Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kab. 17: Girlfriend

Devaniel's POV
*Click the media to
know his ringging tone.*






Daglian akong napakapa sa bulsa ko no'ng biglang tumunog at mag-vibrate ang cellphone ko.

Panandalian kong tiningnan muna ang screen bago ko ito sinagot, sumilay kaagad ang ngiti ko nang malaman ko kung sino itong tumawag sa 'kin.

"Veb! Napatawag ka yata, may problema ba?" malumanay kong saad sa kanya na tinawanan niya mula sa kabilang linya dahilan para mangunot ang noo ko.

["Aww, wala 'no. Masama bang tawagan ang boyfriend ko? I miss you, Veb."] aniya na nagpahinahon sa 'kin. Saglit akong huminga nang malalim.

Mabuti naman.

Akala ko kasi kung ano, madalas kasi siyang napapatawag kapag may gusto siyang ikuwento, o ano.

"I miss you too. Kumusta ka na pala?" tanong ko habang nagliligpit ng gamit kong nakakalat ngayon sa desk ng arm chair ko.

Kasalukuyan kasi akong nasa classroom, kakatapos lang ng klase namin at ito. . . breaktime na.

["Ahm. . . ano, ayos lang ako. Ikaw?"] tugon niya mula sa kabilang linya.

Nang matapos ako sa pagliligpit ng gamit ko ay muli akong napaupo sa arm chair ko. Hinayaan ko ang sarili kong sumalampak doon habang kausap ko siya.

"Bakit parang malungkot ka?" anas ko nang mahimigan ko ang tono niya.

Tunog malungkot kasi ito kaya, minabuti ko na ring magtanong sa kaniya.

["Actually..."] pambibitin niya at ako naman itong si, naningkit ang matang hinintay ang kasunod niyang linya.

["I have a surprise for you, and guess what?"] Narinig ko siyang tumawa kaya naibsan itong pag-aalala ko sa kaniya.

Akala ko malungkot siya, nawala sa isip kong magaling pala siya umakting, tch.

Napangisi ako sa naisip ko't saka ko siya sinagot, "Sabihin mo na aba, ipapahula mo pa sa 'kin e alam mo namang mahina ako ro'n."

Tumawa ulit siya bago muling nagsalita. ["I'm finally here, nakauwi na ako, Veb! And I'm currently standing now sa harapan ng school mo, nandito ako sa gate, hihi."]

Namilog ang dalawang mata ko't napaawang ang labi ko sa narinig ko mula sa kaniya. Wala sa sariling napatayo kaagad ako sa upuan ko at dagliang sumilip sa bintanang mayroon kami sa classroom.

Awtomatik na napangiti ako nang makompirma kong nandoon nga siya, hindi ito joke—umuwi na talaga siya!

"What the! Bakit ka nandito?"

"Hala siya, ayaw mo ba? Sige aalis na ak—"

"No! Nagulat lang ako, Veb. Just wait me there, 'wag kang aalis ha!" Hindi ko na naitago ang excitement sa buong katawan ko no'ng nakita ko siya ulit.

["Sige, ingat sa pagbaba."] payo niya nang makita ako mula sa fourth floor ng school building kung saan nakapuwesto ang classroom ko.

Sabay kaming ngumiti sa isa't isa bago ako tuluyang lumabas ng classroom.

"Hello. . . Veb," pagtawag ko sa kaniya.

["Yes po?"] Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ang epekto niya sa 'kin.

Alam ko at ramdam kong kahit sa simpleng pagtawag niya lang sa 'kin sa cellphone, masaya na ako. Parang timang man. . . pero kinikilig talaga ako mas lalo na ngayong nandito na siya, ulit.

Sobrang na-miss ko na siya!

"Huwag mong ibaba itong call, ha? I love you," sambit ko bago muling ngumiti.

["Sige, Veb. I love you too!"] Hay grabe, ang sarap ma-inlove nang paulit-ulit sa babaeng 'to.

Lakad-takbo na talaga itong ginawa kong pagbaba ng hagdan at aminado akong nakakapagod pero 'di ko iyon ininda.

Para sa taong mahal ko, hindi ako mapapagod.

At no'ng nakita ko siya ro'n ay patakbo ko siyang nilapitan at sinunggaban ng isang mahigpit na yakap.

Sobrang na-miss ko 'tong girlfriend ko na 'to.

"Bakit hindi ka nagpasabi na pupunta ka pala ngayon? At bakit, 'di ako na-inform na ngayon ka pala uuwi, ha?" Kunot ang noo kong tanong habang nakayakap sa kanya.

"Surprise kasi dapat," aniya bago siya tumawa sa harapan ko kaya ito, tumawa na lang din ako kasabay niya.

Sabay naming binaba ang call at muling niyakap sa isa't isa. Nang matapos ay saglit ko siyang hinalikan pero sa pisngi lang niya.

Napaigtad siya sa ginawa ko at napangiti rin sa huli. "I love you," muling sambit ko.

"I love you too," tugon niya.

Hinawakan ko ang kamay niya't pinaalam sa guard na bisita ko siya kaya pinayagan na rin niyang pumasok ng school itong girlfriend ko.

Winagayway ko sa hangin ang magkahawak naming kamay at tumawa lang siya sa ginawa kong iyon.

Ngayon na lang ulit ako na-excite nang ganito kasi syempre makakasama ko ulit itong babaeng 'to ngayong araw. The last time kasing nakaramdam ako ng excitement is no'ng may nakabangga ako. . . at noong sabado lang 'yon nangyari.









09/01/2018 12:15 PM SIM1

From: Rleine Mahluvs
Veb, Gusto ko lang ipaalam na...

To: Rleine Mahluvs
Na?

From: Rleine Mahluvs
Soon, magkikita na ulit tayo hihi.

To: Rleine Mahluvs
Pinapa-excite mo naman ako, Veb.
Basta, ingat ka lagi ha? Huwag ka papalipas ng gutom d'yan.

From: Rleine Mahluvs
Aww. Ang sweet naman nito, opo magpapabusog ako lagi kaya huwag ka mag-alala, lmao.

To: Rleine Mahluvs
Good. Ily ♡

From: Rleine Mahluvs
I love you too!
Anyways, baka next week ang uwi naman d'yan sa inyo kaya konting wait na lang tayo, Veb!
I miss you na talaga huhu.

To: Rleine Mahluvs
I miss you too.
Hindi ako nagmamadali, okay lang kung ma-delay kayo ang mahalaga babalik ka. . . ang pangako mo, Veb.

From: Rleine Mahluvs
I will not break that promise!
I love you, ulit hehe <3

Kasalukuyan akong naglalakad sa forth floor ng building na ‘to habang ka-text ang girlfriend ko. Napahinto ako nang may maramdaman akong tao.

Nako naman, masyado kasi akong tutok sa cellphone ko kaya ‘di ko napansing may mababangga pala ako.

Panandalian akong napakamot sa buhok ko, mabilis kong tinago ang phone ko sa bulsa ng pants ko bago ko siya inalalayan.

Tinulungan ko siyang tumayo sa pamamagitan ng pag-abot ng kamay ko na inabot niya rin kaagad tsaka siya tumayo bago pinagpagan ang sarili saka tumingin sa ‘kin.

Oh, I knew her. . . pamilyar siya-

“Hi,” bulong niya na binalewala ko — teka, ako ba kausap nito?

Luminga ako sa paligid ko at mukhang balak talaga akong iwanan nila kuya rito. . . pero no’ng nakita ko sila’y patakbo ko silang sinundan at iniwan ‘tong nakabangga ko.

Shit, nakalimutan ko pang mag-sorry.

Babalikan ko sana siya para magsabi ng sorry kaso nakita ko siyang patakbo ng lumapit sa isang lalaki na sa pakiwari ko ay kuya niya. . . medyo hawig kasi sila e.

Inalis ko na ang paningin sa kaniya saka tumuloy sa paglalakad papunta sa masarap na kainan na gustong subukan ng nanay ko.

Pagkatapos kumain ay nagkaroon kami ng free time para gumala. Kani-kaniya kami ng lugar na pinuntahan maliban lang kay Mommy na nag-stay muna sa hotel kung saan kami tumuloy ngayon.

Hinayaan niya kaming gumala mag-isa, kami nila Kuya at binigyan ng budget kung sakali man na may gusto kaming bilhin o ano.

At ang unang pinuntahan ko ay itong strawberry farm. Gustung-gusto kong nagmamasid sa bukid kaya ko pinuntahan ito at isa pa, masarap lumanghap ng sariwang hangin dito.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagmumuni no’ng may napansin akong pamilyar ang suot. Sandali, siya ‘yong...

Nilapitan ko ito at kinompirma kung sino at tama nga ang itong hinala ko. Siya ‘yung babaeng nakabangga ko kanina lang doon sa hotel.

Huminga muna ako nang malalim bago naglakas-loob na kausapin siya. Pasimpleng kinalabit ko siya at bahagya siyang nagulat kaya medyo natawa ako.

“Ba-bakit po?” takang tanong niya. Napatingin ako sa mukha niya at natawa ako sa reaksyon niya.

Ang cute lang tingnan, haha.

“Wala naman. Anyways. . . sorry pala kanina, ha?” Sinsero kong sabi.

“Ah, iyon ba? Wala ‘yon. Ang mahalaga natulungan mo akong tumayo agad,” paliwanag niya na tinanguhan ko.

Palihim ko siyang pinanliitan ng dalawang mata ko.

Wait lang, kilala ko ‘to e.

Saglit akong nag-isip saka inalala itong pangalan niya at wala pang isang minuto’y naalala ko naman ito.

“You’re Santy, am I right?” paninigurado ko na tinanguan niya.

Good! Tama ‘yung pagkakaalala ko ng name niya.

Hindi kasi ako pamilyar sa mga pangalan pero matandain naman ako sa mga mukha ng nakakasalamuha ko.

“Wow. Natatandaan mo pa pala pangalan ko,” namamanghang komento niya na tinawanan ko.

Late reaction, I guess?

Talagang tumango muna siya bago nag-react sa sinabi ko.

Magsasalita pa sana ako pero bigla siyang sumingit kaya ito, napatahimik ako.

“Ahm. . . bakit ka pala nandito sa Baguio? May performance ba surepluz mamaya?” tanong niya na sinagot ko naman.

“Wala naman, may family bonding lang. Isa kasi 'to sa gustong puntahan nila, Kuya.” paliwanag ko, tumango naman siya sa sinabi ko. “Ikaw ba?” baling ko sa kaniya.

“Unlike sa ‘yo na family bonding, e ‘tong sa amin naman. . . family reunion,” tugon niya.

“Anong unlike, pareho lang naman ‘yon. Mas masaya nga reunion kasi marami kayo,” natatawang komento ko.

Tama naman ako a, pareho lang naman talaga ‘yun.

Panandaliang tumahimik ang atmospera sa pagitan namin ng babaeng kausap ko ngayon. Napabuntong-hininga ako't nagpasya na lang na magmasid sa paligid.

Walang anu-ano'y napasinghap ako. Ang sarap talagang lumanghap ng sariwang hangin.

Bahagya akong napapikit habang pinapakiramdaman ang hangin subalit bumalik din ang atensyon ko sa babaeng kausap ko no'ng muli siyang magsalita.

“Ahm. Aidan...” Napalingon ako sa puwesto niya. Nakatungo siya’t kasalukuyang nilalaro ang daliri niya. 

“May sasabihin sana ako, ay hindi pala—” Hindi ako umimik at hinintay lang siyang dugtungan ang simabi niya.

“A-ano, magtatanong muna ako. . . kung puwede?” Hindi ko napigilan ang sarili kong 'di matawa sa itsura niya.

Oo na, ang cute niya lang maging clueless. Wews. . . ano ba ‘tong naiisip ko.

“Sige lang, nagtatanong ka na rin naman. Ano ba ‘yon?” mahinahon kong saad sa kaniya.

Napansin ko namang nagbuntong-hininga muna siya bago magsalita ulit.

Ano naman kayang sasabihin nito? Mukha kasing ang lalim ng pinanggagalingan ng buntong-hininga niya.

“Just want to ask kung anong gagawin mo kung sakaling may umamin sa iyo ngayon.” Awtomatik na nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.

“Umamin na ano?” paninigurado kong tanong sa kaniya.

“Umamin na. . . ano. Umamin na—”

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya pinutol sa pagsasalita.

“Gusto mo ko?” direktang tanong ko na nagpahinto sa kaniya sa pagsasalita.

Napatitig siya sa ‘kin at wala sa sariling umiwas ng tingin sa mukha ko.

Okay, what was that?

“Hi-hindi, ano. Wala naman akong sinabing ako ‘yung aamin, tsh.” Napakibit-balikat ako sa naging sagot niya.

“Defensive ka ah,” komento ko na hindi niya tinawanan.

Biro lang sana ‘yon.

“Pero seryoso, ano nga gagawin mo?” anas niya dahilan para ako naman itong umiwas ng tingin.

Napaisip muna ako bago sumagot sa tanong niya. Ahm, ano nga ba?

“Ewan. Siguro, sasabihan ko siyang 'di ko siya gusto...” panimula kong wika bago tumingala sa maaliwalas na langit. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

“At isa pa, may girlfriend na ko. Mahal na mahal ko ‘yong girlfriend ko ngayon at ayokong nasasaktan ‘yon kaya hangga’t maaari. . . kapag may umaamin sa ‘kin, magiging straight-forwarded akong tao.”

Saglit akong huminto sa pagsasalita, ibinaba ko ang paningin ko mula sa langit hanggang dito sa bukid.

“Nasa aamin na lang ‘yung desisyon kung itutuloy niya pa rin bang magustuhan ako o hindi,” dagdag ko pa.

Ilang segundo pa ang lumipas. Noong ‘di ko na siya narinig na nagsalita pa ay napatingin ako sa kaniya.

Nahuli ko siyang ngumiti habang nakatingin sa strawberry na halatang kakabunga lang.

Ano kayang nasa isip nito?

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa biglang tumunog itong cellphone kong nasa bulsa ng jacket na suot ko ngayon.

“Sige na, una na pala ako. Tumatawag na si Mommy. Bye. See you na lang siguro sa school,” paalam ko sa kaniya.

Ngumiti ako at tumango naman siya sa ‘kin bago ngumiti pabalik.

Patakbo akong lumayo sa puwesto ni Santy. Inilagay ko sa tainga ko itong phone ko bago sinagot ang tawag ng nanay ko.

No’ng natapos kaming mag-usap ni Mommy sa cellphone ay pasimple akong lumingon at nahuli ko siyang nakatingin sa ‘kin. Ngumiti ako at gano’n siya. Kumaway na ako at muling ngumiti. 

Pagkatapos no’n ay sumakay na ako sa van at bumalik na sa RH Hotel.







Hindi ko alam pero ang cute talaga no'ng babaeng 'yon pero mas maganda girlfriend ko, haha.

Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante rito. . . siguro kasi, nagdududa sila sa kung bakit hindi si Krishiana itong kasama kong babae ngayon.

Pero wala akong pakialam dahil ang mahalaga sa 'kin ngayon ay kasama ko 'tong babaeng pinakamamahal ko sa lahat, maliban kay Mommy syempre.

"Masyado ka yatang sikat dito, Liam ko," pabulong niyang saad na tinanguan ko. Napansin niya na rin yata itong tinginan ng mga estudyante sa 'ming dalawa.

"Masyado kasing gwapo itong boyfriend mo, Rleine," payabang kong sabi na tinawanan niya.

"Weh, hindi nga? Saan ba banda, Veb?"

"Gusto mo ba talagang i-enumerate ko sa 'yo?" Tumango lang siya sa 'kin bilang tugon.

"Una sa mukha ko, pangalawa. . . itong skills na mayroon ako sa pagbabanda ko at pangatlo ay sa—"

"Tama na, talagang sinabi mo e 'no? Naniniwala naman ako gwapo ka talaga," nasabi niya na lang na tinawanan ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag-uusap naming dalawa nang biglang may humarang sa daan naming dalawa ni Charleine, tiningnan ko ito't tumanbad sa 'min na sina. . . Krish at Joy.

Oh, hindi ko pala nailinaw sa babaeng 'to, na may totoo akong girlfriend.

"Charleine, mauna ka na munang pumunta ro'n sa guidance office. Alam mo naman 'di ba?" Tumango siya sinabi ko't binitawan na ang kamay ko.

"Sunod ako sa 'yo," ani ko sa kanya at sumunod naman siya.

Pinauna ko muna siyang maglakad at noong malayo na siya sa 'min at doon ko lang kinumpronta si Krishiana.

"Sino 'yon, Aidan?" Taas kilay na tanong ni Krishiana.

"Girlfriend ko," sagot ko na may diin saka tumitig pa sa mata niya. Napaiwas siya ng tingin dahil sa ginawa kong pagtitig.

"Ang alam nilang lahat na may tayo—" Daglian kong pinutol ang dapat na sasabihin niya.

Alam kong mahilig magpakalat ng kung anu-anong bagay itong Krishiana, kaya kailangan kong mag-ingat.

"At wala akong pakialam doon," malamig kong tugon sa kaniya. Natigilan siya sa sinabi ko.

"Sinabihan na kita, umpisa pa lang na tigilan mo ako pero ayaw mo. Ngayong nandito na 'tong girlfriend ko, umiwas ka na sa 'kin puwede ba?"

"At 'wag na muling dumikit o umaligid sa tabi ko dahil 'di ako papayag na masaktan 'yong taong mahal ko," maawtoridad kong saad sa kaniya.

"Pero, Aidan—" Muli kong pinutol ko ang dapat na sasabihin niya.

Alam kong ipagpipilitan na naman niya itong fake relationship status naming dalawa and this time, hindi na ako papayag na makarating ito sa girlfriend ko.

Oo, tama kayo ng iniisip.

Hindi ko nga totoong girlfriend itong si Krishiana. Tanging siya lang ang nagmamalaki na mayroong ‘kami’ kahit wala naman talaga.

My real girlfriend's name is Charleine Quentina Josvaldo, and the reason why 'di siya kilala ng karamihan sa mga taong humahanga sa 'kin ay dahil sa Daddy niya mismo.

Kahit kailan hindi kami sinuportahan ng Daddy niya kaya ito, kinailangan naming maglihim. Hindi namin sinabi sa kung kani-kanino lang ang relasyon namin maliban lang sa pinakamalapit naming kaibigan.

Kagagaling nga pala niyang states at kakauwi lang niya nitong araw.

At kaya nga ako excited na ma-meet ulit siya kasi almost 2 years din kaming 'di nagkasama and I already explain to Charleine the real relationship na mayroon kami ni Krishiana at naintindihan niya.

Naiintindihan niyang dahil sa career ko kaya kinailangan kong pumayag na magpanggap na ‘kami’ nga ni Krishiana.

Kaya sa mata ng iba, Krish and I were a sweet couple, but no.

And I've already told Krish about Rleine sadyang siya lang 'tong mapilit na siya lang daw ang girlfriend ko kahit hindi naman talaga. Lahat ng meron sa 'min ni Krishiana ay isa lamang palabas.

"No, Krish. Tama na. Sinasabi ko sa 'yo, huwag na 'wag kang gagawa ng bagay na ikakasakit ng girlfriend ko dahil kung gawin mo man 'yon. Sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makakalapit sa 'kin," pabanta kong usal sa kanya tsaka ko siya iniwan kasama ng bestfriend niyang si Joy.

Hinding-hindi ko papayagan ang sinuman na saktan 'yung girlfriend ko dahil sobrang mahal na mahal ko 'yon.







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro