Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kab. 16: Reality

Charl Vince's POV





“Uy, Cha! Tara na,” yaya niya sa ‘kin. Kaagad akong napangiti nang mapagtanto ko kung sino itong tumawag sa ‘kin.

Patakbo akong lumapit sa kaniya’t marahang ginulo ang tuktok ng buhok niya.

“Wala kang galang, mas matanda kaya ako sa ‘yo—”

“Pero ako ang mas matangkad!” Namilog ang pareho kong mata sa narinig kong sinabi niya.

Indenial pa rin talaga siya, ayaw niya pa ring aminin na one inch na ang tinangkad ko kaysa sa kaniya.

Palihim akong ngumiti sa harapan nitong nakasimangot na babae. Ang cute niya lang talaga maasar.

“Rhien, can you promise me one thing?” I asked thinking na sana pumayag siya’t gawin niya talaga.

“Aba’t english na nama—”

“I’m serious,” anas ko nang maramdaman kong gagawin na naman niyang biro itong usapan namin.

“O-okay! Huwag ka magalit,” aniya bago tumawa. Ngumiti siya sa harap ko’t hindi na siya muling gumawa pa ng ingay.

“A-ahm, ano kasi...”

“Ano?”

“Please. . . don’t like me,” sambit ko. Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong masabi iyon sa kaniya.

Grabe, parang gusto kong bawiin ‘yong sinabi ko.

“Pero gusto kita!” Hindi ako nakapag-react kaagad no’ng narinig ko ang response niya.

Gusto rin kita pero ‘di ito ang tamang oras para sa ‘tin, Rhien.

Ilang sandali pa’y yumuko siya sa harapan ko bago muling humarap sa ‘kin. I can see how those tears formed in her eyes. Oh, please...

“Bakit mo ‘to si-sinasabi sa ‘kin ngayon, ha?”

Literal na napaurong ako palayo sa puwesto niya. Napalunok ako’t napapikit nang mariin sa harapan niya.

Kahit kailan, hindi talaga madaling magpaalam sa taong maiiwanan mo man...

“Aalis na kasi ako at ayaw kong magin—”

“Ah, sige. Oo nga pala, aalis na pala kayo ‘no.” Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil sa biglang pagsingit niya.

“Rhien,” mahinang pagtawag ko sa ngalan niya.

Tumingin siya sa ‘kin bago ngumiti but in that smile, I can sense saddness from there.

“It’s okay, I’m okay. Masaya nga akong makakapunta ka sa dream place ko e,” usal niya pero ramdam ko pa rin ang pagkadismaya niya base sa tono ng boses niya.

Kung ganito lang din siya parang ayaw ko na lang umalis. Ayaw ko siyang saktan, kaso...

“Vince, tara na!” Napalingon ako sa likuran ko at doon ko nakita si Mommy.

“Sige na, alis ka na.” Rhien. . . please don’t—

From there, tumakbo siya palayo sa ‘kin. I don’t know kung kakayanin ko bang masanay nang wala siya. . . pero—

Rhien, please wait for me. I’ll be back for you.







"Santy?" Mahinang tawag ko kay Rhien pero 'di pa rin siya umiimik.

Kanina ko pa napapansin na ang katahimikan niya mula no'ng bumalik siya sa classroom hanggang sa matapos na ang breaktime namin.

Siguro, may nangyari.

Kaming dalawa lang ni Rhien ang magkasabay ngayon, nauna na kasi 'yong dalawa pa niyang kaibigan.

Actually, kanina ko pa sinusubukang buhayin 'tong mood niya but I just can't. Wala pa rin kasi siyang imik until now.

"Kanina ka pa lutang, may I know the reason why?" I sincerely asked. Alam kong may dinadamdam siya but she can't tell it, to me.

Matagal na kaming nagkasama ni Rhien. . . and I know her, too well. At may mga bagay na alam kong ugali niya na hindi niya pansin sa sarili niya.

Ngayon, kitang-kita sa mukha niya ang lungkot na sign na may iniisip siya o may dinadamdam na something. Madalas kasi siyang tahimik kapag gano'n siya.

"I'm okay. Thank you, Charl. Mauna ka ng umuwi, may pupuntahan pa ko." Matamlay niyang reply sa 'kin.

Nag-aalala tuloy ako, ayokong nakikita siyang ganito.

I suddenly questioned myself noong lumiko siya bigla sa corridor, e ang daan papunta sa labas ng school ay paderetso lang.

Anong oras na 'di pa siya uuwi? Saan naman kaya pupunta 'to?

Pasimple ko siyang sinundan sa paglalakad niya at sinigurado kong 'di niya 'yon mapapansin. I silently walk after her.

Pinagmasdan ko siya mula sa malayo. Nakayuko lang siya habang naglalakad, mukhang may iniisip.

Iniisip niya siguro 'yung binulong no'ng Tyrune—teka, Tyrune nga ba?

Ano ba kasi 'yung binulong ng mokong 'yon kay Rhien?

Napahinto ako sa pag-iisip at paglalakad ko nang makita kong tumigil siya sa isang pinto. Huminga muna siya nang malalim bago ito binuksan.

Wait...

Theater room 'to ah?

Nakita kong dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng theater room at saka pumasok do'n.

Sumunod ako pero hanggang sa pintuan lang. I slightly opened the door para masilip kung anong mayroon sa loob.

Bahagya akong nagulat at nagtaka dahil punong-puno ng christmas lights 'tong loob ng theater room.

Anong meron?

Pinagmasdan ko si Rhien na ngayo'y nakatingin sa paligid. Nakita ko kung paano siya nagtaka, nagulat at namangha sa nakita niyang kabuuan ng kuwarto kung nasaan siya ngayon.

Nakita kong napangiti siya habang nakatingin sa christmas lights na nakasabit sa kisame ng theater room.

Ang ganda niya sa ngiti niyang 'yon.

Nawala ang paningin ko sa kanya no'ng may biglang lumabas na tao mula sa theater stage and he's. . . A-aidan.

Well, yeah. . . siya nga.

'Yung lalaking palaging laman ng kuwento ni Rhien. Siya rin 'yung taong sinundan namin sa Gholibee. Siya 'yung palaging bukambibig ni Sandy. Siya—

“If life is a movie. . . you’re the best part,” said by Aidan, smiling infront of Rhien. Aidan is currently holding a mic while Santy was staring directly at him.

I suddenly felt sad. Maybe because of the fact na, kayang-kaya niyang pangitiin nang ganiyan si Santy, si Rhien na kababata ko't first love ko.

I'm both sad and happy at the same time, kasi siya 'yung crush ni Rhien na ngayon ay napapalapit na sa kaniya.

I'm sad for myself but happy for her.

"I wish I could do that," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Pansamantalang napako ang tingin ko sa nakangiting si Santy. Gandang-ganda talaga ako sa ngiti niya.

Ngunit, muli akong napatingin sa stage no'ng may isa na namang lalaki na lumabas sa isang pulang kurtina.

He sang a song for Santy and if I'm not mistaken, he's Tyrune.

Siya 'yung biglang lumapit sa 'min at tumabi kay Rhien kanina. May pabulong pa siya no'n pero wait, siya ba naghanda ng mga ito o si Aidan?

Nang matapos na ang kanta, bumaba mula sa theater stage si Tyrune saka binigay kay Aidan 'yung gitarang kanina lang ay tinutugtog niya.

And then, Aidan leave the room. . . leaving Tyrune and Rhien alone there.  Ngayon, silang dalawa na lang ang nasa loob ng kuwarto.

So. . . kay Tyrune ngang effort lahat 'to? Is he now going to confess to Rhien?

Akala ko kay Aidan lahat ng efforts na 'to—sa kaniya pala.

Nakita kong hinawakan ni Tyrune ang dalawang kamay ni Santy. Samantalang itong si Rhien ay nakatingin lang nang diretso sa kanya.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nakikita ko ngayon o dahil sa tiyansa na puwedeng maging sila.

Shit, it hurts.

"Sorry." Hula kong sagot ni Santy sa sinabi ni Tyrune sa kanya. Bumase ako sa labi niya at halatang iyon 'yung sinabi niya.

Yumuko si Tyrune saka malungkot na ngumiti kay Santy. Pansamantalang nakahinga ako nang maluwag dahil do'n pero nalungkot mulit ako nang makita ko ang sunod na ginawa ni Rhien sa kaniya.

She hugged him. She gave her tight hugs to him. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa. . . tatlong beses na nga, actually.

Bakit ba ko nalulungkot e, ako naman 'tong naging dahilan para hindi na ko magustuhan pa ni Rhien noon.

Hindi ako umalis sa pintuan. Nakaantabay pa rin ako sa mangyayari kahit na alam ko sa sarili kong nasasaktan ako. Mahirap na baka may gawin 'tong lalaking 'to kay Rhien. . . atlis, alerto ako.

They both seated from the chairs that the theater room have. Nakita ko silang nagkuwentuhan saglit at no'ng tumayo na si Tyrune ay nagtago na ulit ako para 'di niya ako makita.

Tapos na yata sila mag-usap.

Pagkatapos niyang lumabas ay sumilip ulit ako. Nakita kong pinagmasdan pa ni Santy ang mga ginawa no'ng Tyrune sa loob.

Kitang-kita ko kung paano siya mamangha ro'n. Kung hindi ako nagkakamali, ganito 'yung pinangarap dati ni Rhien.

Ganito 'yung pangarap niyang confession scene.

Sa pagkakatanda ko kasi, hilig niyang tumingin sa iba't ibang klase ng citylights sa paligid, mahilig din siyang makinig ng haranas—at parehong ginawa 'yon ni Tyrune para sa kaniya.

Masakit, pero aaminin ko...

Tyrune made Rhien's first confession scene, memorable. Ako kasi, naduduwag pa ring umamin kahit noon pa. . . na alam kong may chance pa pero kasi ngayon, sobrang malabo na e.

Lumakad na palabas ng pinto si Santy at nag-decide na lang akong abangan siya mula rito kung saan man ako nagtatago ngayon, sa likod ng pinto nitong theater room ng school namin.

Sakto sa paglabas niya ng pintuan ay niyakap ko siya nang mahigpit mula sa likuran niya mismo.

Ramdam kong napaigtad siya sa ginawa ko pero no'ng nalaman niyang ako ito ay hinayaan niya, kilala niya naman kasi ako.

"Cha..." Sinserong aniya na nagpaluha sa 'kin nang tuluyan.

All I know is that. . . ang sakit, ang lungkot at ang bigat sa pakiramdam.

And I just want to cry with her...

Pagkatapos kong umiyak sa kaniya ay niyaya ko rin siyang umuwi na at pumayag naman siyang ihatid ko siya sa kanila.

Hindi na rin siya nagbalak pa na tanungin ako sa kung anong dahilan ng pag-iyak ko. Siguro kasi, nagdududa siya kung masasabi ko bang siya ang dahilan kung bakit ako napaluha kanina.

Pareho naming hawak ang mga bike namin, napagod magpidal kaya ito. . . naglalakad kami ngayon habang pinapagulong itong bisikletang hawak namin.

At habang naglalakad kami papunta sa bahay nila'y hindi ko pa rin maiwasang 'di isipin 'yong mga bagay na nakita ko kanina.

I will keep my feelings for now but when the day comes, I'll let you know my true feelings even though you already have that ‘someone’ in your heart.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro