos no'ng naghiwalay e nakahanap din ng kapalit na mas better pa, 'di ba?"
Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang ilabas niya lahat ng kung ano man ang gusto niyang ilabas, gusto ko lang makinig sa kaniya.
Ginusto ko lang ding makasama siya, ngayon.
Sana maulit ito 'no? Kaso sa susunod naman, sana hindi na siya broken.
"Alam mo ba, ang dami kong sinakripisyo para lang ma-maintain ko lang ang relasyong mayroon kami for the past three years? Tapos. . . ganito lang mangyayari?"
Tumawa siya pero iyon na naman, muli siyang umiyak. "Maghihiwalay lang din pala kami pagkatapos ng lahat."
Ilang minuto lang din ang lumipas, naramdaman ko na ring kumalma na sa pag-iyak si Aidan.
Doon ko lang din ako naglakas-loob na kausapin siya kahit alam kong hindi ako gano'n kagaling sa pagbibigay ng advices e, ginawa ko pa rin — para sa kaniya.
"I may not know why, but one thing is for sure. Alam ko't ramdam kong minahal n'yo ang isa't isa dahil hindi naman kayo magtatagal kung hindi 'di ba?" Tumango siya sa sinabi ko bilang pagsang-ayon sa nasambit ko.
"There's a reason for everything. You may have this pain today but tomorrow is another day, another hope for that pain to fade away—"
"It's, not easy..."
"Oo naman, wala namang madaling paraan ng pagmo-move on e. Let that pain lang dahil darating din naman ang bukas, makikita mo na lang sarili mong masaya na ulit at 'tong sakit na nararamdaman mo ngayon, sus. Hindi naman permanente 'yan 'no."
"Pero 'di ko kaya..."
"Nasasabi mo lang 'yan because of that pain, don't decide things based on your emotions. Sa ngayon, drained ka sa emotion mo kaya ka nakakapagsalita nang ganiyan," payo ko sa kaniya.
Tinapik ko pa siya sa balikat niya dahilan para tumingin siya sa 'kin. Ngumiti naman ako sa kaniya no'ng tumingin siya sa mukha ko.
"You know what? You're really something like..."
"Something like?"
"Will you be my girl friend?"
Literal na napalunok ako. Isa kasi ito sa pinaka-hindi ko inaasahang tanong na nanggaling pa mismo sa kaniya. . . kay Aidan talaga.
"H-ha?" Parang nabingi yata ako, putek.
"Can you please be my girl friend for now? Tulungan mo akong mag-move on sa kaniya..."
Kakasabi ko lang na, don't decide things based on your emotions e. Itong lalaking 'to talaga, oo.
Nawala ako sa naisip ko nang marinig ko siyang tawagin ako. "Santy?"
"I-I don't know, hindi ko alam kung kaya ko bang maging girlfriend mo o kung kaya ko bang tulungan ka," anas ko nang 'di tumitingin sa kaniya.
"I know you can," aniya na parang sigurado siya sa sinasabi niya.
Gusto ko siyang tanggihan pero kasi, may part din sa puso ko na, gusto ko rin. Baka naman kasi mag-work 'di ba?
But the thing is, baka masaktan lang ako—
"It's okay, no need to answer me now. Hindi naman kita minamadali," usal niya.
"Pero—"
"You want?"
Ang bilis niya magbago ng topic. At bakit. . . hindi ko namalayang naglabas na siya ng earphones, aber?
Kahit nahihiya, kinuha ko na rin ang inalok niya isang earphone.
Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa ng pants niya saka siya nagpindot ng song doon.
At bakit 'di pa natin pinag-uusapan?
Wala na sanang nahihirapan.
Hindi na, kailangang pilitin pa
Kung ayaw rin ng tadhana
Ba't kailangang pilitin pa?
Kung tayo ay tayo talaga.
Habang nakikinig, ramdam kong konektado ako sa mismong kantang pinatugtog niya.
"Ano kayang title nito?"
"Kung tayo, tayo. Kanta siya ng paborito kong underrated song artist, Raven Aviso ang pangalan niya."
Napatango na lamang ako sa sinagot niya. Underrated song pala, pero legit. . . ang ganda kasi talaga ng kantang 'to, mas lalo na 'tong lyrics niya.
And to be honest, relate nga ako e.
I closed my eyes in a bit at noong nasa chorus part na'y binuksan ko muli ang mga mata ko saka ko pasimpleng tiningnan si Aidan.
Parehong nakapikit ang dalawang mata niya, umiiyak pa rin at malalalim ang buntong-hininga niya.
How I wish na sana kaya kong tanggalin 'yang lungkot at sakit na kasalukuyang nararamdaman ni Aidan.
Nasa komplikadong relasyon pala siya, buong akala ko masaya ang buhay niya dahil kita ko naman kung paano siya mag-enjoy sa banda nila pero...
Ibang klaseng Aidan ang nakikita ko ngayon, he's just too soft. Sa sobrang soft niya tao parang hindi mo siya gugustuhing makitang ganito kalungkot.
Another first na naman pala! This is the first time I saw him crying infront of me. Crying because of that girl na sobrang minahal niya.
And a sudden thought pop up in my head saying, sana ako rin, kasi gusto ko ring maramdaman kung paano magmahal ang isang Devaniel Aidan L. Royalde.
Pagkatapos ng masinsinang usapan with Aidan, nag-decide siyang ihatid ako.
Actually, nahiya nga ako kaya tumanggi ako kaagad no'ng nag-alok siya pero nagpumilit siya kaya ito... nagpahatid na rin ako tutal, gusto ko rin naman kasi, kaya bakit hindi?
“Goodnight,” paalam niya.
Ngumiti siya’t bumulong ng, “Thank you for tonight, you saved me.”
Napakagat ako sa labi ko nang marinig ko iyon galing kay Aidan.
Oo na! Kinikilig nga ako pero hindi puwedeng kiligin sa harapan niya, shemz.
Omo. Paano ba magpigil?
"Goodnight din, nako. Wala 'yon," nasabi ko na lang bago ngumiti sa kaniya.
Putek, pakiramdam ko namumula ako. Sheet, ang sakit na ng pangga ko kakangiti, wews.
"Iyong offer ko pala, baka makalimutan mo."
"H-ha? Ang alin naman?"
"Be my girl, Santy."
"Ah, sige—"
"Tayo na?"
"Loko, papasok na ako sa loob."
Natawa ako sa itsura niya. Dismayado siya pero alam kong malungkot pa rin siya dahil sa pagka-break nila ng ex girl friend niya — na hindi pala si Krish, hehe.
"Sige, goodnight ulit."
"Ingat ka pauwi, ah? Sakay ka na kaya."
"Opo, mauna ka ng pumasok para makapaglakad na ako papuntang sakayan." Ngumiti ako sa kaniya saka patakbong pumasok sa bahay.
Daglian akong pumasok sa kuwarto ko't mabilis na binuksan ang bintana, akala ko wala na si Aidan sa gate namin pero nandoon pa rin siya.
Kumaway ako at gano'n din siya sa 'kin. Ngumiti siya't nagsimula na ring maglakad palayo sa bahay namin.
Dahil sa nangyari, hirap akong matulog ngayon.
Anong oras na pero ito pa rin ako, inaalala 'yung scene namin kanina.
Kanina ko pa binubugbog itong unan ko sa sobrang kilig talaga.
Saglit akong napatingin sa maliit kong alarm clock. . . hala! Alas dose na pala?
Nawala lang ang paningin ko ro'n nang biglang may matanggap akong text—hulaan n'yo kung kanino galing!
E 'di... sino pa ba?
Syempre si Aidan!
Paano ko nalaman ang cellphone number niya?
Kasi. . . may naka-save akong number niya, hindi niya lang alam. Kinuha ko 'to sa choir. Ano kasi, may kaibigan ako ro'n na may hawak ng listahan ng contacts kaya ayon, nakuha ko number niya.
From: 09*********
Just got home, sleep well. Btw it's me, Aidan.
Ngayon lang siya nakauwi? Grabe, ginabi na talaga siya. Oh, wait! Sa paanong paraan—
From: 09*********
I know you're wondering on how I get your phone number. It's from your facebook account. I just confirm it now.
Hala siya! Paano niya nalamang iyon ang iniisip ko? Si Aidan may lahing manghuhula, ah.
To: 09*********
Oh, itatanong ko pa lang sana 'yan hahaha! Sa 'yo rin, good night tsaka sleep well, hehe.
From: 09*********
Same with you.
Tulog ka na, haha.
Sige na nga, tutulog na ako.
Hindi ko na siya ni-reply-an pa kahit na gusto pa ng daliri kong mag-type. Nagdesisyon na rin akong ipikit ang mga mata ko't mula roon, nakita ko muli si Aidan...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro