Prologue
"Angel."
Natigil sa pag-iyak si Angel nang marinig ang boses na iyon. Kahit pa pumikit siya, makikilala niya ang may-ari ng boses na iyon. Sa paraan pa lang ng pagbigkas nito sa pangalan niya, alam na alam niyang ang lalaking tanging nagpatibok ng puso niya ang tumawag sa kaniya. Sa totoo nga lang ay kanina pa niya gustong marinig ulit ang boses nito.
"Josh?" sagot niya sa pagtawag nito kahit alam niyang hindi siya nito maririnig. Nagmamadali siyang bumangon kasabay ng pagpahid niya sa kaniyang luha. Kanina pa siya umiiyak kasabay ng paghiling na sana makita pa niya ito kahit sa huling sandali.
Akala niya talaga umalis na ito na hindi man lang nagpapaalam sa kaniya. Kasabay ng pangungulila niya ang kaniyang takot at pangamba na baka mahuli ito sa mga taong may galit sa kaniya. Akala niya napahamak na ito, hinding-hindi niya makakaya iyon.
"Angel," muli na namang tawag nito sa kaniya at sinamahan na ng pagkatok sa kanilang maliit na pinto na gawa lamang sa kahoy.
"Josh, saglit lang." Binuksan niya ang pinto at nagmamadaling niyakap ang binata. Ang luhang pinahiran niya kaniya ay muli na namang umagos. "Anong ginagawa mo rito? Baka makita ka nila—"
"Sumama ka sa 'kin, aalis tayo rito." Mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang kamay at tumitig sa kaniya.
Gustuhin man niyang sumama ngunit hindi puwede. Gustuhin man niyang makasama ito ngunit hindi talaga maaari. Gustuhin man niya pero paano ang mga kapatid niya?
Nilingon niya ang mga kapatid na natutulog sa sahig. Hindi niya kayang iwanan ang mga kapatid niya.
Muli niyang tiningnan ang binata at hinaplos ang mukha nito, kahit madilim, kitang-kita pa rin talaga ang kaguwapohan nito. Dinama niya sa huling pagkakataon ang guwapo nitong mukha na nagpabihag sa kaniya.
"Hindi puwede—"
"Hindi mo ba ako mahal?"
"Mahal kita. Mahal na mahal kita pero hindi ko puwedeng iwanan ang mga kapatid ko."
"Babalikan natin sila—"
Inilapit niya ang kaniyang hintuturo sa labi ng binata. "Sa labas tayo mag-usap baka magising ang mga kapatid ko," aniya at siya naman ang humawak sa kamay ng binata para igiya ito palayo sa bahay nila.
Nagtungo sila sa dalampasigan. Lugar na naging saksi ng pag-iibigan nila. Lugar na naging saksi kung gaano niya inibig ang binata. Hindi man ito naaayon sa gusto ng lahat pero ang hindi lang talaga niya maintindihan ay kung bakit kailangan pa nilang sumunod sa gusto ng mga tao. Katawan niya ito, siya ang dapat masunod.
Umupo sila sa may kalakihang bato malapit sa nakahilerang mga bangkang-de-motor. Dito sila minsang nag-usap ni Josh at dito rin mismo umamin ang binata tungkol sa nararamdaman nito sa kaniya. Kung siya lang ang tatanungin, gusto niyang sumama rito. Gusto niyang umalis at lumayo sa lugar na ito. Matagal na niyang gusto pero natatakot lang siyang gawin. Natatakot siya sa maaaring mangyari.
"Ayaw mo ba talagang sumama sa 'kin?" pagputol nito sa katahimikan. Idiniin nito ang paghawak sa kaniyang kamay.
"Kung puwede lang, bakit hindi?"
Muli siyang napabuntong-hininga. Gusto niyang sumama pero hindi ito ang tamang panahon para ang sariling kagustuhan niya ang masunod. Hindi ito ang panahon para magpadala siya sa mga gusto niya. Pamilya muna dapat ang unahin niya.
Dinama niya ang malambot na palad ng binata. Kahit sa huling sandali ay gusto niyang pagbigyan ang sarili, pagkatapos nito ay alam niyang hindi na niya ito muling makikita. Hindi niya alam kung babalikan siya nito, parang umaasa lang siyang magkakaroon ng snow sa Pilipinas.
"Gusto ko sana—"
"Gusto mong?"
"Gusto ko sanang ipangako mo na babalikan mo ako," aniya sa mahinang boses. Kahit alam niyang imposible, gusto lang niyang marinig mula rito na babalikan siya nito. Gusto niyang may panghawakan na pangako. "Mangako ka."
"Promise, babalikan kita rito. Babalik ako, kukunin ko kayo ng mga kapatid mo—"
Naputol ang mga sasabihin pa nito dapat nang idinampi niya ang mga labi sa labi nito. Sapat na sa kaniyang marinig mula rito ang salitang pangako. Ilang segundo lang natigilan ang lalaki at nagawa na nitong tugunin ang bawat galaw ng labi niya.
Wala siyang ibang hiniling kun'di ang lumigaya sa piling nito. Kung ang pagbabalik nito ang magiging sagot sa mga hiling niya, maghihintay siya. Maghihintay siya sa pagbabalik nito.
"Bumalik ka ha?" mahina niyang bulong. "Maghihintay ako."
"Sumama ka na lang, please."
Mabilis siyang umiling kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. Wala siyang ibang magagawa ngayon maliban sa pag-iyak. Naninikip ang dibdib niya habang tumutulo ang kaniyang luha. Bakit ba ang hirap magpaalam sa taong mahal mo? At bakit din ba kasi kailangang mangyari pa 'to sa kanila?
"Josh," aniya nang mailapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ng binata. "Can you pleasure me tonight?"
Ramdam niya ang pagkagulat nito sa kaniyang sinabi. Kahit siya, hindi niya inaasahan na masasabi niya iyon. Napapikit na lang siya at hinigpitan ang pagyakap niya sa binata.
"Mahal kita, Angel. Mahal na mahal," bulong nito at magsimulang maglakbay ang kamay nito sa kaniyang katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro