Kab. 19: Broken Hearted
Devaniel's POV
Kasalukuyan akong narito sa isang night bar club, nakikinig sa kasamahan kong. . . ngayon e halos hindi ko na rin makausap nang matino, kabanda ko siya't matalik ko ring kaibigan.
Si Tyrune Jayvie.
Brokenhearted daw siya dahil sa first time niyang makatanggap ng rejection mula sa isang babae na kailan niya lang naman nakilala pero iyon, tinamaan daw talaga siya ro'n e.
"Tang*na, Dre! Ang sakit pa lang ma-busted," pagmamaktol ni Jayvie sa harapan ko.
Hindi mo malaman kung iiyak ba siya, galit o ano.
Akmang tutungga pa sana siya ng isa pang bote ng empi pero hinawakan ko ito't inilayo sa kaniya. Tiningnan niya naman ako nang masama.
Ang hirap kayang mag-uwi ng lasing.
"Siraulo ka. Hindi ba nga, sabi mo. . . wala siyang intensyon na i-busted ka? Sinabi niya lang na may gusto siyang iba at wala naman siyang sinabi na hindi ka niya gusto kaya magtigil ka sa kakadrama mo, tss." Inis kong sermon sa kaniya na binalewala niya lang kaya ito, napabuntong-hininga na lamang ako.
Ang hirap talagang magpayo sa taong lasing na, tanga pa.
"Gano'n din 'yon! Mongoloid." Awtomatik na naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
Tumungga ulit siya ng isang shot glass na may laman na alak na nasa harapan niya lang. Teka, bakit 'di ko 'yon napansin kanina no'ng nilayo ko itong empi?
"Ano ba!? Hindi kita kayang buhatin kaya 'wag kang masyadong magpakalasing d'yan," singhal ko na tinawanan niya.
Hala, nabuang na.
"Gunggong! Ano pang purpose ng paa ha, Liam? obob ka rin talaga minsan e, kaya nga may paa para makalakad e." Sinubukan kong pahabain pa 'tong pasensya ko na kanina pa nauubos dahil sa mga pinagsasabi niya.
Mabuti na lang talaga bestfriend ko 'to kasi kung hindi, kanina ko pa 'to iniwan at hinayaan na gumawa ng eksena rito.
"Sa totoo lang. . . 'di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko no'ng narinig ko siyang sabihin iyon sa 'kin, " aniya habang nakatingin sa round glass table na nasa pagitan naming dalawa.
"Dre, sinabi ko naman sa 'yo dati na hindi lahat ng na-love at first sight nagkakatuluya—"
"Tantanan mo nga ako sa pagan'yan mo, Liam." Seryosong anas niya saka umiwas ng tingin sa 'kin.
Siya na nga itong pinapayuhan, siya pa itong nang-aano. Hays, ewan ko na lang talaga.
"Pero Liam, ang suwerte mo." Napatitig ako sa mukha niya nang marinig ko ang palayaw ko.
Mukhang nagbabalak na 'tong mag-iba ng topic ah.
"Ang suwerte mo sa part na may Charleine ka pa rin kahit na 'di ka approved doon sa tatay niya," mahinahong wika niya dahilan para mapaisip ako bigla.
Saglit akong tumahimik at hinayaan siyang magsalita sa harapan ko.
"Tapos, umabot pa kayong 2 years 'no o 3 years?" Kunot ang noo niyang tanong.
"Actually, 2 years na kami. . . road to 3 years na," tugon ko. Ngumiti naman siya sa 'kin.
Ramdam ko ng may tama na 'tong si Jayvie, nagsisimula na siyang dumaldal e.
"B-biro mo, parang dati lang. . . pangarap mo lang na siya 'yung makasama mo tapos ngayon. Hayan na. . . naging kayo na nga talaga," usal niya bago tumawa. "M-masaya ba magkaroon ng jowa, Liam?" dagdag pa niya.
"Hindi." Napatitig si Jayvie nang marinig ang naging sagot ko.
Nakuha ko ang atensiyon niya't ngayon ay nakatutok na ang paningin niya sa 'kin, naghihintay ng kung ano man ang kasunod nitong nasabi ko sa kaniya.
"I mean. . . oo, masaya magkaroon ng girlfriend pero, 'yung alam mo sa sarili mo na hindi mo siya p'wedeng ipagsigawan sa mundo—na kailangan n'yo pang magtago para walang masaktang tao dahil sa relasyong mayroon sa inyong dalawa..."
"Dre, ang lungkot lang kasi ginusto naman namin ito pero tanging Daddy niya lang ang ayaw," malungkot kong kuwento na tinanguhan naman ni Jayvie.
Inayos nito ang tindig niya saka inilagay sa bandang ulo niya itong dalawang braso niya't saka sumandal sa inuupuan niya.
"Tama ka n-naman d'yan," pagsang-ayon pa niya sa sinabi ko.
"N-naniniwala rin naman kasi ako na mas m-maganda pa ring legal k-kayo both sides tapos. . . payag pa 'yong m-magulang ninyo pareho. Siguro nga, m-mas masaya ang g-gano'n," pahintu-hintong komento niya.
Para siyang nasinok na ewan, utal-utal kasi siya.
"Sa totoo lang, masaya siya kasi may kasama ka at ramdam mong 'di ka mag-isa pero 'di 'to madali. Wala namang madali sa mundo e. Marami muna kayong pagdadaanan para tumibay 'tong pundasyon na mayroon itong relasyon n'yo." Wala sa sariling naiusal ko.
"Oh, talaga ba?" Sinamaan ko siya nang tingin pero tinawanan niya lang ako. Huminga ako nang malalim bago kumuha ng pulutan niya.
"Pero. . . sa tingin mo ba? Sino kaya 'tong gusto ni Santy? Kilala ko kaya? Ay teka, baka 'yong lalaking kasama nila palagi? Tingin mo, Liam. . . siya?" Napangiwi ako no'ng binalik niya ulit sa usapan si Santy.
Iba talaga tamaan itong buang na 'to. Gustung-gusto talaga si Santy e 'no?
"Aba, malay ko. Dapat tinanong mo kung sino gusto niya," balik-tanong ko sa kaniya at iyon, napabuntong-hininga siya sa sinabi ko.
"I can't tell nga raw!" Natawa ako noong pilit niyang ginaya 'yong boses ni Santy.
Lintek na. Hindi siya puwedeng mag-dub ng babae masyadong halata, haha—biro lang.
Pansamantalang tumigil kami sa pagkukuwentuhan nang biglang nag-vibrate itong cellphone ko.
Awtomatik na sininghalan ako ni Jayvie, alam niya kasing girlfriend ko 'tong tumawag, haha.
Bitter, tss.
"Hi Veb, bakit gising ka pa?" bungad ko sa kaniya.
Alas dyes na kasi ng gabi e sa pagkakaalala ko, madalang lang kasi siyang gising sa ganitong oras — maaga kasi siya natutulog.
["Liam..."] Nalungkot bigla ang maaliwalas kong mukha dahil sa tono ng pananalita ni Rleine mula sa kabilang linya ng phone.
May problema kaya siya?
"Anong nangyari? Kuwento dali," malumanay kong sabi. Narinig kong nagbuntong-hininga si Rleine.
["Sorry."] Sinsero niyang saad na nagpakaba sa dibdib ko.
"Bakit? Anong meaning ng sorry na 'yan, Veb?"
["Basta, ano. . . sorry."] pag-uulit pa niya sa naunang nasambit niya.
"Huwag kang gan'yan, please. Magkuwento ka naman sa 'kin," nag-aalalang saad ko dahilan para mapatingin sa mukha ko itong si Jayvie na nasa tapat ko lang nakaupo.
["May ginawa kasi si Daddy, ahm. I need to go back in US na kasi. . . may kasal na hinanda si Dad."] Awtomatik na nagkunot ang noo ko at napaisip.
A-anong kasal? Anong ginawa na naman ba ng Daddy ni Charleine?
Shit.
Ramdam kong nanginginig ang kamay ko't ang bilis na rin ng pagtibok ng puso ko. Kaagad akong napainom ako ng juice nang maramdaman ko ring parang natutuyot ang lalamunan ko.
Nararamdaman ko na'ng hindi ito maganda. . . na para bang may puwedeng mangyaring masama, base sa tono ni Rleine.
Bakit ba kasi ganito? Nag-aalala ako para kay Rleine, para sa aming dalawa...
Napalunok ako't pinakalma ang sarili ko bago nagsalita ulit. "Kailan ka aalis? Tsaka. . . kasal nino?"
Pasimple akong lumingon sa kasama ko at iyon, nahuli ko siyang tutok na tutok sa mga sinasabi ko at halatang ineeksamin niya rin itong reaksyon ko.
Lasing ba na talaga siya o may tama lang, tsk. Pinagloloko yata ako nito.
Kunot ang noo ko siyang tiningnan at ngumisi naman siya sa 'kin sabay sabing, "pa-chismis."
Nag-peace sign pa ang loko, tss.
Hindi ko na siya pinansin pa't itinuon na lang sa kausap ko ang atensyon ko. ["Bukas ng umaga ako aalis at k-kasal ko 'yon..."] Dahan-dahan kong ikinuyom ang mga kamay ko.
Ano! Bukas na kaagad siya aalis?
At...
Ikakasal na siya?
Maisip ko pa lang na ikakasal na siya sa iba, ang sakit na.
"Ikakasal ka kanino?!" Pilit kong pinigilan ang galit na namumuo sa dibdib ko ngayon.
Shit. Huwag mong sabihing talagang inilalayo na ko kay Charleine? Dahil 'di ko talaga kakayanin kung sakali man na mangyari iyon.
["Gumawa kasi ng arrange marriage si Dad. Nakalagay sa kontrata ang pangalan ko at pangalan nitong mapapangasawa ko. And I don't know how he get my sign. Nakalagay sa kontrata 'yung pirma ko."]
["Promise Liam, I really don't know bakit nakapirma ako ro'n kahit hindi naman talaga akong pumirma. Gusto kong mag-backout, Veb. But how? Palagi na lang si Dad ang kumokontrol sa lahat..."]
Huminga nang malalim si Charleine, ramdam ko ang lungkot niya mula sa kabilang linya at nasasaktan ako kapag ganito siya.
"Veb, magtanan tayo."
Nanlaki ang mata ni Jayvie sa 'kin, halatang 'di siya makapaniwala na nasabi ko iyon pagkatapos ay tumingin pa siya na para bang sinasabing, nahihibang-ka-na-ba?!
["Ahm. . . Liam, an—Dad!"] Naputol bigla ang linya.
What the.
Nahablot pa yata ng Daddy niya 'tong phone niya. Pagkababa ko ng phone ay nagmadali akong tumayo pero nahablot ako ni Jayvie.
"Anong binabalak mo? Pupuntahan mo siya?! Tapos ano? Magtatanan kayo? Mabubuhay mo ba siya ha, Liam?" Sa pikon ko'y nanlilisik ang mga matang sinagot ko siya.
"Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong puntahan si Rleine ngayon, kailangan niya ako, Jayvie. At 'di ko hahayaan na basta-basta lang siya mawala nang ganito, na 'di ko man lang siya naipaglaban kahit sa sariling ama pa niya." Prangka kong sagot na nagpatahimik sa kaniya.
Pinaharorot ko ang kotse ko papunta sa bahay nila Charleine. Pagkarating ko roo'y gigil akong nagpipipindot sa doorbell nila. Wala akong pakialam kung makaabala ako. Kailangan kong makita girlfriend ko.
Charleine. . . Veb, please.
Nakita kong sumilip sa bintana si Rleine kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Bumaba siya mula sa 2nd floor ng bahay nila hanggang dito sa gate. Siya ang nagbukas sa akin ng tarangkahan nila.
Daglian ko siyang niyakap nang mahigpit. Yumakap din siya pero bumitaw din. Nagtaka ako kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit? May problema ba, Veb? Puwede naman nati—"
"No, Liam. H-hindi puwede. . . 'di puwede 'yong gusto mong mangyari." Mas lalo akong nagtaka dahil sa inaasta niya.
Napatitig ako sa dalawang mata niya, sinusubukang alamin ang dahilan kung bakit ganito siya ngayon sa harapan ko — subalit, bigo akong mahanap iyon.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "V-veb, talaga bang magpapakasal ka na sa iba?" Pinilit kong itago ang sakit na kasalukuyang nararamdaman ko sa kaniya.
"Oo. Tomorrow, kailangan kong bumalik sa US. At. . . hindi na ko babalik pa rito. As I've said earlier, ikakasal na ko pero wala akong sinabi kung kailan."
Mas lalo lang akong nasaktan dahil sa sinabi niya pati ekspresyon niya sa mukha, grabe. Sobrang sakit sa mata makitang ganito siya sa 'kin ngayon.
"Veb, huwag ka naman ganito." Malungkot kong wika, hinawakan ko pa ang kamay niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay bigla na lang din tumulo mula sa dalawang mata ko ang tubig — tama, umiiyak na naman ako nang dahil sa kaniya.
"Aidan, please. Umalis ka na rito. Pagagalitan ako ni Daddy kapag nakita ka niya rito."
Bahagya akong napaatras palayo sa kaniya. Napaawang ang labi ko't binitawan ang kamay niya. A-ano raw?
Aidan?
Sobrang bihira niya lang akong tawagin sa first name ko, madalas kapag nagagalit siya o naiinis pero minsan lang siya gano'n at ang sakit kasi parang ito na yata ang huling pagkakataon na maririnig kong sambitin niya ang pangalan ko.
"Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo, pinagbantaan ka ba ng Daddy mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"H-hindi."
"Sinabihan ka ba niya na mawawala ako sa 'yo? Rleine, hindi naman mangyayari 'yon e. Hindi ba't may promise pa tayo, 'di ba? Rleine, huwag mong sabihin na hindi mo na tutuparin 'yon." Pigil ang luhang sambit ko sa kaniya.
"L-liam, let's stop this."
Nakaramdam din akong maiiyak na rin siya kaya niyakap ko siya. Hindi ko matanggap na sa kanya mismo manggagaling ang mga salitang 'yan.
H-hindi ko kaya. Maisip ko pa lang na wala na akong Charleine sa buhay ko, ang sakit na e — sobrang sakit.
"Liam, it's not true na hindi ko alam na pinirmahan ko 'yung contract na 'yon kasi Liam. . . ginusto ko rin," pabulong pa niyang sabi sa 'kin.
Walang sabi-sabi'y napabitaw ako sa yakap dahil doon. Nagkagat-labi siya. Namuo bigla ang inis sa katawan ko.
"Ano?! Naglolokohan ba tayo rito, Rleine? Ano ba talaga? Veb, sabihin mo 'yung totoo. Hindi ako naniniwala kasi sinabi mo kanina na—"
"Liam, break na tayo. . . tama na."
Halos madurog ng pino ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"H-ha. . . bakit? Gano'n lang ba kadaling itapon sa 'yo 'yung halos tatlong taon? Rleine, huwag ka namang ganito, Veb. . . please. Takte naman e, ang sakit. Ang sakit-sakit." Tila batang reklamo ko sa kanya na nagpaiyak din sa kanya.
"Sorry, Liam..." mangiyak-ngiyak niyang wika. Yumakap ako sa kaniya pero may naghiwalay sa amin.
"Anong kadramahan 'to?! Ikaw lalaki, baka gusto mong lumayas na rito? Nakakabulabog ka na. Tama bang gabi dumalaw, ha?" Biglang entrada ng Daddy niya saka nito inilayo si Charleine sa 'kin.
"Tito—"
"Tumigil ka! Hindi kita kamag-anak kaya huwag mo akong tatawagin na para bang tanggap kita dahil sa pagkakaalala ko, na sigurado naman akong alam mo na kailanman 'di kita matatanggap sa pamilya ko o maski para sa anak ko," maawtoridad niyang saad dahilan para mapalunok ako.
"Umuwi ka na at baka kung ano pang magawa ko sa 'yo. Pinaiyak mo pa itong anak ko, aba. Tsk. Wala akong pakialam sa 'yo pero sa anak ko. . . meron kaya umalis ka na," pagtataboy niya sa 'kin.
Napaatras pa ako dahil sa pagduduro niya sa noo ko saka niya ako padabog na sinaraduhan ng gate nila.
Nakita kong marahas niyang binitawan si Charleine sa loob ng bahay nila. Habang si Rleine, umiiyak na tumingin pa sa gawi ko.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero isa lang alam ko, nasasaktan ako.
Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari? Sa halos tatlong taon ganito lang pala ang mapapala ko?
Hindi na ako nagpumilit pang pumasok sa bahay ng girlfriend ko, ex na pala.
Ngumiti ako ng mapait dahil sa nasabi ng isip ko. Ex-girlfriend? Parang ang sakit naman.
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa hindi ko namalayan na patawid na pala ako.
Hindi ko pa malalaman na nasa pedestrian line na ako kung hindi ko pa narinig 'tong malakas na busina ng truck.
Mabuti, 'di pa niya ako tinuluyan. Blanko ang mukha kong tiningnan ang mamang driver na kasalukuyang galit na galit na nanenermon sa akin ngayon.
Wala akong ganang makinig sa kaniya.
Lalagpasan ko lang sana 'yung truck pati 'yung driver nang biglang may humugot ng damit ko papunta sa kabilang side ng tawiran.
Teka.
Sino ba 'to...
Santy?
Salubong ang dalawang kilay kong tinitigan siya.
"Anong ginagawa mo? Kamuntikan ka ng mabangga doon oh, Aidan..." Humina 'yong boses niya no'ng napansin niyang nakatingin lang ako sa kaniya.
"Bakit mo ko hinila papunta rito?" Walang emosyong tanong ko na binalewala 'tong naging tanong niya sa 'kin.
"Eh kasi, n-nakita kitang patawid dito so akala ko tatawi—"
"Sa susunod. . . huwag mo kong pakikialaman," pagputol ko sa dapat na sasabihin niya saka ako umalis sa harapan niya.
Dere-deretso akong naglakad ulit. Umaasang dadalhin ako ng mga paa ko sa lugar kung saan magiging okay ako at kapag minamalas ka nga naman, nakita ko na naman 'yong taong pinagsabihan ko kanina.
"Ano bang ginagawa mo? 'Di ba sinabihan na kitan—"
"Oo, alam ko. Wala naman sigurong masamang sabayan kita 'di ba? Naglalakad lang ako sa likod mo. Sinabihan mo lang akong huwag kitang pakialaman kaya ito, hindi na nga dapat kita pakikialaman e kaso nagtanong ka. . . so 'yon."
Hindi naman siguro siya madaldal 'no.
Hindi ko na siya pinansin pa. Pumunta na ako sa isa sa mga bench na nandoon sa park saka tumingala.
Napapikit ako at kasabay ng pagpikit na iyon ang pagpatak ng luhang hindi ko akalaing tutulo sa mga sandaling ito.
Hinayaan kong umiyak ako habang nakapikit. Napahinto lang ako nang makaramdam akong may tumabi sa akin ng upo.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko upang makita kung sino itong tumabi sa akin at tama naman ang hula ko, si Santy nga.
"Dito lang ako. Hindi malayo, hindi rin gano'n kalapit. Hayaan mo lang na umiyak ang sarili mo dahil minsan, doon mo lang mailalabas lahat ng gusto mong ilabas mula sa puso mo," makabuluhang payo niya dahilan para mapaluha muli ako.
Ang sakit lang kasi. . . iyong almost three years, nasira dahil sa pesteng arrange marriage na 'yan.
Iniwas ko ang paningin ko kay Santy. Iniangat ko ang tingin ko at doon ko nakita kung gaano kaganda itong buwan ngayong gabi.
Sandali, full moon pala ngayon?
Kasabay ng magandang liwanag na nagmumula sa buwan ang pagkislap ng mga bituin sa paligid nito at. . . ang ganda.
Bigla ko na namang naalala 'yong mukha ni Rleine sa buwan. Bakit ba kasi siya gano'n? Bakit ang bilis? Bakit ganito kasakit? Nakakainis.
Napalunok ako ng laway ko. Ang dami kong tanong. Mapait akong napangiti sa naisip ko.
Ang dami ngang tanong, kahit wala naman kasiguraduhang may sasagot.
Parang dapat ko ng damayan si Jayvie ngayon ah? Gusto ko ring magpakalasing baka makalimutan ko 'to. . . baka mawala ito—
Nawala ako sa iniisip ko nang bigla siyang magsalita. "Ang ganda ng buwan ngayon, ano?" Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Alam mo ba 'tong kuwento nilang dalawa ni Araw?" Huminga siya nang malalim samantalang ako, nanatiling nakatingin lang sa purong puting buwan.
"Dati kasi. . . magkasama sila. Dumating sa punto na itong si Araw nasaktan dahil kay Buwan," panimula niya.
"Gustong magsolo ni Buwan pero ayaw ni Araw. Not until noong may na-realize si Araw. Naisip niya, bakit gustong magsolo ni Buwan? Bakit gusto niya siyang iwanan? Hindi na ba siya mahal nito? Basta, ang dami niyang tanong pero wala ni isa doon ang hinanapan niya ng sagot. Hanggang sa..."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong 'di mapatingin sa puwesto niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkainteres sa kuwento niya...
Siguro kasi, medyo tugma ito sa kung ano ang sitwasyon namin ni Rleine? Ahm, maybe.
"Hanggang sa?" Medyo nag-crack ang boses ko pero alam ko sa sarili kong malinaw naman 'yung pagkakasabi ko.
"Nakikinig ka pala." Napangiti siya at wala akong ideya sa dahilan ng pagngiti niyang 'yon.
"Inumpisahan mong ikuwento kaya dapat tapusin mo." Wala sa sariling naiusal ko saka ibinaba ang tingin sa damuhang kasalukuyang tinatapakan naming dalawa.
"Hanggang sa ma-realize ni Araw na kung kayo talaga ang para sa isa't isa then sa huli magiging kayo pa rin. Kaya ang ending, hinayaan niyang magsolo si Buwan, kasama iyang mga anak niyang bituin."
Bahagya niya pang tinuro 'yung maliliit na bagay na ngayo'y kumikislap sa langit which is. . . mga bituin daw, sabi nga niya.
"Hinayaan ni Araw na iwanan siya ni Buwan. Kaya sa tuwing sasapit ang gabi, nalitaw si Buwan para mag-shine. Then si Araw naman sa umaga. Dahil sa gano'ng paraan, 'di man sila magtagpo ulit. . . still, they can support each other by letting themselves to have freedom sa bawat isa."
Pakawalan ang isa't isa para maging malaya? Tama ba pagkakaintindi ko sa kuwento niya?
"Alam mo, ikaw. . . hindi ko makuha 'yung buong kuwento mo kasi ang gulo mo magkuwento," komento ko pagkatapos kong makagawa ng tanong sa isip ko.
Medyo naguluhan kasi ako sa takbo ng pagkukuwento niya pero nakuha ko naman 'yong pinupunto ng kuwento, ang kaso — konti lang talaga 'tong naintindihan ko.
"I know pero nakinig ka, hihi." Napangisi ako sa tawa niya.
Mabuti aware siya na magulo siyang magkuwento, haha.
"Pero. . . nakuha ko 'yong lesson sa kuwento mo, salamat." Sinsero kong sabi bago ngumiti sa harapan niya.
Sobrang sakit ng araw na 'to pero dahil sa kaniya kahit paano gumaan naman pakiramdam ko.
Maraming salamat, Santy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro