Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Katabi ni Angel si Daisy habang nakatingin sila sa lalaking gising na. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gagawin kanina kaya hinanap na lang niya si Tatang Kanor na tiyempo namang pabalik na pala sa bahay.

Gusto niyang sampalin ang sariling pisngi sa kabaliwan niyang ginawa. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya at nagawa niya ang kabaliwan na 'yon. Minsan na nga lang siya gagawa ng kabaliwan, palpak pa. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya dahil nagising na binata o dapat bang ikatakot niya 'yon. Nakita pa tuloy nito ang kagagahan niya.

Napahawak na lang siya sa sariling noo at bahagyang hinilot, hindi tuloy siya makapag-focus sa mga sinasabi ni Tatang Kanor. Pakiramdam niya, gusto na lang niyang umuwi at kalimutan na nangyari ito. Kalimutan na may ginawa siyang kahihiyan. Lahat na yata ng hiya niya sa katawan ay nagsilabasan.

"Hindi mo talaga natatandaan?" tanong ng katabi niya sa binata na panay sabi lang na wala itong natatandaan. "Pero ang pangalan mo? Natatan—"

"I'm Joshua. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ako nakarating dito."

Napatingin siya sa binata nang sumagot ito sa tanong ni Daisy. Tinitigan niya ang binata pero hindi man lang ito tumingin sa kaniya. Palinga-linga ito na para bang tinitingnan ang buong paligid, inaalam kung nasaan ito.

So, Joshua pala ang pangalan niya, bulong niya sa sarili. Pero bakit hindi man lang siya tumitingin sa 'kin? Hindi niya kaya napansin na hinalikan ko siya kanina o baka nahihiya lang din siya tulad ko.

"Nasaan ba 'ko?" tanong na naman ng binata na kay Tatang Kanor nakatingin. "Anong lugar 'to?"

"Nasa Isla Bandayan ka," sagot niya rito upang makuha ang atensiyon nito. Nilunok niya lahat ang hiya. Mukhang wala namang natatandaan ang lalaki sa ginawa niya.

Yeah, sana nga, bulong niya.

"Isla Bandayan?" Napahawak ang binata sa ulo nito kaya agad na napalapit si Tatang Kanor sa binata.

"Alam mo, hijo. Kung wala ka talagang natatandaan kung paano ka napunta rito, huwag mo na lang munang pilitin." Tumingin si Tatang Kanor kay Daisy. "Pakikuha na lang ng lugaw, apo. Pakainin na lang muna natin siya para bumalik ang lakas niya."

Agad namang sumunod si Daisy sa inutos ng Lolo nito kaya naiwan siyang mag-isang nakatayo. Gustong-gusto niyang igalaw ang mga paa palayo pero nangunguna ang kaba niya. Parang hindi niya kayang igalaw ang sariling mga paa.

"Ang natatandaan ko lang po talaga, sumakay ako ng bangka. Pero pagkatapos no'n, wala na 'kong natatandaan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro