Chapter 5
Halos sumabog si Matilda, namumula ang mga tenga nito sa galit at tila umuusok ang ilong.
Hila hila niya ang braso ni Ciara papasok sa kanilang bahay. Kung hindi pa siya sasabihan ng kumare niyang si Nely na nakita nito sa Ciara na mukhang sabog na, baka kanina pa nakauwi ang dalaga.
Napa 'ouch' si Ciara sa sakit ng mga kuko ni Matilda na bumabaon sa kanyang balat, pigil na pigil si Matilda na sigawan ang dalaga sa daan nung nakuha niya ito sa lumang bahay.
Marahas niyang binitiwan si Ciara dahilan kaya tumalsik ito sa gilid ng sofa sa living room.
"Tangina ka rin 'no?, tangina ka talaga..." Natawa sa galit si Matilda. Mabilis niyang tinadyakan sa tiyan ang babae. Napa sigaw ng malakas si Ciara.
Hindi makasagot si Ciara, tanging hagulgol at iyak lang ang maririnig sakanya. Nananakit ang ulo niya at tila lumulutang siya, namamanhid ang mga braso niya at dumodoble ang kanyang paningin.
Napa yuko nalang habang naka upo sa sahig pero malakas na sigaw ang lumabas sa kanyang bibig ng hilain ni Matilda ang babae.
"You little piece of shit, wala ka ng ginawa, pinapakin kita at pinatira sa bahay na 'to pero nagpapaka sabog ka kasama ang batang iyon!" Malakas na sigaw ni Matilda at kinaladkad si Ciara.
"W-Wait—masakit po—" iyak nito.
Dahil sa pag kahilo ni Ciara, nanlalabo ang paningin niya at hindi narin malinaw ang naririnig nya. Naantok siya at nahihilo. Namimilipit siya sakit.
Sumasabay pa ang mga boses na akala niya'y mawawala. Pero tila mas lalong lumala at lumakas ang sigawan.
'Masakit ba, Ciara? Bakit hindi mo pigilan?' Kasabay no'n ang malakas na tawa. Tawang demonyo... nababaliw.
Pinagpapalo ni Ciara ang dalawang kamay na nakahawak sa kanyang buhok, kinakaladkad siya ni Matilda papuntang kusina, napapikit siya sa hapdi at sakit ng kanyang anit.
"Ipapahiya mo pa ako! Walang hiya ka talaga! Walang kwentang tao! Ano nalang sasabihin ng mga kalapitbahay natin? Ang anak ni Matilda ay adik? Walang hiya ka talaga! Mag sama kayo sa impyerno ni Christopher!" Sigaw ni Matilda ng mabitawan ang babae.
Napahiga si Ciara sa sahig, tila hindi na kayang bumangon. Umikot ang mata niya dahil sa hilo. Ilang beses niya naba namura ang sarili sa kanyang isip?
Sobrang tanga niya, sobrang tanga, bakit siya naniwala kay Judy? Alam niyang mali ang gagawin niya, pero masama ba ang umasa? Umasa na mamawala ang mga boses sa isip niya?
Hindi niya alam ang gagawin nang mag squat si Matilda sakanya, yumuko ito sa harap niya at mabilis siyang sinampal kahit nakahiga siya, dahilan para tumagilid ang kanyang mukha. Dahilan kaya napatingin siya sa may bandang hagdaan (papuntang ikalawang palapag).
"Itong tatandaan mo... isang pag kakamali mo pa hindi ko na alam ang gagawin ko, baka mapatay na kita."
"B-Bakit..."
Hindi makagalaw si Ciara, hindi parin gumagalaw ang mukha niya. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig, namamalik mata lang ba siya o totoo ba ang nakikita niya?
"Hindi..."
Isang payaso ang nakatayo sa hagdan, nakangiti ito. Malawak ang ngiti nito. Ang makulay na costume nito ay nabhiran ng dugo, ang mukha ng payaso ay tila nanggaling sa isang karumaldumal na pangyayari.
Ang mag kabilang gilid ng bibig nito ay may malalaking hiwa, nakatahi ang mga hiwa kaya nag karoon ito ng mga itim na butas at namuo ang dugo. Kaya nag mumukha itong malawak na nakangiti.
May hawak itong lobo, kulay pula. Nakasulat doon ang mga kulay itim na letra 'Kill for your happiness'
"Nababaliw ka na talaga..." tawa ni Matilda. "Gigisingin kita..." Mabilis na tumayo si Matilda at iniwan ang dalaga sa sahig. Gulat at hindi parin makagalaw.
Pumasok si Matilda sa kusina, kinuha niya ang thermos na may mainit na tubig. Nagdidilim ang paningin niya kay Ciara. Hindi niya alam kung alin sa dalawa ang dahilan, dahil ba sa ginawa nito kanina o ang walang hanggan at kapatawarang galit niya sa pumanaw na asawa?
"Mister..." tawag ni Ciara. Nakatitig parin sa payasong nasa hagdan. Tumawa ng matinis ang payaso, tila nababaliw.
Sinundan ni Matilda kung saan nakatingin ang bata—sa hagdan, pero wala naman siyang nakikita dito. Ni hayop o anino.
'Nababaliw na ang batang 'to... sabog na nga...' bulong ni Matilda. Dahilan kaya mahigpit ang hawak niya sa thermos.
Hindi alam ni Ciara ang gagawin. Di siya makagalaw sa kinahihigaan. Wala siyang pake kung madumihan ang likod niya dahil nakahiga siya sa sahig. Madami siyang tanong sa isip. Bakit niya nakikita ang payasong ito?
Napasigaw ng malakas si Ciara. Naramdaman niya ang mainit na tubig sa kanyang binti. Tila nilulusaw ang kanyang balat. Napasigaw siya at napaikot, mabilis siyang bumangon at nakita niya ang kanyang madrasta na may hawak na thermos.
"Tita... b-bakit niyo ginagawa sa'kin ito..." nagsimula nang humagulgol si Ciara. Napahawak siya sa namumula at mahapding balat.
"Christopher..." bulong ni Matilda.
"P-Pasensya na p-po," Mas lalo siyang umiyak ng marinig niya ang tawa ng payaso sa likod ng kanyang madrasta. Nakita niya naman ang pag baba ni Aileen, nagulat sa nangyari. "Patawarin niyo po ako... hindi ko sinasadya..." palipat lipat ang tingin niy sa payaso at kay Matilda.
"Mama?!" sigaw ni Denice. Pero hindi lumingon si Matilda.
Napatingin si Ciara sa kanyang binti, lumipat ang tingin nito sa hawak ni Matilda, hanggang sa hagdan kung saan nakatayo ang payaso, pero wala na ito sa kinatatayuan nito.
Bumaba ang magkakapatid at inalalayan ang ina na mukhang natulala. Tila nakikita niya sa mga mata ni Ciara ang pumanaw na asawa, dahilan para mas lalo pa siyang magalit.
"Mama, kumalma kayo," si Denice.
"Kasalanan mo ito eh!" sisi ni Aileen.
Natulala si Ciara, hindi niya alam ang sasabihin.
'Kasalanan mo, Ciara, kasalanan mo...'
Tulala si Ciara, nakahawak sakanyang binting namumula. Umalis sa harap niya ang mag iina na dumiretso sa kusina para painomin ng tubig ang ina.
Hindi alam ni Ciara ang gagawin, hanggang narinig niya ang pagbasag ng baso at mga sigaw ni Matilda.
"Christoper... pinag taksilan mo ako... Christopher, masunog ka sa impyerno!"
***
Hindi alam ni Ciara kung anong oras na. Nakahiga lamang siya sa malamig na simento ng lumang kwarto ng kanyang pumanaw na ina.
Nakakabulag ang kadiliman sa kwarto, nakakabingi ang katahimikan dito.
"Mama... mama..." tumagilid siya atb niyakap niya ang mga tuhod. Naramdaman niya ang pag kiskis ng palapulsuhan niya sa kanyang balat, mahapdi ito dahil nag laslas ulit siya. Sariwa ang mga hiwa niya sakanyang palapulsuhan.
"Hush, little b-baby don't say a word..." kanta nito sa kadiliman.
"Mama's g-gonna buy y-you a mocking bird," tila walang hanggan ang luha ni Ciara. Tumawa siya, tumawa siya habang naiiyak.
"And if that m-mocking bird d-don't..." napa lunok siya nang makarinig na may sumabay din na boses. Boses na pinakaayaw niyang marinig sa lahat, boses ng kinaiinisan niya.
"Hmm...hmm..." patuloy na pag hum ng boses na iyon, nag mumula ito sa likod niya.
"Lalala...lala..." kasabay non ang tawa na mala demonyo, napapikit si Ciara.
"Hmmm... hmm..." patuloy parin ito sa pag hum ng tono ng lullaby song. Hanggang palakas ng palakas... naramdaman nalang ni Ciara ang malamig na boses nito sa kanyang likod tenga.
"Na-miss kita...." Tawa nito. Malakas na tumawa, napapikit si Ciara at tinakpan ang tenga. Hindi siya lilingon, hindi niya pwedeng makita ang babaeng iyon.
Tumawa ang babae. Tawang nababaliw na at mala demonyo. Napapikit si Ciara. Tila naririndi. Mabilis siyang tumayo at humarap sa dingding, doon ay pinaghahampas niya ang kanyang ulo.
"Ciara... Ciara..."
Patuloy niyang inuntog ang sarili, hindi parin nawawala ang boses ng babae, mga boses sa isip niya. Kelan ba matatapos ito? Kelan ba sila titigil? Nakakahilo na...
Napahagulgol siya. Kailan pa ba?
"Ciara..." tawag nito.
Mabilis na tumalikod si Ciara, kahit madilim ay ramdam niya ang prisensya ng babae. Patay na ito, hindi ba? Pero bakit... pero bakit bumabalik balik pa ito?
Binuksan ni Ciara ang pinto para makalabas. Pero napatigil siya ng marinig niya ang sigaw ng babae. Malalim ang boses nito at tila boses demonyo.
"Ciara hindi ka makakatakas sa mga nagawa mo. Bakas pa rin sa mga kamay mo ang dugo ng mga taong pinaslang mo, kahit anong hugas mo, nandyan parin yan. Halimaw ka Ciara, mamatay tao ka, mabubulok ka sa impyerno kasama ng kaluluwa ng mga taong pinatay mo, kasama si Santanas." Sabay tawa nito ng malakas, mala-demonyo.
Mabilis tumulo ang mga luha ni Ciara. Galit na galit siya. Mabilis ang tibok ng puso nito. Bumuhos ang mga ala-ala niya. Ang litrato ng dugo sa sahig, ang bangkay at mga hiyawan.
Naglikha ng malakas na ingay ang pagsara niya ng pinto. Mabilis siyang naglakad sa pasilyo ng ikatlong palapag, mula sa malalaking bintana ay kita niya ang perpekto at malaking puting buwan. Mabilis iyang bumaba sa hagdan hanggang makatapak siya sa unang palapag.
Madilim at walang katao tao. Mukhang tulog na ang mag iina. Nakarinig siya ng tahol, nag mumula ito mula sa likod bahay kung saan nakakulong ang alaga ng mag kakapatid.
Lumabas siya sa likod bahay at damang dama niya ang ihip ng hangin, malamig at nakakataas balahibo. Tumahol ulit at ang aso, tumatahol ito sa isang pusa.
Napa 'meow' ang pusa. Napangiti si Ciara, hindi niya maiwasan na mainggit sa pusa. Buti pa ang hayop, malaya at walang pinoproblema bukod sa kanilang pag kain.
Napahawak si Ciara sakanyang ulo... nag sisimula na namang mag ingay ang mga boses. Napa pikit siya at pilit na kinalma ang sarili.
Mabilis na lumapit sakanya ang pusa, nagulat si Ciara at sa huli'y hinaplos nalang ang uluhan nito. Pero hindi siya makapag pokus sa pag lalaro sa pusa na napaamo niya, mas lalong nag ingay ang mga boses.
"Shhhh," pilit kalma nito sa sarili.
Pero habang patagal ng patagal, paingay ng paingay ang mga boses, nakakahilo at hindi maintidihan ang sigawan nila. Nakakabingi at nakakabaliw.
Pagaspang ng pagaspang ang haplos ni Ciara sa pusa.
"Shhh," pilit na pinapatahimik ni Ciara.
Pero sadyang mapaglaro ang kapalaran, napangiti si Ciara, nakaisip siya ng ideya na magugustuhan nila... na maaring makapagtatahimik sakanila...
Komportableng humiga sa malamig na sahig ang pusa. Napangiti si Ciara at lumipat ang tingin niya sa halamanan. Tumayo siya nang makita ang malaking bato na kasing laki lang ng katawan ng pusa.
Kinuha niya ito at ngumiti, hawak ang bato gamit ang isang kamay ay lumapit siya sa pusang nakahiga at nakapikit. Walang ka muwang muwang sa mangyayari.
Mabilis siyang nag squat at inapakan ang tiyan ng pusa, tatalon sana ang pusa pero mabilis niya itong pinalo ni Ciara gamit ang bato, malakas at mabigat ang pagka hampas nito sa pusa, mabilis at paulit-ulit ang pag hampas niya sa ulo ng hayop.
Maririnig ang pag crack ng ulo nito. Hindi naawa si Ciara.
Paulit ulit niyang hinampas ang batong hawak hanggang nawarak ang bato at sumirit ang dugo ng pusa. Nag kalat sa sahig ang dugo nito. Tila luluwa na ang mga mata ng pusa, hindi na ito makilala dahil sa ginawa niya.
Tumawa si Ciara.
Parang nalabas niya lahat ng galit at tila gumaan ang pakiramdam niya. Nawala ang mabigat na bagay sa kanyang puso at parang musika ang mga boses sa isip niya. Napangiti siya sa nakita.
"Mag pahinga ka muna, mister cat. Masyadong nakakapagod ang mundong ito." Ngiti niya at hinaplos ang mukha ng pusa. Walang buhay ito at durog durog ang mukha.
Hindi napansin ni Ciara ang babaeng nasa likod niya. Nakangiti ito.
Humuni ito ng lullaby song habang pinagmamasdan si Ciara.
Mabilis na kinuha ni Ciara ang katawan ng hayop, may naisip ang dalaga. Tutal nagugutom narin siya, bakit hindi nalang lutuin ang pusa?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro