Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Sola’s POV

“Bakit mukha kang pinagsakluban ng langit ang lupa?” Pinitik pa ni Hugh ang noo ko kaya sinamaan ko lang siya ng tingin bago inirapan.

I just can’t help but think about Rough, he’s treating me indifferently for the past few days. He still smile at talk with me pero alam kong may iba. Even around him is still so bright, there’s really something bothering me. There’s something different. Hindi ko lang talaga matukoy kung ano.

Or maybe I know, sinusubukan ko lang talagang magbulagbulagan ngayon.

“Si Rough and Sky pala ang ilalaban sa Ms. And Mr. Valentines sa kanilang department, eh,” anang ilang estudyanteng nadaan sa gawi namin. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ko sa aking kutsara dahil doon. This is what I’m saying. Rough and Sky is becoming close each day. Mas lalo pa sila paniguradong magkakalapit kapag sila ang pinagtambal.

At ano naman ang pakialam mo roon, Sola? Panandalian ka lang nabigyan ng atensiyon ay umaarte ka na agad?

Napangisi na lang din ako sa aking sarili bago napakibit ng balikat.

“What about you, Sola? Aren’t you going to compete?” tanong sa akin ni Hugh. Tila alam na narinig ko ang usapan ng dalawa kanina. Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan ko roon bago napakibit ng balikat.

“I’ll be one of the volunteer to organize the said event,” ani ko kaya napatango siya sa akin subalit nanatili pa rin ang kaniyang titig.

Magtitipa na sana ako ulit sa aking laptop nang mapadiretso ako ng upo rito sa bench malapit sa field nang makitang padaan sa gawi namin si Rough. Sinadya kong hindi na muna ibigay ang buong atensiyon sa ginagawa para kung sakaling babatiin o kauusapin niya ako ngunit laking dismaya ko nang ngumiti lang siya ng tipid sa akin matapos niya kaming titigan ni Hugh.

Saka ko lang din nakita ang nakahawak na kamay ni Sky sa kaniyang braso. Hindi ko na natiis pa at tumayo na ako, nagtataka naman akong tinignan ni Hugh but I just smile at him before calling his cousin.

“Rough,” tawag ko sa kaniya.

“Uy, hey?” Sinubukan niya pang ngumiti but I just really know that his smile is just really different right now. And hey? After so long we talk with each other hey lang ang ibubungad nito? Nakakasama naman ata talaga ng loob ang isang ‘to ngayon.

“Have you eaten? Want to have lunch with me?” tanong ko sa kaniya. Nilingon niya lang ako bago tinignan din si Hugh saka niya binalik ang tingin sa akin.

“Ah, looks like you two are already eating. I’m little bit busy too.” Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya sa akin doon.

“Hmm, that’s right. We’re going to have meeting with the other candidate, eh.” Ngumiti pa si Sky na hindi pa rin bumibitaw kay Rough. Kita ko pa sa kabilang kamay ni Rough na hawak niya ang bag nito.

Napangiti na lang ako nang mapait doon bago tipid na ngumiti. Right.

“Ah, alright.” Tumalikod na lang ako at bumalik sa aking upuan. Bahagya pang napakuyom ang kamao ko para sa sarili. What the heck is wrong with me? Alam kong uhaw ako sa atensiyon ng ibang tao noon pa man but how can I ask him that? Masiyado naman atang mataas ang tingin ko sa sarili.

Napatitig sa akin si Hugh kaya ngumiti na lang ako bago nagkunwaring abala na sa ginagawa kahit na ang totoo’y hindi ko na rin ata alam kung anong tinitipa dahil kay Rough. This is why people say that they look together because they really are.

Pero ganoon pa man, hindi ko rin alam kung ano bang mayroon sa akin na malakas ang loob kong subukang kunin ang atensiyon ni Rough.

“Are you going home now? Are you busy? Want to study together?” Ngumiti pa ako sa kaniya. Sinadyang hintayin siya sa parking lot para lang dito. Bago pa nga lang siya makapagsalita ay dumating na si Sky. Bahagya akong napangiti nang mapait sa sarili. I really pity myself for being like this.

“Let’s go na ba, Rough?” malambing na tanong sa kaniya ni Sky.

“Tara na rin, Sola. Let’s study together instead. Sakto at may tatapusin din ako,” ani Hugh na siyang hinawakan na ako sa aking palapulsuhan. Wala na akong lakas para magpatalo pa kaya nagpahila na lang din ako.

Napangisi na lang ako nang mapait nang makasakay sa kotse ni Hugh.

“His eyes are different now, don’t you think? He looks happier when he’s with Sky,” ani ko kay Hugh dahil ramdam ko ang titig niya sa akin.

“You do like him.” It’s not a question anymore. Tila ba sigurado na siya sa tanong niya nitong nakaraan.

“That’s right. I like him.” Maski ako’y hindi na rin nagdadalawang isip ngayon..

“But nevermind about that.” Dinaan ko pa ‘yon sa tawa subalit mas lalo lang nanatili ang tingin niya sa akin.

“By the way, library? You? Mag-aaral? Mas posible pa atang maging puti ang uwak doon,” natatawa kong biro dahil hindi ko gustong kaawaan niya ako gamit ang kaniyang mga mata. Nakisama na lang din siya sa akin at tumawa.

Hindi lang ‘yon ang huling beses na ramdam ko ang paglayo ng loob sa akin ni Rough, maski ng mga sumunod na araw. Mukhang hindi niya rin naman ‘yon napapansin, ako nga lang ata talaga ang nagbibigay ng meaning sa bawat ginagawa nito.

“Hindi niyo kasama si Rough?” tanong sa amin ni Tita nang tawagin niya kami nina Hugh para kumain. I even went here just to have a small talk with him but looks like he’s more busy with Sky.

“He’s busy with his research, Mama,” ani Hugh.

“Research nga ba?” pabulong na tanong ko kaya napailing sa akin si Hugh.

“He’s busy with his research, you’re just thinking too much,” aniya na pinitik pa ang noo ko. Napangisi lang ako nang mapait doon.

I don’t know why I waited for him kahit na alam ko naman na abala siya sa research nilang dalawa ni Sky.

Nang paglabas ko nga lang mula sa bahay nila, sakto ring nakita ko ang pagdating nila ni Sky. Mukhang kagagaling sa labas para bumili ng makakain. Tipid lang akong ngumiti nang mapatingin sa mga ‘to. Dire-diretso na rin akong pumasok sa bahay bago nagmamadaling nagtungo sa aking kwarto.

Hindi ko mapigilang isubsob ang sarili sa aking higaan. I was so attracted to Rough na kahit wala naman itong responsibilidad pagdating sa akin, masiyado na akong nasanay sa kaniyang presensiya. Napabuntonghininga na lang ako roon bago natulala.

While thinking, unti-unti akong napaahon sa aking pagkakahiga bago natatarantang tinignan ang cellphone. Nagtungo ako sa aking notes at binasa ang isang linya mula sa libro na pinagmulan ni Rough.

“Rough met the person who makes his life more colorful at Dream University.”

Right. That’s just one line but now that I think of it, around this time na makikilala ang babaeng mamahalin niya ng tapat at totoo.

Napangisi na lang ako sa sarili nang mapagtanto na maaaring si Sky ‘yon. Huh… Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang bigat ng dibdib ko?

I just find myself looking at some of our photos and memories together. I wrote some of it. I can’t help but smile sadly.

Nang bitawan ko ang phone ko’y napatitig na lav ako sa kisame subalit pumapasok lang nang pumapasok sa aking isipan si Sky at Rough. I can’t really deny that they looked good together.

Pero sino nga ba ang niloloko ko? May isang parte sa aking utak na hindi gustong isipin ‘yon.

Sanay naman ako na tiga-subaybay lang kaya ano bang pinuputok ng butsi ko ngayon?

With that line, para akong sinampal ng katotohanan na hindi ko na kailangan pang ipilit ang sarili kay Rough dahil umpisa pa lang silang dalawa na ang para sa isa’t isa.

“Kanina ka pa buntonghininga nang buntonghininga riyan, Sola. Do you still have something to do? Ako ng bahala rito kung ganoon,” ani Hugh sa akin. Ngumiti lang ako at umiling. I feel like I’m being inconsiderate to people around me just because of how I’m feeling right now.

“It’s fine. I don’t have something to do,” ani ko bago tumulong sa pagbubuhat ng ilang foods para sa mga candidate ng Mr. and Ms. Valentines this year.

Ramdam ko pa rin ang titig sa akin ni Hugh subalit nanatili lang diretso ang tingin ko.

Kalaunan ay nakarating na rin kami sa kung saan sila nagre-rehearse. Agad kaminh binati ng ilang officers na naroon.

“Grabe naman pala talaga ang pagiging masugid ni Hugh.” Inasar pa nila kaming dalawa subalit naiiling na lang din ako roon. People are starting to misundestand dahil nag-volunteer na lang bigla si Hugh para rito.

Nakita kong bahagyang na-distract ang mga candidate dahil sa ingay ng officers. Nang magawi ang mata ko roon, agad kong nakasalubong ang mata ni Rough. He doesn’t have his usual smile at kita ko rin ang pag-aayos niya ng kaniyang salamin. Iniwas ko na lang din agad ang mga mata sa kaniya dahil doon.

I’m trying my best to avoid him now. I just don’t want to create conflict dahil sa nararamdaman ko at baka kapag lumalim pa ‘to, hindi ko alam kung paano ko pa kakalimutan ang nararamdaman para sa kaniya.

Ayaw nga lang talagang makisama ng pagkakataon dahil nga organizer din ako ng event at madalas na nandito para tumulong.

“I’m done na rin po. Can I go to my class na?” tanong ko sa ilang officer. Agad naman silang tumango roon at nagpasalamat din sa akin.

Mariin ang pagkakagat ko sa aking labi nang magtungo sa bag ko kung saan naroon ang ilang candidate ngayon dahil pinagpahinga na sila. Halos katabi lang din ni Rough ang bag ko habang umiinom siya ng tubig na dala-dala namin kanina.

Nang magkasalubong ang mata namin, hindi ko siya magawang ngitian kahit gustuhin ko man. Iniwas ko na rin ang mata sa kaniya bago ko idineretso ang mga mata sa aking bag. Para akong mapapaso dahil pakiramdam ko’y nakatitig siya sa akin ngayon.

“Are you going home?” tanong niya nang nasa tabi niya na ako.

“I still have a class,” tipid ko rin itong sinagot habang ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso kahit na simpleng pag-uusap lang namin. Now I realize that I’m really in danger. Things shouldn’t be like this.

Bago pa siya makapagsalita’y nagmamadali ko na rin kinuha ang gamit ko bago ako umalis. Even both of us part ways, I know that he wouldn’t really care about it at all kaya it doesn’t really matter.

“You look like heaven and earth collided again.” Agad akong naabutan ni Hugh. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya kahit ramdam ko na ang ilang karayom na tumutusok sa aking dibdib.

“What’s wrong?” tanong niya pa sa akin.

“It’s nothing.” Ngumiti lang ako but he’s just staring at me intently too.

“Everytime you look like this I feel so bad for just liking you now… I hope I treat you better when you still have feelings for me… I hope I did like you too that time…”

“Are you confessing at me?” natatawa kong tanong sa kaniya.

“I’m not going to confess to you right now. I’m not going to take advantage of how you feeling right now.”

“I’m sorry but you know how I feel too… I like Rough…” mahinang sambit ko.

“I know, Sola…” mahinang bulong niya bago nag-iwas ng tingin.

“But still, let me confess to you properly next time… Not like this.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro