Kab. 15: Truth brings Hurt
Santy's POV
Nagtatakang tingin ang naipukol ko sa kanilang dalawa ni Aidan pati 'yung kasama niyang babae.
Kasalukuyang gumagawa ng konklusyon ang sariling utak ko base sa nakita ko't nakikita pa rin hanggang ngayon. Pinagmamasdan ko pa rin kasi 'tong puwesto nila.
Naibalik lang ako sa sarili kong ulirat nang biglang tumunog ang kampana ng school namin na isang sign, para bumalik na ang mga estudyante sa kani-kaniya naming mga klase.
Kahit na nasa harapan ko pa rin 'tong dalawang taong nagpagulo sa isip ko'y iniwas ko ang tingin ko sa kanila saka nagdesisyong bumalik na lang sa classroom.
Sino naman kaya 'tong bago ni Aidan? Break na ba sila ni Krish?
Ilang minutong akong nangunot ng noo ko. Salubong ang kilay at iniisip 'yung nakita ko kanina. Kanina pa siya nagbabalik-balik sa isip ko, actually.
Sandali nga...
Bakit ba lagi akong apektado kay Aidan, tsh.
Hayaan ko na nga lang.
.
.
.
Ilang oras lang ang lumipas ay nilunok ko rin ang sinabi kong hayaan ko na lang sila dahil aminin ko man o hindi. Napapaisip pa rin talaga ako sa kung sino 'yung babae at sa dahilan kung bakit siya kasama ni Aidan.
Para kasing may something na hindi ko matukoy e.
"Santy?" patanong na tawag ni Charl sa 'kin. Narinig ko pero 'di ako sumagot. Hindi ako umimik sa kaniya.
Naglalakad kami dito sa hallway at hindi namin kasabay 'yung dalawang babae, sina Mxy tsaka Miya. Nauna na kasi silang umuwi.
In short, kami lang ni Boybes ang kasalukuyang naglalakad ngayon sa hallway ng school building namin.
"Kanina ka pa lutang. May I know the reason, why?" Sincere niyang tanong na tumitig pa sa mga mata ko pero umiwas akong tingnan siya pabalik.
"I'm okay. Thank you, Charl. Ahm, ano. . . mauna ka na siguro umuwi, may pupuntahan pa kasi ako." Malamya kong paalam sa kanya, pinilit ko pang ngumiti sa kanya bago ko siya iniwan doon. Nagpauna na kong maglakad papunta sa theater room.
Aaminin ko, naapektuhan 'yung mood ko ngayon sa nakita ko kanina.
E kasi naman, may bago na namang babae si Crush. Bakit ba kasi gano'n? Nakakalungkot lang isipin.
"Hays," anas ko. Huminga ako nang malalim saka ako tumingala at tumingin ng deretso sa daan.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng theater room at...
Parehong namilog ang dalawa kong mata sa sumalubong sa 'kin.
Pagkapasok ko'y biglang bumukas ang mga ilaw pero hindi 'yung ilaw sa mismong theater room na karaniwang ginagamit doon kundi 'tong mga munting bumbilya ng ilang christmas lights na kasalukuyang nakasabit sa mga gilid-gilid nito.
Magkasamang kulay puti at asul ang kulay ng mga ito, may ilan pang christmas lights na nakalagay naman sa theater stage mismo.
Nakaka-amaze nga kasi pati sa ceiling ng theater room may christmas light, so bali may nakalagay sa stage, gilid pati sa wall ng theater room, then itong pahabang lights na naisabit ng kung sino man doon sa ceiling ng theater room.
"Ang effort naman ng gumawa nito," nasabi ko na lang habang pinagmamasdan ang paligid. Wala sa sariling napangiti ako, ang ganda kasi ng kabuuan niya sa totoo lang.
Nagpasya akong lumakad palapit sa stage pero kaagad din akong napahinto sa paglalakad patungo rito nang makita kong lumabas mula sa kanang bahagi ng kurtina si Aidan na bahagya pang ngumiti sa gawi ko.
To-totoo ba 'to?
Tug dug. Tug dug. Tug dug.
Hala sheet.
Ba-bakit ganito? Ano 'to?
Nananaginip lang ba ako?
“If life is a movie, you’re the best part,” panimula niya bago ngumiti muli sa akin.
Anong nangyayari?
Anong meron, bakit may ganito?
Mas lalo akong nahuhulog sa 'yo, Aidan. Please, ayoko ng umasa.
Ngunit. . . naiba ang atensyon ko no'ng biglang lumabas mula sa kaliwang bahagi ng kurtina si Jayty na ngayo'y may hawak na kulay pulang acoustic guitar. Ngumiti siya nang makita niya ako at doo'y nagsimula na siyang mag-strum.
“You don't know, babe. When you hold me,” sambit niya sa naunang linya ng kanta.
Biglang nawala si Aidan sa stage kaya mas natuon talaga ang buong atensyon ko kay Jayty at doon ko mas na-appreciate 'tong boses niya.
Ang gwapo niya tingnan sa suot niyang uniform with matching black jacket.
‘You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me. Give it all, oh...’
Nakita kong huminga muna siya nang malalim bago tumuloy sa chorus ng kantang kinakanta niya.
‘I just wanna see how, beautiful you are...’
‘You know that I see it. . . I know you're a star.’
‘Where you go I follow~’
Pumikit siya't muling dinalat ang pareho niyang mata no'ng natapos siya sa pagkanta niya. Tumitig siya sa akin, ramdam ko na para sa 'kin itong pagtugtog niya.
Kita ko rin sa mga dalawa niyang mata, ang pagiging seryoso at sincerity niya sa pagkanta—
Pero bakit, ako?
"Santy," tawag niya sa 'kin.
Napatitig ako sa mata niya no'ng binanggit niya ang pangalan ko. Nakita ko paano magningning ang mga 'yon nang matingnan ko siya pabalik kagaya ng tingin niya sa 'kin, at ewan ko ba. . . kinilig ako sa part na iyon.
Ang sincere kasi at sa sobrang sincere ng mga mata niya, kahit sino sigurong babae ay puwedeng mahulog sa mga ganiyang tinginan niya 'no.
Dahan-dahan siyang bumaba sa theater stage.
At doon ko lang namalayan na nasa ibaba lang pala ng stage si Aidan. Binigay ni Jayty kay Aidan 'yung gitara niya at may sinabi siya rito at syempre 'di ko narinig 'yon kasi medyo malayo ako sa kanila.
Nakita kong umalis si Aidan at naiwan kaming dalawa ni Jayty sa loob ng theater room.
Tumingin si Jayty sa 'kin at ngumiti. Marahan siyang naglakad papalapit sa puwesto ko at nang makalapit na siya'y hinawakan niya ang pareho kong mga kamay.
Hay, grabe. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Oo na, aaminin ko ng mas lamang ang kaba kaysa kilig sa puso ko ngayon.
Mukha kasing may ideya na ako sa mga susunod na mangyayari—
"Santy," aniya muli. Tumingin ako sa puwesto niya.
"Sa totoo lang, 'di ko talaga alam paano ko ito sasabihin sa 'yo. Alam ko hindi tayo close and I've been trying na gumawa ng paraan para maging ka-close kita. . . marami nga ro'n ay talagang nag-fail ako pero atlis 'di ba? Sinubukan ko and I know na medyo mabilis, but I just want to say na..." pambibitin niya.
Oh, no. Sana panaginip lang 'to.
Huwag niyang sabihin na...
"Na?" tanong ko sa kanya, pasimple akong lumunok ng sarili kong laway. Pakiramdam ko, nauuhaw ako bigla.
"I like you," dagdag niya.
Napako ako sa kinatatayuan ko't literal na napatitig sa mukha niya no'ng narinig ko 'tong sinabi niya sa 'kin.
What the—
Hindi 'to puwede.
Best friend siya ng taong matagal ko ng gusto. . . na si, Aidan.
"I've been liking you since the day you allow us to share a table with you and your friends." Sobrang ramdam ko 'tong sincerity niya sa bawat salitang sinasabi niya at ako, ito kinakabahan na ewan.
Wala akong mahanap na rason para magkagusto siya sa 'kin.
Isa pa, parang ang bilis nga yata. E parang kailan lang naman kami nagkakausap nito tapos aamin na lang bigla ng ganito at ang bongga ha? Ginamit pa talaga theater room. . . 'yung fave room ko pa talaga.
"Jayty," bulong ko sa pangalan niya.
He was staring me sincerely and because of that, nagdadalawang-isip ako kung dapat ko bang sabihin na iba ang gusto ko at hindi siya 'yon.
Masasaktan siya oo, pero kung hahayaan ko siya e baka magkatiyansa na magustuhan ko rin siya pabalik kaso kasi, mas maganda pa ring sabihan siya 'di ba?
"I'm sorry—" Napahinto ako sa sasabihin ko nung pinigilan ako ni Jay.
"No. Pag-isipan mo muna." Mahinahong aniya.
"Ayaw kitang paasahin. Gusto ko lang sabihin na may iba akong gusto. Sorry." Nakayukong saad ko sa kaniya. Binitawan niya ang kamay kong kanina lang ay hawak niya.
Sorry talaga, Jayty.
(╥_╥)
"It's okay. . . really. But, can you tell me who? Sino 'yung taong gusto mo?" Pasimpleng tanong pa niya.
Napatingin ako sa mukha niya at nakita ko ang lungkot nito. Mata na niya mismo ang nagsasabi no'n.
Malamang Santy, malulungkot siya kasi may ibang crush 'yung taong gusto niya. Ikaw nga e, sus. . . hay nako.
Si Konsensya talaga, oh. . . kumakatok na naman, hayst.
"I can't tell sorry," tugon ko.
Pansamantala siyang yumuko at muling tumingin sa 'kin at ngumiti. Isang malungkot na ngiti na nagpalala ng konsensya ko.
"A-ah okay."
"Jayty kas—"
"Pero..." Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita, "puwede bang humiling ako sa 'yo?" Tumango ako sa kaniya bilang sagot ko.
"Hihingi lang sana ako ng yakap mula sa 'yo? Medyo masakit kasi," usal niya, ngumiti pa siya para maipakita okay siya kahit na alam kong hindi.
Tumango ako't kaagad ko siyang niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik, isang mahigpit na yakap ang ginawa niya at hinayaan ko na lang.
Nakasakit ako, nasaktan ko siya. . . kaya 'di niya ako deserve.
:<
"Alam mo, sobrang effort mo. I'm so sorry, 'di mo deserve ang kagaya ko." Malungkot kong wika sa kanya bago kumawala sa yakap namin.
"No. You deserve all this things. It's just that—" Walang anu-ano'y niyakap ko siya ulit nang mahigpit, kaya napahinto siya sa sasabihin niya.
Ramdam ko kasing paiyak na siya at ayokong nakakakita ng lalaking umiiyak kasi mabilis akong mahawaan.
Ramdam ko ang pagtulo ng luha niya sa mga balikat ko. Niyakap niya ulit ako.
Actually, isa 'to sa kahinaan ko. . . ang makakita ng taong umiiyak dahil pati ako, napapaiyak na rin mismo.
"So-sorry ha? Biglaan 'tong confession ko na 'to. A-akala ko kasi, magiging okay siya saka. . . 'di ko talaga ugaling gumawa ng mga ganitong bagay, ngayon lang at dahil 'yon sa 'yo, Santy." Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko noong narinig ko 'to mula sa kaniya. Pinili kong manahimik muna at hinayaan siyang magsalita.
"Alam mo, this is the first time I confess to a girl with this kind of efforts and I'm happy kasi ikaw 'yung espesyal na babaeng nagustuhan ko. . . ulit," saad niya sa tainga ko habang nakayakap ako sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto. Umupo na kami saglit sa pulang upuan ng theater room at nagkuwentuhan.
"So anong masasabi mo pala?"
"Ahm?"
"Dito sa ginawa namin ni Aidan."
Napatikom ang bibig ko no'ng narinig ko ang pangalan niya. Bumuntong-hininga ako't napaiwas ng tingin sa kaniya.
"Sa totoo lang, nagustuhan ko siya. Ang galing n'yo nga mag-design e," komento ko saka ako ngumiti sa kaniya.
Ngumiti rin siya sa akin sabay sabing, "liligawan pa rin kita."
"H-ha?"
"Kahit na may iba lang gusto, still. Gusto kong subukang manligaw sa 'yo, ayon e kung papayag ka..."
Hindi kaagad ako nakasagot kay Jayty sa naging tanong niya. Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago ako tumango sa kaniya.
"Sige—"
"Legit? Um-oo ka na, wala ng bawian." Nakangiting sambit niya na sinang-ayunan ko naman.
Deserve naman niya ng chance so why not to try?
Atlis bago pa siya manligaw, aware siya na may gusto akong iba.
Pagkatapos mag-usap ay pinauna ko na siyang umuwi.
Noong una, ayaw niya pa talagang umalis kasi gusto niyang sabay daw kaming lumabas ng theater room kaso sinabihan ko siya na may susundo sa 'kin kahit wala naman talaga, hahaha.
In the end, pumayag na rin siya na iwanan ako kahit na labag pa sa loob niya.
Nauna na nga siyang lumabas ng room habang ako, ito nagpaiwan na muna at kasalukuyang nagmamasid sa mga ginawa niya.
Hindi niya alam na, siya...
Siya 'yung unang lalaki na nag-confess sa 'kin ng ganito at ang bongga kasi ito 'yung pinangarap kong confession scene.
A quiet place, the lights, the harana, and the sweet lines, ang ganda lang. . . parang pang-kdrama lang ang peg, hahaha.
Akala ko nga dati roon lang nangyayari 'tong mga ganito pero posible pa lang mangyari sa totoong buhay. Nababasa ko lang talaga kasi 'to sa mga libro e.
Posible pala talagang may mag-effort sa iyo ng mga ganitong bagay, mas lalo na kung gusto ka talaga no'ng tao.
Aminado akong natutuwa ako at ang sarap sa pakiramdam na malaman mong may humahanga sa 'yo pero...
Knowing na alam mo sa sarili mo na may iba kang gusto. . . nakakaalanganing bigyan ng chance 'yung taong nagkagusto sa 'yo kasi, nakakatakot.
Natatakot baka kasi hindi mo siya magustuhan pabalik, na baka hindi mo mapantayan 'tong binibigay niya sa 'yo.
Pagkatapos sa huli, siya pa mas masasaktan at ang sakit ng ganun kaya umpisa pa lang sinabihan ko na siya na ibaba 'yung expectations niya sa 'kin kasi baka ma-disappoint lang siya.
At lahat ng ito, kasalukuyang nasa isip ko't nararamdaman ngayon dahil sa ginawang pag-amin ni Jayty ngayong araw sa 'kin, na isa sa mga least expectation ko na mangyayari pala talaga sa 'kin, mararanasan ko pala.
Matapos ang ilang minutong pagmamasid sa kuwarto ay napagdesisyunan ko na ring umuwi na.
Paglabas ko ng theater room ay may biglang yumakap sa 'kin sa likod.
Saglit, sino 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro