Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kab. 10: Start it, wave.

Santy's POV



"Omg! Totoo ba 'to, seryoso? Hindi sila bagay!" Iritableng komento ni Mxyanne pagkarating namin sa classroom.

Taka namin siyang tiningnan nina Miya at Charl. Nag-iisip kami kung bakit badtrip itong si Mxy. Bakit nga ba?

And for confirmation ay nagtanong na rin kami, "Anong problema mo?" Mahinahon kong tanong na ikinakalma na rin niya.

"Eh kasi naman, ngayon ko lang nalaman na ganito na pala ‘sila’ Krish at Aidan," aniya. Pinatingin pa niya sa 'min ang cellphone niya.

Napunit ang ngiti ko sa mukha nang makita ko kung ano ito, kaya pala ganito na lang kung makapag-react 'tong babaeng 'to.

Isang facebook post iyon na may picture nila Aidan at Krish hugging each other.

Biglang bumalik sa isip ko 'yong nakita ko no'ng lunes. 'Yung halikan session—hays. Ayaw kong alalahanin, masakit kasi.

At dahil kilala kong fan din naman si Mxy ng bandang Surepluz eh hindi talaga niya magugustuhan na may babae si Aidan, kahit pa na kabanda niya pa ito.

Imagine ikaw, fan ka tapos nagkaroon ng karelasyon idol mo—iba pa 'pag hindi mo bet girlfriend niya, hindi ba't masasaktan ka kapag gano'n?

Anyways, kung ira-rate ko ang pagiging fan namin ni Mxy ng bandang SurePluz syempre mas fan ako, hahaha! Pero...

Hindi niya alam na totoong sila na nga.

Well, na-confirm ko na iyon noong monday pa, remember noong Culminating namin? Ah, basta iyon.

"Why? They both look cute together." Tila natutuwang komento pa ni Charl sa pinakitang larawan ni Mxy sa kanila.

"Cute mo, mukha mo. Hindi mo kasi alam kung anong feeling ng fan, hays." entrada ni Mxy. Sabay pa kaming napabuntong-hininga.

Alam ko kasi 'yung pakiramdam, hays.

"Huh? I'm just telling the truth right, Miya?" sagot ni Charl na bumaling sa katabi niyang si Miya.

Pasimple itong umiling sa kaniya. "I'm not a fan pero ramdam ko rin sila, Vince." tugon ni Miya sa sinabi ni Charl sa kaniya kaya ito, tinawanan ko si boybes.

"O-okay," nasabi na lamang niya. Saglit siyang nanahimik, siniko ko siya kaya napatingin siya sa gawi ko.

"Out of place ka na uli," biro ko sa kaniya bago ako tumawa.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya saka ginulo ang sariling buhok. Iniwas ang paningin niya sa 'kin.

"Fine, sabi ko nga. Iba pa rin mga fangirl feels n'yo. Tss." Napilitang sambit niya na tinawanan naming dalawa ni Miya. Si Mxy kasi frustrated pa rin, hahaha!

Ang mga kaibigan ko nga naman, oo.

"Hindi ko talaga tanggap, Santy!" Mariing reklamo pa niya sabay hawak sa braso ko.

Ito na naman po siya, kung alam niya lang nangyari sa 'kin noong nakita kong—nevermind. B-bakit ba kusang bumabalik sa isip ko 'yong nangyari sa backstage?

"Ikaw ba? Tanggap mo na may girlfriend siya eh 'di ba gusto mo rin siya—tho gusto ko lang siya as guitarist ng banda pero alam kong mas bet mo siya kaysa sa 'kin, tama?" Kunot-noong tanong ni Mxy sa 'kin, tumango ako sa kaniya.

Ako pa talaga tinanong nito?

Syempre masakit, pero kasi anong magagawa ko? He's happy with that person and I'm just here to support them—to support him.

Kahit masakit. . . kung tunay kang tagahanga, you will always support your idol no matter what kahit na malaki ang tiyansa na masasaktan ka talaga.

"Aba't. . . ako pa tinanong mo, syempre masakit, nakakalungkot pero may magagawa ba ako? Sa simula pa lang fan lang ako Mxy, tagahanga lang tayo," saad ko pa, huminga ako nang malalim sa harapan niya.

Grabe, parang ang laki ng problema ko eh 'no? Aidan kasi—

"Bakit ba kasi magkasama pa sila sa banda eh puwede namang puro lalaki na lang, tsk." rant na naman ni Mxy.

"Wala tayong magagawa, sila 'yung mga napili na makasama sa banda eh. At isa pa, maraming lalaki na gustong sumali sa banda pero mga hindi nakapasa sa audition na ginawa nila," paliwanag ko habang inaalala 'yung nakaraang audition.

Tumango lang si Mxy sa akin at sinabing, "Oo nga 'no? Hays..." Buntong-hininga pa niya.

Noong mga panahon kasi na binubuo pa lang 'yung members ng SurePluz Band ay maraming nagbalak na sumali subalit hindi lahat nakuha no'ng nagpa-audition 'yung mga head teachers ng MAPEH department namin.

Ang pinakanaunang members sa Surepluz ay sila Rijo at Aidan then sumunod na nadagdag sa kanila ay si Tyjay. Tapos doon na napagpasyahan ng mga teachers sa MAPEH na dalawang babae na lang ipasok sa banda at 'yun nga ang nangyari. Iyon ang dahilan kung bakit nandoon sila Krishiana Picara at Joyce Ginne Elñio.

"Kapag may babae talaga sa grupo hindi maiiwasan 'yan. Kalma na sis," pagpapakalma ni Miya sa nakabusangot naming friend ngayon na si Mxy.

"Paano ba kumalma? Tsh." Awtomatik na tumaas ang kilay ni Mxy sa aming dalawa ni Miya.

"Ganito 'te," anas ni Miya sabay umakting ng paghinga ng inhale and exhale na ginaya rin naman ni Mxyanne—mga boang, pfft.

"Pero alam niyo ba, may mas mabisa pang paraan para mas maging kalmado ka?" Biglang singit naman ni Charl kaya napatingin kaming tatlo sa puwesto niya.

"At ano naman 'yon, aber?" usisa ko. Ngumiti muna siya sa amin saka nagsalita.

"Canteen ang sagot." Kumpiyansa niyang sabi na ngumiti pa kasama ang nagniningning niyang mga braces sa ngipin niya.

"Tama! Pagkain ang katapat ng taong galit." Bumungisngis ni Miya na nagpatawa sa 'min.

"Ewan ko sa inyo, tsh." Pigil ang ngiting tugon ni Mxy. "Mabuti sana kung libre, hmp." dagdag pa niya.

"Aba, nagpaparinig. Charl libre daw oh," parinig ko kay boybes.

"Sure, why not?" Napawang ang labi ko sa tugon niya—wow, ang bilis pumayag.

"Naks, galante si Kuya n'yo." Natawa ako sa sinabi ni Miya—oo nga 'no. Pfft.

"Kaya arat na," yaya ko sabay hila kay Mxy at Miya. Nakangiting sumunod naman sa 'min si boybes.

Pagkarating namin sa kantina, hindi namin inaasahan na maraming tao kasi anong oras pa lang at sa pagkakaalam ko, magkaiba ang breaktime namin na mga junior high sa senior high—pero may mga senior high na akong nakikita sa paligid.

Nakakapagtaka lang kasi ang ingay tsaka medyo magulo. Ewan ko ba, siguro dahil na rin sa kalat ang mga estudyante rito.

Pumasok na kami sa loob no'n saka pumunta sa isang maliit na stall kung saan may nagbebenta ng mga burgers.

Nagpauna sa paglalakad papunta roon si Charl. Nandito na kami sa counter at kasalukuyang mamimili ng bibilhin.

"Ako na bibili," pag-ako ni Charl sa responsibilidad—este pagbibili ng pagkain namin.

"Sige bayaran na lang namin mamaya," tugon ni Miya na 'di sinang-ayunan ni Charl.

"Hindi na. Libre ko na nga sa inyo 'to. Ano bang gusto niyo?" Malumanay niyang tanong na nakapagpa-amaze sa 'ming tatlo.

Akala ko kanina joke lang iyon, totoo pala. Iba talaga boybes ko. Huwa!

"Ham and egg sa 'kin," sambit ko.

"Ahm. . . egg lang sa 'kin, palagyan na lang po ng mayo with ketchup na rin po, Ate." Nakangiting suhestiyon naman ni Miya kay Ateng nagbebenta.

"Burger lang sa 'kin," tugon ni Mxy.

"Ah sige po, recheck ko lang po. Isang ham and egg, egg with mayo ketchup and burger, tama?"

Tumango kaming tatlo sa pagtatanong ni Ate na siyang nagbabantay ngayon sa isang burger stall na nandito sa canteen.

Tumingin naman si Ate kay Charl tsaka nagtanong kung anong sa kaniya then sinabi niyang ham and cheese.

"Pakihintay na lang po, salamat." Nakangiting ani tindera kaya naghanap kami ng puwedeng maupuan.

Umupo kami roon sa lamesang katapat lang no'ng burger stall tsaka kami nagkuwentuhan, iniwasan naming pag-usapan 'yung nakita ni Mxy sa facebook kasi baka ma-badtrip na naman.

Habang may ikinukuwento si Miya kila Charl at Mxy, ako ay pasimpleng nagbukas ng cellphone.

Inopen ko ang data tsaka nagpunta sa facebook lite. Ni-reload ko itong newsfeed ko at nagtaka ako dahil may nag-iisang unread message ako at nasa message request pa.

Ano naman 'to? May sinalihan na naman ba akong group chat nang 'di ko alam?

Subalit bago ko pa man din mabasa iyon ay may biglang nagsalita.

"Hoy ano 'yan. Bawal cellphone 'di ba kapag nagkukunwentuhan. Nako, nako." parinig ni Mxy sa akin.

Kaya ito, pinatay ko kaagad 'yong data ko't pinindot ang home button sa android phone ko. Tinago ko ito sa bulsa ng palda ko.

"Sorry na," paglalambing ko tsaka pumulupot sa braso ni Mxy at sincere na tumingin kay Miya at Charl.

"Mga Ate, ito na po." Nabaling ang atensyon namin sa tindera ng burger stall.

Nagpauna akong pumunta ro'n saka kinuha ang ham and egg ko.

"Salamat po." Nakangiti kong sabi.

Sumunod ding kumuha sila Mxy, Miya at Charl. Pagkatapos no'n ay bumili kami ng mga panulak—tubig saka kami bumalik sa classroom.

***

"Hay salamat, natapos din ang klase. Akala ko mag-e-extend pa si Ma'am Keri." Huminga nang malalim si Miya.

"Tara na, uwi na tayo." yaya ni Mxy na animo'y madaling-madali nang umuwi.

"Teka lang naman sis," sagot ni Miya kay Mxy habang nag-aayos ng kaniyang gamit.

"Kupad kasi. Kailangan na raw kasi ako sa bahay, feeling ko may pa-surprise si Daddy sa 'kin hihiz kaya na-excite na kong umuwi!" natutuwang kuwento ni Mxy na nginitian ko lang.

Sana all may surprise, chos.

"Eh 'to na nga, tapos na ako. Tara na," wika ni Miya na tinawanan lang ni Mxyanne saka kumibin sa braso ni Miya.

Sabay-sabay kaming lumabas ng school gate. Nagpaalam na kami ni Charl kila Miya at Mxy bago kami tumuloy sa paglalakad papuntang school parking lot na katapat lang ng school gate namin.

Kinuha ko mula sa bag ko ang susi ng bike ko saka binuksan ang kandado ng bisikleta ko. Gano'n din ang ginawa ni Charl sa bike niya—and yes, nagbibisekleta kami papasok at pauwi sa mga bahay namin.

"Hatid kita sa inyo?" tanong ni boybes sa 'kin. Tumango lang ako sa kaniya.

Sabay naming pinaandar ang mga bisikleta namin kaya ito, sabay din kaming umandar.

Habang nagpipidal, hindi ko namalayan na nakarating na kaagad kami sa bahay. Ngumiti si boybes sa akin bago ginulo ang buhok ko.

"See you tomorrow," aniya bago ngumiti ulit.

Pinagmasdan ko lang muna siyang umalis pagkatapos no'n saka ako nagpasyang pumasok na sa loob ng gate namin.

Pagkapasok ko ng bahay, tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa kisame na nasa ibabaw ng flatscreen na tv namin.

It's exactly, 5:00pm noon.

Wait—maggagabi na pala, ang bilis naman ng oras.

Hindi ko na nabati pa si Ate Roxei na kasalukuyang nanonood ng tv, yaya at tutor ni Jajah 'to. Hindi naman nito napansin ang biglang pagpasok ko sa bahay dahil mukhang natutuwa siya sa pinapanood niya—tutok e. Kdrama yata 'to, hay ewan.

Iniwas ko ang paningin sa kaniya. Pakiramdam ko sobrang napagod ako ngayong araw, lintek na school works hays. Pasimple akong hinagod ang magkabilang balikat ko.

Tumuloy na kaagad ako sa kuwarto ko't nagsarado ng pinto.

Pabagsak kong inilagay sa tabi ng study table ko ang bag ko saka ko ibinato ang buong sarili sa kama ko. Hinayaan kong lamunin ako ng antok.

Zzzzzz.

Knock. Knock. Knock. Knock.

Nagising ang diwa ko dahil sa sunud-sunod na pagkatok mula sa pinto ng kuwarto ko.

A-ano ba 'yon? Gusto ko pang matulog, argh.

Knock, knock. Knock.

Singkit ang mga mata kong pinagmasdan ang paligid ko. Wala namang naalog o sunog pero...

Knock, knock!

Awtomatik na kumunot ang noo ko. Napatitig ako sa pinto—bubuksan ko ba o ano?

Kinusot ko ang dalawa kong mata saka tamad na bumangon sa kama.

Binuksan ko ang pinto at ewan ko, pero kusa akong nagising dahil sa ginawa niya.

Daglian akong napailag no'ng biglang ambangan ako ng kotong ng Kuya kong halatang inis na. 

"Sinabi ng huwag magsisirado ng pinto kapag matutulog ng alanganing oras, paano na lang kapag nagkasunog? Paano ka magigising ha? E tulog mantika ka pa naman," iritadong sermon niya sa 'kin.

"Sorry na po, Kuya." Sinserong sabi ko na niyakap pa siya.

Syempre dapat may lambing, para mawala inis niya

"Anong oras ka na naman kasi natulog ha?" Salubong ang dalawang kilay niyang tanong sa 'kin habang nakayakap ako sa kaniya.

"Pagkarating ko. . . mga alas singko gano'n," usal ko sa kanya.

"Tsk. Sinasabi ko na nga ba't natulog ka ng alanganin na naman. Kaya pala hirap na naman akong gisingin ka," panenermon ulit niya.

"Sorry na nga po," sambit ko pa bago kumalas sa pagkakayakap ko sa baywang niya.

"Tara na, kakain na tayo." Malamig niyang tugon.

Kahit na pakiramdam kong gusto pa akong pagsabihan ni Kuya. . . alam kong hindi niya ako matitiis, hahaha! Marupok 'to! Sa aming dalawa ni bunso, pfft.

"Hayii. I love you, Kuya." Wala sa sariling sabi ko na nginitian niya lang.

Muli ko siyang niyakap, isang mahigpit na yakap. Wala lang gusto ko lang siyang lambingin, kuya ko naman siya at walang malisya 'no! Ganito lang talaga kami magkapatid.

"Love you too, prinsesa ko." Nakangiting tugon niya saka kami nagpuntang kusina.

Tsanggala, kinilig ako nang slight sa sinabi niya. Kaya hindi ko ipagpapalit si Kuya ko—joke.

Kumawala na ako sa pagkakayakap ko't sabay kaming bumaba ma sa kuwarto ko papunta sa kusina namin. Dumeretso na ako sa upuan ko na katabi lamang ng upuan ni Kuya.

At tulad ng kinagawian, nagdasal muna kami bago kami kumain. Pagkatapos kumain ay naghugas na ng pinggan si Ate Roxei habang ako naman ay bumalik na rin sa sarili kong kuwarto.

Hindi ko kaagad naibalik 'yung antok ko dahil kakagising ko lang kanina kaya bilang pampaantok ay nagbukas na lang ako ng cellphone ko. Tamang scroll para makatulog.

Una kong binuksan ang twitter app ko kaso noong na-bored ako ay sa fb lite na.

Nang makita ko na may isang unread message ako na nasa message request ng messenger lite ko ay binuksan ko ito and guess what?!

Putek na

Napalaki ang pareho kong mata at kasabay no'n ang pagtaas ang dalawang kilay ko. Awtomatik akong napangiti.

Kumuha muna ako ng unan saka ko tinakip sa mukha ko. Pansamantala kong binitawan ang cellphone ko nang dahan-dahan sa kama na kasalukuyang hinihingaan ko.

"Mamaaa!" Pigil ang kilig kong sambit habang nakatakip pa rin ng unan.

Tumili ako nang ilang beses hanggang sa mapakalma ko sarili ko.

Nang maramdaman kong nailabas ko na lahat ng kilig sa katawan ko'y doon ko lang in-accept ang message request na 'yun.

Nanginginig pa nga kamay ko pumindot, putek!

It was Devaniel Aidan L. Royaldez, saying ‘hi’ with emoji of waving hands in my private message!

Take note! Sa P.M. talaga—for the first time...

Putek naman talaga, oo!

So kung kanina ko ito tingnan, e 'di sana nagwawala na ko kanina pa. Omo! Bakit ba ganito ka Aidan? Kagigil ka, grr.

Sabi ko uncrush na pero—argh.

At dahil sa overload excitement na kasalukuyang nararamdaman ko ay dali-dali akong nag-reply sa kanya.


Rhien Lyzeil Santy:
Hi rin po >_<
Sent, seen.

Devaniel Aidan:
Hala, kanina pa 'yan e.
Seen.



Mas lalo pa kong kinilig no'ng nag-reply back siya kaagad tipong kaka-send ko lang tapos nakapag-reply na siya.

Self, kalmahan lang natin. Si Crush lang 'yan—oo putek! Si crush lang talaga 'to.

≥﹏≤

But wait—

Sa sobrang excited ko, hindi ko na alam sasabihin ko, geez. Ano bang puwedeng i-reply? Ahm...

Boring kasi ako kausap sa messenger e, paano 'to? Bahala na nga.


Rhien Lyzeil Santy:
Ah, hehe.
Sorry late reply pala
May need ka po ba?

Devaniel Aidan:
Wala lang, nakita ko kasi kayo kanina. Hindi ba ikaw yung binigyan ko ng chubby no'ng nakaraan? Ay wait ikaw ba, haha.
Seen, 11:50 PM.

Shemay! Bakit ang daldal ni Crush ngayon, charoot.

Rhien Lyzeil Santy:
Ay naalala mo pa yun, hahaha!

Devaniel Aidan:
Ah so ikaw nga. Mabuti naman hindi kita napagkamalan.

Rhien Lyzeil Santy:
Salamat nga pala ro'n.

Devaniel Aidan:
You're welcome :)

Devaniel Aidan:
Gabi na ah, bakit gising ka pa?
Seen.


B-bakit papatulugin mo ba ko? Paano ako makakatulog kung ikaw 'yung ka-chat ko, hehe.


Rhien Lyzeil Santy:
Di pa inaantok e

Devaniel Aidan:
Ah.
Sige, matutulog na ko.

Rhien Lyzeil Santy:
Goodnight po!

Devaniel Aidan:
Same with you.
Seen.




Mag-reply pa ba ko?

*5 secs later. Nag-offline na agad si Aidan.*

Hayst, 'wag na nga lang. Tinapos na agad niya 'yong usapan kaya bakit pa ako mag-re-reply? Antok na yata talaga siya.

Nakasimangot akong tinabi ang cellphone ko sa ibabaw ng study table ko saka pinilit na makatulog pero 'di ko magawa.

Tiningnan ko ang orasan kong stitch ang design at doon ko lang nalaman na hating gabi na pala, saktong alas dose na ng gabi.

Napangiti ako bigla, sa kadahilanang ito ang unang beses na nagkausap kami ni Aidan through messenger.

Yes, first late night talk with him.

Ewan ko ba, dapat nga nag-aalala ako kasi may jowa siya tapos nag-cha-chat pa siya ng ibang babae.

By the way, magseselos kaya si Krish kapag nalaman niyang may kinakausap na ibang babae si Aidan?

Hays. Hindi naman siguro 'no? Kasi may tiwala sila sa isa't isa.

Medyo matagal na rin sila sa banda kaya malamang na-build na rin 'yong trust nila sa bawat isa. May point naman ako 'di ba? Ahm...

Bakit ba ako na-fru-frustrate eh isang “Hi” lang naman iyon? Wews.

Makatulog na nga lang...

Pinilit kong ipikit ang dalawa kong mata saka inalis ang mga gumugulo sa isip ko at hindi naman nagtagal. . . naging maganda na ang buong paligid.

Zzzzzzz...







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro