Kab. 11: Theater Play
Santy's POV
"Ano na naman ba?! Saan n'yo ba kasi ako dadalhin?" Inis kong reklamo sa dalawang babae na kasalukuyang hila-hila ako.
Kasalukuyan kaming nasa hallway ng unang palapag ng school namin. Hindi ko alam kung bakit hinihila ako ng dalawang babaeng 'to, ni hindi ko nga alam kung saan kami papunta.
"Pagod na ko. . . kaka-practice lang natin sa angklung, oh. Baka gusto niyong huminto sa paglalakad," pakiusap ko na binalewala lang nina Mxyanne at Miya.
"Mamaya na tayo magpahinga," tanggi ni Mxy sa pakiusap ko.
"Matutuwa ka kung saan tayo pupunta, hihiz!" Nakangiting gatong pa ni Miya sa sinabi ni Mxy.
Napabuntong-hininga ako sa sagot nila pareho. Kung sana sabihan nila ako 'di ba? Hay. Napagod talaga ako sa practice. Pagod na rin akong maglakad.
(╥_╥)
"Nako, siguraduhin n'yo lang na matutuwa ako, tsh. Teka, saan na ba si Boybes?" tanong ko no'ng napansin kong nawala sa Charl sa likuran ko.
"Nauna na 'yun doon. Ikaw kasi, ang tagal maglakad kaya dapat talaga sa 'yo kinakaladkad e," singhal naman ni Miya sa 'kin.
"Gano'n?"
"Oo 'te pfft," si Miya ulit.
Kahit nanghihina ako sa bigat ng katawan ko e hinayaan ko na lang din sila na kaladkarin ako hanggang sa napunta kami sa isang silid na pamilyar sa akin.
Teka nga, alam ko 'to ah.
Pagkabukas pa lang ng pinto no'ng room na 'yun ay bigla akong na-excite. Awtomatik na ngumiti ako kina Mxy at Miya.
"Woy! Bakit di n'yo ako sinabihan, potek!" Nabuhayang komento ko sa kanila nang mapagtanto ko kung nasaan kami ngayon.
"Oh, 'di ba? Sabi naman sa 'yo e, matutuwa ka rito!" Natatawang komento ni Miya kay Mxy na pareho ng nakangiti sa 'kin.
"Ano pa lang mayroon, bakit n'yo ko dinala rito?" Kunot ang noo kong tanong na bahagya pang tumingin sa kanila.
"May performance sila Aidan dito and guess what," pambibitin ni Mxy sa akin.
"Ano?" Nanliliit ang mga matang tanong ko.
"Aakting lang naman siya." Mas lalo akong nabuhayan dahil sa sinabing ito ni Mxy.
"Hala, shemz! Bakit 'di ko 'to alam?!" Hindi makapaniwalang saad ko sa narinig kong sinabi nila.
"Mamaya na kuwentuhan, magsisimula na raw." Biglang singit ni Miya sa amin at doon ko lang namalayang kasama na pala niya si Charl.
"Uy nandyan ka pala," baling ko kay Boybes na ngumiti lang sa gawi ko.
Naghanap na kaming apat ng mauupuan. At kapag sinusuwerte ka nga naman e napadpad pa kami sa harapan na masasabi kong magandang spot naman para makanood nang maayos sa play.
Mga nasa pang-limang row kami nakaupo at sa saktong gitna pa no'ng stage mismo. Tiningnan ko ang kabuuan ng paligid.
Ngayon ko lang napagtanto na maraming tao ngayon ang mga nakaupo sa paligid namin na pawang mga nahihintay din na magsimula ang stage play.
Nasa pinakaunahang row naman ang ibang mga teachers, head teachers at 'yung iba na mukhang mga judges pa yata.
Nandito kami ngayon sa theater room namin kung saan madalas ganapin ang live performances ng bandang surepluz at syempre, kung saan madalas ang mga mini role plays at stage plays na under din sa MAPEH class ng school namin.
Matagal ng kasama si Aidan sa theater plays, sa totoo nga mas nahulog ako sa kaniya noong napanood ko siya sa isang stage play dati kasi ang galing niya talaga ro'n. Kung hindi ako nagkakamali ‘Love is’ ang pamagat no'ng play na iyon.
Nabaling ang atensyon ko sa stage nang biglang maghiwayan ang mga tao.
Tug dug, tug dug, tug dug.
Napatitig ako sa lalaking nasa stage. Isang lalaking nakasuot ng tuxedong itim at naka-wax pa ang buhok. Kahit malayo siya ay tanaw na tanaw ko pa ring may hinahanap siya sa mga nakaupo ngayon at syempre 'yung girlfriend niya iyon, malamang 'no.
Hayst. Bakit pa ba ako umaasa?
Nalungkot ako bigla no'ng naisip ko iyon. Kahit na nagka-chat kami noong nakaraang gabi still hindi magbabago 'yung katotohanang may girlfriend na siya.
≥﹏≤
"Woi, anong mukha yan Sandy? Para kang nagluluksa," pansin sa akin ni Mxy na katabi ko sa upuan.
"Wala," sagot ko sa kaniya.
"Hayan na! Magsisimula na," excited pang ani Miya na nginitian ko lang. Buti na lang nagsalita siya kung 'di kukulitin na naman ako nitong Mxy na 'to.
Natuon ang atensyon naming apat sa stage. Ang lahat ay tutok na nag-aabang na magsimula ang play.
Itinaas na ang mga pulang kurtina.
Unang lumabas ‘Shainna Rilloraza’ na tinaguriang best actress sa larangan ng theater acts ng school namin.
At dahil siya ang best actress, siya palagi ang nagiging leading lady so meaning siya ang madalas nagiging partner ng mga bidang lalaki sa mga stage play at kabilang na rito si Aidan.
And speaking of Aidan...
Lumabas na rin siya mula sa gilid ng backstage. Umarte siya na para bang hinahanap niya si Shainna.
"Narito ka pala aking binibini," usal ni Aidan nang matagpuan niya si Shainna na nagpapaypay na nakaupo sa isang bench. Ngumiti sila pareho sa isa't isa.
"Bakit mo naman ako hinahanap?" Takang tanong ng babae. Umaarteng pabebe sa harapan ni Aidan.
Bigla ko tuloy na-imagine, paano kaya kung ako 'yong sumali noon para sa leading lady audition? Siguro, ako 'yung ka-partner ni Aidan at hindi itong si Shainna.
"Dahil no'ng una pa lang kitang nakita. . . ikaw na kaagad ang laman ng puso't isip ko, sinta." Bigla na lang nagsitaasan ang balahibo ko sa balat dahil sa linyang ito ni Aidan.
Sheez. Bakit parang natamaan ako? Ay hindi pala parang, kasi natamaan talaga ako.
Umarti namang parang bulating kinikilig si Shainna sa banat ni Aidan.
Bulati talaga e 'no? Sorry na, gano'n kasi talaga 'yung itsura niya e.
Sa totoo lang at para na rin sa kaalaman ninyo, isa sa mga pinakapangarap ko ang maging artista balang araw.
May alam ako sa pag-arte at sinasabi rin ng ilan sa 'kin na nakakita't alam na umaarte ako, magaling daw ako at may talent pagdating sa mga acting-acting na kagaya nito.
Kaya siguro marunong akong kumilatis ng tama't maling pag-arte. Nalalaman ko kung maayos ba o hindi ang isang play, depende sa kung paano umakting ang mga bida syempre.
At sa nakikita kong pag-arte ni Shainna, okay lang naman pero 'yung galaw niya kasi hindi tugma ro'n sa emosyon na dapat mayroon 'yong scene nila ngayon. Ewan ko lang kung napansin ng iba iyon—mas lalo na ang judges.
Halos kalahating oras din ang play at kung hindi lang si Aidan ang bidang lalaki rito ay malamang kanina pa ako umalis dito. Medyo common ang plot ng story pero overall magaling lahat ng umakting.
Ang plot kasi ganito, 'di ba hinahanap ni Aidan si Shainna? Ang rason kaya niya siya hinahanap ay dahil gusto niyang pakasalan siya and yes po, kasal na kaagad.
Dahil ang role ni Aidan dito ay isang lalaking na-love at first sight sa babaeng hindi niya pa lubusang kakilala at noong naikasal na sila roon niya lang nalaman na ang totoong pagkatao ng taong pinakasalan niya ay anak ng taong pumatay sa mga magulang niya.
Noong nalaman niya iyon ay nakipaghiwalay siya doon sa babae which is si Shainna without knowing na puwede siyang mamatay dahil sa desisyon niyang pakikipaghiwalay.
At iyon na nga ang ending, nabaril ng tatay ni Shainna ang tinuturing niya pa ring asawa na si Aidan at 'yun na nga, namatay si Aidan sa play.
Nagpalakpakan lahat ng taong nanood ng stage play nila Aidan hanggang sa nag-bow silang lahat, todo ingay pa rin ang buong crowd.
Makikitang nakangiti rin ang mga judges. Meaning to say, nagustuhan nila ang buong play dahil hindi naman sila ngingiti kung hindi 'di ba?
"Tara na tapos na," yaya ni Miya sa aming tatlo nila Mxy at Carl.
"Kain tayo, nagutom ako sa acting ni Shainna e," komento ni Mxy na tinawanan naming dalawa ni Charl.
"Grabe naman po 'yon," pasimpleng reply ni Charl sa sinabi ni Mxy.
"What? totoo naman, gutom na kaya ako." Pareho kaming nagbungisngisang apat sa parinig ni Mxy.
Nagsitayuan na kaming apat. Ready to go na palabas ng theater room pero sa hindi inaasahang pagkakataon—
Biglang nahagip ng mata ko si Aidan. Napatingin ako sa gilid ng theater stage, he was staring at me with his smiling face.
Sandali, ako nga ba talaga tinitingnan nito?
Syempre 'wag tayong mag-assume, self.
Dahan-dahan kong inalis ang tingin ko sa kaniya saka ko sinilip kung may ibang tao pa ba sa likuran ko pero puro nakatalikod 'yung mga tao, kapwa may mga sariling mundo.
Tumingin pa ako kaliwa't kanan pero wala namang iba. Tumingin pa ako ulit sa harapan at sa gawi ni Aidan pero sa puwesto ko talaga siya nakatingin e. Hindi ako nagmamalik-mata kasi, nakatitig talaga siya.
Dapat ko ba siyang ngitian pabalik?
Nawala lang 'yung tingin ko sa kanya no'ng bigla akong hilahin ni Miya papuntang pintuan ng theater room.
Hindi na ko lumingon pa para i-confirm kung ako nga ba iyong tinitingnan niya or I should say. . . titig? Hay ewan.
Baka masaktan lang naman ako kapag i-confirm ko pa. Tama na 'yong alam kong mayroong sila ni Krish. Masakit na 'yon kaya tama na.
Huminga ako nang malalim sa naisip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro