Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kab. 2: Chubby

Santy's POV




"Oh no, guess who's here."

"Hi girls, puwede po bang makitabi ng upuan?" Nakangiting tanong niya sa akin—ay este, sa aming tatlo pala.

Hindi ko alam na ganito pala siya kagwapo sa malapitan at. . . ang bango niya. Napatingala ako sa kanya at saglit na napatitig sa mala-anghel niyang mukha.

Grabe, ang pogi talaga! Shemz.

"A-ah. . . oo naman," tugon ko.

Nautal pa ako sa pakikipag-usap sa kanya subalit noong nakabawi nama'y nginitian ko na rin siya. Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin. Umatras ako sa silya ko para makaupo siya.

Bigla namang lumitaw sa kung saan ang dalawa niya pang kaibigan na kabanda niya rin.

Bali ang nangyari sa upuan namin. Ako, katabi si Aidan at sa katapat ko naman. . . makikita si Mxy na may katabi rin at si Miya, na parang naiinis pa sa katabi niya.

Meet the two boys na ka-bandmates ni Aidan. Sina Rijo at Tyjay. Parehong gwapo pero mas gwapo pa rin si Aidan ko!

Ang lakas lang kasi ng dating niya at para sa akin siya lang ang gusto ko 'no! Kahit na ang popogi rin talaga no'ng mga kaibigan niya, siya lang gusto ko at wala ng iba.

Ganito ako ka-loyal sa crush ko.

"Bakit ikaw pa katabi ko, psh." Inis na singhal ni Miya sa katabi niyang si Rijo.

Oh. Nagtataka siguro kayo sa reaksyon na ito ni Miya kay Rijo, ano?

Ganito kasi 'yan. Ang kuwento ni Miya sa amin, hindi raw niya gusto ang aura ni Rijo. May pagka-playboy kasi ito at isa pang ayaw na ayaw ni Miya ay yaong mga lalaki na ginagawang laro lang ang relasyon. Naiinis si Miya sa mga ganoong klase ng lalaki.

Although, alam kong may rason naman siguro itong si Rijo kaya siya ganiyan. Hindi lang namin alam. Huwag tayong maghusga kasi agad, d'yan tayo nadadali eh.

"Ito, akala mo maganda. Huwag kang magreklamo r'yan. Pasalamat ka nga. . . tinabihan pa kita," paliwanag ni Rijo sa babaeng katabi niya na ngayo'y naka-cross arm na.

"At isa pa, wala kaming choice. Puno kaya 'yong ibang table at nakita namin na kayo lang itong may libreng puwesto kaya nandito kami." Mariing depensa pa ni Rijo na tinarayan lang ni Miya. Meaning na hindi interesado siya sa kuwento ni Rijo.

Lihim akong ngumiti sa nasilayan ko.

Alam kaya ni Miya na may kasabihang, 'the more you hate, the more you love?'  baka lang kasi mangyari sa kanya iyon, eh.

Anong malay natin, hindi ba? Kilalang mapaglaro si tadhana kaya malamang hindi malabo na mangyari iyon sa kanila.

Nag-conclude na agad ako eh 'no? Akala mo talaga may chance na maging sila.

Nawala ako sa isip ko't napalingon sa katabi ko nang bigla itong magsalita sa gitna ng pagtatalo ng dalawang nasa harapan namin.

"Tama na nga 'yan. Tayo na nga lang nakikitabi sa kanila nang-aayaw ka pa, Rijo." Napaawang ang labi ko sa biglang pag-awat ni Aidan sa dalawa.

Grabe, si Aidan nagpaparamdam. Hindi talaga ako makapaniwalang malapit lang ako sa kaniya ngayon. And take note, ito po ang unang beses na narinig ko ang boses niya nang malapitan.

"Tss, siya kasi. Parang ayaw niya ako rito," singhal ni Rijo na parang batang sumimangot pa sa harap ni Aidan.

"Wow. Ano ka, bata?" Biglang sabat ni Miya sa kaniya bago nagtaas ng kilay sa gawi ni Rijo.

Ay, ibang klase talaga. Pinapatigil na nga sila ni bebe ko eh, joke!

"See, Aidan? Ayaw niya talaga," parinig pa ulit ni Rijo kay Aidan. Napabuntong-hininga na lamang si Aidan sa sinabi ng kaibigan.

"Puwede bang kumain na lang tayo? Like, hello? Malapit na po ang next subject natin?" Kunot-noong singit ni Mxy sa usapan.

Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa amin bago siya sumubo ng pagkain niya. Tumango naman ako sa kaniya biglang pagsang-ayon.

At nang matapos na kaming kumain ay sabay-sabay na kaming anim na umakyat. And yes, kasama ko na naman siya.

Pakiramdam ko ang nag-iinit ang magkabilaang pisnge ko ngayon. Hindi naman siguro ako namumula, ano? Argh. Sana hindi, ayokong mahalata!

Nakasabay ko na nga siyang kumain tapos, kasabay ko pa siyang maglakad ngayon papunta sa klase namin. Ewan, simple lang kasiyahan ko at ito ay mapansin ako ng crush kong 'to. At ito na nga, nangyayari na.

Pigil ang ngiting pinagmamasdan ko ang mga kasamahan ko. Siyempre iba ang tingin ko mas lalo kapag napupunta kay crush ang mga mata ko.

Kaagad naman akong napapaiwas ng tingin sa tuwing mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya kaso hayon siya, nakangiti sa puwesto ko.

Nawala nang panandalian ang sayang nararamdaman ko no'ng ma-realize kong magkaiba kami ng room. Iba rin ang floor namin sa floor nila.

Sa 4th floor pa kasi sila samantalang kami, nasa 3rd floor lang. Kaya ito, need na naming maghiwalay ng daan.

"Oh, paano ba 'yan? Hanggang dito na lang girls. Sa uulitin?" Natatawang paalam ni Aidan sa amin na nagpalabas ng ngiti sa labi ko.

Ang gwapo niya kapag tumatawa siya o kahit bungisngis lang, ang gwapo niya pa rin sa paningin ko.

Kaya niyang patigilin ang mundo ko sa simpleng galawan niya, nakakainis!

At dahil sa natameme ako ay sina Miya at Mxy na ang sumagot sa sinabi ni Aidan.

"Sige lang! Sana makasama ka namin sa rondalla." Nakangiting usal ni Mxy sa kanila na siyang nagpangiti rin kila Aidan at Tyjay.

"Sana nga. Wala eh, nasa choir kami pero try namin na sumama sa rondalla para sa inyo." Si Aidan ang sumagot.

At ano raw? Para sa 'kin—este sa 'min sasama sila sa rondalla? Omo. Nakaka-inspire mag-practice kapag gano'n!

Pero sana nga, sana makasama namin sila sa practice! Bakit kasi under sila ng choir at hindi sa rondalla, eh tumutugtog naman sila. Nakakalungkot lang.

"Oh, bakit malungkot ka?" Dagliang lumundag ang puso ko nang makita kong nasa gawi ko ang tingin ni Aidan.

Sheet na malagkit.

"Ito oh, sa iyo na lang itong chocolate." Nakangiting sambit niya saka niya ibinigay ang isang chocolate bar na may tatak na chubby.

Kahit na maliit lang yung chubby chocolate na 'to, may part sa 'kin na gusto kong i-treasure 'to. Eh kasi naman, ito ang unang ibinigay sa 'kin ng almost 3 years ko ng crush!

Dahan-dahang sumilay ang letrang u sa labi ko dahil sa binigay niya. Inabot ko kaagad iyon saka nagpasalamat sa kanya.

"S-salamat." Mahinang sabi ko na binungisngisan ng pareho kong kaibigan.

Pinanliitan ko sila ng mga mata ko subalit binawi ko rin agad iyon dahil baka mapaghalataan ako ni Aidan.

"Una na kami," paalam ni Tyjay na tinanguhan naming tatlo. Pagkaakyat nila'y tumuloy na kami sa paglalakad.

Dahil sa pag-iisip ko, ay mali.

Nang dahil sa pagbabalik-tanaw ko ay hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa classroom namin at dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina ay siya lang ang naging laman ng utak ko sa buong klase. Kaya ang kinalabasan, lutang ako buong araw.

Iniisip ko kung gaano siya kapogi sa malapitan. Makinis, maputi siya. Pero ba't gano'n? Ang gwapo niya pa rin kahit saang anggulo. Napapagulo niya tuloy utak ko. Wait, what?

Ang korni ko banda ro'n, hahaha!

Nasa isip ko pa rin kung paano siya magsalita. Ang sarap sigurong i-ringing tone ang boses niya ano or alarm? Gaganahan siguro akong pumasok nang maaga kapag nagkataon.

At habang ako'y kinikilig at nagpipigil ng tili rito ay napahinto ako nang biglang may humarang sa akin.

"Ikaw ah, kinikilig ka na naman!" Tila mas kinikilig pa sa 'kin na sabi ni Mxy. Natawa lang ako sa kanya.

Infairness, good mood na siya pagkatapos namin kumain.

"Oo nga, hindi porket nakasama mo crush mo. Hayst. Nakakainggit tuloy. Wala kasi akong crush dito sa school eh." Wala sa sariling komento ni Miya.

Sabay pa kaming tumingin ni Mxy sa isa't isa.

"Weh, wala nga ba?" Takang tanong ni Mxy na ikinakunot ng noo ni Miya. Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Huh, wala naman talaga." Inosenteng tanggi niya pa.

"Lol. Sino si Rijo, sige nga? Wala pala, ha." Ntatawang singit ko.

Iniwan ko sila sa harapan. Sumunod din naman sa akin papunta sa upuan namin. Nauna nga lang ako napaupo sa upuan ko.

"Hoy, walang malisya sa amin ni Rijo! Nakakainis kaya siya!" Hayan na po, defensive si Ate Miya niyo.

"The more you hate, the more you love, Miya." Makabuluhang wika ko na nagpatahimik sa kanya bago tumabi na sa akin.

Ganoon din ang ginawa ni Mxy ay, nga pala. Nasa gitna nila akong dalawa, nakaupo.

Hindi na kami nakapag-asaran pa dahil dumating na ang titser namin at noong natapos ang buong klase ay nagpahabol ng utos ang adviser namin sa akin. Actually, siya ang last subject namin ngayong araw.

Ang sabi niya, pagkatapos ko raw maglinis ng classroom dalhin ko ang mga permission slips o mas tinatawag naming waivers doon sa faculty room nila.

Tumango lang ako at sinunod siya. Nagpaalam na rin sa akin sina Miya at Mxy na uuwi na sila at pumayag naman akong mauna na sila.

Naiwan ako saka yung iba pang cleaners sa classroom.

Nang matapos namin ang paglilinis ay inipon ko na yung mga waivers na sinasabi ni Ma'am na dalhin ko sa faculty.

Pinad-lock na no'ng leader namin ng tuesday cleaners ang room saka sila nagsiuwian samantalang ako, kailangan ko pang pumunta sa faculty para sa waivers. Huminga ako nang malalim.

Ang hirap pa lang maging secretary, ano?

Habang naglalakad ako sa hallway ng school namin ay may biglang humarang sa akin na naging dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

At sino naman itong—omo, ikaw!?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro