Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

"Alam mo ba ang issue kina Barbara at North?" tanong sa akin ni Naiara habang binabagtas namin ang papunta sa practice room.

Enoch has a whole building dedicated to him. Mataas ang gusali at may apat na palapag, ang mga materyales na ginamit ay halos ginto o di kaya'y salamin. The lights were luminously colored in yellow. The chandelier clad the whole building in luxury. Ang tiles naman ay masyadong magarbo ang disenyo, as if you were strolling down in a famous hotel. Partida, ang building na ito ay nakapangalan kay Enoch.

I always forget about how rich he is. Kaya niyang ipagmayabang ang mukha niya, pero kahit kailan ay wala akong narinig tungkol sa pera. He never bragged about it or even brought it up.

Jowa-in ko kaya si Enoch?

Wednesday Denise Zaguirre. Grabe! Natawa na lang ako sa sarili ko. Ang paklang pakinggan, tunog doña masyado.

"Hindi ko alam, e," I lied for my own convenience. I tried to gulp down the impending truths in my throat.

I don't like gossiping about others. Lalo na kung hindi naman ako damay o wala naman akong alam sa buong katotohanan. It might be bias, lalo na sa sitwasyon ni North at Barbara. I only know North's truth, and I don't know why Barbara resorted to painful words to make North go away.

Ang hirap din pala kapag pilit mong iniintindi ang mga tao. My head is already in haywire trying to understand both of them.

Pagkapasok namin ni Naiara sa practice room ay nag-uusap sina Enoch at Kile. They were trying to form a group name. Wala na naman si North dahil hinihintay raw ang dismissal ni Barbara. Nakaramdam ako ng awa para kay North. Halata naman na gagawin niya ang lahat para maging okay sila ni Barbara. But I couldn't get the same energy from her. It was obvious that she's done with him.

Sumusulat pa si North kahit may tuldok na ang kay Barbara.

I decided to focus on the band's matters before my thoughts escalated on another series of thoughts about them. Unti-unti ay nakikilala na ang banda. We performed a few gigs and donated the money. Minsan ay ibinibigay nila ito sa akin, pero di ko tinatanggap kadalasan. The band really was just for fun. Ang problema lang talaga nila ay ang pangalan. Dahil wala pa kaming permanenteng pangalan ng banda, hindi kami ma-promote nang maayos.

We have to make it in the mainstream, you see. It is the only way to get Enoch's parents' approval of him being the next CEO of their entertainment company. Of course, the board members also want him to succeed since he is a Zaguirre. Kailangan nga lang talaga niyang patunayan na alam niya ang pasikot-sikot sa ganitong industriya.

"No Name band na lang," Naiara suggested.

"Trip ko lang band," ani Enoch.

"Bakit ba ako pumasok sa ganito . . . ?" Kile groaned and rested his head on the desk. Natawa na lang ako.

"Pag-isipan n'yo muna, kasi ang hirap nang baguhin 'yon kapag na-announce na. Hirap ding bumuo ng fan base kapag wala pa talagang nabubuong pangalan ng susuportahan nila."

Which is a fact that they couldn't really deny. Kailangan, sa pagpili ng pangalan ng banda, catchy na agad. Kailangang may impact na agad sa mga manonood. We have the talent and even the visuals, but without the branding itself, it is meant to fall apart or even fade in the limelight.

"May fave word ba kayo?" I prompted. We could get ideas there.

"Fave position lang," Enoch nonchalantly said.

"Gago ka talaga!" Naiara slammed a throw pillow on Enoch's face.

I grinned. I believe, deserved niya 'yon. Idadamay pa kami sa pagiging halay niya!

"I have a word . . ." Kile chimed in. He straightened from his seat and opened the discussion. "I like the word—anagapesis."

"Anag? What?" I blinked a few times before leaning towards him. "Anagago who?"

Anagapesis isn't a common word. Hindi lang siguro ako mahilig sa mga mabulaklak na salita o ngayon ko lang talaga siya narinig. It came from Kile, so I was genuinely curious what it meant.

"Ano'ng meaning?"

Kile glanced at me before shrugging. "It's the act of falling out of love."

His words rang in my ears. I looked at him with my mouth slowly parting because the meaning made me feel numb. So, was it possible? For others to really consider falling out of love, a thing? Not just a concept?

"Ang lalim naman," Enoch said. "Ang hirap pang bigkasin."

"I like it." Naiara giggled. "Kapag nagsisigawan sila, bibilangin natin kung ilan ang mabubulol."

Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Naiara. But Anagapesis does sound great. It feels foreign, almost as if it carries a feeling of being empty and whole at the same time. Falling out of love means freedom from guilt but also breaking someone's heart, and that someone even used to be your other half.

The word itself is a paradox.

Paano 'yon nalaman ni Kile?

"I like to believe that the word existed for us to believe in it. Sa posibilidad na ang isang bagay o tao na mahal mo ay maglalaho rin . . ." ani Kile.

"Anagapesism?" Naiara laughed heartily. "Parang naniniwala tayo na balang-araw, ang mga minamahal natin o nagmamahal sa atin ay mawawala rin? That the feelings that we have are temporary. That even this band is temporary; if we had to tell anyone the reason why, we can always just say we fell out of love . . ."

Falling out of love is also a reason, despite the negative connotation it brings. Si Enoch ay hindi umiimik pero mukhang pinag-iisipan niya rin ang salita na ito.

Anagapesism.

We voted for it, and apparently everyone liked Anagapesism as the band's name. It has a dark and rugged sound because the name itself feels like it.

Si North na lang ang kulang para sa boto. Majority naman na ang pumayag, pero gusto ko pa ring tanungin si North. I still want him to feel included. Nahihiya na talaga siya sa banda dahil ma-effort talaga ang tatlo kahit biglaan ang pagbuo sa kanila.

Enoch prepared a music room and hangout room in his building for the band. Si Naiara naman ang bahala sa pagpili ng mga kanta na kaya nilang apat. Kile serves as the driver and even the one who brings food whenever Enoch forgets to order. Kahit ako na hindi naman parte ng banda, I still contribute by helping them with the small chores.

Sumasakto kasi na wala akong pasok sa tuwing may practice sila. I was the one who also helped them find a manager. Si Enoch nga lang ang nagbigay sa akin ng mga listahan. I picked Rhi because she came from a known TV station and handled a few starlets who are actually good at acting. Alam ko, dahil mahilig si Mama sa mga teledrama, I know the artists under Rhi.

Bumalik ako sa school upang silipin si North. Gusto ko kasing itanong sa kaniya kung okay lang ba ang Anagapesism na pangalan para sa kaniya. It's not like it would be change because it is already the majority, but it's the thought that counts.

Nakita ko siyang tulog malapit sa isang building. Nasisinagan ng araw ang mukha. Moreno si North pero ang kaniyang mga mata ay maamo. His lips were a bit thick on the bottom part. Matangos ang ilong niya, at kung mapansin nga siya ng isang talent scout, papasa siyang leading man sa isang palabas. He would be considered a heartthrob; panalo sa masa ang itsura niya.

Lumapit ako sa kaniyang puwesto. Dumaan ang awa sa aking puso dahil natutulog siya sa isang mabatong lamesa. Mabuti na lang na sa bag niya nakapatong ang kaniyang ulo dahil kung hindi, baka bumakat na ang maliliit na bato sa kaniyang pisngi. Malapit lang ito sa building ng Mass Communication.

Masscom student pala si Barbara? I flinched because Leand and Astrid came to mind. Umiling na lang ako at binagtas ang building upang hanapin si Barbara.

Pinapatay na ang ilaw sa mga kuwarto at nagsisilabasan na ang iilang estudyante na natira sa loob. Sa bagay ay mukhang tapos na ang mga klase. Kung ganoon, pauwi na si Barbara. Baka nga makasalubong ko pa siya.

I heard chatter in the hallway. Ang iilan ay nakatingin sa akin dahil mukhang bagong salta ako. They were probably familiar with each other.

"Pogi ng boyfriend ni Barbara, 'no?"

"Si Barrinuevo ba? Sila pa rin ba?"

"Hm? Hindi na ba? Pero matagal na ang dalawang 'yon. Kaklase ko si Barbs simula Grade 8," sabat ng kausap niya.

I halted my steps, and for some reason my gaze went towards them. Nakita ko ang pagkukumpulan nila sa gitna.

"Tinanggal na nga ni Barbs ang highlights niya sa Instagram. Wala na rin ang pictures ni North sa account niya. Kahit sa FB ay deleted na rin!"

"Napaka-fan behavior mo naman, alam na alam mo."

"Nakakapagtaka kasi! Noon ay palaging magkasama sila sa pictures, pero ngayon tinanggal lahat ni Barbara."

It was so easy to determine if someone is in a relationship or if they have already broken up. Noon ay kailangan mo pa mismong tanungin kung ano na ba talaga ang status nila, pero ngayon ay kahit sa FB profile lang ay madali agad masasagap ang sagot.

Mukhang si North na nga lang ang nakakapit sa kanilang dalawa.

"Guwapo pa naman si North . . ." Someone sighed.

"Mas guwapo naman ang ipinalit! Mayaman pa."

"Tanga! Mas guwapo si North. Marunong lang manamit 'yong bago," ismid ng kausap.

"Sino ba ang bago ni Barbara?" tanong naman n'ong isa.

"Si Eastre yata? Si Zaguirre."

Napailing na lang ako. 'Yon nga lang, nakakalimutan ng mga tao na mag-fact check ng mga impormasyon porke't readily available na ito sa kanila. Eastre and Barbara aren't together. Alam ko dahil nakikita ko silang dalawa. Mas close pa nga sina Naiara at Enoch kompara sa dalawang 'yon.

Hinahagilap ng mga mata ko kahit ang anino ni Barbara ngunit wala akong makita. She probably left already, or maybe she's with North.

Bumalik ako kay North. Kitang-kita ko ang nasasaktan niyang mukha. In front of him was Barbara, who was seething her teeth and had her hands clenched.

"Ano ba?! Di ka pa rin ba titigil?! Ayoko na nga, North!"

"Barbs . . ."

"Sino'ng nagsabi sa 'yo na hintayin mo ako? You shouldn't have! Nakakasawa kang pagsabihan. Hindi ka nakakaintindi!" sigaw ni Barbara.

Nanlaki ang mga mata ko. She was making a scene!

Maraming tao ang nakatingin sa kanila. Even those who were from the upper floors would look down to find the commotion. Ang iilan ay nagsimula nang maging bubuyog dahil sa bulungan. Oh come on, people really don't have respect for privacy, but at the same time I couldn't blame them! Public place nga naman ito.

Nakayuko lang si North at tinatanggap lang ang bawat bira ni Barbara sa kaniya. My heart swelled in pain. Come on, North. Tell her that you can fix the relationship without hurting each other.

Hindi ko masabihan si North na bumitaw na. A part of me just wished that Barbara could still find even an ounce of love for North.

"Nakakarindi ka na! North, tama na!" Barbara cried out. Nagulat ako dahil may luhang lumalabas sa kaniyang mga mata.

North finally looked at her and caressed her face. "Sorry . . . mahal. Hindi ko naman gusto na guluhin ka. Hinintay lang kita kasi nasanay na ako . . ."

"Tama na, North . . ." nanginginig na saad ni Barbara. "Ayoko na, tumigil ka na. Gustong-gusto ko nang umalis. Inaasikaso ko na lang ang mga papeles ko rito sa registrar. Pakawalan mo na ako. Nakakapagod kang pakiusapan . . ."

North was grief-stricken. His face contorted in pain, and he slowly bobbed his head obediently.

"S-sorry, Barbara." North's voice cracked. "Uuwi na ako. I-ingat ka mamaya, ha? Sorry talaga."

Sinundan ko ng tingin si North na unti-unting iniligpit ang gamit niya. Barbara sighed in relief. And for some reason, I glanced at them coldly.

I would never push someone I love that far. I can never understand why you would hurt someone you used to love. Sige, wala ka nang nararamdaman. Pero kailangan bang saktan? Hindi ko talaga sila maintindihan.

Habang pinapanood ko sila ay sumisikip ang dibdib ko. No one deserves to be humiliated simply because they love someone so dearly.

Kung sino pa ang nagmamahal nang tama, sila pa ang lubusang nasasaktan at madalas iwanan. It makes me question if love is really meant to be like that. If love isn't as sacred as I view it to be.

Lumapit ako kay North nang malapit na siya sa gate. Nagulat pa nga siya sa presensya ko. His eyes were tired; they even imitated a raccoon's eyes because of the huge bags under them.

"May practice ba? Sorry—"

"Huwag kang mag-sorry. Wala ka namang ginawang mali, North. Wala ring practice," agap ko. Naririndi na rin ako sa 'sorry' ni North kahit wala naman siyang kasalanan.

"Hm? E, di bakit nandito ka pa? Wala namang klase."

Lumabi ako. "I could ask the same to you. Bakit ka nandito?"

I just bought time. Alam ko naman kung bakit nandito siya, pero gusto kong ilayo sa akin ang usapan.

North blinked, but eventually he answered. "Si Barbara . . ."

"May naisip na pala silang pangalan para sa grupo," paglilihis ko. "Itatanong ko sana kung gusto mo na rin ba o ano . . ."

North brightened up. "Talaga? Maganda 'yon. Ano ang naisip nila? Sino ang nakapag-isip?"

I gulped down. "It was a joint decision. Pero ang pangalan ay Anagapesism . . ."

"Anagapesism . . ." he echoed, but he sounded unsure. Mukhang di niya rin alam ang ibig sabihin nito.

Tumango naman ako. Biglang kumalam ang aking sikmura. The growling sound made North look at me.

He smiled gently. "Kain tayo?"

Niyaya niya ako sa bahay nila. I was hesitant at first, but apparently, walang kasama ang mga kapatid niya.

"Ilan kayong magkakapatid?" tanong ko habang nasa jeep kami. He paid for my fare. I insisted na ako na pero binayaran niya na agad kaya wala na akong palag.

"Apat."

"Pangalawa si Aki, di ba?"

Tumango si North. "Close kayo?"

"Medyo." I pouted. "Ayaw akong i-ate."

"North nga lang ang tawag n'on sa akin. May kuya lang kapag may bisita o nandiyan sina Mama, ang plastic lang."

Nagtawanan kami. Namamaga pa rin ang mga mata ni North. His bloodshots eyes only emphasized his emotion of feeling tired.

I bit my lower lip. "Saan ba pupunta si Barbara?"

"States," sagot ni North. "Doon siya mag-aaral . . ."

"Ayaw niya ng LDR?"

North smiled sadly and shifted his weight. "Hindi raw kasi nagtatagal ang mga gano'n. Eventually, mapapagod daw kami sa setup na LDR. Ilang taon din siyang mananatili roon . . . and she told me that she's not even sure kung uuwi siya o hindi pagkatapos ng pag-aaral niya."

That's tough. Hindi ko magawang mainis kay Barbara dahil kung tutuusin ay may point siya. She's just being way harsh, but her mindset is mature. Alam niya rin na mahirap talaga ang LDR.

Pero wala ba siyang tiwala kay North? Sa pagmamahalan nila? I know love doesn't really conquer all, but love brings a different kind of faith. A faith that's strong enough to withstand several falls.

Nakarating kami sa isang bungalow na bahay. Maliit ngunit malawak ang bahay nina North. Isang floor lang pero apat ang kuwarto at malinis ang paligid. Kahit yata alikabok ay hindi magtatagal sa sobrang linis ng bahay nila. Kakaunti lang ang gamit, pero may isang playpen sa sala.

"North! Sabi ni Mama—" Aki shouted from afar. Natigagal siya nang makita ako.

Oh.

Kakatapos niya lang maligo dahil nakatuwalya lang siya.

"Hoy! B-bakit ka nandito?!" Histerikal na naghanap ng ipantatakip si Aki sa katawan niya. Si North naman ay natawa lang din.

"May kapatid din akong lalaki, Aki." I chuckled at his action. "Grabe naman, hindi ka naman sobrang nakahubad."

"K-kahit na! Kuya, naman! Dapat sinabihan mo ako!" Aki frustratingly raked his wet hair.

North shrugged. "Bakit? Ano'ng mayroon? Nahihiya ka pa rin ba sa kuya mo? E, nakita ko na 'yan. Sabay tayong maligo noon, nagpapahabaan—"

Nangamatis ni Aki. "Tumahimik ka na nga, Kuya! Nandiyan si Miye!"

Lumipad ang tingin ko sa isang batang babae na kanina pa ako tinatanaw. May hawak siyang manika at nagtatago siya sa likod ng pader.

"Trina, say hi . . ." North said to the kid.

The kid gasped. "Iba na mukha ni Ate Barbie, Koya Nurt?!"

"Nurt?" I chuckled. "Nurt ka pala, e." Siniko ko si North. He lazily plastered a smile on his face.

North waved at the little girl. "Trina, hindi. Si Ate Miye ito. Kaibigan namin ni Kuya Aki."

"Hello po, Ate Maeye!" Trina jumped and smiled at me widely. "Ako po si Treena! Nice meeting you po!"

"Her pronunciation is a bit off, pero mabait 'yan si Westrina," bulong ni North sa akin.

"Hello, Trina!" Agad ko siyang inakap. She reminded me of the Thursday. Mukhang bunso itong si Trina.

"Bunso?"

Aki shook his head. "May isa pa, tulog, nasa kuwarto."

Nagluto si Aki ng adobo kaya may ulam na agad. Nagpabili na lang ako ng soft drink para kahit papaano ay may ambag ako. Kumain kami, at sa di ko maipaliwanag na dahilan ay komportable ako sa kanilang magkakapatid. Trina would snuggle with me. Nagpapasubo pa siya ng pagkain.

"Trina, huwag mong guluhin si Miye . . ." saway ni Aki.

"Di ko naman gugulo! Ikaw magulo!" Trina pouted and hugged me. "Si Kuya Nurt na lang sa 'yo, Ate Maeye, ha? Huwag ka kay Aki pangit!"

"Wow, deretso kapag kay Kuya Aki mo, ah?" I laughed.

"Siyempre! Tunog pangit kasi!" Trina triumphantly said.

Aki snorted and sipped on his drink.

Pagkatapos kumain ay nilaro ko si Trina. Madalas akong magbantay ng bata kaya alam ko kung paano sila malibang. Pero kung tatanungin ako kung ilang anak ang gusto ko . . .

I couldn't really answer.

Gusto ko munang magpahinga siguro pagkatapos makapag-aral ng mga kapatid ko.

I wanted more 'me' time than orchestrating a plan for a family.

"Pinapaiyak ni Ate Barbie si Koya Nurt . . ." kuwento ni Trina.

"Hm?"

"Gabi-gabi, sinisigawan niya sa tawag . . . umiiyak tuloy si Nurt . . ." malungkot na saad ni Trina. "Kawawa naman siya . . ."

Medyo maliit lang ang bahay nila, hindi imposibleng marinig ni Trina ang usapan ni North.

May nakita akong camera, the one that produced polaroids. May nakasulat dito na pangalan ni Trina kaya baka sa kaniya ito.

"Picture tayo?" yaya ni Trina sa akin. "Ate Maeye?"

I smiled at her and nodded. Trina was the one who held the camera. Pareho kaming napangiti para sa isang litrato.

"Regalo ito sa akin ni Nurt no'ng birthday ko . . ." hagikhik ni Trina. "Kaunti na nga lang bala ko . . ."

"Bibilhan kita! Kapag bumalik ako rito, okay?" I played with her hair.

"Hm? Bakit di ka na ba babalik agad?"

"Wala naman akong gagawin dito, e."

Kumunot noo ni Trina "E, bakit si Ate Barbie? Nandito siya madalas dati?"

"Girlfriend 'yon ng kuya mo, e," I said.

"E, di maging girlfriend ka rin ng kuya ko!" tili ni Westrina.

Parehong nasamid 'yong dalawang nasa dining. Aki coughed while North was holding his nose.

"Di ko sila type . . ." sabi ko.

"Pogi naman sila, ah . . ." pagtataka ni Trina.

Ngumiwi ako. Hard pass sa may eight years at sa mas bata sa akin!

"Bibisitahin naman kita! Okay?"

Westrina rested her head on my chest. She beamed. "Love you, Ate . . ."

Umuwi na rin ako nang makatulog si Westrina dahil sa pagod kakalaro.

Napatingin ako sa ibinigay niya sa aking litrato naming dalawa.

I only smiled upon knowing that North's family, despite not being complete, is actually a good one because they raise Trina so well. Nagampanan ng mama nila ang dalawang role na kailangan nila sa loob ng bahay.

Bakit kami, kompleto naman, pero ako mismo ang may pakiramdam na may kulang?




=▲=

Anagapesism was formed, and during our promoting stage, we gathered a fandom in an instant. Sumikat ang banda dahil underrated daw kami. It was almost ironic since we're being supported for the reason that we lack fans.

It was a smooth sail for us. Si Kile ay may sariling mundo pero madalas siyang makipagbiruan sa mga ka-miyembro niya. Enoch and Naiara were the ones who also didn't change the most, except for the fact that Naiara has to maintain her anonymity.

But North . . .

North was still too busy and kept on chasing Barbara. Ang balita ko nga ay no'ng nagkasakit ito, siya pa rin ang nag-alaga. He still treats her like she is his girlfriend. Walang nagbago. He's a hopeless case. Hindi rin naman siya mapipigilan dahil sino ba naman kami? Malaki na siya. He deserves what he tolerates.

Isa lang ang nagpatigil ng pagiging ignorante ko o ang pilit kong pagbaling ng atensiyon sa ibang bagay.

North was crying in the rain. Umuulan noon at kaming lahat ay nasa Phoenix. Nakatanaw kami kay North na nasa labas at nagpapaulan. At first, akala ko, naabutan lang siya ng ulan. Pero ang totoo pala ay sinabi ito ni Barbara sa kaniya.

"Barbs said, wala na siyang pakialam kay North. Kahit magkasakit pa ito. Kaya tingnan mo ang gago, sinusubukan nga si Barbara . . ." Phoebe rolled her eyes. "Kaya ayaw ko sa commitment, nakakabaliw talaga kapag ikaw na lang ang nagmamahal."

"Bigyan n'yo na ng payong si North . . ." saad ko habang pinapanood ang paglakas ng ulan.

"Di niya tatanggapin 'yan. Si Barbara lang talaga ang makakapagpigil diyan . . ."

Enoch snorted on the side. Si Kile naman ay naglalaro sa cellphone niya, nag-aalaga ng mga virtual na pusa. Naiara looked worried too. Napabuntonghininga siya dahil wala rin siyang magawa.

I went out and grabbed two umbrellas. Bahala na, susubukan ko lang.

"North . . ." I said as I went in his direction. "Tara na."

"Hihintayin ko lang si Barbara . . ." nanghihina niyang saad.

"Sa loob mo na hintayin . . ."

"Dito lang ako . . ."

"North," I warned him. "Sa loob ka na maghintay."

"Miye, n-naman."

"North, makinig ka. Huwag mong parusahan ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan na iba na ang gusto niyang tahakin sa buhay. Pumasok ka na sa loob."

"Ano ba'ng alam mo sa aming dalawa?" North coldly said. It caught me off guard. Kahit siya ay nagulat at napayuko.

"S-sorry, Miye . . ."

Inilapag ko ang payong sa harapan niya. Bahala na siya. Tulad nga ng sabi ko, malaki na siya. Alam na niya ang tama at mali.

"Nagpakatanga rin ako, North. Kaya kahit hindi ko alam ang sitwasyon n'yong dalawa, alam ko ang pakiramdam na maiwan sa ulan nang mag-isa. Siguro naman, tanda mo pa 'yon," I uttered with the same amount of coldness.

I shouldn't have tried. He was too head over heels when it came to Barbara. If there's something that I learned in this, we are the product of what we tolerate.

(:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅:♡:]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅)

illustration by shae (@kilefilm on twt)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro