Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

Sola’s POV

Napanguso ako nang makitang si Hugh ang naghihintay sa akin para makasayaw ako.

Naniningkit ang mga mata ko nang lingunin siya.

“What’s going on, Hugh?” tanong ko na pinagkunutan ng noo si Hugh na tipid lang na ngumiti sa akin.

“Hmm, I just want to have dance with you…” mahinang sambit niya bago dahan-dahang hinawakan ang kamay mo habang ang isang kamay niya’y nasa baywang ko. I don’t really know how to react so I just let myself dance with him.

“Sola…” mahinang tawag niya kaya bahagya akong nahinto bago napalingon dito.

“Hugh…” tawag ko rin dito dahil pakiramdam ko’y alam ko na kung ano man ang sasabihin nito subalit isang ngiti lang ang pinakawalan niya habang nakatingin sa akin.

“Can you listen to me?” tanong niya kaya napabuntonghininga na lang ako bago unti-unting napatango.

“I like you,  Sola… I don’t know how it started… Basta nagising na lang ako na gusto na kita… that I already regret rejecting you for all those times you confess to me… That I don’t like it when you’re hurting… I want to protect you, Sola… I want to see your smile… I like you… I like you that it hurts when I’m seeing you in pain…” mahinang sambit niya. He look so weak while confessing to me.

“I… I’m sorry…” Hindi ko rin alam ang sasabihin ko rito. He just smile at me before he slowly shook his head.

“I know, Sola… I know it too well…” aniya bago unti-unting isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat as if he was surrendering himself to me.

“Let me dance with you for a minute, after this we’ll remain the same. You’ll still treat me as your friend, right?” tanong niya sa akin kaya napabuntonghininga na lang ako bago unti-unting napatango.

We just remained like that for a while until we finally went on with our day. For our last event, the Mr. and Ms. Valentines. People are already excited for that one kaya talagang pinaghandaan ng mga officers ang para sa event na ‘yon.

“Girl! Totoo ba? Nag-confess daw sa ‘yo si Hugh?” tanong sa akin ni Sheena. Ang lakas pa talaga ng tinig niya tila gustong ipangalandakan sa lahat.

“Huh? Fake news ‘yon,” ani ko na parang wala lang. Ayaw ko namang kumalat ang pangalan ning dalawa ni Hugh. Naningkit ang mga mata ni Sheena habang nakatingin sa akin.

“We? Bakit sabi sinayaw ka raw sa dance what you feel?” Gumatong pa ang boyfriend niya kaya hindi ko na maiwasan ang mapailing na lang sa kanila.

Hindi ko na rin sila binigyan pa ng pansin ang mga ito para hindi na nila ako asarin pa.

Nahinto nga lang ako nang makita si Rough na papalapit sa gawi namin.

“Haba talaga ng hair, Sola,” pang-aasar ni Sheena. Napatikhim lang ako at nagpaalam lang kina Sheena na magpapalit ng damit.

“Sola…” tawag ni Rough nang lalagpasan ko na sana siya.

“You won’t wish me luck?” mahinang tanong niya kaya bahagya akong nahinto. Tila kaming dalawa lang ang nakakarinig niyon. Panandalian ko siyang nilingon.

“Good luck, Rough…” Tipid ko siyang nginitian doon at sinalubong ang kaniyang mga mata na diretso lang ang tingin sa akin. Parang unti-unti akong hinihila sa madlim niyang mga mata kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

“I’ll get going now. I’m little bit busy. I’m proud of you no matter what the result is…” ani ko bago ngumiti ulit sa kaniya. This time, it was genuine. Agad na rin akong nagmadali sa pag-alis.

Hindi rin naman nagtagal at nagsimula na ang event. Nagkaroon din naman kami ng pahinga so we just watch the pageant. What I said earlier to Rough is true. I’m really proud of him. He was really charismatic. Hindi ko pa maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan siyang sumagot sa tanong. His answer was straigth to the point kaya hindi na rin ako nagtaka nang siya ang tanyagin bilang Mr. Valentines and Sky also brought the crown of Ms. Valentines. While they were on stage, hindi ko mapigilan ang mapait na ngisi sa aking labi because they look good together.

Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib bago ako tumalikod doon.

“Sola? Are you going home? Hindi mo man lang ba babatiin si Rough?” tanong ni Sheena sa akin. Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan ko at napakibit ng balikat. I don’t think I still need to do that though.

“I’m too tired. Masiyado pang maraming babati panigurado kay Rough at Sky,” ani ko na ngumiti lang kay Sheena.

“Girl! I’m sure kahit na maraming tao ang babati kay Rough, ang bati mo ang inaabangan ng isang ‘yon!” sambit ni Sheena kaya napailing na lang ako at sinenyasan lang siya na tumahimik bago kumaway.

It was half true to begin with, I’m really tired right now but that’s just also an excuse. My heart is not really in good shape right now.

Dire-diretso na ako sa paglabas nang makabangga ng kung sino. Both Hugh and I just smile at each other. Parehong masakit ang ngiti sa isa’t isa. Napakagat lang ako sa aking labi bago niya ako tinulungang tumayo.

“Tara na, uwi na tayo. Both of us probably need rest right now,” natatawa niyang sambit subalit hindi ko alam kung bakit naririnig ko ang sakit mula sa kaniyang tinig.

Both of us really went home after that pero bago ‘yon ay binilhan namin pareho ng ice cream ang isa’t isa. I just clean myself when I got home. Nakahiga na ako nang maka-receive ng text mula kay Sheena.

Sheena:

Girl! Sabi sa ‘yo, eh! Importante talaga congrats mo for Rough! Hinahanap ka niya kanina. Mukhang disappointed na hindi mo siya nahintay!

Bago pa ako maka-reply, may kumakatok na mula sa labas.

“Pagpahingain mo na ang puso nating dalawa, Hugh,” natatawa kong saad dahil akala ko may nakalimutang sabihin si Hugh subalit laking gulat ko na lang nang makita si Rough mula sa labas. Mukhang kauuwi lang dahil suot niya pa rin ang damit for the last round.

“Hey?” patanong na bati ko rito.

“I’m here for my congrats…” aniya kaya napaawag ang labi ko.

“Ah… congrats, Rough…” bati ko bago siya nginitian.

“Do you want to have dinner with me?” Ngumiti lang ako bago umiling.

“Uhm… I’m ready to sleep na, eh. I’m just really tired earlier…” ani ko. If we’re fine right now, kahit anong pagod naming pareho, paniguradong kakain pa rin kami kahit light snack lang. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko sa kaniya.

Napatitig siya sa akin subalit bandang huli’y napabuntonghininga na lang din bago napatango.

“Alright… Good night, Sola…” mahinang sambit niya bago ako nginitian. Ngumiti lang din ako sa kaniya pabalik bago nagpaalam. Hindi ko naman maisara ang pinto dahil nakaharang siya roon but in the end he let me go too.

Mariin ko lang na kinagat ang aking labi nang makapasok sa aking kwarto. Ni hindi ko na rin nagawa pang makatulog ng gabing ‘yon.

Kinaumagahan tuloy, wala akong ganang tumayo kung hindi lang ako naka-receive ng ilang tawag mula sa 4th year college na nagha-handle ng booth kahapon.

In the end, I juts fix myself and try my best to look normal kahit wala naman talaga akong ganang lumabas.

Nag-iinat-inat pa ako nang buksan ang pinto subalit agad na nagulat nang makitang nakatayo sa gilid si Rough. Hindi ko na namalayan na naisara ko na ulit ang pinto at bahagya pang kinapa ang dibdib para lang pakiramdaman ang sarili.

Bandang huli’y mariin ko lang ding kinagat ang aking labi bago ko binuksang muli ang pinto. Rough look serious while standing in front of my apartment.

Tipid ko siyang nginitian doon at umarte na para bang normal na umaga lang ‘to.

“Good morning,” bati ko sa kaniya.

“Morning. Should we go together at the meeting place now?” tanong niya sa akin subalit sakto rin naman na lumabas si Sky mula sa kaniyang apartment.

“Oh, si Sky. Siya na lang ang isabay mo. I’ll just walk papunta roon. Malapit lang naman,” ani ko na tipid itong nginitian. Tinawag din siya ni Sky kaya agad kong ginamit ang pagkakataon na ‘yon. Napangisi na lang ako sa aking sarili nang makaalis doon.

I was just walking when someone beep from my side. Agad binuksan ni Hugh ang window ng kaniyang kotse.

“Bakit hindi ka na lang sumabay sa akin? Hindi mo ako hinintay,” aniya na napanguso pa sa akin. I just rejected him yesterday. I just don’t really want to use what he feel about me just for me to feel a little bit better. Hindi ko gustong manggamit ng ibang tao.

“Tara na,” aniya na nginitian pa ako. In the end, I just sighed and enter his car. Nahinto nga lang ako nang makita sa likod si Sky at Rough. Rough was just seriously looking at me while Sky was trying to talk with him.

Napangisi na lang ako sa aking sarili bago nag-iwas ng tingin sa kanila.

“Here’s a coffee.” Inabutan ako ni Hugh ng kape. Tinanggap ko naman instead na matuyuan ako ng laway.

“Galing kay Rough.” Bahagya akong nasamid sa pahabol ni Hugh. Palihim ko siyang sinamaan ng tingin because he knows that I like Rough too. Nailing na lang siya bago ngumiti sa akin.

Mabilis lang din kaming nakarating sa meeting place. Apat na pares lang naman kami rito kaya ilan na lang din ang hinintay para magtungo na sa cruise. Kalaunan ay dumeretso na nga kami roon. Iginiya kami ng ilang handler para sa kaniya-kaniyang dining room for dates ng bawat pares. Mas mahal pa ata ang gastos nila rito kaysa ang nakolekta nilang pera for all those people watching yesterday. Pero sabagay, mayayaman naman din halos lahat ng estudyante roon. Pwera na lang kung female lead ka o ‘di naman kaya’y second lead.

Napangisi na lang ako sa naiisip habang hinihintay si Hugh na siyang nagpaalam lang na magsi-cr pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Kasabay ng pagpasok ng ilang foods ang pagpasok ni Rough. Agad napaawang ang labi ko nang mapagtanto na lumapit pa siya sa gawi ko. Naliligaw ba siya o ano?

“Oh, I think you're in the wrong room,” sambit ko na tipid pa siyang nginitian. Hindi naman siya nagsalita at umupo lang sa tapat ko. Imbes na punahin din siya ng staff dito, ngumiti lang ang mga ‘to sa aming dalawa.

“I hope you’ll enjoy your date here, Ma’am, Sir,” sambit pa sa amin ng staff bago umalis. Napakunot lang ang noo ko bago nilabas ang aking phone at nagtipa na ng mensahe para kay Hugh.

Ako:

Where are you? I’m already starving here. Na-flush ka na ba riyan sa banyo?

Kung ano-ano nang pinagsasabi ko dahil sa pagkataranta. Mayamaya lang ay nag-reply na ‘to.

Hugh:

I’m already eating with my date. Enjoy your date with my cousin, Sola :)))

It looks like Hugh was the one who plan this. Mariin na lang akong napakagat sa aking labi roon.

“I’ll just go to the washroom,” ani ko na natataranta pang tumayo. Ni hindi ko na matignan pa sa mata si Rough ngayon.

“Sol…” tawag niya bago hinawakan ang palapulsuhan ko nang paalis na sana.

“I miss talking to you… I miss all of you… I can’t take it anymore… Stop ignoring me, please…”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro