Kab. 14: Announcement(s)
Santy's POV
Kring* Kring* Kring*
Nagising ang buong diwa ko sa biglang pagtunog ng alarm clock ko.
Walang gana kong kinuha ang alarm clock na nakalagay sa side table ng kama ko saka ko ito pinatay para tumigil na sa pag-ingay.
Kahit na sobrang tinatamad pa. Bumangon na ako't umupo na rin sa upuan ng study table ko na katapat ng bintana ng kuwarto ko.
Pakiramdam ko naiwan pa 'yung kaluluwa ko sa Bagiuo.
Alam mo 'yong pakiramdam na parang kahapon lang nandoon ka nagpapakasaya tapos biglang ganito. Back to school na ulit, hayst.
Nabitin kaya ako no'ng nagpunta kami ro'n, paano naman kasi isang buong araw lang kami nakapasyal doon.
Mga 8 hours lang yata no'ng sabado tapos noong linggo rin gano'n din. Basta, halos isang buong araw lang talaga kami naggala sa Baguio.
Mga alas siete na kami nakabiyahe pauwi ng bahay tapos around 11:00 pm naman kami nakauwi.
So 'yun, puyat na't pagod pa itong katawan ko sa nangyari. Kahit na nakatulog naman ako sa van namin no'ng pauwi kami still, nabibitin ako sa tulog ko parang. . . gusto ko pang matulog ulit.
Papikit-pikit pa ang mga mata ko kahit na nakaupo na ko sa upuang ginagamit ko sa study table ko. At para magising na ko ng tuluyan ay pumunta na kong banyo para makaligo na.
A-ang lamig ng tubig, geez!
Pagkatapos maligo ay pumunta naman ako sa kusina, bumaba ako ng hagdan at naabutan ko si Mama na kasalukuyang naghahain ng agahan.
Napangiti ako't kaagad niyakap si Mama saka nagsabi ng, "Good morning, Ma."
"Good morning din Rhein namin, kain ka na may niluto akong paborito mo." Nakangiting usal ni Mama na nagpangiti sa 'kin.
Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya bago nagpunta sa hapag-kainan.
Napalaki pa ang pareho kong mata dahil sa nakita kong beef steak. Matagal-tagal na rin no'ng huli akong kumain nito kaya nakaka-excite kumain-mas lalo na't ngayon na lang ulit nagluto si Mama ng ganito.
"Hala, Mama! Ngayon ko na lang ulit matitikman beef steak mo," natutuwang komento ko kay Mama habang nakatitig doon sa beef steak na niluto niya. Daglian akong pumuwesto na sa upuan ko.
Kumain na ako at pagkatapos ay nagsepilyo na ulit saka umalis na papuntang school.
Pagkarating ko roo'y sinalubungan ako nila Mxy at Miya, kasama rin syempre si Boybes.
"Sabi sa inyo siya e," natatawang sabi pa ni Mxy sa dalawa.
"Oo na Mxy," napilitang sagot ni Miya bago yumakap sa akin. "Namiss kita, Santy!"
"Sira. Dalawang araw lang naman tayong 'di nagkita," komento ko sa sinabi ni Miya sa 'kin. Si Mxy naman nakabusangot ang mukha.
"Sanaol na-miss 'di ba?" parinig niya habang nakaharap siya kay Boybes.
"Ops. May nagtatampo," parinig ni Charl sa reaksyon ni Mxy.
"Miss ko kayong dalawa. Huwag na magtampo, Mxy. Aylabyu," palambing kong sambit bago ngumiti sa puwesto nila Mxy at Miya. Pareho ko silang binigyan ng yakap.
"Cute n'yo talagang tatlo." Natawa kami sa biglang pag-comment ni Charl sa 'min.
"Gusto mo? Sama ka," pagtukoy ni Mxy sa group hug naming tatlo.
Ngumiti lang si Charl bago umiling. "No thanks, kayo na lang."
Aba't tumanggi pa-
Pagkatapos magbigay ng mahihigpit na yakap sa isa't isa ay nagsabay na kaming apat na pumunta sa classroom namin.
Sakto sa pagpasok naming apat ang pagpasok din ng first subject teacher namin na 'math'.
O 'di ba? Ganda ng almusal, numbers agad.
Minsan kahit gusto ko rin namang ma-gets itong lesson na naituturo naman ng teacher namin pero kasi. . . mapapanganga ka na lang talaga kasi darating pa rin sa point na hindi mo talaga siya maiintindihan. Pakiramdam ko nga, galit 'yung math sa 'kin, pfft.
I do love Math kaso ayaw sa 'kin ng math.
Nag-discuss lang 'yung Math Teacher namin ng about sa Geometry then ako syempre nakikinig pero may ilang parts akong 'di naintindihan pero pinipilit kong intidihin kaso ayaw talaga ng utak ko.
"Okay, Class. Be ready for the incoming periodical exam, next week. Lahat ng na-lecture ko ay nasa exam. Then, the mathematics notebook will be submitted this friday. Walang notes, walang grade. Tandaan niyo 'yan," aniya.
"Okay po, Ma'am. Noted," tugon naman ng Presidente ng classroom namin.
"Wait for your next teacher, see you around." Pahabol pang sabi ni Ma'am bago tuluyang lumabas ng klase.
Pansamantalang nag-ingay ang paligid pero natahimik din bigla no'ng dumating na 'yung sunod naming teacher na si Sir Lope, aming Filipino Teacher.
Ito 'yung teacher namin na mahilig humugot. Kulit kaya ni Sir. Sa totoo lang sa lahat ng guro namin, siya ang isa sa mga pinakakasundo namin. And speaking of...
"Ang dali-dali lang ng Filipino 'di n'yo pa kayang intidihin, mas ginagalingan niyo pa sa ingles e hindi naman atin 'yung wikang iyon. Dapat matutunan nating mahalin ang sariling atin hindi 'yung mga bagay na 'di naman sa 'tin." Sabay-sabay na nagsabi ng 'woah' ang buong klase.
"Bakit may pa gano'n, Sir." Natatawang komento ng katabi kong si Miya.
"Si Sir talaga, oo. Humugot na nga," gatong pa ni Mxy.
Nginitian ko muna sila pareho bago ko sinabayan sa pagtawa. Ang kulit kasi, pfft.
At noong natapos na ang oras ni Sir ay lumisan na ito lol hahaha lumisan e 'no? Puwede namang umalis na lang e, nako.
Ito epekto kapag pure tagalog 'yung ginagamit na wika ng titser mong maka-Filipino, hahaha!
"Sandali pala. Ipapaalala ko lang sa inyo na sa susunod na linggo huwebes at biyernes yata ay eksam niyo na," paalala pa ni Sir sa amin.
"Aralin niyo lang lahat ng tinalakay natin mula noong unang araw ng klase niyo kasi lalabas 'yon sa eksam lahat. Mas lalo na 'yung mga salita na pinabasa ko sa inyo no'ng nakaraan kasi kasama rin iyon," dagdag pa niya.
"At isa pa pala, magkakaroon na ulit tayo ng balitaan pagkatapos ng eksam niyo kaya paghandaan niyo, kumuha kayo ng napapanahon na balita tsaka iwasang mag-ingles dahil asignaturang Filipino ito. May mga katanungan pa ba?" tanong pa ni Sir Lope habang nakatingin sa aming mga magkakaklase.
"Sige, mukhang wala naman. Hintayin n'yo na ang sunod ninyong titser," ani Sir saka kinuha ang kakaayos niya lang na mga gamit.
Pansamantalang tumahimik ang paligid noong nag-announce si Sir ngunit umusbong na naman ang ingay nang makita ng buong klase na nagngitian sina Sir Lope pati 'yung MAPEH teacher namin mula sa pintuan ng classroom ng seksyon namin.
Kitang-kita namin iyon, ah! Kaya nag-ingay karamihan sa mga kaklase ko, hahaha.
"Hayii!" pambobola ng klase kay Ma'am Emsepi, kilala nga pala siya sa school namin sa tawag na 'Ms. Msep'.
"Ingay! Shh. Class! Quiet," suway niya sa maiingay naming kaklase kaya tumahimik kaagad 'tong classroom namin.
Pero seryoso, halatang kinilig si Ma'am noong nginitian siya ni Sir, hahaha!
And here's a fun fact, Mapeh is one of my favorite subject hihiz at 'yung teacher namin ngayon sa Mapeh is the same teacher na nagtuturo sa amin sa rondalla team.
"Just want to inform all of you na may project kayo sa 'kin. Maghanda kayo sa roleplay to be submitted next next week." Nangibabaw ang daing ng mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am sa amin ngunit binalewala iyon ng teacher namin.
"Kailangan ko 'yung full video na hindi lalagpas sa 20 or 30 mins at dapat naka-save sa usb dahil papanoorin natin 'yon dito mismo sa klase ninyo," dagdag pa niya.
"The theme? It's up to you kung anong trip n'yong plot ng roleplay ninyo. Basta, ang mahalaga ay maipakita ninyo ang importance ng MAPEH sa buhay n'yong mga estudyante."
"That's all, you can now have your break," huling hirit ng guro namin pagkatapos niyang magturo.
At dahil sa sunud-sunod na naman 'yung announcements nila ng mga gagawin namin. Nakaka-pressure tuloy.
Syempre magrereklamo sa una pero gagawin pa rin naman. Well, gano'n naman madalas na ugali nating mga estudyante.
No wonder why may mga tao ayaw sa Lunes, pfft. Grabe, tinambakan na agad kami ng mga trabaho. Sunud-sunod pa 'yung mga kailangang gawin, hays.
Hirap pala kapag Grade 10 ka 'no? Dinaig mo pang graduating student-though oo, pero 'di ba?
Moving up lang naman yung meron sa amin kasi nga may K12 curriculum dito sa Pilipinas pero still nakaka-pressure pa rin lalo na kasi may iba na nagbabalak pang lumipat ng school next year. Sumasakit tuloy ulo ko.
Yes, this is stress. Wews.
(¬_¬)
"Tara, kain. Sakit sa ulo no'ng mga pinapagawa nila," yaya ni Miya na sinang-ayunan lang namin ni Mxy.
"Vince tara," yaya niya naman kay Carl.
"Aba, bakit Vince? Para ba ma-convince mo siya?" banat ko habang naglalakad kami palabas ng silid namin. Sinamangutan lang nila ako.
Joke 'yon e, bakit 'di sila tumawa?
"Okay lang 'yan. . . tanggap ka pa rin namin, Santy. Tandaan mo sana 'yan," pagpapalubag-loob na komento sa 'kin ni Mxy sabay yakap sa 'kin.
Sa susunod hindi na ko magbibigay ng jokes, ayoko na.
( ̄へ ̄)
Pagkapasok namin sa canteen ay kani-kaniya kaming bumili ng kakainin namin. Pagkatapos ay umupo kami sa isa sa mga round tables na meron doon. Bahagya pa kaming nagulat nang biglang lumapit sa puwesto namin si Jayty, kabanda't bestfriend ni Aidan.
"Hi?" Nag-aalangang bati niya sa 'min na tinawanan namin.
"Sira. Anong muka 'yan," natatawang komento ni Miya sa itsura niya.
"Wow, makatawa ka wagas ah. Hinay lang 'te may bukas pa," banat niya na tinawanan namin lahat maliban kay Miya.
"Insulto ah. Doon ka nga, nakakasira ka ng umaga, tsh." pagtataray ni Miya na nagpatigil sa 'min tumawa.
Yare...
"Hindi, joke lang." Biglang bawi ni Jayty saka tumabi sa 'kin. Opo, as in sa tabi ko pa talaga siya umupo.
Nakita ko naman si Boybes na nagkunot ng noo nung biglang umupo sa katabi kong upuan itong si Jayty. So ang nangyari, pinapagitnaan ako ni Boybes at Jayty.
"May gusto sana akong sabihin sa 'yo kaso mamaya na lang. Hintayin kita sa theater room mamaya sana makapunta ka," pasimpleng bulong niya sa 'kin na ikinagulat ko.
Malamang! Magugulat talaga ako kasi bukod sa mabilis niyang nailapit ang muka niya sa mukha ko e hindi rin naman kami close nito tapos biglang eentrada-aba, si Aidan lang puwede gumawa no'n...
Ay joke, may girlfriend na nga pala siya. Nevermind.
Sa totoo lang, malakas kiliti ko sa tainga pero kanina nanigas talaga ako kasi bigla siyang bumulong.
At ano raw? Theater room?
"At sana kapag nagtanong sila kung anong sinabi ko sa 'yo, sabihin mo na ang ganda ni Miya." Bahagya akong natawa no'ng nagpahabol pa siya ng bulong
Pagkatapos niyang bumulong ay napahawak kaagad ako sa tainga kong binulungan niya kasi nakikiliti talaga ako. Hinawakan ko iyon saka hinilot, madalas ko itong ginagawa pampakalma na rin sa 'kin.
Sana nga lang e hindi nila ako mapagkamalang kinikilig dito, wews.
"Sige na. Inaaway ako ng isa r'yan e. Sorry sa abala." Yumuko pa siya sa 'min saka patakbong umalis.
Okay. . . what was that? Ano ba talaga gustong sabihin no'n?
"Huy. Sandy anong sabi niya sa 'yo?" Palihim akong ngumiti bago sumagot sa tanong ni Miya sa akin.
"Ganda mo raw 'te," natatawang usal ko kay Miya.
"Hindi mo ko maloloko, Santy. Ano nga?" pangungulit niya na nginitian ko.
"Wushu. Bakit ka curious?" tumatawang anas ko sa kanila.
"What did he just say?" Ramdam ko 'tong kakaibang seryosong tingin ni Charl kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Iyon nga talaga sinabi niya, ang ganda raw ni Miya," tapat kong tugon sa tanong ni Charl sa akin.
"Dalawang beses siyang bumulong sa 'yo, sure kang yan lang sinabi niya?" Muli ramdam ko 'yung seryosong aura ni Charl.
Medyo weird nga e, bakit ganiyan siya kaseryosong malaman kung anong binulong ni Jayty?
"Ahm, sabi niya kas-" Hindi ko natuloy ang dapat na sasabihin ko nang biglang tumunog itong cellphone kong nasa bulsa ng palda ko.
"Ay sorry, sagutin ko muna si Mama. Una na kayo sa classroom, ha?" paalam ko sa kanila bago nagpauna ng lumabas.
Pare-pareho naman silang tumango sa akin kaya nauna na ako. Naglakad ako palabas ng canteen.
Nasa kalagitnaan na ako ng pakikipag-usap ko kay Mama sa phone ko, napahinto ako sa pagsasalita nang biglang may naaninag akong pamilyar na tao na ngayo'y nasa labas ng gate ng school namin.
Tinitigan ko pa ito at nakompirma kong si Aidan nga siya. May babae siyang kasama at hindi ko kilala, mukhang taga-ibang school.
Nakaporma 'yung babae at todo ang kapit sa braso ni Aidan. Nakasuot ito ng puting blusa na pinares sa isang jeans na kulay itim, pati 'tong rubber shoes no'ng babae kulay puti rin.
Si Aidan naman, parang tuwang-tuwa pa sa kasama niyang babae. Magkahawak pa ang kamay nilang pumasok sa school na namin.
What the-
Ano ito?
May ibang babae si Aidan?
Bakit mas sweet silang tingnan kaysa sa kanilang dalawa ni Krish?
Sandali, kung may bagong babae si Aidan. . . paano na si Krish?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro