Chapter 6
The first problem we encountered in the band was the name. Nasa isang audiovisual room kami sa kompanya nina Enoch. His parents, just like he said, were very supportive of the band. It was probably because they wanted a son who's actually in the entertainment industry.
Kaming lima lang ang laman ng kuwarto na naka-centralized aircon at halos nanginginig na ang mga tuhod ko sa lamig. Partida, naka-maong pants pa ako nito. Naiara was wearing Kile's jacket. Samantalang si Kile ay nakayukyok ang ulo sa lamesa at pinipigilan ang antok. Si North naman ay nakahilig sa pader habang nakikinig kay Enoch na may pa-PowerPoint pang nalalaman kahit wala naman itong laman. Isang slide na nga lang, blangko pa dahil title lang ang laman.
"The Enoch Effect," Enoch suggested. He leaned on his swivel chair and arrogantly displayed his hands as if his idea was the best one.
"Mag-solo ka na lang kaya? Dinamay mo pa kami." Kile snorted, his forehead creating waves of creases.
"Kung ganiyan lang din pala, ako na siguro mismo ang magiging Zayn Malik. Adios na lang sa inyo." Naiara saluted, as if giving her bid of goodbye.
"Para namang negative impact na agad 'yong band name kung gano'n . . ." Ngumiwi si North.
"Bashers," Enoch stuck out his tongue. "May idea ba kayo? For the band's name?"
"Dapat scary! Parang ano, sa gang. Unang dinig nila, tataas na balahibo nila!" Naiara beamed; she fixed her bucket hat. Masyado kasi siyang maligalig.
Enoch leaned in, and his eyes slowly became more provocative. "Resorts World Manila."
"Hoy!" Naiara hissed.
Enoch smirked lazily. "I'm fine with anything; just make sure it has my name."
"Enoch at ang iba pa," Kile suggested sarcastically.
"Enoch at ang mga itlog!" North beamed happily. "Hahanap na lang tayo ng deep meaning ng pagiging itlog."
"Pota," Naiara blurted out. "Wala pa nga, mukhang disbanded na agad tayo."
"What if disband na lang ang name natin? Parang This Band pero Disband?" nangingiting sabi ni North.
Goodness. I groaned inwardly. Napasapo ako sa aking ulo.
He really is too innocent for his own good.
"North?" Kumunot ang noo ko sa kaniya. Agad naman siyang nahiya at napakamot ng ulo.
I scoffed. North is too innocent sometimes. Pakiramdam ko nga mas matanda pa ako sa kaniya. Although we are technically the same age, still, mas matured pa yata ako.
"Ikaw na lang maging itlog, Norte," tukso ni Naiara. "Tsk, tunog corned beef."
I only sighed. Saan ba talaga kami patungo?
It took hours, but we were still clueless with our band name. Nagyaya na nga lang si Kile sa malapit na fast food dahil gutom na siya. Enoch insisted that he'll order instead, kaya naghihintay na lang kami ng pagkain.
"Sure ka bang di ka gagawa ng banda para lang man-chicks?" tanong ni Kile kay Enoch.
Enoch looked offended. A series of creases formed on his forehead. "Sa mukha kong ito? Kailangan ko pa ba ng banda para sa babae?"
"Sobrang random kasi. We haven't even tried performing yet," ani Kile.
He had a point. Wala pa talaga silang practice. Hindi rin sila close talaga. It was as if it was for business, not really a band.
"Magkaroon kaya tayo ng team building? Then, I'll try to help with how we can promote the band. Hahanapan ko kayo ng manager! At gagabayan na rin kahit papaano."
Nagkasundo kami ni Enoch na ang papel ko sa banda ay support lang. He offered me a managerial role, but I think I can't handle it. Mas maganda na may connection sa industriya ang magiging manager nila. I could always offer my help whenever they need me, magiging volunteer din ako sa mga gig nila kung kailangan nila.
I was supportive because, for some reason, I believe in their capabilities. I want to hear them perform in a huge crowd too. Libreng tickets na lang ang hiningi ko kay Enoch.
We decided to go to a resort near a beach para sa aming team building. It was somewhere in Laguna. Hindi ko alam ang eksaktong lokasyon dahil nakatulog ako sa buong biyahe. Kile was the driver because among us, siya ang hindi inaantok sa biyahe.
Nakarating kami sa lobby. Si Kile ay nakatulog sa isa sa mga sofa. Para talagang pusa ang isang ito. I smiled to myself. He didn't mind that some of the guests were glancing at him. Guwapo kasi 'tapos mukha pang naliligaw na bata. Napagod siguro dahil wala siyang pahinga sa pag-drive.
"Guys, si Eastre," pakilala ni Enoch sa tumutulong na ibaba ang gamit namin sa SUV.
Bumaling ang tingin ko kay Eastre. He was wearing a blue open-button polo. Ang buhok niya ay magulo pa rin. Hindi siya kulot tulad ni Enoch pero mahaba-haba ang buhok niya.
Eastre's mouth curved with a small smile. "Miye? Right?"
Tumango naman ako sa kaniya. He has a good memory with people. Tatlong beses pa lamang kaming nagkikita pero para bang tanda na niya ang mukha ko.
I wouldn't dare to forget his face, though. Eastre, despite his humble introduction, has a huge platform on social media. Kaya nga nang malaman ko na siya pala si Zeastrei na sikat ay kinabahan ako. Paano kung magkaroon kami ng away or something? Cancelled na agad ako sa buong internet siguro. If he was that kind of person. Mukhang hindi naman.
"Ready na ang suites n'yo. Hindi kasama si Barbara?" tanong ni Eastre.
Enoch shrugged. "Away sila ni North."
Kumunot ang noo ni Eastre. "Na naman? Sa isang linggo, dalawang beses na lang silang okay."
Sumeryoso ang mukha ni Enoch. "You know that . . . Barbara is trying. Give her more time."
Eastre scoffed. "Delaying it further would only hurt North more, Enoch. A harsh truth will always be better than a false promise. Sabihin na lang niya."
"East . . . huwag mong pangunahan," ani Enoch.
I was listening to their conversation, trying to put piece by piece together. Pero kahit ganoon, wala akong mabuong kongklusyon. It was probably because I don't know them deeply yet.
It feels bad to judge a situation when you don't even know the person involved in it.
Kilala ko lang sina North at Barbara sa pangalan, pero hindi ko sila kilala sa kanilang mga pinagdaraanan.
Judging them too early will only make me regret not knowing them first or their reasons for being in that current situation.
Labas din talaga ako sa relasyon nila. I shouldn't be involved at all.
Our team building went smoothly. May isang music room kaya nakapag-practice na rin sila. Si Enoch ang napunta sa drums. Naiara got the lead guitarist role while Kile went for the bass guitarist. Si North ang napili nilang vocalist dahil ang boses niya ang pinakamadaling pilian ng kanta.
The four of them really harmonized well. May iilan pang kailangang ayusin pero alam ko naman na kakayanin nila 'yon.
Tatlong araw lang ang naging bakasyon namin. Puro langoy, kain, at asaran lang kami. We got closer because we were able to get to know each other. Maliban kay North na madalas na nakatingin sa phone niya, para sa akin ay close ko na 'yong tatlo.
In the midst of the night, nagliligpit na si Kile ng pinagkainan kahit may attendant naman. Sina Naiara at Enoch naman ay inuubos pa ang mga natirang canned beer. Wala namang minor sa amin pero palagi akong nag-aalala sa kanila.
Napailing na lang ako.
I went outside to go look for North. Kanina pa kasi siya wala. Hindi rin siya lumangoy sa tatlong araw na magkakasama kami.
I don't know.
Baka napipilitan lang talaga siya sa pagbabanda. Maybe I could talk to Enoch if that's the case. Mas maganda kasi kung maaga pa lang ay magagawan na ng paraan.
Sinipat ko ang direksiyon ni North na ngayon ay tinatangay ng hangin mula sa dagat ang polong puti. Hindi ko alam kung dahil ba sa dalang alat ng dagat kaya umiiyak si North ngunit pugto ang kaniyang mga mata ngayon.
I ambled my way to him. My heart clenched as I saw him sobbing quietly.
"North?" tawag ko at ngumiti nang malumanay. "Okay ka lang ba?"
Lumingon siya sa direksiyon ko. Agad siyang napalunok ngunit paos pa rin ang kinalabasan ng boses niya.
"Miye, w-wala ito. Okay lang, puwing lang. Tapos na ba sila? May kailangan bang gawin s-sa loob?" sunod-sunod na tanong ni North at pinalis ang mga luha.
"Wala naman," sagot ko.
North smiled sadly. "Puwede bang makihiram ng sasakyan? Uuwi lang s-sana ako."
"May emergency ba, North? Ipapahatid ka na lang namin. Puwede rin naman na umuwi na tayo—"
"Hala, h-huwag. Nakakahiya, hindi nga ako makasali sa inyo 'tapos puputulin ko pa ang bakasyon. A-ako na lang . . ." aniya. North was having a hard time talking. Panay ang tingin niya sa cellphone niya.
My eyes went to his phone. Tadtad ng mensahe ang isang tao. It was Barbara. He was texting her frantically.
"Please? Puwede bang u-umuwi na muna ako?" nagsusumamong tanong niya.
"O-oo naman," I said. I could sense the urgency in his voice.
"B-baka"—bumuhos ang luha ni North—"makausap ko pa si Barbara."
"Huh?"
"Puwede ba talaga 'yon?" North chuckled, his voice strained. "Hindi n-na raw niya ako mahal. Nagsawa na raw siya. Nawalan na raw siya ng pagm-mamahal sa akin."
Natigilan ako sa sinabi ni North. Nakipagtitigan ako sa luhaan niyang mga mata.
North smiled painfully. "She b-broke up with me. Sa text. Sa alam niyang hindi ko siya mapipigilan . . ."
"North . . ."
"Puwede n'yo ba akong dalhin kay Barbara? K-kahit ngayon lang?" North pleaded. "Kailangan kong makausap si Barbara . . .'"
My eyes softened. "Lasing sina Naiara at Enoch. Nakainom si Kile, at masyado ka namang wala sa sarili para mag-drive, North. Hindi ko alam kung papayagan kita. Hindi rin ako marunong mag-drive . . ." I gently explained.
I want to help him, of course. Pero nag-aalala ako. Kung sasamahan ko naman siya, magtataka sina Enoch. Hindi ko rin alam kung puwede bang sabihin ang dahilan kung bakit siya nagmamadaling makabalik.
"Samahan na kita, North . . ."
"H-hindi na, abala lang. Ako na ang aalis . . ." North kept on sobbing. Kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya.
Umakyat ako sa mga kuwarto upang manghiram ng susi. Nakaharap ko si Eastre na katatapos lang maligo, basa ang itim niyang buhok at pinapatuyo niya ito gamit ng tuwalya. He was wearing a white robe.
"Yeah?" Eastre yawned. His eyes were puffy, mukhang kagigising lang.
"Pahiram si North ng sasakyan."
Eastre stopped drying his hair. "Why? May nangyari ba?"
"Pupuntahan niya si Barbara."
Natigilan si Eastre. Matagal bago siya tumango sa akin.
"Ah, Barbara probably broke up with him," Eastre concluded.
Nagtaka naman ako dahil alam na niya agad.
"Huwag mo silang pakialaman, Miye. Barbara knows what she's doing," Eastre said.
"Umiiyak si North," giit ko.
"Mas iiyak siya kung pupuntahan niya ngayon si Barbara. It was better this way. Hayaan mo na silang dalawa."
I couldn't fathom Eastre's words. Gusto ko siyang murahin pero hindi kami close. Wala rin naman akong karapatan na kunin ang susi ng sasakyan. Paano ko ngayon lalapitan si North? How can I explain to him that I can't help him?
"Please . . ." I pleaded exasperatedly.
Eastre only looked at me. He widened his eyes. "Hindi ako si Enoch. Hindi ako mahina sa babae, for your information."
"Gago, di naman kita inaakit! Pahiram lang ng susi, please!" I exclaimed, sobrang nipis lang talaga ng pasensiya ko pagdating sa ganito!
"Trust me, Miye. Mas masasaktan si North. Let days calm both of them down. Hindi naman aalis si Barbara. Well, not for now . . ." Eastre only shrugged coldly. Alam ko naman na magkaiba sila ni Enoch. Pero hindi ko inakalang malamig kausap si Eastre. He always looks carefree.
Maybe he knows something that I don't. Baka mas alam niya ang sitwasyon n'ong dalawa. He seems to be friends with everyone, hindi malabong kaibigan niya si Barbara.
Hindi na ako kinausap ni Eastre. I had no choice but to go back to North, my hands being empty and keyless.
"Sorry, North. T-tulog na kasi silang lahat . . ." I lied.
Kitang-kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata. I could feel his pain through his eyes. Napapikit na lang ako at iniwas ang aking tingin.
"G-gano'n ba? Sa bagay, gabi na rin naman . . ." mahinang banggit niya.
I couldn't comfort North. I wished I could. I badly wanted to tell him that everything was fine. It will be alright soon. The pain is temporary.
Yet, words will never be enough for someone whose edges are cornered by pain. Hindi naman porke't sabihin mo na magiging okay rin ang lahat ay titigil na ang pagkirot ng kaniyang puso.
It will always be different for each person on how they will cope with the pain. Maaaring kinaya mo, pero hindi ibig sabihin ay kakayanin nila.
The only way we could help is to understand them. Minsan, hindi na natin kailangang magbitaw ng mga salita.
"Sorry, North."
"Okay lang." Ngumiti si North kahit bakas pa rin sa labi niya ang hapdi.
Hindi ko alam kung bakit apektado ako. Ayoko lang siguro na nakikita siyang nahihirapan, dahil sa maikling panahon na nakilala ko siya, kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng masama sa akin.
And I wonder why pain should be inflicted even on people who are good . . .
Is the world really a cruel place to live in?
Is pain really that necessary?
Napaupo si North sa buhangin. I watched as he slowly lay down and covered his eyes with his arm.
The water was colliding with the shore; sometimes it splashed water, but North didn't mind. Hinayaan niya lang na mabasa ang ibabang parte niya.
"Magkakasakit ka niyan, North."
Hindi siya sumagot. Lalong lumalamig ang hangin dala ng dagat. Tinatangay nga nito ang iilang hibla ng buhok ko. Hinayaan ko lang umiyak si North sa buhanginan habang ako naman ay unti-unting umupo sa tabi niya.
"Alam mo ba? No'ng bata ako, takot ako sa dagat," I opened up. Hinahayaan kong dumikit ang tubig mula sa dagat sa aking talampakan.
"I drowned once. Sa isang family bonding. Pareho kasi kaming pumunta ni Tuesday sa malalim na parte. Akala kasi namin, lulutang kami . . ." I chuckled and played with my feet. I curled my toes with the same rhythm as the waves.
"'T-tapos?" tanong ni North. Namamaos pa rin ang boses, siguro ay may sikdo pa rin sa lalamunan dahil sa nararamdamang sakit.
"Nalunod kaming pareho," kuwento ko sa kaniya. "Mas malapit ako kay Mama no'n, North. Pero si Tuesday ang sinagip ni Mama . . ."
Matagal naman na ang pangyayaring 'yon. Hagaw-hagaw na nga ang imahen nito sa akin, pero hanggang ngayon nga lang, ramdam ko pa rin ang tubig na pumasok sa aking katawan. Nilulunod pa rin nito ang aking lamanloob, hindi tinatanggal ang imahen kung paano ako hinawi ni Mama upang malapitan si Tuesday.
Nag-sorry naman si Mama.
Kaya okay lang.
Mas marunong naman talaga akong lumangoy kaysa kay Tuesday noon.
My eyes began to water. Hindi ko rin alam kung bakit isang mapait na alaala sa akin 'yon. Siguro dahil isa 'yon sa iilang beses na nasaktan ako ni Papa nang pisikal. 'Yon din ang unang beses na tumatak sa akin na dahil ako ang pinakamatanda, karga ko ang mga kapatid ko. Whatever happens to them while I'm around will be my fault too.
"Hindi ka ba nagtampo?" mahinang tanong niya.
Ngumiti lang ako. "Wala naman akong karapatang magtampo, North. Wala namang may gusto n'ong nangyari. At kung magiging rational tayo, mas kailangan ni Tuesday ang tulong no'n."
"Masuwerte sila sa 'yo, Miye," ani North sa malalim na boses. His voice is probably his best asset, palaging kalmado.
"Napagtanto ko no'n na biglang nawala ang takot ko sa dagat. Blessing na rin siguro dahil ngayon ay mas marunong na rin akong lumangoy . . ."
Dahil walang sasagip sa akin kundi ang sarili ko lang. Tinatak ko 'yon sa isip ko, kaya simula noon ay hindi na ako umasa sa iba lalo na sa mga magulang ko.
"Takot ako sa isang mababaw na puwedeng katakutan . . ." sambit ni North habang unti-unting pumuwesto na paupo.
Bumaling ako ng tingin sa kaniya. "Hm? Wala namang mababaw na takot, North."
"Takot ako na balang-araw, 'yong mga taong mahal ko ay iiwan ako . . ."
"North . . ." I softly uttered. I can still feel the pain in his strained voice.
Mapait siyang ngumiti. "N-nagawa na kasi 'yon ni Papa kaya di na rin imposibleng maulit muli . . ."
The pain tripled in my ears. He came from a broken family, kaya pala sobra ang pag-aalala niya kay Barbara. He knows how it feels to stay in broken strings . . .
"There are people who will stay, North . . ."
North glanced at me. "But most of them leave."
=▲=
I never opened the topic to North again. Hindi ko na sinubukan pang buksan ang mga sariwa niyang sugat. I just learned that he was still chasing Barbara because oftentimes, I get to see the both of them quarreling.
"P-patanong naman kung kumain na si Barbara . . ." nagsusumamong saad ni North habang may hawak na Tupperware. May laman itong sinigang. He probably cooked it, may tissue pa sa ibabaw nito.
Umangat ang tingin ko sa kaniya. Nasa Phoenix kami ngayon. Barbara is also here because, apparently, Enoch invited her over. Malalim akong nagbuntonghininga at lumapit kay Barbara. She was looking at me coldly, halata namang narinig na niya si North.
"Barbara," saad ko.
"Pakisabing umalis na siya. Wala na kaming dapat pag-usapan. My decision is final." Umiwas siya ng tingin. She was clenching her fists.
She probably didn't know that North would be here. Hindi ko rin inaasahan dahil may mga organization si North sa school, mas nagtatagal talaga siya roon kaysa sa akin.
I bit my lower lip. "Kahit tanggapin mo lang sana 'yong niluto niya. Hindi ka pa nagla-lunch, Barbara. Kumain ka na," I said. I was genuinely worried, too.
"Busog na ako," she lamely said.
It was a blatant lie. Alam ko naman na wala pa siyang kinakain kaya paano siya mabubusog? She came here in a hurry.
"Kunin mo lang, kainin mo mamaya . . . hindi naman napapanis ang sinigang agad, Barbara."
"Ayoko ng sinigang," malamig niyang giit.
She was stubborn, just like how North is persistent. Wala akong nagawa kundi bumalik kay North at binigyan siya ng isang maliit na ngiti.
"Akin na, iaabot ko na lang. Kumain ka na rin, North," bilin ko sa kaniya habang inilalahad ang kamay. North gently gave me the Tupperware.
She kept on ignoring North. Halos isang linggo na niya itong hindi binibigyang pansin dahil isang linggo na rin mahigit hindi makausap nang matino si North. It was affecting some of our gigs, hindi makapag-focus si North. Hindi naman masaway nina Enoch dahil nga alam din nilang may pinagdaraanan din. Matapos nilang magkasalubong ay nagkaroon ng saglit na practice. North was performing badly. Bukod sa mababa ang tono niya, nalilito rin siya sa mismong lyrics.
"North, wrong note," saway ni Kile matapos ang isang practice. "Masyadong mababa ang gamit mo."
"Sorry," North apologized sincerely. Napayuko siya. "Sorry talaga . . ."
His eyes were puffy. Halata rin na wala siya sa sarili niya. Kile noticed it too. Agad naman siyang napapikit. He probably felt guilty for pointing out North's wrong note.
"It's okay. Break muna tayo. Saka, libre ko na 'yong drinks. Inom ka rin minsan . . ."
"Okay . . ." North nodded, almost lifelessly. Parang robot na nga, sa totoo lang. It was as if he was programmed to just say yes.
"Kile . . ." North called his attention. "Ayokong makipag-break."
Kile only frowned at him. Narinig ko ang bulong ni Kile ng 'Parang tanga,' bago ito tuluyang umalis.
Wala nga talaga sa sarili si North.
I tried to ignore it. Hindi naman kasi nag-o-open si North tungkol sa problema nila. I wanted to ask him, but I didn't want to invade his personal affairs. Hanggang sa isang araw, susunduin ko na sana siya sa backstage nang marinig ko silang dalawa ni Barbara.
"Barbara," malamyos na tawag ni North. Hawak-hawak niya si Barbara sa pulso nito.
Nagtago ako sa likod ng pintuan. It looked like they were having a fight. Hindi ko na sila masyadong nakikitang magkasama at natatakot ako na baka dahil sa banda kaya sila magkaaway ngayon. If North leaves the band for Barbara, wala naman kaming laban doon. We'll always accept North's decision.
"North, tama na. Pagod na akong ipaliwanag sa 'yo." Barbara sighed in frustration. "I can't grow when I'm with you! Palagi mo akong hinihila pababa! I'm not your priority, North. And I wish you could respect me if I can't prioritize you. Pangarap ko ito, North . . . alam mong ito ang pipiliin ko."
Binalot sila ng saglit na katahimikan. I covered my mouth to repress any sound from coming out. Napasandal ako sa pinto upang mas marinig ang usapan nila. It felt illegal to listen to them, but I couldn't resist it. My ears wanted to confirm my initial thought.
"H-hindi ba a-ako parte ng pangarap mo?" basag na tanong ni North. "Kasi ikaw, parte ka ng pangarap ko, e. O-okay lang naman k-kung tutuloy ka sa ibang bansa, Barbara. H-huwag mo lang sanang putulin ang ugnayan natin . . . mahal kita, e. B-Barbs, naman . . ."
"You don't understand. You're a heavy burden for me!" histerikal na sigaw ni Barbara.
Ilang beses akong napakurap. And for some reason, Leand came to my mind. He didn't say that to me, but the pain reverberated in every fiber of my being. It echoed the pain of Barbara's words.
"Hindi ko kayang isipin na may boyfriend ako na malayo sa akin. It is as if we're dating ghosts, North. Ayoko ng gano'n," nanghihinang paliwanag ni Barbara. Her voice was trembling; pakiramdam ko nga ay umiiyak na rin siya.
It was obvious that North was crying.
"Barbara, pag-isipan mo pa. Kaya ko namang hintayin ka. K-kung ayaw mo talaga, hayaan mo akong mahalin ka kahit sa malayo . . ."
"Huwag. I don't want to be unfair, North. Paano kung magkaroon ako ng boyfriend sa ibang bansa? At hinihintay mo ako? I would feel bad, North. Ayoko. Ang gusto ko ay malaya na tayo sa isa't isa."
Humihikbi na si North. His soft sobs melted my heart. Kahit sa pag-iyak ay halatang nasasaktan siya nang sobra. It was almost inaudible, kung di nga siya nagsasalita ay hindi ko matutunugan ang hikbi niya. He probably didn't want others to know.
"Mahal kita," North's voice cracked.
North didn't receive any reply from Barbara. Walang namutawing mga salita pagkatapos n'on. My heart constricted, and my lips trembled. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa kanilang dalawa.
Pinupunasan ko ang mga mata ko. Why am I crying? Hindi ko naman relasyon 'yon. It's only been months since I met them. Yet, I felt like I knew them for eight years. Napupuno ng panghihinayang ang puso ko.
How could you ever forget how your first love sparks flames and burns forests in your body? Why would you let someone you burned with all of your fire be reduced to ashes and be taken away by the wind?
I would never understand.
How can you lose feelings for someone you deeply cared for?
"Barbs, kahit h-hayaan mo pa rin akong lapitan ka. Kahit sa huling sandali na nandito ka pa. Gusto kong kahit papaano na alam mo na mahal kita habang nandito ka pa sa bansa . . ." pagsusumamo ni North. Paos na paos na ang boses niya, walang habas siguro ang pag-iyak niya.
"Do what you want, North. Tapos na ako sa 'yo. The only favor you could do for me now is accepting that we're over."
"B-bakit? Dahil lang ba talaga sa mas maganda ang future mo sa ibang bansa? K-kung gano'n, sige. Pumunta ka roon. Hihintayin kita rito. Kahit gaano katagal. Kahit gaano ka kalayo. Huwag mo lang akong bitawan, Barbara . . ." hikbi ni North.
"Tumigil ka na, North. Huwag mong hintaying sabihin ko na ikaw na lang ang nagmamahal sa atin kaya gusto kong bumitaw ka. I still care for you, so please . . . let me go," pagmamakaawa ni Barbara.
I leaned against the door and gradually closed my eyes. If only it were that easy, Barbara. Letting go of someone you love will never be as easy as that.
(:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅:♡:]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro