Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8


"Miye, kain ka na muna."

Lumingon ako kay Naiara na nakaupo ngayon sa isang bar stool. Katabi niya si North na hindi makatingin sa akin. Halos isang linggo na kaming ganito. Hindi kami mapakali kung paano mag-uusap muli dahil sa nangyari no'ng isang araw.

"Dinalhan ka ni North ng ensaymada," dagdag ni Naiara.

"Akin na, kakainin ko mamaya," I said. Kinuha ko ang ensaymada kay Naiara.

North looked relieved. Hindi ko alam kung bakit naawa na naman ako. Sobrang big deal na ba sa kaniya kapag tinatanggap ang ibinibigay niya? Bare minimum lang naman 'yon. Baka akala niya talaga ay galit ako. I felt knots in my stomach. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na wala naman talaga siyang dapat ikabahala dahil okay lang sa akin.

Hindi okay sa akin na pinipilit niya pang hawakan si Barbara kahit matagal na itong bumitaw sa kanilang dalawa. Sure, I wasn't part of their relationship. Sa walong taon na magkakilala sila ay wala pa ngang isang taon ang hawak ko. Kakakilala ko pa lang sa kanila pero alam kong lalo lang silang magkakasakitan kung patuloy na ipaglalaban ni North ang matagal nang tapos na laban.

"Bati na ba kayo ni North?" tanong sa akin ni Naiara habang naghuhugas ako ng kamay. Kagagaling ko lang kasi sa labas. Nakasanayan ko na ang maghugas bago kumilos uli.

"Hindi naman kami nag-away," I answered truthfully.

"Weh? Alam mo bang parang araw-araw na natatae si North dahil sa 'yo? Pakiramdam niya, any time ay sisigawan mo siya o di kaya ipapahiya. You don't know how much he wants to talk to you, kaso 'yon nga, nababahag ang buntot," ani Naiara at nagawa pang sumandal sa malapit na pader.

Sinipat ko si North, at totoo nga na hindi siya makatingin sa akin. Halata naman na kanina pa siya nakamasid pero ayaw niyang lumapit. I sighed and gradually shook my head before carefully drying my hands using a dry cloth.

"Ako na kakausap. Okay na, Nai. Thank you . . ."

Naiara served as a mediator while we were ignoring each other. Baka nga ako lang ang hindi namamansin dahil nag-e-effort naman si North na kausapin ako. Ang totoo niyan ay naaawa lang ako sa kaniya, that's it. Ayoko rin talagang manghimasok sa relasyon o problema nila ni Barbara.

Tama naman si North.

Sino ba ako at ano ba ang alam ko sa relasyon nila? I'm a bystander or a stranger to the bond that they once had.

Lumapit ako kay North at kalmadong tinawag ang atensiyon niya. "North."

"M-Miye?" Umangat ang tingin niya sa akin at kitang-kita ko ang kaba na dumaan sa kaniyang mga mata. Umalpas ang awa sa aking dibdib.

Damn it.

"Salamat sa ensaymada. Gusto mo ba ng banana cue? Libre kita." I smiled at him, lifting the corners of my lips to convince him that everything between us is okay.

"Miye . . ." North uttered. "Hindi ka galit sa akin?"

I shrugged. "Wala ka namang ginawang masama, North. Stop blaming yourself for things you have no control over."

"I have control over my mouth. Nakapagsalita ako ng masakit . . ."

"And you acknowledge that, you feel remorse for it, you say sorry. I appreciate that, really. But don't dwell on it. Don't let your mistakes cloud the reality. Okay na, North. Kain na lang tayo ng banana cue." I slowly reached for his hair, ginulo ko ito at pumunta na ako sa may kusina.

Inaagapan ang nararamdamang kiliti sa dibdib. May ex si North na halos walong taon ang itinagal, dating him would be excruciating and also stressful. Napatili ako sa kaloob-looban ko. Why am I even thinking of dating him?! Wala dapat ito sa plano ko. I should learn how to draw the line. Kaibigan lang nila ako, that's it.

"Suko ka na ba? Reto na lang kita sa iba, Norte." Enoch chuckled, almost evilly. Sumilay ang isang ngisi sa kaniyang labi, revealing his dimples in the process.

"Kakausapin ko pa si Barbara," giit ni North habang nasa stage na. They will be having their rehearsals.

Nagsisimula nang tumanggap ang Anagapesism ng mga gig. Kung noon ay halos ialok pa namin ito sa kung saan-saang bar at kadalasan ay sa Phoenix lang sila tumutugtog, ngayon naman ay sila na ang hinahabol. They are great, actually. Maganda rin talaga ang boses ni North kaya naman dalang-dala nila ang buong banda. However, they do accept the fact that they're still lacking.

Hindi naman namin ini-expect na magaling agad sila dahil nga kakasimula pa lang. Hindi rin naman talaga mga musically inclined ang mga ito maliban kay Enoch.

I closed my eyes and got drawn into the music that they produce. Puro covers pa lang ang tinutugtog nila dahil wala pa silang time para mag-produce ng mga kanta. They do want to try it, though. Siguro kapag mas gamay na nila ang isa't isa.

Lumapit sa akin si North; umupo siya sa tabi ko. Nakaramdam ako ng paggapang ng kaba sa dibdib. I coughed a bit to clear my throat. Lumingon ako sa kaniya upang magtanong.

"Bakit? May kailangan ka ba?"

"No'ng araw na umiiyak ka . . . dahil ba 'yon sa lalaki?" mahinang tanong niya.

I was expecting it to hurt. It bothered me, alright. Unti-unti ko na silang kinakalimutan sa sistema ko pero may tinik pa rin pala silang dala. Ang tagal na ngunit kayang-kaya pa rin nila akong durugin.

"Oo," pag-amin ko. "Ex ko na mahal ng bff ko. Saya nga, e. Ang rock and roll." I positioned my fingers into that sign. Nakataas ang point finger at ang hinliliit pati na rin ang thumb.

North furrowed his eyebrows. Bigla siyang napayuko. "Sorry, tinanong ko pa."

"Isang sorry mo pa diyan, hahalikan"—I stopped midway—"ka na ni Enoch."

What the fuck, Wednesday?! Nauulol ka na ba? Oo, wala na sila ni Barbara, pero dapat di mo binibiro nang ganiyan si North. Nasanay ako kay Enoch kaya muntik ko na 'yong banggitin. Wala lang sa amin ni Enoch ang mga gano'ng biro, pero ibang tao naman si North. Wala ring nagiging problema dahil madalas, wala namang girlfriend si Enoch, puro fling lang.

I gulped. Wala na siyang girlfriend pero palaging parang mali. It's probably the curse of coming from a long-term relationship. Kahit wala na sila, pakiramdam mo, may nakasabit sa kaniya na 'Do not make landi,' kasi parang taken pa rin siya. Bukod doon, halata naman na di pa siya nakaka-move on.

"Isa na lang," sabi ni North. "Huling beses na ito, bibitaw na ako."

I eyed him while he stared at the ceiling. Bibitaw na siya? Saan? Kay Barbara ba? I don't know what to feel. Kahit pala mas makakabuti sa kaniya ang bumitaw, may panghihinayang pa rin na naglalaro sa aking dibdib.

Matapos 'yon ay nagkaroon kami ng break kaya naman sinamahan ko si Naiara na mamili ng mga kailangan niya. There was a shopping district nearby; dito niya yata gagastusin ang share niya sa mga gig nila. Hawak-hawak niya ako sa aking baywang habang tumitingin kami ng mga damit.

Upon observing Naiara, napagtanto ko na mahilig siya sa crop tops at maong na pantalon. She also likes wearing bucket hats. I bit my lower lip and rested my head on her shoulders.

"Pronouns mo?" I asked subtly.

Naiara glanced at me. "Hm, you can use she and her; I don't mind."

Great, I didn't want her to feel uncomfortable.

Pinilian niya rin ako ng mga damit. A few shirts, and she even treated me to Korean corn dogs, kumakain tuloy kami habang naglalakad pabalik sa Phoenix.

"Akala ko talaga ay mabubuwag na agad kami. Masyado na kasing preoccupied si North. Sayang lang dahil maganda pa naman ang boses niya. Kayang-kaya rin naming bagayan kaya nakakapanghinayang . . ."

"Aayos din 'yon," I defended North. "Bigyan n'yo pa ng oras. May iniisip lang siya ngayon, pero madali namang kausap si North."

Naiara smiled at me. "True, pakiramdam ko rin na marunong naman siyang makisama. Siguro nga, kailangan lang naming intindihin na may pinagdaraanan lang siya ngayon."

"Lahat naman tayo, may pinagdaraanan," I responded and quickly averted my gaze. "But when others try their best to understand where we're coming from, it brings a different kind of fulfillment. Parang, finally, someone gets me." I sighed exasperatedly.

Alam ko sa sarili ko na mahirap ipaliwanag ang bawat pinagdaraanan ng tao. We respond differently to different pain and situations. Kaya nga kahit hindi ko naman naranasan ang nararanasan ni North ngayon, naiintindihan ko pa rin siya. I can still put myself in his shoes. That's empathy; it's both a blessing and a curse. Blessing because you can connect to others, but a curse because you can't help but understand their feelings and validate them even if sometimes it crosses your personal beliefs.

"Mahal na mahal niya si Barbara, 'no? Sa tingin mo, magmamahal pa kaya siya ng iba? Kasi parang ang sakit naman. Walong taon 'tapos di pala mauuwi sa kasalan."

"Mas masakit kapag kasal na, saka mo mararamdaman na wala na kayong pagmamahal sa isa't isa. Minsan, wala rin 'yan sa taon. Marami akong kilala na taon ang itinagal pero mas nauna pang pinakasalan 'yong bago . . ." saad ko at unti-unting bumagal ang mga hakbang.

The fear of love consumes me. Pakiramdam ko, pagkatapos kay Leand, ang hirap makahanap ng tao na tanggap ako kung sino ako. Leand was almost perfect in my eyes, pero sa huli, siya pa pala ang nagdala ng takot sa akin. Hindi mo rin talaga masasabi.

Pagbalik namin ay mas kalmado nang tingnan si North. The previous weeks wrecked him. Halata naman dahil sa pagiging matamlay niya. He was texting, and by the look on his face, he looked like he was contemplating his words.

Ibinaba niya ang kaniyang phone.

"May tutugtugin na ba tayo mamaya?" tanong ni North. Napalingon tuloy ang lahat sa kaniya. Madalas kasi ay wala naman siyang sinasabi tungkol sa kakantahin. He lets them pick whatever song they will be singing.

"Wala pa naman. May gusto ka ba?" Enoch asked in return. He was playing with his drumsticks using his fingers. Pinapaikot-ikot niya ito habang nakaupo siya sa bar stool.

"Uh, 'Dahan' sana . . ."

"Dahan-Dahan lang?" Enoch sang Maja Salvador's "Dahan-Dahan."

Loko-loko talaga. Napailing na lang ako habang pinag-uusapan nila ang kakantahin nilang kanta. A part of me is proud of North because finally he's coming out of his shell. Ilang linggo na kasi siyang balisa at wala sa sarili.

Tumulong ako sa kusina habang nagpa-practice sila. After washing the dishes, I saw my phone flashing a subtle light notifying me. Tiningnan ko ang phone ko at kumunot ang noo ko habang nakatitig sa aking phone screen.

Leand added me on Facebook again.

I blinked. Sinubukan kong tingnan, baka poser lang, pero ito talaga ang account niya. Ilang minuto lang ay sumunod ang request ni Astrid. They want us to be friends again. Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko dahil akala ko ay matagal na kaming tapos. Reconnecting would either make us feel the difference or push us back further.

My heart thumped against my chest as I forced myself to accept their requests. Ayoko na lang din kasing isipin nila na big deal pa rin sa akin ang nangyari noon. The more indifferent I am to them, the more they would think I still care.

When I still do, of course. It still haunts me that the people who used to be my friend and my lover betrayed me. I pressed my fingers to calm myself. It's alright, Miye. If they didn't shove you away, wala ngayon sina Enoch, Kile, Naiara, at North sa buhay mo.

Truly, sometimes the wrong people leave so the right ones can fill the empty spaces they have left inside your crippling heart.

"Miye!" Naiara hugged me from behind. Lumingon ako sa kaniya at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

Nagkuwentuhan kami habang nag-aayos na sila para sa gig mamaya. Natatawa ako sa mga kuwento ni Naiara dahil likas talaga sa kaniya ang pagiging madaldal. She's a bit boyish, but her figure and features are actually feminine.

"Alam mo bang isa sa mga ikinatutuwa ko ay hindi si Mama ang nagpangalan sa akin?!" she shrieked while trying to find her mask. Nagsusuot siya ng isang puting mask para itago ang mukha niya. Mabuti nga at wala pang nagtatangkang tanggalin ito mula sa kaniya, despite the crowd being wild sometimes.

"Bakit? Ano ba dapat ang pangalan mo?" I teased her.

Naiara grimaced. "Princess Mariah."

"Gago!" Humagalpak ako at napaubo pa. Nasamid ako sa sarili kong laway kaya hinagod ni Naiara ang likod ko.

"'Buti nga si Papa ang nagpangalan, e! Isipin mo na lang kung Princess ang tawag sa akin, di ba?" Ngumiwi si Naiara. "Hindi ko ma-imagine na maging prinsesa; parang na-offend ang buong existence ko!"

"O, halika na, Princess Mariah." Haltak ko sa kaniya palabas ng kusina. "Tawag ka na ng mga dwarf mo."

"Grabe, sa dwarf!"

Hindi na nakapalag si Naiara nang isasabak na siya sa mismong stage. I looked at them in awe as if I were their parent. Si Enoch ay may kausap na staff na babae, si Kile ay ina-adjust ang gitara sa katawan niya, at si Naiara naman ay nasa puwesto na rin.

Nasaan si North?

Minabuti kong silipin si North sa kuwarto kung saan sila nag-aayos. Kagagaling lang namin doon, pero baka sakaling nandoon siya.

I traipsed my way towards the room and found the door opened. Unti-unti kong mas nilawakan ang pagkakabukas nito, pero nakarinig na naman ako ng mga hikbi.

"Barbara," hikbi ni North. "Huli na ito, p-pumunta ka lang . . . malaya ka na. Hindi na kita guguluhin. Kahit isang tawag o text, wala ka nang matatanggap sa akin. Huwag m-mo namang gawin sa akin 'to . . . may nagawa ba akong mali? If it's distance, we could always work it out . . ."

Napaigtad ako. Masyadong focused si North sa tawag kaya hindi niya natutunugan ang presensya ko sa likod ng pinto. His phone was on speaker, dinig na dinig tuloy ang tugon ni Barbara sa loob ng kuwarto.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ayoko na? Do you really want me to hurt you, North? Darating pa ba tayo sa point na 'yon?" Barbara's voice sounded listless, almost as if fed up with North.

"Barbara . . ." pagak na tawag ni North.

I leaned closer to listen to their conversation. I wanted to know why Barbara wanted North to give up so badly. I wanted to know her side. Imposibleng madali lang sa kaniyang iwan si North dahil walong taon 'yon.

"I have no future with you, North," Barbara uttered coldly.

Binalot sila ng katahimikan. I couldn't hear North crying anymore. But his silence was far more destructible in my ears.

He was too hurt to even react.

"Alam ko naman na inaasahan ka ng pamilya mo. Sure, we can always stay, but eventually, pag-aawayan natin ang pamilya mo. I can't be with a man who can't give up supporting his family. Okay na, North? Is that reasonable enough? Para bumitaw ka na?"

That was fucking below the belt. Umigting ang panga ko sa galit. Wala akong karapatang mainis kay Barbara, pero bakit parang wala siyang pakialam kay Aki? Kay Westrina? Sa walong taon na 'yon, hindi man lang ba siya na-attach sa mga kapatid ni North? They were the best people! Partida, kakakilala ko pa lang sa kanila.

It's either she's really heartless or she's lying so well that it's infuriating every fiber inside my body.

Leand was an asshole, but he never brought up my family. Hindi ko alam ang magagawa ko kung sasabihan ako ni Leand na balang-araw ay dapat iwan ko ang pamilya ko.

I couldn't see myself without my family. They are my home.

"Hindi ka naman tumatanggap ng tulong. I told you that our company can hire your mother! Aki can also be our scholar, pero ayaw mo. Saan tayo magtatagpo, North?" dagdag ni Barbara.

"Aki's the one to decide if he wants to accept the offer or not. Si Mama naman ay alam niyang wala siyang alam sa trabaho na ino-offer n'yo. Barbara, huwag mong idadamay ang pamilya ko rito, please . . ."

"See?! Pakawalan mo na lang ako, North. You can't understand me. You refused to understand where I'm coming from! Matagal na tayong tapos, pero lapit ka pa rin nang lapit!" Barbara exclaimed on the other line.

Bukod sa lakas ng boses niya, dumadagdag sa bigat ang talas ng kaniyang mga salita.

North must have loved her so much to endure this . . .

"Okay . . ." North finally said. "Kapag pumunta ka sa gig ngayon, hihintayin pa rin kita. Pero kapag hindi . . . siguro nga, ako na lang ang nagmamahal sa ating dalawa."

Taimtim akong humihingi ng sign na komprontahin na si North. Tanga na nga siya, mas lalo niya pang ginagawang tanga ang sarili niya.

Pero sino ba ang hindi tanga sa pag-ibig? Even the smart ones can't predict the outcome of love. Lahat tayo sa buhay natin ay naging tanga—madalas ay dahil sa pag-ibig.

My heart was racing. It was experiencing a mixture of emotions. Awa, inis, at pag-intindi ang dumadaloy sa aking dugo ngayon.

I drew a deep breath before departing from the area. My steps were stiff while my whole face froze. I wanted to remain oblivious of the fact that North was still hurting. Blangko lang ang mukha ko hanggang makarating ako sa mismong stage. Naiara looked at me; she tilted her head upon seeing that North wasn't with me.

"Si North?"

Nagpapakatanga.

"Malapit na," ngiti ko. "May inasikaso lang yata, pero mukhang parating na siya rito."

Half of it was true. Ramdam ko na rin ang presensya ni North sa likuran ko habang pugto ang mga mata niya. Goodness, hindi pa ba ubos ang tubig sa katawan niya? May drum ba sa loob niya?

The set is about to play. Hinihintay lang ang pagdami ng tao. Phoenix can be a club, but on some days, there are bands who play, so DJs are set aside. Isa ito sa mga araw na 'yon.

Ilang minuto lang ay dinagsa ng mga tao ang Anagapesism. Halos napuno agad ang mga puwesto sa harap kahit wala pa nga silang tinutugtog. Isa sa mga factor kung bakit sila dinarayo ay kilala sina Enoch at Kile. Both of them were lowkey famous already.

Humalukipkip ako habang tinititigan si North sa malayo. He seems dazed, and I'm anxious that he won't be able to perform well. Kahit naman sino, pagkatapos masabihan ng kung ano-ano ay baka mawala sa wisyo kahit panandalian lamang.

A strum of guitar played, and I could feel, for the very first time, the band was nervous. Ang tatlo ay nakatingin kay North na nakakapit sa microphone stand. He was still not moving. Nakahawak lang siya sa microphone stand.

Ang tingin ay nasa pintuan lamang. As if, waiting for a miracle to arrive. A sign to hold on. A person to ignite the flames in his heart.

I bit my lower lip when he slowly leaned towards the mic and closed his eyes, feeling the melody of the instruments surrounding him.

It was a rendition of Dahan by December Avenue. Si North mismo ang pumili ng kanta kaya naman mas lalong ramdam ang lamig ng boses niya.

"Hindi na muling luluha. Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin . . . hanggang sa walang hanggan . . ." North sang while serenading the crowd.

Lahat ay natahimik dahil sa sobrang lambing ng boses ni North. Nanunuot ang sakit sa pagkanta. His grip on the microphone stand was firm. Para bang matutumba siya kung hindi siya kakapit dito.

"Dahan-dahan mong bitawan. Puso kong di makalaban. Dahil minsan mong iniwan. Labis na nahihirapan . . ." North's voice was strained. Unti-unti siyang dumilat at kitang-kita ang mga luha sa kaniyang mga mata.

My heart clenched in pain. Habang pinapanood siyang kumakanta, nararamdaman ko ang pait sa tono niya.

Hindi porke't dahan-dahan niyang pinapakawalan ang taong minahal niya ay hindi na ito masakit. It still burns . . . it still hurts like hell.

Sa gitna ng kanta ay napayuko si North habang tumutulo ang mga luha niya. May mga umiiyak na rin sa crowd at ang iba ay pumalakpak pa kay North, na para bang alam nilang may pinapakawalan itong tao ngayon.

North sobbed, but a gentle smile flashed across the crowd. Napayuko na lang siya nang tuluyan habang tumutugtog ang mga instrumento sa likod niya.

The crowd sang the remaining lyrics for him, urging him to move on. Telling him that life will eventually find its axis even if it turns around from him . . .

Hindi natatapos ang buhay dahil sa nasaktan ka.

The more pain you gain in this life, the more it is worth telling in the afterlife. Despite the affliction rooting in your entire being, you still continued . . . not everyone is brave enough to continue to live through the pain.

"At kung hindi man para sa akin . . . ang inalay mong pag-ibig ay di na rin aasa pa . . . na muling mahahagkan . . ." North continued singing, finally controlling his breath. His chest deflated as if he could finally breathe again.

He's letting her go painstakingly slow. Dahan-dahan at halos ninanamnam ang bawat alaalang mayroon pa sila.

I can't help but wonder . . .

In those eight years, did Barbara feel any regret for letting North go too? I wouldn't possibly know.

Kung kanina ay hirap siyang kumanta, ngayon naman ay para niyang hinehele ang mga taong nanonood sa kanila. It wasn't just his melodic voice but also the way he conveyed his own story in the song.

Nagsusumamong mapakinggan ng taong matagal nang hindi nakikinig.

My eyes watered as the final strum of the guitar echoed in my ear.

Pumalakpak ang mga tao habang ang ibang nakaupo kanina ay tumayo at mukhang proud kay North. They were sobbing as if they could feel his pain.

North closed his eyes and leaned his forehead on the microphone.

I saw North's phone on the countertop. Tiningnan ko ito at nabasa ang palitan ng mensahe ni Barbara at North.

North:

Kapag pumunta ka ngayon . . . hihintayin kita, Barbara.

Barbara:

Huwag ka na umasa.

In the end, he just wanted to sing a song for her. He wanted to let her go in the most genuine way possible. I hiccuped because I knew that I wouldn't experience this kind of love. A love that is full of sheer adoration for another person. Even letting them go in the most pure way.

Maybe sometimes, people are not really in love anymore—they just can't let go of the memories.

=▲=

Nasa airport kami ngayon dahil nagpasama si North. I was wearing a green dress; a bit old-fashioned because it was actually from a thrift shop. Naiara, Kile, and Enoch were nervous for North.

Baka sumama siya kay Barbara. Iisa lang ang takbo ng isip namin. Kung gano'n ang plano ni North, mapipilitan kaming magpalit ng bokalista.

We saw familiar faces in the almost emptied seats just near the airline's check-in counters. The chattering and the sounds of wheels rolling across the floor because of the luggage couldn't beat the sound of my heart racing because I fear confrontations.

"Bakit ka nandito?" Barbara asked, cold as usual.

"Ako ang nagsabi, Barbs," sabat ni Enoch. "Blame it on me."

Katabi ni Barbara si Eastre na mukhang di na nagulat sa amin. Ngumunguso lang ito habang ang mga kamay ay nakadantay sa maleta niya. He was wearing shades with a thin frame. His disheveled hair made him more laidback. He tilted his head upon noticing my gaze. Ngumiti lang siya sa akin.

I have to know if he really has no ties with Barbara. Mukhang wala naman pero . . . bakit kasama siya?

"Barbs, nagpaalam ka dapat muna." Eastre scolded her. "You should have at least said goodbye."

Barbara glared at him. "Para saan pa? Tapos naman na kami."

"Barbara," North exclaimed.

I saw how Barbara bristled as if she were affected by North's monotone voice. Umangat ang tingin niya kay North.

"Why?" ani Barbara.

I closed my eyes, bracing myself for the embarrassment if North begs again.

"Ingat ka," bitaw ni North at ngumiti nang malamyos. "H-huwag mong pababayaan ang sarili roon. Kumain ka sa tamang oras at palagi kang tatawag sa magulang mo kapag . . . nalulungkot ka sa gabi. Malaya ka na sa akin. Simula ngayon, puwede mo na akong hindi isipin."

Barbara's eyes softened. She hesitated. "North . . ."

North smiled widely. "Kung saan ka dadalhin ng pangarap mo, palagi mong tatandaan na ipinagmamalaki na kita agad. Huwag mong hahayaan na pigilan ka ng alaala ko na tumahak ng landas na gusto mong tahakin . . . huwag mo na akong isipin at gano'n na rin ang gagawin ko."

Walang namutawing mga salita kay Barbara. She only stares at him, her eyes solemn and almost empty.

North drew a deep breath. "Ngayon pa lang, binabati na kita. Alam ko na mas magiging maganda ang buhay mo roon . . . at salamat, salamat sa walong taon na hinayaan mong mahalin kita, Barbara."

North's tears betrayed him as they cascaded down his cheeks. Pinalis niya ito at bahagyang ngumiti.

"North . . ." Barbara uttered, finally sounding calm. She took a deep breath before finally saying her final words to him, "Thank you."

North went near her and blinked a few times. He opened his arms, and Barbara leaned in, giving him the permission to hug her.

I looked away as the pain jolted me, too. I'm probably an empathetic person; I can feel what others feel.

"Ingatan mo ang sarili mo, ha? Kahit 'yon na lang, Barbara . . ."

Hindi na namin hinintay na makasakay si Barbara sa eroplano. Bumalik na kami sa kotse at doon na tuluyang umiyak si North. Patuloy ang agos ng mga luha niya habang nakatanaw sa mga eroplanong paalis na ng bansa.

I was observing his bandmates while he was crying. Naiara was in the shotgun seat; she was sobbing too. Si Kile naman ay nilakasan ang tugtog upang hindi marinig ang pag-iyak ni North, and Enoch was busy looking outside the window. Hindi niya rin yata gustong nakikitang umiiyak si North.

"I'll never cry over a girl," bulong ni Enoch kahit di pa rin tumitingin kay North. "You could always get another one."

Napailing ako. It is true that we have a lot of people, even millions of them, to choose from. Yet, we can't have the same love in the same universe in the same timeline. Because people are different, thus we will always love differently . . . and I hope North finds a different love that will outstand his previous one or at least make him forget the pain that he went through.

(:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅:♡:]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅)

Song copyright credits

Dahan

Main artist: December Avenue

Composer, Lyricist: Ronzel Bautista

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro