Prologue
Prologue
Sola’s POV
“How are you, Sola?” Malapad agad ang ngiti sa akin ng aking manager matapos kong sagutin ang tawag mula sa kaniya.
Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ko rito.
“The book is almost done,” I said. Alam kong ‘yon lang naman talaga ang gusto nitong malaman.
Faith Salveste, my manager. She was the one who took me when I was already out in the orphanage. Hindi lingid sa kaalaman ko na gusto niya lang ako dahil sa perang maidadala ko sa kaniya. Ayos lang. All I want is writing. She gives me anything. Everything. Or is it really everything?
“Some of your fans wanted to see you!” aniya sa akin subalit nang tignan ko siya’y agad niya ring tinikom ang kaniyang bibig.
They all wanted to see me. Hindi ko iyon maintindihan. Bakit pa? Mukha ko ba ang babasahin nila?
“And some wanted to set an interview for you. Maganda ‘yon lalo na’t patapos ka na sa manuskripto mo.” Nahinto naman ako roon.
“Do I really need that?” tanong ko kaya naman agad na napabuntonghininga si Faith.
“You need that to gain attention and to let your readers the message you wanted to say.”
“They can read it in my book. If they can’t understand what I wanted to say, maybe I’m not really that good.” I know how much people love my books. It brings them pain. People enjoy those things.
Minsan nga’y hindi ko maintindihan. Alam na nilang masasaktan sila subalit patuloy pa ring binabasa para saktan ang mga sarili. Minsan, napapatanong na lang ako kung bakit kaya?
“Let’s end it here, Faith. We are just wasting time.” Hindi niya pa sana gustong walain ang pag-uusap naming ‘yon subalit wala siyang choice kundi ang pagbigyan ako. Alam niya ring sa bawat salitang sinusulat ko, salapi ang kalapit sa kaniya niyon.
I was already on my last chapter of the story I’m currently writing. It’s already done on my mind. Hindi ko na namalayan ang oras matapos kong magsulat.
Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi matapos kong ipasa na ang buong manuskripto kay Faith at akin na ring ip-in-ost ang huling kabanata ng aking libro sa aking website.
Matapos ‘yon ay nag-inat-inat na rin ako. Kumuha lang sandali ng chuckie mula sa ref at napagpasiyahan nang maglakad palabas ng bahay.
Nasa cellphone lang ang aking mga mata habang naglalakad ako palabas. Agad nagdagsaan ang ilang komento mula roon.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang maramdaman ang lamig matapos kong lumabas ng bahay. Tila nag-iba rin ang atmospera ng paligid. Dahil na rin siguro sa tagal kong hindi lumabas.
Napakibit lang ako ng balikat at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng ilang komento mula sa mga readers ko. Bahagya akong napangiti nang mabasa ang sari-saring emosiyon tungkol sa libro ko. Maraming hindi gusto ang kinalabasan at may iilan ding natuwa sa kinahinatnan.
It’s always satisfying to finish a book. Bonus na lang ang mga komentong ‘to sa bagay na ‘yon.
Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang tuluyang mahinto. Agad na napaawang ang labi ko nang mapagtantong masiyado nang madilim. Napaangat ako nang tingin mula sa paligid. Unti-unting napaawang ang aking labi nang mapansing tatlong kulay lang ang mayroon dito. Itim, puti, at kulay abo.
Hindi ko maiwasan ang pagbaling ulit sa aking cellphone.
4:50 in the afternoon. It’s still 4:50 kaya paanong nangyaring madilim na? Ulit-ulit kong pinindot ang aking cellphone nang mapagtanto na unti-unti na ring nawawala ang signal ko hanggang sa hindi na gumana pa ang cellphone na hawak.
Sinubukan kong ibalik ang tingin mula sa pinanggalingan. Kung nasaan ang bahay ko. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto na walang kahit anong gusali mula sa likuran ko. Wala ang mga bahay katabi ng bahay na mayroon ako. And worst, wala ang bahay ko!
Napagtakbo pa ako roon at nagbabaka sakaling pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata subalit kahit ata sampalin ko nang sampalin ang aking mga pisngi’y hindi ako magigising. Subalit kahit anong gawin ko tila totoo talaga ang nakikita.
Napapikit na lang ako nang mariin bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi sigurado kung nanaginip ba ako o sadyang totoo talaga ang nakikita ngayon? Nasaan ang mga kulay?
It seems like I was in a mountain but the trees are just all colorless. Napabuntonghininga ako at sinubukang pakalmahin ang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napakagat ako sa aking mga labi nang makarating sa isang malaking siyudad, puno rin ng ingay ang siyudad. Katulad sa pinagmulan ko’y wala ring kulay ang mga ekstraktura. Unti-unti akong tumapak doon. Tuluyan akong na-estatwa nang mapansing may mga tao mula sa loob. Agad ding umaawang ang labi ko nang mapansing unti-unting nagkakaroon ng iba’t ibang kulay habang naglalakad ang ilan. Bawat apak ng paa ng iba’y nagkakaroon ng munting kulay ang kanilang dinadaanan. Maputla. Kumpara sa mundong nakasanayan ko, ibang-iba ang kulay rito. Mapusyaw. Pastel. Magandang sa paningin.
Subalit hindi lahat ay ganoon ang kinalalabasan. Ang iba’y bawat apak, nanatili lang ang kulay abo at itim na kulay mula sa paligid. Mayroon namang ilan na kapag umapak ay nanatili ang kupas na kulay ng mga ito. Para bang unti-unti nang nawawala.
Napaawang pa ang labi ko nang mapansing may libro mula sa kanilang ulunan. Para akong masisiraan ng bait habang kinukurot ko ang sarili dahil pakiramdam ko’y nananaginip lang ako ngayon. Ngunit kahit ano pag gawin ko’y hindi ko magawang magising.
I was about to ask some people nang hindi ko na namamalayan na napatitig na ako sa mga ito. They look like—No, that’s certainly impossible. Napailing na lang ako. Kulang na lang ay matawa sa sarili.
“Kasper, dalian mo. Baka mamaya’y hindi na natin maabutan pa si Gaile,” anang isang tinig. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto na pamilyar ang tinig nito. Tinig na ginawa ko mula sa aking isipan. Ang bawat pangalan din na binanggit nito’y mga pangalan mula sa katatapos kong nobela. Unti-unti rin akong natauhan nang mapagtanto na ‘yon ang pangalawa sa huling linyang sinabi nito bago tuluyan nang hindi na nagsalita pa.
“Oo nga, baka mamaya’y umalis na ‘yon! Sabi pa naman niya gusto niya ng Mami bago siya magtungo ng New York,” ani Kasper.
Nang lumagpas sila sa akin, unti-unti kong nakita ang nakasulat sa libro.
Epilogue. Huling salita.
Hindi ko na namalayan pa ang sariling sumusunod sa mga ito. Alam ko kung anong kahihinatnan niyon. Alam ko kung anong mangyayari roon subalit hindi ko alam kung bakit nanginginig ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba.
Nang makarating doon, napagtanto na tama nga ako. Hindi na nga talaga nila naabutan pa ang babaeng nagnangangalang Gaile, ang bida sa nobelang katatapos ko lang naisulat. Hindi na nila naabutan pa, hindi dahil nagtungo ng New York o dahil nagtungo sa kung saan.
“Gaile Batumbakal, time of death, 7:29 pm,” the doctor said. The reason why the guy earlier slowly walk away. Not even looking at the girl’s face. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa lahat ng nandito. Lahat sila’y umiiyak habang nakatingin sa bangkay ng babae. I was just watching all of them. Hindi ko rin alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ngayong nakapanood ulit ako ng taong wala nang buhay mula sa harapan ko.
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib bago ako naglakad palayo roon. Mas lalo lang akong nainis sa sarili nang sumunod kay Primo, ang bidang lalaki sa nobelang isinulat ko.
Agad ko siyang nakitang umiiyak habang unti-unting umulan. I don’t know how it happened but it’s different from the color of his surroundings earlier. It look so dark now. Hindi lang basta-basta kulay abo at itim. Unti-unti nang nawawala ang kulay abo at napapalitan na lang ng dilim ang paligid nito hanggang sa tuluyan na nga siyang nilamon niyon matapos siyang masagaan ng isang kotse.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatingin dito. Unti-unti lang din akong napaatras nang dinaluhan siya ng mga tao. Ramdam ko ang panginginig ko habang umaatras nang umaatras. It was me. It was my fault. That’s how I ended things.
Hindi ko na namamalayan na tumatakbo na ako paalis doon habang ramdam na ramdam pa rin ang takot at lungkot sa akin. Hindi ko na rin napansin pa ang luha mula sa aking mga mata habang umaalis doon. Ramdam ko rin ang paninikip ng aking dibdib hanggang sa makarating ako sa isang eskinita. Ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod bago ako napaupo na lang ako roon.
Sinubukan kong saktan ang sarili habang pinipilit na magising sa bangungot na ito but I was more scared when I realize na hindi ko magawang magising. Nahinto lang ako sa pag-iisip nang may tumalon sa akin. Isang itim na pusa na may kulay asul na mga mata.
“Coco, don’t scared someone like that.” Napatawa pa ang nagsalita. Napataas ako ng tingin. Napaawang ang labi ko nang mapagtantong unti-unting nagkaroon ng ibang kulay ang buong paligid. Ibang-iba sa mapuputlang kulay na nakikita ko kanina. It’s really different. Sobrang tingkad ng mga kulay na naroon. Nang lingunin ko pa ang lalaking nagsalita’y kita ko ang malapad na ngiti niya. Dahilan kung bakit agad na lumabas ang dimple mula sa gilid ng kaniyang mga labi. Maski ang mga mata nito’y makikitaan ng galak. Kulang na lang ay kuminang sa saya.
I know him very well. I know because I was the one who write him.
Rough Asher. The brightest and most carefree character that I wrote.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro