Chapter 17
Chapter 17
Sola’s POV
After Hugh’s indirect confession, both of us seem like we forget about it. We acted as if he didn’t say anything and I didn’t hear something at all.
But Hugh, he was always trying his best to make me feel better. I’m thankful for to that.
“Good morning,” bati sa amin ng ilang nag-aayos sa gym for the pageants. May mga booth din for this valentines. Kahit ang department namin ay mayroon din which is ang wedding booth for lovers or someone who have crush with someone. Mayroon ding blind item, which is event na mamimili ang mga tao ng ide-date nila. Another one is dance what you feel, if you want to confess to someone, it was a good choice to try it daw. Ang dami rin talagang pakulo ng school at halatang pinaghahandaan ang tungkol dito.
May mga booth din naman to buy chocolates, flowers and things you can give to someone you love. To begin with, hindi naman para lang sa lovers ang valentines day.
“Water.” Bahagya akong nahinto sa pagtutupi ng mga ididisenyo sa booth nang marinig ko ang tinig ni Rough. Kahit na hindi ko pa ‘to tignan, alam na alam kong siya ‘yon.
“I still have one. Thank you,” mahina kong sambit at hindi rin siya nilingon pa. For days, we are just ignoring each other. No, maybe I was the only who feels that. Masiyado lang siyang abala kay Sky para mapansin pa ‘yon.
“Here’s a snack then,” aniya na iniabot lang sa akin ang isang paperbag. Hindi ko na napigilan pa ang sariling lingunin siya. May kunot ng noo mula sa aking mukha.
“I’m not hungry. We’ll eat later. You can give it to someone else.” Sinubukan ko pang ngumiti nang tipid sa kaniya. Luckily, some of the officers called me. Isang tipid na ngiti ulit ang pinakawalan ko para kay Rough bago ako nagtungo aa gawi ng mga ito. I’m glad that I became busy that day na kahit na nakikita ko sina Rough at Sky na kumakain sa isang tabi habang masayang nagkukwentuhan, hindi ko na gaanong nabibigyan pa ng atensiyon.
That’s how we treat each other, simpleng ngiti at kalaunan din ay nag-iiwas na ng tingin.
“Bakit parang may something sa inyo ni Rough? Hindi ko pa ata kayo nakikitang nag-uusap nang matagal,” ani Sheena sa akin. Naninigkit pa ang mga mata nito habang nang-uusisa. Napangisi na lang din ako roon bago napakibit ng balikat.
“Things will not forever remain the same and both of us are just really busy.” Nanatili lang ang nakataas niyang kilay habang nakatingin sa akin.
“Really? Why do I feel like something going on between the two of you?” tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay.
“Parang may mali talaga.” Napailing na lang ako at hindi nagsalita. Wala naman talagang mali, I was just really the one making things complicated.
Buong araw ay hindi rin kami nag-usap pa. Madali lang umiwas sa kaniya. Busy ako at ganoon din siya. It feels like things between the two of us are just fine din naman.
Kinabukasan, mas naging abala pa kami dahil mismong event na. Umaga ang mga booths at sa gabi gaganapin ang pageant. Pahinga na rin ng mga candidate at wala na silang rehearsal today kaya kaming mga officers ay kaniya-kaniya ng bantay sa aming mga booth.
“Mukhang panay sana all na lang tayo rito. Nakikita ko na ang ating hinaharap.” Napatawa ako nang mahina sa pagra-rant ni Sheena habang nililista namin ang ilang estudyanteng gustong ipakasal ang kani-kanilang kaibigan o ‘di naman kaya ang ibang may nililigawan. Kami ang naglilista ni Sheena at parehong natatawa na lang din.
“I want to marry you, Sola.” Napailing na lang ako nang walang hiya-hjyang sinabi ‘yon ni Hugh.
“I’m not available. I’m one of the organizer of this booth,” ani ko kaya napasimangot siya. Nang-aasar pa si Sheena kaya naiiling na lang din ako sa mga ‘to. In the end, pinatawag na rin siya sa booth nila kaya wala siyang choice kung hindi ang sumunod.
I was just busy listing all of the bride and groom they wanted when Sky and her friends went to us.
“Can we list another bride and groom?” nakangiting tanong ng isa sa mga kaibigan niya.
“Sure po,” ani ko na tipid na ngumiti.
“Can you list Sky and Rough?” tanong pa niyong isa. Bahagya akong nahinto sa pagsusulat subalit kalaunan ay isang tipid na ngiti lang din ang ibinigay ko rito.
“Sige po…” ani ko.
“Uh… nakakahiya naman. Huwag na kaya?” Sky asked her friends.
“It’s fine! Anong nakakahiya, eh, gusto mo naman si Rough and it seem like he likes you too!” anang mga kaibigan niya. Hindi ko rin kayang ngumiti pa sa kanila kaya nagkunwari na lang akong abala sa mga nililista ko.
Nang makaalis sila’y agad akong napahinto sa pagsusulat bago bahagyang nairita sa sarili dahil apektado na naman ako.
Mayamaya lang ay isa-isa ng ipinakasal ang ilang taong nasa listahan. Maski sina Neela at Justin ay nagtungo rin dito. Panay lang ang pekeng ngiti ko sa mga estudyanteng bumabati sa akin.
“Here’s some food. You look like you’re so hungry na natutulala ka na riyan,” ani Hugh na naupo sa tabi ko. Nginitian ko lang siya roon. Sakto rin na dating ni Rough. Masiyado ba siyang excited na hindi niya na nahintay na hulihin siya ng mga gwardiya ng wedding booth.
May hawak-hawak itong paperbag at papasok na sa loob nang tawagin siya ng mga gwardiya.
“’Yan na pala si Rough, eh. Sakto at kayo na ang susunod ni Sky na ikakasal,” sambit sa kaniya ng ilang blockmates ko.
“What?” Agad kumunot ang noo niya roon.
“Uh, I told you, Girls. Hindi niyo na sana ginawa, medyo nakakahiya kay Rough.” Dumating din si Sky na pinamumulahan ng mukha. Dinagsa naman sila ng asaran doon kaya napangisi na lang ako.
“Labas muna ako, Sheena. Tapos na rin naman ang trabaho ko rito,” sambit ko kay Sheena bago siya tipid na nginitian. Naningkit lang ang kaniyang mga mata at mukhang may gustong sabihin but in the end she didn’t say whatever it is.
Umalis na rin ako roon. I don’t really want to see their fake marriage. I don’t even know why I’m hurting just because of that. Minsan maski ako’y naiinis na lang din talaga sa aking sarili.
Nahinto ako nang may humawak sa palapulsuhan ko.
“Why are you leaving me when you’re the only one I’m visiting there?” tanong ni Hugh. I felt a little bit guilty that I didn’t think twice when I left him there and that I keep on wishing that he was someone I’m expecting right now. Napabuntonghininga na lang ako bago napailing sa aking sarili.
We ended up eating together in one of the booth here in school. Medyo nagulat pa kaming dalawa nang lapitan ng 4th year college student na nag-aasikaso ng booth na blind item.
“Please, ‘yong tatlo kasi naming kinuha ay bigla na lang nag-back out,” anito. Well, I kind of understand how she feels. Medyo mahirap nga naman talaga when things get wrong and ruin your plan.
Napabuntonghininga na lang ako roon bago sumang-ayon sa kaniya.
“If you choose each other, you’ll be having a whole day date tomorrow. One of our blockmates have a cruise and they will let you use it kasama ng ilang dates pa,” sambit niya na ngumiti habang ipinapaliwanag ang rules. Napakamot na lang din ako sa ulo roon at hindi na rin talaga alam kung paano pa tatanggi gayong naka-oo na ako.
In the end, we just play on what they want. May harang sa pagitan ng babae at lalaki upang makapili ang girls kung sino ang gugustuhin nilang lumabas. Bahagya pa akong nahinto nang makitang nandito rin si Sky ngayon, may hawak-hawak siyang fake marrigae certificate, mukhang katatapos lang din ng kasal-kasalan nila at mukhang kasama rin siya sa mamimili rito.
Mayamaya lang ay nagsimula na ang show, may mga nanonood din sa amin mula sa baba ng stage. Of course, may payment din ang panonood doon.
May mga code name ang mga lalaki at hindi malalaman ng mga babae kung sino ang mga ‘to. Bahagya nga lang akong nahinto nang marinig ko ang tinig ng nagnagngalang Mr. Cupid daw. Hindi ako pupuwedeng magkamali, I’m sure it’s Rough. Anong ginagawa niya rito?
Bakit pa nga ba ako magtataka kung nandito naman ngayon si Sky? Looks like Sky realize that it’s Rough din kaya siya rin nang siya ang tinatanong nito kapag nabibigyan ng pagkakataon.
“What’s your ideal girl?” tanong ng host sa kaniya.
“Hmm, girl with a long black hair, cat eyes with soft lips and a mole in side of her lips. Always wear beret and always work hard with everything that she’s doing.” Agad akong napatingin kay Sky doon. As if he was describing her, except for the cat eyes and mole on the side of her lips.
“Lools like someone’s on your head when the question got ask, huh?” Humalakhak pa ang host.
When it time to choose, people are telling Sky to choose Mr. Cupid, which is I know who, Rough for sure. Well, Sky was obviously into him.
And she choose him, I choose Hugh which I know the voice too. I know that Hugh have a feelings for me and I feel bad that I choose him despite knowing about that.
“I’m sorry, Hugh…”
“Why are you saying sorry? And it doesn’t matter to me if you choose because you don’t have a choice or anything. I should be the one warning you, I’ll take advantage that we will be having a date,” aniya na ngumisi pa sa akin.
Ginulo niya lang ang buhok ko para pagaanin ang nararamdama ko but I just still feel the same. Kita ko rin ang tingin ni Rough sa gawi namin subalit hindi ko na rin pinansin pa.
The day went on na wala lang talaga akong gana. I was not in the mood while helping some of the officers. Nagbubuhat ako ng ilang inumin nang makita ko si Rough. Nagkunwari akong hindi ito napansin but Rough really went towards me.
“I’ll help you,” aniya kaya hindi ako nakipagtalo, iniabot ko agad sa kaniya ‘yon at nagkunwaring inuutusa ako ni Sheena kahit na ang totoo’y nakikipag-chismisan pa ‘to.
“Kukunin ko na ang ilang foods, Sheena? Alright.” Ako rin ang sumagot sa sarili kong tanong dahil napatingin lang sa akin si Sheena habang kunot ang kaniyang noo. Napangisi na lang ako bago nagmadaling lumabas ng room.
I feel like I’m really acting so weird and out of character right now.
Matapos ‘yon, I thought things are already done but I was called to dance what you feel.
“Huh? I still have a lot of things to work on,” ani ko sa isang estudyanteng nagha-handle ng booth na ‘yon.
“Pero need kasi, Sola,” aniya na napakamot sa kaniyang ulo. Tatanggi pa sana ako subalit nang makita kong papasok din sa loob si Rough, agad akong napa-oo.
Wow. Things I’ll do just so I can control my hearbeat, huh?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro