Chapter 1
Chapter 1
Sola’s POV
“Sola?” tanong nito kaya napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Agad kong napansin ang nakabuklat na aklat mula sa kaniyang ulo. His book is just starting.
“Are you Sola?” Tinignan niya pa ang kaniyang cellphone bago itinapat sa akin ‘yon. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya sa akin. Ang singkit nitong mga mata’y halos hindi na makita sa likod ng kaniyang salamin.
“Right! You’re Sola! Iniiyakan mo pa rin ba ang pagtanggi sa ‘yo ng pinsan ko? Halika na’t ihahatid na kita pauwi roon.” Lumapit pa ito at susubukan pa sana akong hawakan subalit sa gulat ko’y agad akong napalayo sa kaniya.
“Kahapon ka pa pinaghahanap nina Tita. Nag-aalala na raw ang parents mo. Tawag na sila nang tawag.” Napakamot pa ito sa kaniyang ulo.
Nakatingin lang ako rito habang siya’y nakatitig din sa akin tila ba hinihintay rin akong tumayo. His dimple was still visible while trying to smile at me. Para akong masisilaw sa tingkad ng mga kulay sa paligid niya.
Pareho kaming nagulat nang hinawakan pa ang kwelyo mula sa likod ko at itinayo ako. Sakto rin kasing tatalunan sana ako ng pusang hawak niya.
“Ano ba?!” Iritasiyon ang dumaloy sa akin lalo na’t nakikitaan ko pa ng awkward ngisi sa ang kaniyang mga labi. Matalim ko siyang tinignan ngunit imbes na matakot ay natawa lang ito.
“I’m sorry. Coco almost jump at your face,” saad niya bago binitawan ang aking kwelyo.
“My cousin said that you run away from home after he rejected you?” Kumunot ang noo ko roon.
“I need you to come with me. I really need money right now.” Humalakhak pa siya kaya malamig ko lang siyang tinignan.
Hinawakan niya pa ang palapulsuhan ko kaya napatitig ako roon bago hinayaan siyang tangayin ako. Bakas din ang pagkamangha sa aking mukha habang nakatingin sa paligid. Bawat inaapakan nito’y nagkakaroon ng matingkad na kulay at bawat lugar na kaniyang maiiwanan ay bumabalik sa kulay abo, itim at puting kulay nito.
Hindi rin naman huminto para alisin ang pagkakahawak niya. Maybe because it was warm and I’m in an unfamiliar place right now. I don’t know where I am. Maybe I was just really tired of writing and I sleep before I can finish the remaining chapter I should write.
Agad akong nahinto sa ideyang ‘yon. Para akong masisiraan ng bait sa ideyang hindi ko natapos ang mga susunod na kabanata sa tamang oras.
“Excuse me but I need to come home. I still have a lot of deadline to chase to,” ani ko na tatalikuran na sana siya subalit agad niyang nahawakan ang kwelyo ng damit ko. Iritado ko siyang nilingon at inalis ang pagkakahawak niya sa akin. I don’t know where I am or if I’m dreaming or what. I need to wake up unless I want to hear swear in Faith’s mouth.
“That’s right, we’re going home now.” I don’t know how he manages to let me come with him, I just find myself riding on his motorcycle.
Pinilit ko pa itong dumaan sa pinanggalingan ko kanina, thinking that things will be different. Na baka makikita ko ang bahay ko roon subalit katulad kanina’y ang bundok at ang kulay abong puno lang ang naroon.
“Why are you asking to go here?” tanong niya subalit wala siyang narinig na kahit anong salita galing sa akin. Nanatili lang ang mga mata ko habang nakatingin sa paligid hanggang sa napabuntonghininga na lang ako.
“Hugh said you’re new here in the city. We’re the same in that case.” He has a wide smile on his face na para bang mahahawa ka rin once you look at him.
“Let’s go on where are you going to take me,” malamig kong saad sa kaniya. He pouted but just put the helmet on my head too.
Mayamaya lang ay nakarating kami sa isang apartment. It’s pretty. Mukha itong subdivision. Katulad ng mga estraktura mula sa lungsod kanina, iba-iba rin ang kulay ng mga bahay. Some have just a black and white color while some have pastel one. I was looking around when an old woman was running while going towards us. Galing ito sa pinakamalaking bahay rito.
“Sola! Nako kang bata ka! Pinag-aalala mo kami! Saan ka nanggaling?” Agad niya akong hinawakan at tinignan. Nang makasalubong ko ang kaniyang mga mata’y nakitaan ng pag-aalala ang kaniyang mukha.
I was just staring at her. People never really look at me that way. There's no look that stare at me so warmly. Ramdam ko ang ilang punyal sa aking puso lalo na nang magsalita ito muli.
“Kumain ka na ba? Pinaghain kita ng masarap na pagkain!” aniya na ngumiti pa sa akin. Hindi niya ako pinilit magsalita subalit hinawakan niya ang aking kamay at pinapasok ako sa malaking bahay. Nakasunod naman ang lalaki mula kanina.
“Ma! Ako ang anak mo rito! Alam mong ayaw ko ng pinakbet!” reklamo ng isang lalaking kapapasok sa loob.
“Magtigil ka! Halika na’t huwag kang mag-inarte! Baka nakakalimutan mong kasalanan mo kung bakit hindi umuwi si Sola.” Kung gaano ito kalambing habang kausap ako kanina’y ganoon naman siya kainis sa lalaking nakatingin sa akin ngayon.
“Oh, Sola! Saan ka galing? May bago pa naman akong biling video game! Yayain sana kita kagabi. I’m sorry for rejecting you!” He even pouted at me. Napatitig ako sa kaniya. He seem so familiar to me.
“Aba, tigilan mo ‘yang video game video game na ‘yan, Hugh,” anang matandang babae rito. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang banggitin nito ang pangalan niya. Hugh. The second lead on one of my book. Rough’s cousin.
I didn’t say anything at all kahit nang magtungo na kami sa hapag para kumain.
“Saan mo nakita si Sola, Rough?” ikinuwento naman ni Rough kung saan niya ako na kita. Napatitig pa ito sa akin. Nang makita ang titig ko sa kaniya’y unti-unti siyang ngumiti sa akin.
“I didn’t introduce myself properly to you earlier. I’m Rough. Tita’s nephew from North,” nakangiting saad nito. Napaisip ako roon. Kararating niya lang dito sa Manila… Then that means he was still in the happiest phase of his life. Right… That’s why he still looks so bright…
Natahimik na lang ako roon bago nag-iwas ng tingin.
“You’re just gone for 2 days but you look completely different now…” Hugh said to me.
“I’m sorry for rejecting you but you know that you’re too young for me, right? You’re just really a little sister to me. You can still find someone else, Sola.” Napakunot ang noo ko nang mapatingin sa kaniya. What is he saying now?
“Excuse me but you’re not my type at all,” ani ko na napangiwi pa sa kaniya. I don’t even know why he keeps on saying that he rejected me.
“Alright then… I’m not your type...” Natatawa niyang saad.
Even if I hate eating with strangers, I still don’t want to die of starvation and die sleeping in the street.
“Call your parents later, Nak. Nag-aalala ang mga ‘yon dahil hindi ka ma-contact nitong mga nakaraang araw.” Napatingin naman ako sa matandang babae.
“I don’t have parents po.” Agad silang natigilan bago napatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata nang matandang babae habang tinititigan ako ngayon.
“Ay, hindi maganda ‘yan, Hija. Alam kong may kaunting hindi tampo sa 'yo ang mga magulang mo subalit hindi tama ‘yang sinasabi mo ngayon,” anang matandang babae. Hindi ako nagsalita. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Mula pagkabata’y sinampal na ako ng realidad na wala akong magulang.
Nang matapos kaming kumain ay tumulong lang ako sa pagliligpit kaya nagmamadaling hinawakan ni Hugh ang aking noo habang si Rough ay tumulong din sa akin habang pinupunasan ang mga pinggang nahugasan na.
“Hala, may lagnat ka ba?” nagtataka niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin doon. Tumawa naman si Hugh bago siya tumabi sa akin para sabunan ang mga plato na hinuhugasan namin.
“Hugh…” mahinang bulong ko. Hugh. I wrote Hugh as a soft character around his mom. He was known as a snob. He rejected a lot of girls and it seemed like I was one of those people.
He fall inlove with my main lead but he ended up getting rejected. Kasabay ng rejection na natanggap nito ang pagkamatay ng pinsan na tinuturing niyang kapatid. Rough. Rough died from suicide after he realize that he have cancer.
I look at Rough again because of that. He still has his bright smile. I just don’t know how those smiles will turn into grief.
“You know what? You look at me as if you pity me,” natatawa niyang saad sa akin.
Because I do… But right… Who I am to pity someone when I also live my life feeling empty every day?
After we ended up washing dishes, napag-alaman ko sa kabilang apartment ako nakatira. And knowing Hugh's background, I immediately knew that his family was the one who actually own all of the apartments here.
Ilang beses pa akong pinaalalahanan ng kaniyang ina na tumawag sa sinasabi nilang magulang ko. Panay lang ang tango ko roon dahil hindi rin naman alam ang isasagot.
Nang palabas ako ng bahay, nakita ko pa ang paghampas ng Mommy ni Hugh sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang bulong nito.
“What did you say to her again? I told you that you should be easy on her. She barely talks earlier! It’s your fault, Hugh!” Napailing na lang ako bago nagtungo sa bahay na sinasabi nila.
Nahinto ako nang makapasok sa loob. As usual, it’s colorless but the design of her house was very kikay. There is a lot of hello kitty designs and cartoons character in her house.
Pinagmamasdan ko ang buong paligid nang marinig na may tumatawag mula sa telepono na narito sa sala. I answer the call.
“Sola? Are you there?” Isang malambing na tinig ang narinig mula sa kabilang linya. I’m Sola but I don’t think the one she’s supposed to be talking with is me.
“How are you, Anak ko? Is my baby doing fine?” tanong pa nito muli.
“I’m here…” I have the urge to answer her and I did.
“What happened, Baby?” Narinig ko pa na may kausap siya mula sa kabilang linya.
“Is that my Sola? You finally contact her?” tanong ng isang lalaki.
“Hello, Sola? Why can’t I contact you for 2 days? You got us worried, Baby…” anang lalaki.
“Don’t force her to talk. She’ll also say things when she’s ready,” sambit naman ng isang babae. Mayamaya ay ito naman ang kumausap sa akin.
“I won’t ask questions anymore except if you’re fine. Are you okay, Sola?” tanong nito. Hindi ko mahanap ang tinig ko. Napakuyom lang ako sa aking kamao because I always want someone to be worried at me. Napakagat na lang ako sa aking labi. Maybe I can be selfish and answer it for myself. I know that question is not for me at all. I’m not Sola they know to begin with.
“I’m okay po…” Ilang buntonghininga ang narinig ko mula sa kabilang linya.
“Alright, Baby… Call Mommy and Daddy if you got a proper rest… I love you, Sola…”
This dream was so warm that I want to wake up now. I just can’t take this feeling at all. Gusto ko na lang magising upang hindi na ako umasa pa. Gusto ko na lang magising dahil paniguradong mabigat na naman sa dibdib kapag minulat ko na ang aking mga mata at unti-unting mapagtatanto na panaginip lang ang lahat. Itatanong na naman sa sarili kung bakit kailanman ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon na bigyan ng simple subalit masayang buhay tulad nito.
Napangiti na lang ako sa sarili bago ibinaba ang telepono. How I wish it was real.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro