Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2


"Bakit kailangang magpakain, pumasa pa lang naman sa entrance exam . . ." pabulong na sabi ng isa sa mga kapitbahay namin na nakapila upang mabigyan ng spaghetti.

Isa rin 'yan sa mga tanong ko ngunit di ko magawang maisatinig. A part of me is just shy that my small achievements are grand for my family. Kahit simpleng handaan lang ito, para sa akin ay masyado itong engrande dahil di naman talaga malaki ang ganap.

Nakakataba lang ng puso dahil ginastusan ni Mama.

"Naku! Ang hirap kayang pumasa sa mga ganiyan! Kung pinag-aral nga lang ako ng mga magulang ko, baka lahat ng eskuwelahan ay sinubukan ko na. Saka masipag 'yan si Miye! Tatlong schools ang napasa niya, pero isa lang ang puwede niyang pasukan," bulalas ni Mama habang naglalagay ng spaghetti sa mga styro na hawak nila.

I wanted to correct her. Gusto kong sabihin na sa tatlong pinag-apply-an ko ay isa lang naman talaga ang tumanggap sa akin. Medyo alanganin pa nga dahil napagbigyan lang ng isa sa mga sponsor ng school. Ang Zaguirre Foundation na tumutulong sa mga scholar at nagdo-donate sa ATU.

After the night of receiving an acceptance letter and an offer that I couldn't resist, I searched for the surname and their lineage. Walang masyadong lumabas dahil mukhang pribadong kompanya sila. Although, they're the ones who established a known entertainment media.

Napapakurap na lang ako tuwing naiisip na kausap ko noon ang isa sa mga Zaguirre. He did look rich, but he didn't make me feel like an outsider. Wala akong narinig sa kaniya bukod sa "Kaysa here" na makakapagsabi na sobrang layo ng agwat namin. Although the covered court did make me feel he was way too far from my league.

"Kailan ka raw magsisimula? Inaasikaso mo na ba? Magdo-dorm ba iyan, April?" dugtong-dugtong na tanong ng kapitbahay naming si Aling Tessy.

"Baka hindi," sagot ni Mama. "Mahal ang mga malapit na space for rent doon. Tumingin-tingin na rin 'yan."

"Hindi kaya mahirap 'yan? Uwian siya?"

Umiling ako saka sumagot. "Kaya naman po. Hindi ko rin matatagalan na di umuwi. Sanay po ako na kasama ang mga kapatid ko."

It was true. Madalas akong ma-homesick kaya nga di ako gumagala masyado. Hindi ako umaalis ng bahay nang di napapalagay na okay ang mga kapatid ko at may nagbabantay sa kanila. I easily miss their warmth, and I couldn't see myself without them.

Mukhang tatandang dalaga na talaga ako. At kahit gano'n pa man ang mangyari, I wouldn't regret it.

"Ma," tawag ko sa kaniya habang inililigpit niya ang pinagkainan ng mga bisita kanina. "Ako na riyan."

"Ano ka ba, Miyerkules? Maging masaya ka naman, magpahinga ka rin. Ako na rito, ha? Tanungin mo na lang ang ibang kapatid mo kung nakakain na . . . si Tuesday, wala na naman sa bahay." Napabuntonghininga siya.

I chuckled. "Nasa kapitbahay lang 'yon."

Umiling-iling siya at marahang nagsalita. "Miye, isang taon lang ang pagitan n'yo pero napaka-isip-bata niya talaga. Hindi ko maaasahan sa kahit ano."

Napangiti naman ako. "Pero siya ang paborito mo, hindi ba?"

Napalingon sa akin si Mama. Tumalsik ang iilang patak ng tubig dahil sa ginawa niyang pagpagpag ng kaniyang mga kamay.

"Miye, ano ba 'yang sinasabi mo? Paborito ko kayong lahat."

I bobbed my head. "Alam ko naman 'yon . . ."

It was not an outspoken truth. She has her favorites. Lahat naman sila.

Natahimik si Mama at napalingon sa mga ginamit na plato. "Kung kumain na ang mga kapatid mo, punasan mo na lang ang mga 'yan. Aakyat na ako para makapagpahinga na rin."

Tumango na lang ako. Great, you ruined the mood, Miye. Kinuha ko ang isang malinis na basahan at nagsimulang magpunas na. I watched as Mama went upstairs with her shoulders slumped. Lalo tuloy akong na-guilty. Hindi ko naman inaasahan na iba ang maiisip niya sa sinabi ko.

Tuesday was indeed her favorite child. Pero para din sa karamihan, si Tuesday ang pinaka-bulakbol sa aming magkakapatid. She's the troublemaker, they say. Masakit siguro para kay Mama na ang paborito niyang anak ang pinakamababang tinitingnan ng iba. Tuesday has her looks, while I inherited most of my Papa's features.

Pero hindi ako paborito ni Papa. Si Monday ang paborito nito dahil ito ang panganay na lalaki. Ito ang kadalasan niyang kakuwentuhan ng mga kung ano-ano. Ewan ko ba, baka tungkol sa sparring nila ni Nanay o sa mga pag-aayos ng makina.

I am no one's favorite. Kaya siguro nang magpakita sa akin ng interes si Leand, masyado ko itong dinibdib. I gave him all of my love. Wala akong itinira para sa sarili ko. It still hurts me that he views me as a hindrance for his new lover. Ang sakit na bukod sa nakaraan na lang ako, isa pa akong masalimuot na alaala sa kaniya.

I wished we could have ended in a good way. Pero hindi talaga yata ito puwede.

Astrid:

Can we talk?

May aamin lang sana ako, Miye.

I received a series of messages from Astrid. The truth was, I really didn't want to respond anymore. Kung pupuwede nga lang na i-block na lang sila sa buhay ko ay ginawa ko na. Pero naniniwala naman ako na sayang pa rin ang pinagsamahan naming dalawa.

Miye:

Ano 'yon?

Astrid:

In person, please.

Miye:

Sa isang fast food ba magkita tayo?

Astrid:

Kung okay lang sana?

Miye:

Okay.

I sighed to myself. Kasalanan mo ito, gaga ka. Kapag may nangyaring sabunutan, ipapa-spaghetti pababa pa kita. I kidded to myself. Hindi ako papatol sa gano'n. Bukod na kadiring makipag-away dahil sa lalaki, di naman worth it si Leand.

Mabilis akong nagbihis ng pang-alis. Usually, T-shirt at pantalon lang ay okay na ako. Pero hindi ko alam kung bakit naakit akong maging hubadera ngayon. I wore a beige crop top and tattered shorts. Tawang-tawa ako nang mabuga ni Monday ang iniinom niyang tubig nang mamataan niya ako pababa ng hagdanan.

"Ate?! Ano 'yan?!"

"Kapag Friv lover, manahimik!" I warned him. Subukan niya lang akong pagpalitin ng damit.

He shook his head. "Hindi naman sa gano'n! Pero bakit suot mo ang damit ni Tues?!"

"Akin 'to!"

It felt liberating to finally wear what I wanted. I have always been modest because it's both cheap and practical—and Leand likes it whenever I'm covered from head to toe. E, tapos naman na kami. Wala na dapat akong pakialam sa opinyon niya.

Nagkita kami ni Astrid sa isang malapit na fast food. Halos isang kalye lang ang layo ng bahay nila sa amin. The reason why we were friends in the first place, we're almost at each other's rear view.

"Miye!" Napaigtad siya nang makita ako.

I only shrugged it off. "Astrid. Bakit kailangan nating mag-usap? If it's because of the scene before, okay lang. Di ko naman dinibdib."

"Yeah, I'm really sorry about that. I was at the height of my emotions. Nagulat din ako sa lumabas sa bibig ko. Gustuhin ko mang bawiin, it's too late."

"It's okay, really."

"Really?" She perked up.

Tumango ako. I affirmed, "Really."

I don't know. Totoo naman na dapat hanggang ngayon ay hindi ako okay sa nasabi niya. But I'd rather choose to understand her.

Bilang panganay, nasanay akong unahin ang nararamdaman ng iba, lalo na ng mas bata sa akin, kaysa sa sarili kong emosyon.

I'm the oldest, they say; I should know better. Mas matanda ako, kaya dapat mas mapagbigay ako. Adjusting was normal for me. Kaya okay lang talaga.

Okay lang.

It took years before I mastered being this understanding. Hindi pa naman napipigtas ang natitira kong pasensiya.

I saw Astrid eyeing my top and the way my shorts tightened my thighs. Umangat ang tingin niya sa akin.

"Totoo ba, Miye?"

My brows immediately knotted. "Na ano?"

She gulped. "Nagbago ka kaya naghiwalay kayo ni Leand?"

My eyes widened. Napasimsim ako sa hot chocolate na binili ko kanina. "Hindi? Ako pa rin si Miye."

"The way you dress . . ."

"Gusto ko lang namang subukan? At matagal naman na akong nag-sho-shorts?"

Her eyes showed intense empathy that irked me somehow. I felt I was being painted as someone I am not.

Napabuntonghininga siya. "Leand still cares about you."

"I doubt."

"Isang taon din kayo, Miye—"

"Nagkukuwento pa rin ba si Leand ng tungkol sa akin?" tanong ko upang matapos na.

She couldn't respond.

I grinned. "Does he even talk about me? Or if he does—is it good? Maganda ba ang sinasabi niya sa akin?"

"Miye . . ."

"Astrid, I don't know. Kaibigan kita, mas nauna tayong dalawa kaysa sa inyo ni Leand—" I got cut off.

She flushed, as red as a beet. "W-wala pa kami ni Leand! Miye, w-wala pang kami."

"Pa? May balak ka nga? May balak nga kayo? Astrid . . ." I sighed. "He's not really that good."

Her eyes glowered with anger. "Miye! Stop bad mouthing him! Hindi mo pa siya lubusang kilala."

Nagtaas ako ng kilay. "Astrid? Sa 'yo mismo galing na isang taon kami ni Leand. He wasn't a good boyfriend—"

"But you weren't a good girlfriend either!"

I was dumbfounded. My lips went ajar as I found myself staring at her with a hollowed chest. She panted after she spat those words out. Kahit siya ay natigilan dahil doon.

"Astrid?" untag ko habang nagtatagis ang bagang.

"You have to admit it yourself, Miye. Ikaw ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ni Leand. He was always there for you. Nandoon ako no'n. I can attest to how he loved you. Sana hindi maging masama ang tingin mo sa kaniya. He only wants the best for you."

"Clearly, he knew that I deserved better than what he's offering me," I blurted out.

"You didn't want to understand his side . . ." Astrid said with her eyes slowly watering.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. I have always tried to understand them. Kahit pinagbabaliktad ko na ang bawat pahina ng mga pahayag nila para lang maintindihan sila.

"Do you want me to say that I was the reason why we broke up?"

Astrid stared right back at me. "Miye, Leand wouldn't want to break up because of a nonsense reason . . ."

There was a huge bile on my throat. Pinasadahan ng dila ko ang pang-ibabang labi ko bago ako ngumiti.

"Gusto mo bang malaman ang rason, Astrid?"

"Miye . . ."

"He loves you," I said straightforwardly. "He told me that one day he woke up and he wanted to be with you rather than staying with me. Pumayag ako, hindi ko na siya pinigilan, at kung sakaling manliligaw siya sa 'yo . . . would you give him the chance?"

Hindi siya umimik. Her eyes shifted away from me. Nakita ko ang bahagyang paggalaw niya sa bracelet niya. My heart clenched because it has an initial that seems familiar but also distant to me.

"Do you like Leand, Astrid?"

"Miye . . ." Umangat ang tingin niya sa akin.

"Ano? Do you?"

"I'm sorry." She started to sob. "No'ng wala na kayo, hindi ko alam kung bakit nag-iba ang tingin ko kay Leand. He has always been your boyfriend, but when you broke up . . . Miye, I'm so sorry."

"So, gusto mo nga?" paratang ko. Naninikip ang dibdib dahil sa halo-halong emosyon.

"Mahal ko na si Leand, Miye."

She started to cry in front of me. Napahawak siya sa bracelet niyang may letter 'L' na naka-engraved.

I gave a long sigh. "Astrid, tandaan mo ito. Hindi ko sinisiraan si Leand. He wasn't good to me. Madali siyang magsawa, hindi siya umaako ng kasalanan niya, at higit sa lahat—you know what? I'm tired. It will be your choice from now on. Is it me or him?"

"B-bakit mo ako pinapapili?" She sobbed. "This is also hard for me, Miye. Kaibigan kita . . ."

"Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit kaya mong intindihin si Leand pero ako, hindi . . ." anas ko.

It was simple. Leand broke my heart for her. Hindi man si Astrid ang may gawa, kapag pinili niya si Leand, I'll feel the weight of her betrayal more. Alam niya kung ano ang ginawa sa akin ni Leand. She knew that he broke up with me and replaced me immediately—worst, for my very own best friend.

"I love him, Miye."

It took three words from her to crumple me like a paper. Tinitigan ko lang siya. So, it was mutual after all?

"Okay."

I understand.

Hinatid ko si Astrid pabalik sa bahay nila. We didn't talk to each other after the confrontation. Apparently, she only talked to me because she wanted to clear her intentions. She wanted me to know that she does indeed love him back.

Tuesday:

Saan ka na raw

Tanong ni Mama

Miye:

Umiinom kamo.

Ng coffee.

Tuesday:

Gaga ka, di ka nagyaya.

Ay gaga talaga! Ako na bahala, inom well!! akala ko walwal era mo na.

Nasa isang coffee shop lang ako na hanggang ngayon ay bukas pa. I ordered an iced coffee as I digested everything that is currently happening in my life.

I wished I wasn't as understanding as I am today. Sana marunong na lang din akong maging insensitive, maging pabaya, at mawalan ng simpatya sa mga masasaktan ko kung sakali.

Ang hirap na kailangang ako palagi ang nakakaintindi.

Ang hirap kasing umintindi ng tao palagi. You always have to bend your own principles and beliefs just to understand where they're coming from.

"Aki! Ikaw ba ang papalit muna sa kuya mo?"

"Oo," someone answered with a hoarse voice. Tunog malamyos ngunit pagod. "May date sila ni Ate Barbara."

Napalingon naman ako sa kaniya. He was removing his polo, tinatanggal niya ang iilang butones nito. His chinky eyes squinted as he looked at his own buttons. Moreno siya at matangkad. His hair was disheveled because it was a bit long on the sides.

Naramdaman niya ang tingin ko kaya napalingon din siya sa akin. I shifted my sight because I didn't want him to think that I was interested or something. Base sa uniporme niya, senior high school pa lang siya. Sa tangkad ko, may mas matangkad pa palang mas bata sa akin.

I mean, senior high school din namin ako. Pero college na ako sa school year na paparating.

"Darating si Enoch mamaya?"

"Baka, saglit lang ako dito dahil darating din naman si Kuya at si Ate Barbara."

Enoch. Nanlaki ang mga mata ko. My scholarship came from the Zaguirres. Di ko alam kung may kinalaman siya pero ang hula ko ay oo. Di ko nga lang alam kung bakit niya ako tinutulungan. It would be a vague reason for me, kahit saang parte ko tingnan.

Paalis na sana ako nang biglang tumunog ang bell sa itaas ng pintuan. I looked up and saw a familiar guy. Naka-puti siyang T-shirt at sweatpants na gray. He sported a quick grin upon entering the vicinity.

"Enoch," bati sa kaniya n'ong Aki na ngayon ay may apron na kulay brown.

"Nasaan na sina North at Barbs? Grabe naman, baka magkapalitan na sila ng mukha? Palaging magkasama."

"Inggit ka lang, e." Aki shrugged. "Palibhasa walang tumatagal sa 'yo."

"Kapag NGSB, di valid ang opinion sa akin." Enoch chuckled.

Medyo nagulat ako nang sinipat niya ang direksiyon ko. His eyes widened and he smiled at me.

"Miye?" he asked.

Ngumiti naman ako. He remembers; for some reason, it surprised me.

"Enoch," I greeted back. "Thank you pala sa—"

He dismissed me by waving his hand. "Deserve mo, no need to thank me."

"Still, I appreciate it."

I was supposed to unwind for a bit. Pero dahil kay Enoch ay tumagal ang usapan namin. I was two years older than Enoch, base sa kuwentuhan namin. He seems nice, but he's very playful.

"Aki, si Miye," pagpapakilala sa akin ni Enoch.

Aki only nodded at me. Tumango na lang din tuloy ako sa kaniya. What am I supposed to say?

"Nursing ka sa ATU?"

Mabilis akong tumango.

"Pareho kayo ni Kuya . . ." Aki chimed in.

"Kuya?"

Aki shrugged. "Kuya North."

North. It reminds me of the person in the rain. 'Yong may girlfriend. Napailing naman ako. Sobrang coincidence kung iisa lang sila.

"Baka same block lang din kayo. Puwede kang manghingi sa kaniya ng notes kung sakali. Masipag 'yon."

I only chuckled. "Masipag din ako! Kaya ko na siguro. Pero kung sakali man, I'll try to talk to him."

Not.

Baka umiwas akong kumausap ng mga may girlfriend.

Ayokong maging katulad sa nangyari sa amin ni Astrid. I don't want to cause doubts to anyone just because I got close to their boyfriends. Kahit pa sabihin na sobrang tiwala sila sa isa't isa, ako na lang ang lalayo.

I got Enoch's number after the small talk. Sobrang sociable niyang tao. Ako pa yata ang naubusan ng laway dahil sa kaniya. He doesn't talk often, but he can make you talk to him all day. Masarap siyang kausap.

Enoch Zaguirre sent you a friend request

I accepted his request. Ang picture niya ay ang sarili niya habang ang background ay isang lugar sa ibang bansa. Nananampal talaga ng kayamanan ang isang ito.

Wala pang limang minuto ay may natanggap na akong mensahe mula sa kaniya. I was preparing the uniforms of my siblings when I took the time to reply to him.

Enoch:

North wants to meet you.

baka block mates daw kayo. North Barrinuevo. may gc na yata sila para sa freshmen.

Miye:

North? Kapatid ni Aki?

Enoch:

yuuppp

mabait yon

Miye:

Di na siguro kailangan.

Nahihiya rin ako.

Enoch:

huh???

bakit ka nahihiya? haha

😭 Miye di naman kita nirereto. is that it? may gf si North.

Miye:

*Ate Miye

Alam ko. Kaya nga nahihiya ako. Baka ano pa isipin ng gf.

Enoch:

*Miye :p

nah, trust me.

North is friends with everyone. Barbs wouldnt mind. Friend lang naman.

ayaw mo ba na may friend na so you wouldn't feel alone sa ATU?

Miye:

Ewan ko sayo.

Makakausap ko naman siya kung kailangan, Enoch. wag mo na ako ipakilala.

I don't know why I feel awkward talking about North. Di ko pa naman kilala 'yong tao. Di ko maiwasan kasi na maisip kung ano ang iisipin ng girlfriend niya kahit kaibigan lang naman.

My first day at ATU wasn't as smooth as I thought it would be. Commute lang ako kaya medyo hassle dahil sa traffic.

"Una na po kayo," the guy beside me said to the elderly woman who came from the market.

Napalingon ako sa kaniya habang iniisip ko kung may penalty kaya kung male-late ako sa first day. Worst, di ko alam kung may flag pole ceremony ba kapag college na.

"Salamat, hijo!"

"Wala po 'yon." He smiled; it reached his eyes as he helped the woman carry her tote bags. Nauna na siya sa jeep.

North.

I was sure it was him.

Putang ina.

Kinakabahan ako kasi pareho kami ng direksiyon. Isang sakay na lang ng jeep papunta sa ATU. Kasalanan ko kung bakit ako late ngayon, ang tagal kasi magising ng ibang kapatid ko kaya late na rin ako nakakilos para sa aking sarili.

Pinigilan ko ang sarili kong i-stalk siya dahil nga may girlfriend. Pero di ko talaga maiwasan na masabihan siya ng guwapo sa isip ko. His hairstyle was kept, parang walang tikwas ng buhok ang wala sa puwesto. His uniform was neat and tidy. He was just too clean to look at. Kahit ang sapatos niya, ang kintab-kintab. Nakita kong napasulyap siya sa relo niya.

May humintong jeep, isa na lang yata ang kasya. I gulped because it took at least thirty minutes for another one to arrive, sobrang late na talaga ako! Last chance na ito kung sakali para di ma-late.

"Mauna ka na," bulong sa akin ng katabi ko.

Umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Pinauna ko 'yong matanda kanina, ikaw na talaga ang susunod."

"Ah, okay lang. Naiintindihan ko naman kung bakit nauna 'yong matanda."

North frowned; his brows were perfectly trimmed. "Mauna ka na, susunod na lang ako. Mas malakas ako sa professors dahil sa ATU na ako nag-aral noon. Okay lang talaga. Huwag mong hayaan na ikaw ang mahihirapan porke't naiintindihan mo 'yong sitwasyon."

His voice felt like tranquility amidst the busiest streets. A gentle reminder in the middle of the constant nagging. Napalingon ako sa kaniya.

"Thank you, Barrinuevo," I said before rushing towards the jeepney. Mas okay na siguro kung apelyido? Mas formal? Mas walang bahid ng malisya?

I looked back at him. Lalong kumunot ang noo niya sa akin habang nagtatahip ang dibdib ko dahil sa binanggit ko. Humarurot na ang jeep kasabay ng puso kong tumatalbog sa kaba at hiya.

Doon ko lang napagtanto kung bakit.

Putang ina, di nga pala niya ako kilala! For sure, nagtataka 'yon kung paano ko nalaman ang apelyido niya!

(:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅:♡:]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro