Kab. 13: Attempted
Santy's POV
“Rhien!”
Daglian akong napalingon sa likuran ko at doon ko lang na-realize na ako na lang pala 'yung hinihintay nila. Noong tumingin naman ako sa harapan ko ay wala na rin si Aidan.
S-sandali nga, bakit biglang nawala 'yun?
Hindi ko na lang pinansin pa iyon at pinilit ko na lamang na alisin 'yung mukha ni Aidan sa utak ko—medyo kanina pa kasi siya nag-re-replay sa braincells ko.
Huminga ako nang malalim bago lumingon sa likuran ko. Humarap ako ro'n saka patakbo kong nilapitan ang puwesto nina Kuya.
Pagkarating ko roo'y nakaabang na kaagad 'yung kamay niya sa akin. Inakbayan ako ni Kuya Rhewin hanggang sa mapadpad na kami sa parang restaurant ng hotel.
Literal na takbo talaga ginawa ko kasi medyo malayo sila sa puwesto ko kung saan nakabunggo ko si Aida—argh.
Dapat pamilya ko lang iniisip ko kasi reunion namin 'to pero. . . pakiramdam ko may kakaibang saya akong nararamdaman knowing na nandito rin sa Baguio si Aidan, grr.
Para akong excited na ewan? Powtek.
Out of nowhere, nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti na habang naglalakad sa daan kasabay si Kuya.
"Ikaw ha, nababaliw ka na ba? Nakangiti ka r'yan," anas niya bago niya inalis ang braso niyang nakaakbay sa balikat ko.
"Malisyoso ka po, hindi ba puwedeng may naisip lang akong nakakatawa kaya ako ngumiti? Medyo ano ha," komento ko sa kaniya.
Actually dinepensahan ko lang sarili ko. Although, ang totoo kasi is si Aidan talaga dahilan kung bakit ako napangiti kanina, hehe.
Ang hirap naman kasi magpigil ng kilig dito.
"Okay sige. . . sabi mo e," naisagot na lang niya saka siya sumabay sa paglalakad kasama si Bunso.
Napabuntong-hininga ako, muntik na akong mabuko ro'n ah. Paniguradong aawayan ni Kuya 'to kapag nalaman niyang may nagugustuhan na ako.
Kung hindi n'yo po naitatanong, protective po siya mas lalo na't ako lang po ang kapatid niyang babae na sumunod lang din sa kaniya. Hindi ko naman masisisi ang Kuya ko na mag-aalala kasi mahirap na talaga panahon ngayon 'no.
Kakaisip ko hindi ko namalayang nandito na pala kami. Pagkapasok namin doon sa mismong restaurant ay may mga nakaabang na sa 'ming mga waiter.
Halatang pinaghandaan itong reunion na 'to nila Dada, kasi kung titingnan ninyo 'tong restaurant mukha talagang sosyalin.
Bubungad lang naman sa 'yo, ang isang kulay gintong pintuan na may halong asul sa mga katabi nitong mga dingding.
Pagkapasok mo nama'y mas mapapansin mo 'tong mga salamin sa loob niya at nakakapagtaka kasi, hindi mo siya kaagad malalaman na may glass windows pala sa loob nito unless pumasok ka rito.
Ako nga, hindi ko inasahang may mga malalaking salamin pala rito e. Kitang-kita mo sa bintana ang ibang mga buildings na nakapaligid din dito pero nakakalula kasi ang taas, wews.
But I can assure you na ang ganda ng ambiance sa loob nitong restaurant. Simpleng elegante ang dating niya para sa akin. Tugma naman ang blue, silver, gold and white na mga kulay nito sa mga kagamitan nilang makikita sa loob.
May mga pahabang chandeliers na nakasabit sa taas ng restaurant. May mga lamps din sa bawat round tables na nakapuwesto ro'n. At napansin kong ang konti lang ang mga taong kumakain dito. Siguro kasi, ang mahal ng prices nila sa food.
O-oh. Speaking of presyo, hindi nga ako nagkamali. Nakita ko menu nila na nasa isang libo mahigit ang isang dish. Grabe, ang mahal nga!
Inalalayan naman na kami ng dalawang waiter na lalaki papunta sa isang silid. Sila rin 'yong sumalubong sa 'ming magkapamilya pagkapasok namin dito.
Anong kuwarto ba? Aba, malay ko. First time ko lang kaya makapasok dito kaya hindi ko alam.
Tiningnan ko ang pinto nito at napansin ko ang plakang may nakalagay na sulat na ‘for vip’s only’.
O_o
Wow. Ang yaman pala ng angkan ni Dada, may pag-VIP pa, oha.
Pagkapasok namin sa VIP room, tumambad sa amin ang mga pamilyar na mukha. Limang lalaki, pawang mga nakasuot ng iba't ibang kulay ng jacket na t-shirt naman ang panloob.
May ilang mga bata ring nagkukuwentuhan dito at pati syempre, mga kaedad din namin ni Kuya ay mayroon din. Hindi kami out of place kasi mukhang magkakasundo naman kaming lahat—I guess?
Pumasok na kami roon at bahagya akong nagulat nang biglang may lumapit sa akin, isang bata.
"Ate Rhien?!" Nakangiting bungad ng batang babae sa akin na para bang sigurado siyang ‘Rhien’ nga ang pangalan ko.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. Kilala ko pala 'tong batang ito.
"Hi Leilany," bati ko sa kaniya at iyon, mahigpit niya akong niyakap dahil sa simpleng bati ko sa kaniya.
Nasa edad 7 pa yata itong pinsan ko na 'to. At aminado akong medyo matagal na rin mula noong huli kaming nagkita at nakakatuwa dahil kilala niya pa rin ako—at ang laki na rin niya, oh.
"Ate Rhien! Marami po akong kuwento sa 'yo, hihiz. Tara po, ro'n tayo!"
Hindi na ko nakapagsalita pa dahil nahila na ako ni Leilany papunta sa iba pa naming mga pinsan. Sumunod naman sa amin sina Kuya Rhewin at si Bunso Rhiz.
Pinasunod kasi yata sila sa 'min nila Dada at Mama kasi napansin kong iba 'yung puwesto nila sa puwesto naming magpipinsan.
Sa loob ng VIP room na ito, may tatlong lamesa kang makikita. May dalawang round table sa kaliwa't kanang bahagi ng kuwarto at isang long table na hugis parisukat ang nakalagay naman sa gitnang bahagi ng kuwarto. Parang sinadya na itong VIP room na 'to na pang-pamilya talaga 'yung size.
Maingay ang paligid at kapansin-pansin na may kani-kaniyang baong kuwento ang bawat isa. May mga sariling chika ro'n at dito. Mga walang kasawaang kumustahan at kung anu-ano pa.
Well, ganito nga naman kasi talaga kapag family reunion ang pinag-uusapan. Aalamin nila anong bago, may pinagbago ba o wala, ano ng nangyari sa isa't isa, etc.
Nawala lang ang ingay sa paligid nang biglang mag-serve ng mga pagkain ang limang waiter na pawang mga lalaki. Inilagay nila ang mga pagkain sa long table na nakapuwesto sa gitna ng VIP room.
At ang naging puwesto naman namin sa upuan ay naging kanya-kanya, kung sino ang gustong katabi syempre doon sila tatabi.
Kasalukuyang pinapagitnaan ako nila Leilany at Rhiz. Pareho silang nagsasalita, si Rhiz na mas tinawag kong Bunso. . . kahit na medyo tahimik ito sa bahay namin, hindi ko akalain na mas maingay siya kapag nasa labas kami ng bahay.
Actually, ngayon na lang ulit kami lumabas ng magkakasama. Madalas kasing busy si Dada kaya naging bihira lang 'yung bonding namin pero masaya ako kasi kahit papaano nakakapag-bonding naman kami kagaya ngayon, kahit na mas marami kami ngayon kasi nga, family reunion.
Umusbong na naman ang ingay sa paligid nang matapos na ang paghahatid ng mga waiters ng mga pagkain. Habang kumakain, patuloy pa rin ang kaliwa't kanang daldalan ng mga Ate, Kuya't Tita at Tito namin maski sina Mama at Dada rin naman—basta, puro kuwentuhan.
Nakinig lang ako sa dalawang bulilit na katabi ko ngayon. Pareho nilang ikinukuwento sa 'kin 'yung about sa nangyari noong nakaraang bakasyon nila.
Though, alam ko na 'yung sa part ng kuwento ni Rhiz kasi kapatid ko naman 'to pero still nakikinig pa rin ako, ang cute nga ng sagutan nilang dalawa ni Leilany. Parehong ayaw magpaawat.
"Eh kahit na gano'n 'no! Mas maganda pa rin mag-swimming," pagmamalaki ni Leilany.
"Sus. Swimming ka pa eh hindi ka nga marunong lumangoy," komento naman ni Rhiz sa kaniya.
"Alam mo ikaw, bad ka." pambabara ni Leilany kay Rhiz pero 'di natinag si Bunso.
"Bad ako? Nagsasabi lang kaya ako ng totoo," sagot ni Rhiz sa sinabi ni Leilany sa kaniya.
"Akala mo naman siya magaling lumangoy," parinig ni Leilany kay Rhiz.
"Atlis marunong kaysa naman sa 'yo na langoy aso hahaha! Tapos, todo kapit pa sa bakal ng pool," tumatawang pang-aasar ni Rhiz kay Leilany.
Dahil dito'y sumimangot na nang tuluyan si Leilany, halatang hindi na kinaya pang-aaway ni Rhiz sa kaniya.
"Ate Rhien oh, nang-aaway!" Salubong ang kilay na sumbong ni Leilany sa akin.
Pinigilan ko ang sarili kong ngiti para 'di mas mapikon si Leilany. Kadalasan kasi kapag nagsusumbong na siya, pikon na siya no'n.
"Tsk, tsk. Bunso, hindi ka dapat nang-aaway ng babae," mahinahong sermon ko kay Rhiz na tinanguhan niya lang.
"Sige po, Ate. Sorry na," usal Rhiz na nagpangiti naman kay Leilany.
Aba't, ang bait naman ng Bunso namin a—
Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa na parehong nagkukuwentuhan sa harapan ko. Bati na sila ulit no'n, pfft.
Ibinaling ko naman kay Kuya Rhewin ang paningin ko't hayon, naabutan kong tumatawa sa iba pa naming pinsan na katulad niya ring mga binata na. Mabuti na lang dahil karamihan sa amin ay tapos ng magsikain—parang. . . ang sarap tuloy gumala.
Nang makaramdam ako ng pagkabagot ay pinuntahan ko si Mama saka hinabilin sina Leilany at Rhiz.
Nagpaalam ako na lalabas ako saglit, puntahan ko lang 'yung isa sa mga sikat na pasyalan dito—ang strawberry farm.
Malapit lang dito iyon, konting lakad lang then 'yun na. Nandoon na ako sa bukid. At isa pa, hindi naman po ito 'yong first time na napadpad kami rito sa Baguio.
Siguro. . . kung bibilangin ko, nakalimang beses na yata kaming balik dito. Sa pagkakatanda ko kasi, 2017 lang 'yung last na punta namin so medyo fresh pa sa akin 'yung daan papunta ro'n at dahil may tiwala naman sa 'kin si Mama ay hinayaan niya akong magpunta sa strawberry farm nang mag-isa.
Lumabas na ako ng restaurant at sumakay ng jeep na papuntang strawberry farm pero dahil tinamad akong maglakad, nag-decide akong mamasahe na lang papunta ro'n.
Noong natunton ko na 'yung lugar na kung saan may makikitang isang malaking nakahigang strawberry ay bumaba na ako saka ako naglakad papunta sa bukid mismo.
Kasalukuyan akong nakaupo habang nagtitingin ng mga strawberries nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Napatayo ako't napaharap sa taong kumalabit sa akin.
And guess who?
Siya. . . si Aidan.
Tug dug. Tug dug.
Bakit pati rito siya pa rin nakikita ko? Destiny, ikaw na ba 'yan? Pinagtatagpo mo ba kami? Inilalapit mo na ba ako sa taong gusto ko? Tsanggala, huwag kang paasa!
Saglit akong napatulala sa mukha niya at 'di ko namalayan na medyo napanganga na pala ako. Dali-dali kong isinara ang bunganga ko at hindi nagpa-distract sa mukha niya.
"B-bakit?" Kunot ang noo kong tanong sa kaniya. Natawa siya bigla sa 'kin at hindi ko alam kung bakit kaya mas lalo akong nagtaka.
"Wala naman, anyways. . . sorry pala kanina," aniya na nagpa-realize sa akin na siya pala 'yong taong bumangga sa 'kin kanina lang sa RH hotel.
"A-ah iyon ba? Wala lang 'yun. Ang mahalaga natulungan mo kaagad ako tumayo," paliwanag ko na tinanguhan niya lang.
"You're Santy, am I right?" paniniguradong usal niya na tinanguan ko muna bago ako nag-react.
"Wow. Natatandaan mo pa pala pangalan ko," tumawa ako para maging masaya naman 'tong mood ng pag-uusap namin.
Ngumiti rin siya sa gawi ko. Iyong tipo ng ngiti na ngayon ko lang nakita nang harap-harapan. Sheet na malagkit, bakit ba ganito itong lalaking 'to...
Ke gwapong nilalang e.
"A-ah, matanong ko lang—teka, ayos lang ba magtanong ako?" Ngumiti siya't pasimpleng tumango sa gawi ko.
"Nagtatanong ka na kaya, go ahead." Huminga ako nang malalim noong narinig ko 'to sa kaniya.
"Ahm. . . bakit ka pala nandito sa Baguio? May performance ba surepluz mamaya?" Sunud-sunod kong tanong para magkaroon ng topic at syempre para malaman ko na rin kung bakit nga ba siya narito ngayon sa Baguio.
"Wala naman, may family bonding lang. Isa kasi 'to sa gustong puntahan nila, Kuya." Tumango-tango lang ako sa kaniya habang nakikinig sa kuwento niya.
"Ikaw ba?" Balik-tanong niya na pasimpleng inilagay pa ang dalawang kamay niya sa dalawang bulsa ng kulay grey niyang jacket na kasalukuyang suot niya.
"Unlike sa 'yo na family bonding, e 'tong sa amin naman. . . family reunion." Nakangiting tugon ko bago tinago ang dalawa kong kamay sa likuran ko.
"Anong unlike, pareho lang naman 'yun. Mas masaya nga reunion kasi marami kayo," natatawang komento niya sa sagot ko.
W-wait...
Bakit may pag-slow motion itong pagtawa niya sa harapan ko? Mas lalong. . . nakaka-inlove. Geez.
To be honest, kanina pa ko nagpipigil ng kilig dito! Grabe naman kasi...
Hindi ko ito pinaghandaan, promise! Kaya medyo taranta ako't kumakapa ng kung anong puwedeng i-topic namin, gusto ko pa siyang kausap e kaso anong topic?
Dapat na ba akong umamin para lang magkausap pa kami ng matagal? Eh baka masaktan lang ako—ay, matagal na pala niya akong sinaktan.
Pero kasi kung aamin ako sa kaniya ngayon e baka-sakali mawala na itong feelings ko para sa kaniya, kasi 'di ba may mga gano'ng senaryo naman? Malay natin gumana sa akin.
Eh paano kung hindi—paano kung siya pa rin? Kaso kasi, kung hindi ko susubukang umamin e paano niya malalaman?
Sheet ka self, ang pinakatanong talaga dito is aamin na ba ako o hindi? Argh. Naguguluhan na ko.
Okay self, its now or never.
"Ahm. Aidan," mahinang tawag ko sa pangalan niya. Napatingin siya sa mukha ko kaya ito, umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"May sasabihin sana ako, ay hindi pala—"
"Ano ba talaga?" Ngumisi siya't muling tumingin sa puwesto ng mga strawberries.
"A-ano, magtatanong muna ako. . . kung puwede?" tanong ko na medyo nahihiya pa kasi 'di ako sigurado kung dapat ko ba itong sabihin o itanong mismo sa kaniya.
"Sige lang, nagtatanong ka na rin naman. Ano ba 'yon?" Muling tanong niya sa akin. Napabuntong-hininga ako.
Kaya mo 'to, Rhien Lyzeil Sandy.
Pagkatapos kong i-cheer-up ang sarili ko ay nagsalita na ko.
"Just want to ask kung anong gagawin mo kung sakaling may umamin sa iyo ngayon."
Hala sheet, hindi ko talaga alam bakit ko 'to natanong ngayon. Hiyang-hiya na ko. Parang gusto kong tumakbo nang mabilis palayo sa kaniya.
"Umamin na ano?" takang tanong niya sa akin.
"Umamin na. . . ano. Umamin na—" Geez. Bakit ba nauutal ako ngayon. Hirap tuloy akong tumingin sa mata niya.
"Gusto mo ko?" Walang alinlangan niyang tanong na nagpahinto sa nauutal kong labi na dahilan para mapatitig ako sa mata niya.
What the. Ayoko na! 'Di ko kaya.
"Hi-hindi ah. Wala naman akong sinabing ako 'yung aamin, tsh." pambabara ko na pinilit pa ang sarili ko na hindi kiligin sa tanong niya.
At dahil sa sinabi kong 'yon, tinawanan niya ako, "Defensive ka ah," komento pa niya sabay turo sa mukha ko na hinawi ko kaagad.
No'ng hinawi ko 'yung kamay niyang nakaturo sa 'kin ay parang may biglang kuryenteng tumama sa balat ko na nagpakiliti sa 'kin.
Oo na, kinikilig nga ako.
"Pero seryoso, ano nga gagawin mo?" Seryoso munit mahinahon kong tanong sa kanya. Umarte naman siyang napaisip muna bago sumagot sa tanong ko.
"Ewan. Siguro sasabihan ko siyang 'di ko siya gusto," panimula niya. Napalunok ako, mukhang nangangamoy rejection it—
"At isa pa, may girlfriend na ko. Mahal na mahal ko yung gf ko ngayon at ayokong nasasaktan 'yon kaya hangga't maaari kapag may umaamin sa 'kin magiging straight-forwarded akong tao. Nasa aamin na lang 'yung desisyon kung itutuloy niya pa rin bang magustuhan ako o hindi," pakuwentong sabi niya, dahilan para mas matitigan ko pa siya sa mukha.
Ang sincere niya, sobra.
Nakakalungkot na gano'n 'yung gagawin niya sa taong aamin sa kanya. And at the same time, nasasaktan din ako sa katotohanang mahal niya 'yong girlfriend niya. . . hindi lang mahal, mahal na mahal niya 'tong gf niya ngayon which is si Krish.
Ano nga naman kasing laban ko ro'n e matagal na silang magkasama no'n, lately lang naman kami nagkakausap ni Aidan, actually ngayon nga lang.
"Sige na, una na pala ako. Tumatawag na si Mommy. Bye. See you na lang sa school," paalam niya na pinakita pa ang phone niyang may incoming call na may 'mommy q with heart emoji' pang nakalagay sa screen.
Nauna na siyang umalis habang nakalagay sa tainga niya 'yong phone niya.
Habang ako ito, narito pa rin sa strawberry farm. Pansamantalang nagbabalik-tanaw sa nangyari kanina lang.
Saksi ang bukid na 'to na rito kami unang nagkausap nang kaming dalawa lang. Take note ha, kami lang.
At dito rin ang unang beses na nagkausap kami ng mga halos 10 minutos, unang beses ko ring nakita nang malapitan ang mga ngiti niya at tawa.
Nakakatuwang isipin na talagang dito pa sa Baguio nangyari itong mga 'to. Kamuntikan pa akong umamin sa kaniya, mabuti na lang at hindi ko nasabi.
Nakangiti kong pinagmasdan si Aidan papalayo. Bahagya pa kong nagulat nang bigla siyang lumingon sa likuran niya at pasimpleng hinanap ako saka siya kumaway sa akin.
Kumaway din ako pabalik sa kanya at ngumiti, isang senyas ng mapapaalam pero alam kong hindi pa ito 'yung huli. Sana nga may susunod pang moment na ganito.
‘Aidan, kung magkakaroon pa ulit ng pagkakataon na makausap ka ng ikaw at ako lang, promise! Aamin na talaga ako sa 'yo.’
Wala sa sariling naiusal ko habang nakangiti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro