Chapter 3
"Miye, paano pala ang mga libro mo? Mahal ba? Baka . . ."
I shook my head and showed her my matriculation as proof that I already passed the requirements. Relief passed across her face. Papa sighed beside her, nakikinig din sa usapan namin.
"Ako na ang bahala roon, Ma."
It was okay, really. I wanted to work while studying. Lumalaki na rin kasi ang mga kapatid ko at hindi rin naman talaga sila sobrang na-baby kaya marunong din kahit papaano sa gawaing bahay.
Sumakto naman na may bakanteng trabaho sa coffee shop na "Kapet Lang" kung saan kami nagkita ni Enoch. Even if Enoch was friends with the owner, I didn't use any connection when I passed my résumé. Sayang kasi kung di ko susubukan, lalo na't sobrang lapit lang nito sa amin.
"Sure ka ba?" Papa asked slowly. "Okay lang din ba talaga sa iyo na hahatian mo kami sa suweldo mo?"
Tumango naman ako. "Oo naman, Pa. Di naman ako nangangailangan. Saka, para saan pang nagtrabaho ako? Para din naman sa atin."
Kaya ko rin naman talaga gustong magtrabaho, para kahit papaano ay makatulong. Mas magiging magaan kung kahit papaano ay may naibibigay na ako kay Mama. Her eyes glittered with delight. Doon pa lang ay alam ko na tama ang desisyon kong maghanap ng trabaho.
I could buy the things that my siblings want. Makakatulong pa ako kina Mama at Papa. I would be able to buy things with my own money too.
Hindi rin naman magbabanggaan ang trabaho at pag-aaral ko. My schedule in ATU is flexible. Kahit nasa scholarship ako, hindi ako required tumulong sa mga library o ibang parte ng opisina ng unibersidad dahil hindi naman sila ang may hawak ng scholarship ko. It was from the Zaguirres. Ang school lamang ang nagpoproseso ng mga papeles upang mas maging madali ang pagiging scholar ko.
"No'ng bata po kasi ako, gusto kong maging planeta." Tumikhim si North, inilagay ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang itim na slacks. "Kaya po nag-nars ako."
Bumunghalit sa tawanan ang buong klase dahil kay North. Tinatanong kami ng professor namin sa NSTP kung bakit ito ang program na kinuha namin.
"Barrinuevo, ayos-ayusin mo lang, ah," natatawang sabi ng prof namin bago ibinaling ang tingin sa akin. "Miss Legazpi, ikaw?"
I was a bit afraid to answer. Pagkatapos kasi ni North, ako na ang sunod. It was a random way of reciting, malayo naman ang Legazpi sa Barrinuevo.
"Ah, pangarap po kasi ng mama ko noon na maging nurse." I chuckled as I put my pen down. I was scribbling notes earlier to distract myself.
"Hm? Hindi ba siya naging nurse? She didn't pursue studying?"
Napatango ako. "Maaga po kasi siyang nabuntis sa akin. Hindi po niya kaya noong pagsabayin kaya hindi na siya nag-aral."
"Hala, sayang naman. Pero gusto mo naman talaga ang nursing? Parang na-inspire ka ba sa mama mo?" tanong ni Prof.
My lips pulled apart. I could feel my mind being in a tug of war. Ang isa ay sinasabing oo samantalang mas mahigpit ang paghila sa hindi.
Did I really want to be a nurse in the first place?
"Opo," I lied as a careful smile graced my lips. "Pangarap ko po na mabigyan ng magandang buhay si Mama sa pamamagitan ng pangarap niya."
Na hindi niya naabot dahil sa akin. She wasn't able to become a nurse because I halted her plans and future. Nabuntis siya sa akin kaya naman nahinto siya sa kaniyang pag-aaral.
Kaya pakiramdam ko, utang ko ang buong buhay ko sa kaniya. There's a weight in my heart that couldn't be removed because of the fact that I know she had to sacrifice a lot for me.
It was outright honest. Napansin ko ang tingin sa akin ng mga kaklase ko. Some of them had sympathy in their eyes while the others were blissful for me. Ang iba ay pumalakpak pa nga.
Napansin kong nakatingin din sa akin si North. Mahigit isang linggo na kaming magka-blockmate. Ibig sabihin, halos lahat ng tini-take kong subjects ay kinukuha niya rin. Pareho pa kami ng mga professor. Tama nga si Enoch, if I hadn't just been awkward, we could have been friends.
"Wednesday!" Reena, one of my blockmates, pulled me on my sleeves. Palabas na sana ako ng classroom dahil katatapos lang ng klase namin.
"Hm? Bakit?"
"Sali ka sa group chat natin. Ikaw na lang yata ang wala. Ikaw lang kasi ang transferee sa klase, sa totoo lang."
I've figured. Lahat sila ay halos pamilyar na sa isa't isa. It doesn't take a genius to say that I was a bit of an outsider. Pakiramdam ko, kahit no'ng senior high school ay magkaklase na rin sila.
"Thank you, Miye Legazpi ang pangalan ko sa Facebook."
Reena bit her lower lip. "Hindi kasi ako admin n'ong group chat, Miye. Si North ang isa sa mga admin at siya na rin ang pinakamadaling kausap. Ang iba kasi na naging admins sa group chat ay madalas busy o di kaya'y di namamansin kapag di nila kakilala."
I pursed my lips. "Ah, gano'n ba? Sige, i-cha-chat ko na lang si Barrinuevo kung gano'n."
Her forehead knotted upon hearing me spoke. "Barrinuevo? Ang formal mo naman. Kahit North lang ay okay na siya. Mabait naman 'yon! Super bait nga n'on, e."
I was avoiding North. Nahihiya kasi ako sa inasta ko no'ng pinauna niya ako sa jeep. He was late on our first day, pero tulad ng sinabi niya, he got off easily. Isang ngiti lang ay pinaupo na siya agad ng professor namin sa unang subject no'n. Tili nga nang tili ang mga katabi ko no'n, kahit ang iba sa kanila ay kilala na talaga si North.
Hindi ba sila naba-bother na may girlfriend 'yong tao?! O ako lang talaga ang big deal kapag may girlfriend na? Maybe because I came from a messed-up situation. Kaya iwas na iwas na talaga ako sa gano'n. Di ko maatim ang kiligin sa kinikilig sa iba.
I drew a deep breath. Come on, Miye! Magpapa-add ka lang naman. I took my phone out and composed a message. Paulit-ulit at umaatras-abante ang mga salita sa aking screen.
I couldn't find the right words! Kailangan ba talagang nasa group chat pa ako? Of course! Nandoon ang iilang PowerPoint, at madalas, ang announcement. I have to be there kung ayaw kong mapag-iwanan.
Kanina pa ako nakikipagtitigan sa profile ni North Barrinuevo. His profile picture was him with his girlfriend. Nakadantay ang kaniyang ulo sa braso nito; his girl was pouting while he had a sly smile on his face. Ang cover naman niya ay isang family photo.
Makatao pala itong si North, e. Puro tao ang laman ng profile niya.
I bit my lower lip. Parang ewan naman, Miye. Si Leand nga, nagagawa mong landian at may pa-pickup line ka pang gaga ka. 'Tapos ito na magpapa-add ka lang sa group chat ay di mo magawa?
I gulped. Lintik! Here goes nothing!
I clicked the message icon and typed a fast but concise message for him.
Miye Legazpi:
Pst.
Add mo ako, North Barrinuevo.
Right! I grinned to myself. Sobrang formal na 'yan. My smile slips off when abruptly three dots appear, indicating that he's replying. Nag-panic ako bigla dahil ang bilis naman! I didn't even know that he's online!
North:
????
Sandali.
Okay na, Miye. 😅
My heart was thumping against my chest. Fuck off, Miye! Bakit ka natataranta, wala ka namang ginawang mali?! Nagtanong ka lang kung puwede ka bang i-add.
My face froze upon seeing the notification on my screen.
North Barrinuevo sent you a friend request
Confirm | Delete
Oh my god.
Ang tanga-tanga mo, Miye!
Impit akong napasigaw. Hindi ko pa nga pala siya na-add as friend! Ang dating tuloy ng mensahe ko ay nagpapa-add as friend ako. Punyeta ka, Miye! Ano siya, famous?! Papa-fan sign ka na rin ba ng pangalan mo sa kaniya?!
North:
Pa-accept po.
Napapikit naman ako at mariing napamura. The tables have turned, mukhang ako pa ang naging feeling sikat.
Miye:
Hi Barrinuevo! Pa-add sana ako sa group chat. Thank you.
North:
Sige po.
Goodness, bakit napapangiti ako sa reply niya?! I mean, sobrang formal?
I accepted his friend request and waited for the notification of the group. Nang ma-add ako ni North ay agad naman akong binati ng iba pa naming mga ka-blockmate. I added a few of them while some of them already sent their friend requests too.
Miye:
Thanks.
North:
Welcome po.
That ended the thread of our messages. Hindi ko na rin na-view ang message niya at hinayaan ko na itong maging inbox-zoned.
A few weeks passed, mas naging malapit kami ni Enoch. Tambay siya sa coffee shop kung saan ako may shift. Madalas, sa cashier lang ako nakabantay. Kapag di busy ay nagagawa akong daldalin ni Enoch.
"Close na kayo ni North?" tanong niya sa akin. Sumimsim siya sa Thai milk tea na in-order niya. Kapehan kami pero may offers din na milk tea variants dahil nga nauuso ito.
"Hindi."
Nangunot ang noo niya. "Bakit? That's weird."
"Di kami nag-uusap."
"Totoo ba? Wala sa katauhan ni North ang hindi kumausap ng iba. Lalo na kung kaklase o kakilala."
I shrugged. "Di naman niya ako kilala."
"Usually, close na ni North ang mga kaklase niya sa first week pa lang."
"Never kami naging groupmates."
"So?" aniya.
Nagkibit ako ng aking balikat. "Wala kaming rason para mag-usap."
"Ang cold girl naman niyan," he teased.
Umiling-iling naman ako. I am not being cold. In fact, I am being reasonable right now. May girlfriend nga 'yong tao, I don't want to be associated with him because somehow it reminds me of my situation before. Hindi man pareho, ayoko pa ring makasakit sa paraan kung paano ako nasaktan.
Hindi lang naman si North ang iniiwasan ko, kahit ang ibang blockmates namin na may girlfriend ay madalang kong pansinin. I built invisible walls around us.
It makes me feel awkward.
That's how events unfolded as time went by, hindi kami naging close ni North. Until during the second year of my college life—Enoch Zaguirre proposed an idea.
"Gusto kong magtayo ng isang banda," he declared.
"Mag-drugs ka na lang," I japed, distraught. "Gago 'to, ang lakas magyaya, akala mo naman, may mga kaibigan siyang singer."
Baka nga may kakilala siya. Pero sa aming tatlo nina Aki, mukhang wala namang ibong Adarna. Aki, who entered the coffee shop just seconds ago, even mirrored my expression, siguro ay nagtaka rin sa sinabi ni Enoch.
It was a calm day; the sun was setting down and was coloring the sky with orange marmalade. Enoch leaned in, playing with the remaining crumbs of bread on his plate.
"North sings," Enoch said as he sipped from his fruit tea. Hindi talaga siya nag-o-order ng kape. I never took orders of coffee from him.
"Barrinuevo?" Nag-angat ako ng kilay. Kumakanta ba si North?
"Yup! Grabe, isang taon mahigit na ang lumipas pero ganiyan pa rin ang tawag mo sa kaniya," gulantang na saad niya. His lips, pursing.
"Di naman kami close," I snorted.
Nagulat ako nang may isang plato ang mahinang pina-slide papunta sa aking harapan. Umangat ang tingin ko upang tingnan kung sino ito.
Hovering over me was Archimedes Niklaus. Binasa ko ang ID na nakalambitin sa leeg niya. Naka-uniporme pa siya habang malamig ang tingin sa akin. First year, College of Architecture.
Mana siya sa kuya niya. He always looked organized, too. Kahit pa kagagaling lang sa klase, never nagmukhang dugyot.
"Hindi ka pa kumakain," sabi ni Aki.
I smiled at him. "Huh? Paano mo nalaman? Kadarating mo lang, ah."
"Nag-overtime ka dahil sa akin." Aki shifted his sight before biting his lower lip. "Sorry, Miye."
Umiling ako. "Okay lang. Saka, Ate Miye dapat ang tawag mo sa akin."
His brow shot up. "Bakit? Isang taon lang ang tanda mo sa akin. Hindi ka na dapat ina-ate," pagsusungit niya.
"Damot mo naman. Ate lang, e."
Mariing umiling si Aki at tinitigan ako. "Ayoko. Huwag mo nang ipilit."
Enoch barged in on our conversation. "Why are you obsessed with people calling you as ate? Kahit yata minuto lang na mas matanda ka, gusto mo, tinatawag kang ate."
"It feels like home. Pakiramdam ko, may attachment ako sa tao kapag may gano'n."
That's why I was a bit glad that Astrid never called me ate. E, di mas masakit pala ang pangka-cut off niya sa akin kung sakali. Masakit na nga na naka-unfriend ako sa kanila ni Leand. The latter even blocked me. Kay Astrid ko lang nakikita ang mga picture nilang magkasama. Dumaraan kasi sa feed ko.
I was relieved that they cut me off too. Masakit pero mas magiging masakit kung hahayaan lang namin na lalong napipigtas ang natitirang respeto namin sa isa't isa. I still have respect for them as former friends. But beyond that, I was just glad it was over.
Naka-move on na ako kaya hinahayaan ko na lang din talaga. Wala rin naman akong choice kundi mag-move on dahil naka-move on na sila.
Naningkit ang mga mata ni Aki. "Hindi pa rin kita tatawagin na ate . . . kahit pa sinabi mo 'yon."
"Grabe, ganiyan ba sobrang big deal ang endearment sa inyo? Gusto ko lang naman kayong itratong kapatid!"
"Hindi ko kailangan ng ate." Umismid si Aki. Ang sungit talaga nitong si Archimedes!
Enoch snorted. "Come on, guys. I have always helped you out. Sige naman na, can you help me with this one?"
"Enoch . . ."
"Please?" Lumingon sa akin si Enoch, his eyes almost pleading.
I sighed. "Para saan ba ang banda?"
It was sudden, kahit sino ay magugulat sa gusto niyang gawin. Alam kong mayaman siya at baka nga passion niya ito, pero di ko talaga alam kung saan niya dinampot ang ideya na bumuo ng banda.
"Mas mabilis daw kasing makakuha ng chicks kapag nasa banda," Aki snickered after leaning towards the monoblock chair.
"Alam na alam, ah? Gawain mo?" Enoch fired back.
Aki looked at me before turning red and shaking his head ceaselessly. "Ikaw kaya ang nagsabi n'on! At wala rin akong banda."
"Can you just ask North for me? Kahit sabihin mong tuwing weekends lang? It's not a serious band. Kailangan ko lang patunayan sa magulang ko na kahit papaano, sulit naman ang pagiging isang child actor ko," ani Enoch.
Kumunot ang noo ni Aki. "Ang kapal? Isang commercial lang naman ng shampoo ang nasa résumé mo kung sakali!"
"Still, child actor!" Enoch boasted.
Natawa na lang ako. "Sige, maghahanap ako ng mga kakilala ko na marurunong sa instruments o kaya singer."
"I have an ideal team already, actually. I just need your help in convincing them. Particularly, si ano . . ." he halted his words.
"Si ano?"
Enoch sniggered. "Conjuanco."
Aki whistled. "Tough luck."
"Conjuanco . . ." I repeated in hopes that I'd remember who it was. Wala naman akong nakakasalamuhang Conjuanco.
"And I recently learned that Naiara plays guitar—fuck, she's hot." Enoch sighed and closed his eyes. "Too bad, di pa niya ako ina-accept sa Facebook. Baka ayaw niyang as a friend lang. Bakit ba kasi walang deretso as a girlfriend sa Facebook, hays." He sighed once again.
Aki sneered and pushed the monobloc chair to arrange it. "Hindi ba puwedeng wala lang siyang pakialam sa 'yo? Isn't Naiara a year younger than us?"
"Wait—sandali, sino muna si Naiara?" I asked in confusion. Kanina pa sila drop nang drop ng pangalan tapos di ko naman kilala!
Both of them smirked after hearing me.
And that's how I got into this. We went to watch the intramurals for Grade 12 students. Mabuti na lang na dahil intrams nila, we were given at least a few breaks to watch their games. Si Enoch ay nasa tabi ko lang, si Aki naman ay wala ngayon. Baka may klase siya, pero ang alam ko ay dito rin 'yon nag-aaral.
"To your left," Enoch gestured in a specific direction. His fingers were pointing towards a specific person.
"Manuno ka," saway ko.
"Tao naman ang tinuturo ko! Not an engkanto," sagot niya.
Sinipat ko naman ang direksiyon na tinuro niya. There, I was able to see someone who belongs on the front cover of magazines. My lips pulled apart as my folded arms loosened their grip.
Matangkad siya, balingkinitan ang katawan at ang tambok ng kaniyang likod. Her chest part makes me want to cover mine. Hindi naman sobrang gifted pero sa likod pa lang ay ang yaman na niya. She has a body to die for. Bakat na bakat ang curves niya dahil sa suot niya ngayong jersey.
She's the muse of her strand. Nakakulot ang may kulay niyang buhok; her auburn-colored hair framed her heart-shaped face perfectly. Ang ganda nga niya, kaya pala bukambibig nitong si Enoch.
"Siya si Naiara," Enoch said, then half-heartedly sighed. "Sa tingin mo mala-love at first sight siya sa akin?"
"Sa tingin ko, hindi siya interesado sa lalaki," I said. I could sense her discomfort while wearing the short skirt and jersey. Mukhang napilitan pa ngang mag-muse.
Ang ganda niya pero . . . huwag na lang siyang maglakad.
"'Tang inang lakad 'yan, Naiara! Mukha kang bagong tuli!" sigaw ng isa sa mga audience.
Naiara glared in the direction of the voice. "Ashanti?! Pakyu ka talaga! Ikaw 'tong nag-nominate sa akin sa ganito! Alam mong siga akong maglakad, 'tang ina mo rin, e!"
At huwag na rin siyang magsalita. I gulped. Magandang babae siya pero daig pa ang lalaki sa sobrang laki magsalita; at sa paglalakad naman, parang aabangan ka sa kanto, e.
I chortled as I leaned back in my seat. Nakita ko ang bahagyang pagsita sa dalawang nagmurahan sa gitna ng court. Naiara looked pissed, ang ganda niya kahit galit siya.
Natapos ang programa at si Naiara pa nga ang nanalo bilang best muse. I don't know, but she got an award.
Humikab ako at napalingon sa aking wristwatch. It was advised by our professor to at least wear one. Dapat daw masanay kaming may relo para kapag kumukuha kami ng heartbeat, may titingnan kami.
One hour na lang ay babalik na ako sa klase. Hopefully, Enoch can maximize his effort to persuade Naiara.
"Tara," anyaya ni Enoch na mukhang may balak lapitan si Naiara.
Tumayo na ako at sinundan si Enoch. She was being congratulated by others, and she kept on mumbling short thank yous. Tumama ang tingin niya sa akin. She smiled, may kaakibat itong kiliti dahilan para mamula ako.
Wow, she probably knows her effect on people.
"Naiara," tawag sa kaniya ng isang varsity player. Naiiba ang jersey nito kompara sa mga kasali sa intramurals lang talaga.
"May kalaban ka pa yatang varsity player," bulong ko kay Enoch.
Enoch shrugged. "Kahit magsama-sama pa silang buong basketball team, mas guwapo pa rin ako."
"Di ka nga ina-accept sa Facebook."
"Kaya nga, e. Time na siguro para mag-profile picture ako ng topless," sagot ni Enoch. Kumunot ang noo niya, mukha siyang seryoso.
"Iba-block kitang hayop ka kapag ginawa mo 'yon!" I chortled.
"Nai," tawag n'ong varsity player. May inabot itong rosas kay Naiara.
"Allergic ako sa bulaklak," Naiara said.
"Ah, gano'n ba? Itatanong ko lang kung will you let me court you?"
May mga sipol at palakpakan na naganap sa bleachers. Enoch widened his eyes in amusement. I could see a playful smirk gracing his face.
"Hindi." Naiara shook her head. "Di ako puwedeng mag-boyfriend, e. Pero salamat sa effort, next time, sa iba na lang."
She rejected him. She really knows her worth. Kadalasan kasi, isang merit badge kung ituring ang maka-date ang isang varsity player ng school.
"Damn." Enoch chuckled. "She's going to be so hard to please."
"It's either that, o ayaw niya lang talagang mag-boyfriend."
"Paano mo nasabi?"
I shrugged. "Kapag gusto, may paraan."
Hindi na nilapitan ni Enoch si Naiara nang araw na 'yon. Habang naglalakad tuloy kaming papunta sa building ng College of Nursing, ihahatid ako ni Enoch. O baka titingin lang siya ng prospect ng feelings niya, palibhasa maraming maganda sa nursing.
"I added Naiara on Facebook," saad ko.
"Oh? Sa tingin mo, ilang months bago tayo ma-accept?" aniya.
I glanced at Enoch and smirked at him. Ipinakita ko ang notification na lumabas sa phone ko.
Naiara Losiane accepted your friend request.
"Sorry, maganda yata ako sa profile picture ko." Humagikhik ako.
Enoch pursed his lips. "Daya! Mamaya 'yan sa akin."
"Taray, di nadaan sa profile mong nasa Australia."
Enoch turned serious. "Do you think you can persuade her?"
I smiled. "I'll try, okay? Let's make your dream band come true."
Lumamlam ang mga mata ni Enoch. "Why are you being kind to me? Kung dahil 'yon sa scholarship, I told you, deserve mo. Di mo na kailangang samahan ako dahil lang doon."
It dawned on me. Enoch is sociable, but he has no friends.
'Yan ang napansin ko sa kaniya. He has commitment issues; that's why we're confused on why he's constantly in the coffee shop. Siguro, ayaw niya mang aminin, he treats us as friends.
"It's sad . . ." bulong ko sa hangin.
"Huh?"
"It's sad that I need to have a reason to be kind. That's not how it works, Enoch. And besides, I care about you. Ate Miye mo kaya ako."
Enoch scoffed. "You'll never hear me call you 'Ate.'"
Napahalakhak na lang ako. My eyes flew towards a direction on the field. May isang lalaking nagbasa ng mukha niya gamit ng tubig galing sa bottled water na hawak niya. It was probably to refresh him. Maputi at matangkad siya . . .
Nagtama ang tingin namin kaya medyo napasinghap ako.
His chinky eyes narrowed in my direction. May iilang tikwas ng buhok niya ang basa. And the water was trickling down his body, wetting his white jersey. Kumuha siya ng isang face towel at pinagdadampian ang mukha niya gamit nito.
He doesn't know that most of the attention is on him. He's doing well in captivating the attention of others. Partida, wala pa talaga siyang ginagawa.
"Si Conjuanco," Enoch uttered upon seeing where my eyes were.
"Huh?! Ayan na ba 'yong hinahanap mo? Ang pogi, gago ka. Papayag kang maungusan ka?" I chuckled. Hindi ko tuloy maalis na guwapo rin si North kaya pakiramdam ko tuloy, namimili si Enoch ng kabanda niya randomly.
Enoch snorted. "Si Kiran 'yan. I'm looking for the other one, kaso tambay na ako sa PolSci building, wala pa rin siya."
"Mukhang mahihirapan ka sa mga kabanda mo," I teased.
Muli kong tiningnan si Kiran. He didn't tear our glances away. He smirked lazily before biting the lid part of the bottled water and sauntering his way back on his track.
Ngumisi lang si Enoch. "They're going to be worth it."
I wanted to help Enoch so badly, kaya naman hindi ko tinantanan si Naiara. I followed her so I could ask her directly if she was interested.
Kaso nang sundan ko siya ay maling oras.
May kasama siyang babae at pumasok sila sa isang stockroom sa likod ng pinaka-court ng school. Tambakan ito ng mga di na ginagamit na sports equipment.
My eyebrows furrowed as I checked what they're doing in an abandoned place. Sobrang dalang na may tao rito.
I saw the girl on Naiara's lap. Nakaupo si Naiara sa isang monobloc chair, and they were kissing. Nakapulupot ang kamay n'ong babae kay Naiara. Nai's hand was slowly lifting the girl's skirt.
My eyes widened as I gasped. Natigilan sila at agad akong sinipat ni Naiara. Her eyes dilated as her lips went ajar.
Pinanawan ng kulay ang mukha niya. I turned around and immediately shook my head.
Gaga ka, Miye! Nawalan ng privacy 'yong tao dahil sa 'yo.
I didn't tell anyone. It was none of my business, but the racing of my heart was nonpareil. Pakiramdam ko, may nakita akong dapat walang nakakakita.
I bit my lower lip. It was probably the reason why Enoch is constantly being ignored. But I shouldn't form conclusions based on what I saw.
Kinabukasan ng araw na 'yon, sabay kami ni Enoch kumain sa cafeteria.
"I really want to have a band," he groaned.
"Hmm? Pumayag na ba 'yong mga nililigawan mo?"
"North can't say no. Under siya ni Barbara, and I doubt he'll turn me down. 'Yong dalawa lang talaga, ang hirap kausapin."
"What about Nai—"
Nagulat ako nang may lumapit sa table namin. Umangat naman agad ang tingin namin sa kaniya. Enoch was dumbfounded in his spot, di siya agad nakapagsalita.
She was panting, her eyes puffy. Mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Namumugto ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Hi . . ." Naiara utterance turned low, almost cracking. "Puwede ba tayong mag-usap?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro