Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kab. 12: Part of Me

Santy's POV




"Rhien! Ang tagal mo namang mag-impake, anong oras na, oh. Mahuhuli na tayo ro'n," sigaw ni Mama mula sa sala namin.

Hanggang ngayon kasi nagliligpit pa rin ako ng gamit ko sa loob ng kuwarto ko.

"Saglit na lang po 'to, Ma!"

"Aba'y bilisan mo riyan, aber."

Papunta kasi kami sa family reunion na nai-set ng kamag-anak ng Papa ko na usually kong tinatawag na Dada.

Si Dada kasi, bihira na raw magpakita sa mga kapatid niya kaya ito. . . pinapapunta kami sa Baguio kasi ro'n daw sila tumatambay noong mga bata pa sila hanggang sa nagbinata.

Parang magbabalik-tanaw lang sila ng kabataan nila roon—well iyon ang pagkakaintindi ko sa kuwento ni Dada sa amin.

Sabado ngayon at saktong aas kuwatro na ng madaling araw. Oh 'di ba, ang aga? Tinatamad pa nga akong magligpit ng mga damit na ilalagay ko sa maliit kong kulay gray na maleta.

"Rhien hindi ka pa ba tapos? Aalis na tayo hoy," anas naman ni Kuya na kinatok pa ang pinto ng kuwarto ko kahit nakabukas naman ito.

"Kuya Rhewin, tapos na." Malapad akong ngumiti sa Kuya ko nang makatapos ako sa pag-iimpake ng ilang gamit kong alam kong magagamit ko sa Baguio.

"Ang bagal mo talaga. . . mas mabagal ka pa sa pagong tss," banat ni Kuya sa 'kin—ngumisi pa nga!

"Edi wow, Kuya." naisagot ko na lang sa sinabi niya saka tinuon muli sa maleta ko ang dalawang mata ko.

Ilang sandali pa'y binitbit na nga ni Kuya Rhewin ang maleta ko papunta sa garahe. Sumunod naman ako sa kaniya pero pinuntahan ko sa sala si Bunso namin.

Teka, hindi n'yo pa pala siya kilala, Rhiz Laizone ang full name ng bunso namin at si Kuya naman ay Rhewin Marcéstell. Mark Estell po ang basa sa second name niya baka basahin niyo as Mar-ce-tel ha? Mali po 'yun, dapat, Mark-es-tel.

Kung mapapansin po ninyo puro RH ang simula ng bawat pangalan naming tatlo. Actually, may reason parents namin kung bakit.

Ang paliwanag ni Mama rito, RH daw kasi ang initial names nilang dalawa ni Dada. Roseleine Sany si Mama, Herri Laiy Gracia naman si Dada. Oh, 'di ba? RH daw kasi 'yon, 'yung pinagsamang first name nila Mama at Dada.

"Rhein, Rhiz! Pasok na kayo sa kotse," tawag sa amin ni Mama mula sa mismong garahe ng bahay namin.

Nagpunta na kami ni bunso roon saka pumasok na sa loob ng gray na van. Umupo kami sa pangalawang row no'ng kotse. Nandito na rin si Kuya Rhewin.

Bali iginitna namin si Bunso ng upuan. Si Kuya naman eh nasa kaliwang part no'ng van, tapos ako naman rito sa kanan.

Sa driver seat naman si Dada then si Mama naman, umupo sa passager seat na katabi ni Dada. Bali sila 'yung nasa unahan tapos kaming tatlo nandito sa backseat ng sasakyan.

Medyo mahaba-habang trip 'to kaya matutulog na muna ako.

Pasimple akong uminat ng braso ko saka ko hinayaan ang sarili kong maghikab.

Zzzzzzzz.










Ms. Roseleine's POV


Nasa kalagitnaan na kami ng roadtrip namin papunta sa bagiuo nang mapansin kong tulog na 'yung tatlong babies ko.

Si Rhewin, tulog na nakasandal sa upuan niya. Si Baby Rhiz ko, nakasandal na natutulog sa tabi ng ate niya. Samatalang itong prinsesa namin ay nakasandal din sa tabi ni Bunso.

Ngumiti ako nang ma-realize ko ang puwesto nilang tatlo.

At dahil na-cute-an ako sa puwesto nilang tatlo ay kinuha ko ang cellphone ko para kuhanan sila ng litrato. Napangiti ako sa ganda ng angulo ko.

Hindi pa rin talaga kumukupas ang pagiging photographer ko.

Napangiti ako habang nakatitig sa picture na kinuhanan ko.

"Ano na naman ba 'yan. Hindi ba't bawal picture-an ang taong tulog?" Kunot ang noong usisa sa 'kin ng asawa ko nang mapansin niyang nakatingin ako sa mga tulog na picture ng tatlo kong mga anak.

"Sus. Nagpapaniwala ka na naman sa mga pamahiin. E 'di ba nga? Ikaw na mismo nagsabi noon na hindi lahat ng pamahiin ay totoo?" Balik-tanong sa kaniya na tinanguhan niya lang.

"Oo na, sabi ko nga mananahimik na ko." Natawa ako sa reaksyon niya.

Para kasi siyang batang napilitan na lang na sumunod, hahaha. Basta ang cute niya rin sa paningin ko.

Napatingin siya sa 'kin habang nakangiti ako sa kaniya then hayon, ngumiti rin siya habang nagmamaneho.

Ilang minuto pa ang lumipas, nandito pa rin kami sa kotse. Nakakaramdam na ako ng pagkainip dahil sa tagal ng biyahe. Tumingin ako sa gawu ng asawa ko.

"Matagal pa ba?" usisa ko rito habang nakatingin ng deretso sa daang kasalukuyang dinadaanang ng kotseng minamaneho niya.

"Medyo malapit na tayo. Gisingin mo na 'yung mga mahal mong anak." Awtomatik na naningkit ang mga mata kong napatiting kay Herlaiy—ang asawa ko.

"Mga mahal ko lang?" parinig ko na may bahid ng pagtatampo.

"Syempre. . . mga mahal natin. Sorry na agad, pero kasi mas mahal kita, ayie..." paglalambing niya na ikinangiti ko.

Alam niya kasing matampuhin ako pagdating sa mga ganitong bagay kaya alam na rin niya kung paano ako lambingin kapag nagtatampo ako.

Pero 'yung tampo ko parang biru-biro lang, hindi naman iyong tampo na tipong ayaw ko siyang pansinin kasi ibang usapan na 'yun, hahahaha.

Lumingon na ako sa likuran ko. Una kong ginising si Rhewin kasi siya 'yong mabilis gisingin tapos pinasuyo ko na rin na gisingin na rin 'yung dalawa niya pang kapatid. Sakto naman no'ng pagkagising nila e, nandito na kami sa Bagiuo.

Naghanap na si Herlaiy ng garahe na puwedeng i-park 'tong van na sasakyan namin tapos noong nakahanap na kami ay doon na niya pinarada ang van namin.

Nagsibabaan na kaming lahat. 'Yung dalawang lalaki naman ay binuksan 'yong likurang part nitong van saka nilabas ang mga gamit namin. Pagkakuha namin sa mga gamit ay dumeretso naman kami sa loob ng hotel.


RH HOTEL
REST HOME HOTEL
*rest like home hotel*


Pumasok na kami sa loob ng hotel at nag-check-in na. Tatlong kuwarto ang ire-rent namin, isa sa amin ng asawa ko at ni Bunso, tig-isa naman ang sa prinsesa namin at sa panganay ko.

"Ito po, Ma'am and Sir. Enjoy your stay po," magalang na saad ng babae sa amin. Ngumiti lang ako sa kaniya, nagpasalamat si Herlaiy habang ako ay tinanguan lang siya.

"Oh siya, tara na."











Santy's POV


Nagpauna na kaming maglakad nila Bunso at Kuya papunta sa elevator ng hotel. Kani-kaniya kaming dala ng mga maleta namin.

Nakangiti pa akong pumasok sa elevator, bitbit pa si Rhiz. Sumunod naman sa 'min sila Mama at Dada. Winawagayway pa ng kapatid kong bunso ang kamay kong hinawakan niya para maialalay ko siya papasok doon mismo sa elevator.

Ngunit sa isang 'di inaasahang pagkakataon, nahagip ng mga mata ko si Aidan—wait, si Aidan nga ba?

Potek, siya nga!

But wait, why is he here?

Tinitigan ko pa 'yung lalaking kasalukuyang nasa main counter ng hotel at hindi nga ako nagkamali kasi si Aidan nga talaga siya. . . pero ano namang gagawin niya rito sa Bagiuo?

Hindi ko na siya nakita pa dahil nagsirado na ang pinto ng elevator na sinakyan namin ng pamilya ko.

Bahagya akong napapikit nang bigla itong umandar pataas.

Madalas kasi akong nahihilo kapag nakakasakay ako ng elevator pero kapag escalator naman hindi. Ewan ko ba bakit nahihilo ako sa elevator.

Nakapikit lang ako hanggang sa huminto na 'yung elevator at tumunog. Meaning, nasa fifth floor na kami. Marahan kong iminulat ang dalawa kong mata saka dahan-dahang lumabas sa elevator.

"Ate Rhien, saan kuwarto po natin?" Malumanay na tanong ni Rhiz sa 'kin na tumingala pa para makita 'tong mukha ko. Nilingon ko naman siya saka tinuro ang room 2011.

"D'yan kayo nila Mama at Dada," usal ko sa kaniya.

"Eh? Gusto kita kasama, Ate..." aniya na para bang nagsusumamo na isama ko siya sa kuwarto ko.

Ngumiti ako sa kaniya bago umupo sa harapan niya upang mapantayan ko siya sa height niya.

"Ngi, paano ba 'yan? Eh ikaw po gustong kasama nila Mama," sambit ko na nagpapaawa sa kaniya para pumayag siya na sa kuwarto na lang nila Mama siya mag-stay.

Mahirap kasing makatabi matulog 'tong batang 'to. Napakakulit, sobra.

"Eh, ayaw mo lang ako kasama e," aniya na para bang nagtatampo na.

Napabuntong-hininga ako. No choice, kailangan ko talaga siyang isama sa kuwarto.

"Oh sige na po, kasama ka na sa kuwarto ko." Ngumiti siya sa akin saka tumakbo papunta kay Mama.

Tumayo na ako saka nagsimula ng maglakad papunta sa room ko na nasa room no. 2015.

"Yehey! Mama! Kay Ate Rhien po ako tatabi matulog." Natutuwang kuwento niya pa kay Mama.

Ngumiti naman sa akin si Mama pati na kay Bunso. Inakbayan pa ni Mama si Bunso sa balikat nito bago ibinigay ni Mama 'yung maliit niyang bag na spongebob.

Kinuha ko kay Dada 'yung susi ng kuwarto ko. Binuksan ko na 'tong room no. 2015 na katabi lang din ng kuwarto ni Kuya Rhewin.

Sumunod naman sakin si Baby Rhiz. Nag-ayos muna kami ng mga gamit namin sa loob ng kuwarto saka kami nag-decide na bumaba na para mag-lunch.

Kasalukuyan na kaming nasa forth floor nang biglang may nakabangga sa 'kin.

Tinulungan naman ako ng nakabangga sa pamamagitan ng pag-abot ng kamay nito na inabot ko naman kaagad saka tumayo.

Napatingin ako sa taong nakabangga at tumulong sa akin at napatitig ako. Sheet. S-si Crush ko, n-nasa harapan k-ko ngayon. Paano kumalma?

“Hi?”







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro