Chapter 15
Chapter 15
Sola’s POV
“Uy, sino ‘yang tinititigan mo riyan? Sky Iniligan?” tanong ni Angelo na napatingin pa kay Sky.Kahit kailan talaga’y chimosa’t chismoso ang magjowang ‘to. Si Sheena’y nakadungaw rin mula sa labas ng pinto habang nakatitig kay Sky. Napailing na lang ako roon.
“Akala ko kayo ni Rough ang magkakatuluyan kaya lang mukhang may Sky pala sa pagitan niyo. Anong laban mo roon, Beh? Langit ‘yon,” pagbibiro ni Sheena sa akin. Nanatili lang ang ekspresiyon ng mukha ko but she’s right. Wait. Nakikipagkumpentensiya ba ako? Of course not.
“What are you saying, Sheena? Can’t you see that Rough is much more interested with Sola? ‘Yan na, oh, papunta na sa atin,” ani Angelo na nginuso pa si Rough na papunta sa amin ngayon. Sa hindi ko malamang dahilan, agad akong napaayos ng upo at medyo nataranta pa sa ideyang tutungo siya rito sa room.
“Hi.” As usual, narito na ulit ang ngiti mula sa kaniyang mga labi.
“Have you eaten?” tanong niya sa akin.
“Magla-lunch pa lang.” Sinubukan kong maging normal subalit pakiramdam ko’y may iba rin sa aking tinig. Hindi ko alam kung bakit ako ganito pagdating sa kaniya ngayon.
“Let’s go then?” Tumango ako at ngumiti. Sasabat pa sana si Angelo at sasabay sana sa amin subalit agad na natakpan ni Sheena ang kaniyang bibig.
“Gora na, beh! Enjoy your date!” natatawang saad ni Sheena sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mailing doon.
Patungo na kami sa parking lot nang makita si Sky na siyang humahabol para tawagin si Rough.
“Rough, I’m sorry, I know you’re going to have lunch na but can we have a meeting while we’re eating? It’s really urgent para masimulan na agad natin ang chapter 3,” aniya rito. Ang bilis nga rin talaga nilang magtrabaho. They are partner in a research kaya rin sobrang close nila this past few weeks. Abalang-abala rin talaga si Rough sa maraming bagay ngayon.
“Uh… We can just have dinner later… It’s fine… Tapusin mo na lang muna ‘yan,” ani ko na ngumiti kay Rough. Mukhang ayaw niya pang pumayag kaya natawa na lang ako nang mahina.
“Can we just talk about it after lunch? We have free time naman,” ani Rough.
“It’s fine din naman but it’s more fine sana na makapagpahinga na tayo after this,” sambit ni Sky na ngumiti pa kay Rough.
“Is it fine if I’ll come with the two of you?” tanong niya na sa akin pa lumingon. Kapag sinabi ko bang hindi ay hihinto na ‘to?
Natawa na lang ako sa sarili bago nailing.
“Alright.” Napataas ang kilay ko nang bumuntong hininga si Rough. Napatawa na lang ako nang mahina roon.
Nang nasa parking na kami, nakita rin namin si Hugh na palabas sana sa kaniyang kotse.
“Where are you going?” tanong niya agad.
“Just going to have lunch.”
“Oh, are you going to ride with Rough’s motor? Kayong tatlo? Kasiya kayo?” Agad nanlaki ang mga mata ko roon. Saka ko lang ‘yon napagtanto!
“Hatid na kita,” ani Rough na may ngisi sa mga labi ngayon. I don’t know why he look so bright right now.
Nang lingunin ko naman si Rough, hindi naman nagbago ang kulay sa paligid niya but his face change, may bahagya ng simangot doon kahit na he’s trying his best to smile at us.
“Right! I want to ride with you again, Rough. Ang swabe mo lang magmaneho,” natatawang saad ni Sky na hinawakan pa ang palapulsuhan ni Rough. Napatingin naman ako kay Rough doon. I don’t know why I feel like he’s waiting for me to say no to the two of them or what. Hindi niya na rin natiis pa at nilingon na ako.
“What about you, Sol? What your thoughts?”
“It’s fine with me.” I don’t want to complicate things kahit na ang in-expect ko’y kaming dalawa lang ang magla-lunch today dahil hindi kami nakapag-dinner together nitong nakaraan. Napabuntonghininga na lang ako nang sumakay sa kotse ni Hugh. Agad naningkit ang mga mata ni Hugh sa akin but he didn’t say anything too.
Ni hindi ko na rin napigilan pa ang sarili nang mapalingon sa gawi nina Rough at Sky nang isuot ni Rough ang helmet sa kaniya.
“Want me to put the seatbelt to you too?” tanong ni Hugh, may ngisi sa labi. I can see his color changing a little bit. Nagiging pastel na lang ‘yon kumpara sa matingkad na kulay nito kanina.
“What? May kamay ho ako,” ani ko na natawa pa nang mahina bago nailing sa kaniya. Ngumiti na lang siya bago niya sinumulang paandarin ang kaniyang sasakyan.
Hugh tried to make the atmosphere between the two of us good. Kinukwentuhan niya lang ako habang sinusubukan ko lang din naman na makinig sa kaniya but it seem like my mind is actually on someone else.
When we got there, sakto ring nakarating na sina Rough. Hinihintay na lang kami. Ngumiti agad sa akin si Rough nang magkasalubong ang mga mata namin.
Nagtungo na agad kami sa greenwhich to eat. Napanguso na lang ako nang mapatingin kay Rough at Sky.
“What do you want to eat, Sol?” tanong sa akin ni Rough nang mapatingin din siya sa akin.
“Hmm, anything with rice na lang,” ani ko.
“Alright. Kami na ang pipila, you can look for a sit,” ani Sky kaya ngumiti na lang ako ng tipid. Marami namang avail na upuan kaya kahit na hindi kami magmadali but yeah, they are actually right too. Nakakahiya namang humarang pa kami sa mga tao.
Hugh and I just sit in a vacant one, nakikita pa rin namin dito si Sky at Rough. They undeniably look good together. Pareho silang mukhang soft tignan. They even have a matchy clothes. Well, both of the colors around them are bright, they are both wearing a purple clothes.
“Hoy, bakit natutulala ka na naman?” Sinubukang kunin ni Hugh ang atensiyon ko. Ngumiti lang ako bago napailing na lang din sa aking sarili. Bakit nga ba pati ‘yon ay napapansin ko pa?
Nang magtungo sila sa gawi namin ay agad din namang inasikaso ni Rough ang pagkain ko.
“Thank you…” ani ko na napangiti na lang din. Kalaunan nga lang ay unti-unti na ring nawawala ang ngiti mula sa aking mga labi.
Rough and Sky was the only one talking, hindi naman kami maka-relate doon ni Hugh dahil mukhang seryoso nga talaga siya na tungkol sa research ang pag-uusapan. Tahimik na lang akong kumain while Hugh is trying to lighten my mood. Bahagya nga lang akong napaisip dahil bakit parang umaarte ito katulad ng sinulat ko sa nobela? He was supposed to act like that around Neela, right?
“You’re going back to school na?” tanong ni Sky sa amin nang matapos kaming kumain.
“Ah, yes. We still have class later,” ani ko kaya napatango ito. Isang tipid na ngiti lang naman ang pinakawalan ko.
“What about us, Rough? Are we going home na? Why don’t we enjoy ourselve playing in the arcade muna bago umuwi?” I thought she wanted to rest after this? And us, huh?
I don’t even know why I’m being affected subalit ramdam ko na lang ang paninikip ng aking dibdib bago ko kinuha ang bag at nginitian sila. Tumayo rin si Rough at nilingon ako.
“Ihahatid na kita pabalik,” aniya sa akin.
“No need. Papasok din naman si Hugh, hindi na kailangan,” ani ko na sinubukan pa siyang ngitian ngunit nanatili lang ang titig niya sa akin. Kumaway na lang ako bago tumalikod dahil hindi ko alam kung genuine ba ang itsura ko ngayon.
“Are you okay?” tanong sa akin ni Hugh nang nasa kotse niya na kami.
“Bakit naman hindi?” Tumawa pa ako bago napakibit ng balikat.
“You like Rough.” Kasabay ng pagsambit niya niyon ang pagdilim ng kaniyang sasakyan. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko rin sigurado ‘yon but the day went by tila unti-unti na nga akong sinasampal ng katotohanan na gusto ko ‘to.
It's been how many days at ilang araw ko rin silang nakikitang magkasama ni Sky.
“Isn’t Sky look so pretty?” nakangisi kong tanong kay Rough nang makita kong dumaan sa gawi namin si Sky mukhang lalapitan ang mga bagong kaibigan. Even if she’s just a transferee, marami na agad siyang kaibigan dito.
Rough forehead just furrowed because of what I said.
“Yes?” patanong na saad niya kaya napangisi na lang ako bago napakibit ng balikat. Napaiwas na lang din ako ng tingin doon.
“Let’s go home now?” tanong niya sa akin kaya tumango ako. We plan on hanging out today dahil madalas ngang abala siya sa kaniyang research na hindi na kami nakakapag-hang out.
Napagpasiyahan naming sa bahay na lang para matagal din ang oras. We bought a ingredients that we’ll cook too. Napangiti na lang ako nang makarating sa bahay. I don’t know why do I feel so good now that we’re together. Tama ba talagang maramdaman ko ‘to?
Both of us are busy cooking while catching up.
“As if naman. You’re the one who’s so busy. Ni hindi na kaya kita makita,” ani ko na inirapan pa siya nang natatawa.
“So you’re looking for me, huh?” Ngumisi pa siya kaya natawa na lang ako bago napailing.
“Sometimes,” ani ko bago napakibit ng balikat. Mas lalo pang kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi but he didn’t say anything too.
Matapos naming kumain, niligpit lang din namin ang pinagkainan bago kami nagtungo sa sala.
“Ah, wait, I’ll just take some of my paint brush,” ani ko na ngumiti kay Rough. Tumango naman siya sa akin at ngumiti. Nanatili lang siyang nakaupo sa sofa bago nagsimulang ayusin ang tablet niya for him to start his digital arts.
Nagtagal ako sa kwarto dahil sa hindi ko malamang dahilan, medyo nag-aalinlangan sa itsura ngayon. I don’t know why I want to be the better version of myself when I’m around him. Hindi ko alam kung bakit ba ako nag-aayos gayong dito lang naman ako sa bahay.
Napatingin ako sa pinto nang kumatok siya.
“Hey, are you okay? Kanina ka pa riyan,” aniya sa akin kaya napanguso ako bago binuksan ang pinto.
“I can’t find it. Hindi ko alam kung saan ko nailagay,” ani ko.
“Should I help you?” tanong niya. Panandalian akong nag-isip bago napakibit ng balikat.
“Sure, come in,” ani ko. Nang makapasok siya’y panandalian siyang nahinto nang mapatitig sa paligid. Maski ako ay ganoon din. Ah. Punong-puno pa nga pala ang wall ng kwarto ng may-ari ng buhay na 'to ng mga painting ng mukha ni Hugh.
“You still have a collection of Hugh’s face here in your room,” he said the obvious. Napatango na lang ako roon. I just can’t change anything in this room. I’m not really the owner of this house, this life.
“Why?” tanong ni Rough sa akin.
“I can’t just throw it,” ani ko.
“Right. You can’t just throw the picture of someone you like,” sambit niya habang nakatingin sa lahat. He’s the one owner likes and I’m not the owner.
“Right. I can’t touch it at all…” It’s not mine, eh.
He looks like he have something to ask more subalit pinigilan na lang din ang sariling magtanong. Nginitian niya lang ako bago napakibit ng balikat.
Nang mapatingin siya sa painting na nasa box sa gilid, bumungad ang painting naming dalawa. Panandaliang umawang ang labi niya bago isang mapait na ngiti ang pinakawalan or I’m just really thinking too much of his expression? I don’t know either.
Medyo nataranta ako sa takot na lapitan niya ang box at tignan ang laman niyon, punong-puno ng memorya naming dalawa ang laman niyon. Natatakot na baka malaman nito ang nararamdaman kung papasadahan niya ‘yon ng tingin.
If there’s something that is mine in this house, in this life, that’s all the memories I have with him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro