Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

It's scary that even if life has patterns—most of them are unpredictable; because while I was staying in the darkest place that I was currently in, I didn't know when or how I could get out of there.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging masaya dahil alam ko, babalik din naman ako sa lungkot, babalik pa rin ako sa pilit kong tinatakbuhan, at babalik pa rin ako sa sakit na pilit kong tinatapalan.

I wonder . . . when will I ever lose feelings for the people that I don't have anymore?

Not much happened after that, and my life resumed just like how it rolls. School, band duties, and, well, my sister duties were also keeping me busy from thinking about Leand and Astrid.

Nakaupo ako sa dining area at nagbabalot ng shanghai nang dumating si Tuesday na bagsak ang balikat. Nasa eskuwelahan pa ang ibang kapatid ko kaya ako lang at si Monday na naglalaro ngayon ng Friv ang nasa bahay. I was making balls out of the fillings of the shanghai when she came in. Her eyes were puffy.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ko habang inilalatag ang palaman sa mismong wrapper.

Ngumiti lang siya. "Maghugas lang ako ng kamay, 'te, tulong din ako riyan . . ."

I followed her with my visage. Para siyang nanghihina habang papunta sa kuwarto upang magpalit ng damit. Gusto ko sanang tanungin kung bakit ba siya mukhang kagagaling lang sa iyak, pero mukhang wala naman siyang balak na kausapin ako tungkol doon.

Nakakalungkot na minsan, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang malayo sa 'yo. May mga panahon na pakiramdam ko ay hindi ko kilala si Tuesday. Monday is too childish to even have a conversation with me. Ang kambal naman na sina Sunday at Saturday ay madalas nasa simbahan. Friday is still a kid, and he's not really talkative. Ang bunso naman na si Thursday ay may sariling mundo rin.

Minsan nga, iniisip ko kung mas kaunti ba kami ay mas close kami? The thought always lingers for me that if we were just close to each other . . . maybe I wouldn't feel like everything's a burden. Hindi ako mape-pressure dahil sa kanila.

Hindi naman nila kasalanan na nape-pressure ako. Hindi naman nila kasalanan na nandito ako ngayon sa isang kurso na hindi ko naman alam kung gusto ko talaga. Hindi rin nila kasalanan na pakiramdam ko, kapag nagkamali ako, panghabambuhay na ito at madadamay sila.

I couldn't blame them just because I'm the eldest—the firstborn. Hindi rin naman nila ginusto ang posisyon nila sa bahay.

Natapos ako sa pagbabalot ng shanghai at inilagay ko na ito sa ref. I washed the plates I used and my hands. Tinitingnan ko si Tuesday na tulala. Wala akong masabi sa kaniya.

In the midst of my concern for my sister. My phone beeped. I immediately looked over it and saw a message from North.

North:

Okay ka na ba?

Wala naman ginagawa ngayon. Gusto mo bang lumabas?

My lips perked up into a small smile. I replied.

Miye:

Tayo lang? haha

North:

Gusto mo bang may ibang kasama?

My cheeks flushed. Ibig sabihin, kaming dalawa nga lang. Nanginginig ako habang nag-iisip ng ire-reply. Pota naman, parang first time kong lalandi?! Wait, landian na ba 'to? Lalabas lang naman kami!

"Ate, nag-text si Mama na di raw siya makakauwi. OT daw siya. Ikaw raw muna ang magbantay sa bahay . . ."

Nanlalaki ang mga mata ko kay Tuesday. "Ano?! Bakit ako?! Ba' di siya uuwi?!"

Malaki naman na 'yong bahay namin, bakit kailangan pang bantayan? May paa ba ito?! Gagala ba ang bahay namin kapag umalis ako? Na-frustrate ako bigla!

Tuesday mirrored my expression. "Huh? E kasi ikaw inutusan? Ano ba meron? May gagawin ka ba?"

Napamura ako at napatili sa inis. Paano na 'yan?! Naiiyak ako sa inis dahil minsan lang mag-aya si North. 'Tapos kaming dalawa lang! 'Yong kilig ko, biglang naudlot!

I bit my lower lip.

Miye:

H-hindi pa kasi ako puwede ngayon pero puwede bang pa-reserve ng paglabas na 'yan? haha

Pota naman, pati sa chat ay nauutal ako! Bakit ako nauutal doon? Nakakahiya pero hindi ko naman na puwedeng i-edit. Kumakalabog ang puso ko. Paano kung di siya pumayag? Sayang naman 'yong effort kong magtanong!

Agad akong naka-receive ng reply mula sa kaniya.

North:

Hala, okay lang. Kahit kailan, mahal.

My eyes almost left my eye sockets in surprise. Hindi ko napigilang iuntog ang sarili ko dahil sa nabasa. Mahal?! Pinanindigan na niya talaga ang mahal?! Ayoko na nga! Nangingisay na nga ako rito, Norte! Di kita puwedeng mahalin kaya baka murahin na lang kita!

North:

*Miye !

Nag-autocorrect :(

Huh?! Autocorrect ka riyan?! Wala naman sa dictionary sa English ang mahal! Ako pa ang susubukan nito! Nangingitngit ako habang gusto ko siyang aminin na sinadya niya 'yon.

Pero puwede namang idagdag sa autocorrect ang word na 'mahal' kapag madalas gamitin. My fingers froze. Kanino naman niya kadalasan gamitin? Ah, naman! Ayoko na ngang isipin! Bahala ka riyan, Norte!

I wasn't even able to notice it, but in my third year as a nursing student, mas naging close kami ni North. Hindi na kami awkward sa klase dahil pareho kami ng blockings at pareho rin naman kaming regular students. Ideally, mas maganda na maging irregular kapag tulad ka ni North, pero ayaw kasi ni North na ma-delay ang graduation niya. Kaya heto siya, madalas ay walang pahinga.

"Sino pala ang nagbabantay kay Trina kapag wala ka?" tanong ko kay North habang wala pa ang professor namin sa oras na ito.

"Aki," sagot ni North. "Malapit naman nang mag-Grade 5 si Trina. She's mature despite her age. Maiintindihan naman niya 'yon."

"Ang bunso?"

"Si Tim?"

"Ay, wow, hindi siya direction? Akala ko, South name niya, e." I mused.

Tumawa si North. "Southerina name niya! Pero Tim tawag namin kasi timog."

Nagtaka naman ako. "E, paano si Aki?"

"Hmm?"

"Archimedes . . ." nagtatakang saad ko.

"Si Papa kasi ang nagpangalan kay Aki bago siya umano . . . umalis sa amin. Paborito niya rin si Aki kaya iba ang pangalan nito sa amin."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. North noticed the shift of my mood and laughed.

"Huy, okay lang. Paborito ko naman ang sarili ko. Di ko naman dinidibdib kung siya ang paborito ni Papa . . ."

Bigla akong tinubuan ng hiya. Pakiramdam ko ay napipilitan siyang magkuwento tungkol sa papa niya. Alam ko na hindi sila in good terms. Walang larawan ang papa nila no'ng bumibisita pa ako sa kanilang bahay. Kung patay man 'yon, e, di sana kahit picture na luma ay mayroon, ngunit wala talaga.

"Sorry," sabi ko.

Umiling lang si North at binigyan ako ng matipid na ngiti. "Sanay na. Hindi na rin naman masakit kapag tinatanong sa amin kung bakit wala kaming ama. Siguro, kay Mama mas masakit dahil minahal niya 'yon, e. Apat nga kami. Kung di ba niya minahal si Papa, bakit naman times four kami, di ba?"

I stifled a laugh. It's nice that even if he didn't grow up in what people consider a functional family, he still became a filial person. Napalaki siya ng mama niya nang maayos. Most people would often misjudge them . . . but truly, they are the ones who are strong from the start.

They didn't learn through the guide of their parents but through the guide of their own compass. Buhay na mismo ang nagturo sa kanila kung paano ang buhay.

"Ikaw ba? Paborito ka?" tanong ni North.

I smiled. "Hindi, e. Paborito sigurong mapagalitan?"

Nangunot ang noo niya. "Hm? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I get scolded for things that my brother or sister has done or haven't done. Nakabasag ng pinggan? Hindi kasi binantayan ni Wednesday. Hindi plantsado ang damit? Hindi inasikaso ni Wednesday. Walang nalutong pagkain? Hindi kasi nagluto si Wednesday. I feel like, lahat na lang . . . kasalanan ko."

Walang umimik sa aming dalawa. I wonder if North feels the same too. Getting the blame for things you can't control?

"Kapag nagkaanak tayo, di natin ito ipaparanas sa kanila, ha?" seryosong saad ni North, kaya naman umawang ang labi ko sa kaniya.

Anak? Namin?

My cheeks reddened.

"I mean, kapag nagkaroon tayo ng pamilya. Sana natuto na tayo. Sana tayo na 'yong huli. Sana sa susunod, hindi na magiging obligasyon ang pagiging anak . . ." paliwanag ni North na namula rin ang mga pisngi.

"Oo naman." I smiled and looked towards the door. I don't even know if I want kids right now, North. Iniisip ko pa ang mga kapatid ko, mga magulang ko, at baka nga pati kamag-anak ko pa. Saan ko isisingit ang anak ko roon? I would never know.

Hindi ko na rin inaasahan na magkakaroon pa ako ng jowa pagkatapos kay Leand. It would take time for me to find love again. Kontento na ako sa happy crush lang, at alam ko naman na si North 'yon. Hindi ko na rin kayang i-deny pa. Kahit nga mali ang sagot niya sa recitation, pumapalakpak ako para kunwari, tama! Gano'n na ako kahulog sa kaniya.

Tatanggalin ko na lang ang feelings ko kapag nandiyan na si Barbara o papalit man sa kaniya. But I doubt someone can even replace Barbara in North's heart. 'Yong breakup nila? Ramdam ko na di pa tapos 'yon na hanggang ngayon, sumasagi pa rin sila sa isip ng isa't isa.

"Pero bakit di na niya kinakausap?" tanong sa akin ni Marah, isa sa mga blockmate namin. Naglalakad kami patungo sa lockers namin.

"Huh?"

"Kung di pa naka-move on si North, bakit di na niya kinakausap si Barbara?" aniya. We were talking about Barbara and North for some reason.

"Kasi nga, ayaw ni Barbara . . ." I explained once again. "Pero alam ko naman na kung di lang siya pinigilan ni Barbara, baka LDR ang dalawang 'yon."

"Pero kasi, 'te, paano makaka-move on si North kung mismong mga tao ang ayaw siyang tigilan sa paglapit kay Barbara? Isipin mo 'yon, hanggang ngayon ay bukambibig mo pa rin 'yong tao. Mas nakakapagkuwento ka pa kompara kay North mismo. Parang ikaw pa nga ang ex na di maka-move on," Marah pointed out.

Natigagal ako roon. Marah has a point. A part of me always finds a way to enter Barbara's name when North comes into the conversation. Parang ako nga talaga ang di pa maka-move on sa kanilang dalawa.

Habang nasa locker room kami ay nagulat ako dahil may nalaglag na choco mallows na may nakalagay na kulay pink na note sa ibabaw.

Kapag nakikita kita, nagiging kasinlambot ako ng choco mallows na ito. Thank you for making me feel that way, Miye.

"Matalino 'yan, 'te. Bobo mag-pickup line, e," asar ni Marah nang mabasa ang nakasulat. "Pero in fairness, ha?! Ang ganda ng sulat niya."

I tilted my head in confusion because I had no idea who it could be. May nagagandahan pa pala sa akin? I always go to school barefaced. Minsan lang ako nakakapag-ayos kapag may ganap sa banda. They mostly do fan events now since a concert is already on plans. Hinahabol lang ngayon ang kanilang unang album.

Nangingiti ako habang pabalik sa classroom namin. Tinutukso ako ni Marah na mahaba raw ang buhok dahil nakakatanggap pa ng mga ganito kahit college na. Kahit nga ako ay di makapaniwala! The thought was flattering because I never thought I was still capable of being admired.

Umangat ang tingin ko sa isang pamilyar na bulto. Sa hagdanan ay naabutan ko ang isang hinihingal na lalaki. He looked back at me and adjusted his eyeglasses.

Si Aki pala.

His hair was a bit longer now. It was now growing past his ears. Ang mga singkit niyang mga mata sa ilalim ng kaniyang mga salamin ay nanatiling nakatingin sa akin. His eyes then traveled on what I was holding. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Aki! Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya nang malapitan ko siya.

"Bawal ba?" masungit niyang sabi. His hair was a bit wet, siguro dahil sa pawis? Pero amoy-baby siya. He looked like a kid who just finished playing, bimpo na lang sa likod ang kulang.

"Ang layo kaya ng College of Nursing sa building ng architecture." Kumunot ang noo ko. Halos tatlong building ang pagitan kaya nga di ako gumagala masyado rito, e. Baka kalansay na ako kung lilibutin ko ito nang ilang oras lang.

"Pupuntahan ko dapat si Kuya . . ." he said. Pinunasan niya gamit ng likod ng kaniyang kamay ang kaniyang pawis. Nasa lahi talaga yata nila ang never maging dugyot. Ang linis pa rin niyang tingnan kahit pawisan.

"Gano'n ba? Sabay ka na sa amin. Baka nasa classroom na rin naman ang kuya mo," anyaya ni Marah sa kaniya. "Ilan ang agwat n'yo ni North?"

"A year," sagot ni Aki.

"Ay." Marah nodded and nudged me. "Puwede na. Sa 'yo na ang kuya, Miye. Akin na ito. Architecture, 'no? Sakto, never pa ako nagkaroon ng arki na jowa . . ."

I hissed. "Ano ka ba? Ate na tayo sa paningin niya. Saka, baka may girlfriend 'yong tao . . ."

"Wala akong girlfriend!" agap ni Aki. "Hindi pa ako nagkaka-girlfriend, Miye."

I was startled. Hindi ko inakalang nakikinig pala siya sa amin ni Marah. Nahiya naman ako bigla dahil baka isipin niya ay seryoso kami. Of course not, bata pa talaga si Aki sa paningin namin, o baka sa akin lang dahil halos kasing-edad niya si Tuesday.

"Sasabay ka na ba sa amin, Aki? Baka kasi nandoon na rin ang kuya mo . . ." ani Marah.

Umiwas ng tingin si Aki. He bit his lower lip before looking at us again. "Okay na, di ko na kailangang kausapin si Kuya."

"Sayang naman ang tinakbo mo kung di mo rin pala makakausap si North. Gusto mo bang ako na lang ang magsabi sa kaniya?" I offered since I was going to meet his brother anyway.

His eyes went towards my hand. Isang maliit na ngiti ang gumawad sa labi niya. "Di naman naging sayang."

Napatingin naman ako sa kamay ko. It was the choco mallows. Hindi ko alam kung bakit biglang napuno ng kaba ang dibdib ko. I looked at Aki, but he was already walking away from us.

Hindi naman siguro?

Kompara sa oras na magkasama kami ni North, mas maikli ang nagugol ko kay Aki. Sandali lang kami naging magkasama sa trabaho noon. Minsan ay di pa kami pareho ng shift, pero di ko naman itatanggi na naging close kaming dalawa.

I wanted to confirm it myself, so I immediately used my favorite and most-used bait.

Miye:

North, puwede ko bang bisitahin si Westrina? After classes? Wala naman yatang rehearsals ang anag ngayon base sa schedule nyo. Want ko lang sana makasama, hehe. Miss ko na rin kasi.

North:

Sige po.

I abruptly went for a quick shower. I grabbed some tight jeans and tucked a T-shirt inside it before going to the mirror to check how I looked. Kumuha lang ako ng suklay at inayos ang buhok ko na hanggang balikat ko na.

Nanlalamig ako habang nasa biyahe papunta kina North. Lumipat na sila sa isang subdivision, at halata naman na mas maykaya na sila ngayon. They actually have a restaurant now, pero ang alam ko ay sa probinsiya ito nakatayo at ang lola nila ang namamahala.

I'm so proud of North.

I rang the doorbell and waited patiently. Agad naman itong binuksan at bumungad sa akin si North sa naka-puting T-shirt lang. He looked like he waxed his hair, but I might just think he also tried to look good in front of me.

Ang assume-era mo talaga kahit kailan, Miye.

"Hi," I greeted.

Ngumiti siya. "Hello, Miye."

"Ah, so ano." I laughed. "Sorry kung biglaan? Na-miss ko lang si Westrina dahil ang tagal na rin no'ng huling usap namin. Also! Manghihiram na rin ako ng notes. Dala-dala ko pa nga ang notebook ko."

I raised my Cattleya notes for one of our subjects. Tumango naman si North. "Sure, 'tapos naman na ako roon. Kunin mo na lang 'yong sa akin bago ka umuwi o pagkatapos n'yo ni Trina."

"Nurt! Tapos na ako sa maja! Nurt! Nasaan ka na, Nurt?!" Tumakbo palabas si Trina kaya naman agad niya rin akong nakita. "Maeye! Maeye ko! Ate Maeye!"

Nagsimula siyang lumukso habang papalapit sa akin. Agad ko siyang sinalubong at niyakap upang kargahin.

"Excuse me, kakain na kami ng maja blanca ni Trina," sabi ko habang papasok na kami ng bahay nila.

"Selos si Nurt, heh-heh," Trina giggled. North only rolled his eyes and playfully materialized a smile on his face.

"Hmm? Bakit?"

"Maeye." Trina leaned in to whisper. "Secret."

We ate maja blanca that North and Trina made. Gumawa pa pala talaga sila ng meryenda para sa akin. Sayang lang daw na wala si Aki dahil siya ang magaling sa pagluto ng mga kakanin.

"Maeye." Trina rested her head on my shoulders. "Pili ka na sa mga kuya ko. Gusto na kita nasa bahay."

"Huy," sabay naming saway ni Northy kay Trina.

Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim naman si North dahil sa nasabi ni Trina.

"Heh-heh, kilig ka, 'no? Want mo rin?" tukso ni Trina sa akin. I slightly nudged her. Kumain ka na lang ng maja blanca riyan, Trina!

Maagang nakatulog si Trina dahil sa pagod. May sarili na itong kuwarto kaya naman halatang nakakagaan na sila sa buhay. My agenda of knowing if Aki was the one who gave me the choco mallows failed. Wala raw kasi itong pasok kinabukasan kaya naman nasa probinsiya ito kasama ng kanilang lola. Dapat pala, si Aki muna ang t-in-ext ko.

"Una na ako, North . . ." paalam ko sa kaniya.

"Teka, Miye. Hatid na kita . . ." Hinawakan niya ako sa aking pulso. I immediately withdrew my hand. A jolt of electricity passed to me in just a minute.

"Hindi na! K-kaya ko namang umuwi mag-isa," I said.

North only nodded. "You sure?"

"Oo, thank you pala sa oras," I affirmed.

Sa huli ay hinatid pa rin ako ni North sa sakayan. He didn't mind walking with me. Nangingiti naman ako habang kasama siya. I won't pursue this feeling. Mas okay na ako sa ganito kaysa naman hulog na ako 'tapos may hinihintay lang pala siyang bumalik sa kaniya. It would hurt less this way since I cannot deny this attraction anymore.

I know I like North, and that's it.

Sa bahay ay nakatulog agad ako. Kaya naman nang magising ako ay nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa orasan.

My notes. Natataranta ko itong hinanap sa buong kuwarto. I don't remember carrying any notes last night. Baka naiwan ko kina North 'yon at dahil sa pagod ay nakalimutan ko na itong gawin.

Sasabihin ko na lang ang totoo. Hindi naman istrikta ang teacher namin doon, pero medyo fair talaga siya sa mga ipinagagawa niya. I'll probably have a deduction, but it was my fault anyway.

Pumasok ako na nakabusangot, pero agad akong hinanap ni North. Napilitan tuloy akong ngumiti kahit halos may bakas pa ako ng mga muta sa aking mata.

"Hm? Good morning?" saad ko.

"Naiwan mo ang notes mo," bulong ni North. Inabot niya sa akin ang Cattleya ko. I looked at it and immediately frowned because there were writings in it.

The writing is familiar with the note.

"N-North, sino ang nagsulat?" tanong ko sa kaniya.

He scratched his nape. "Deadline na kasi niyan ngayon kaya sinulat ko na. Di naman tinitingnan ni sir ang sulat-kamay kaya di niya 'yan mahahalata. Sorry din na di ko na hinatid kagabi. Wala kasing kasama si Trina sa bahay kaya sinulat ko na lang . . ."

My heart was pounding against my chest so hard. His penmanship was the same with the note. Kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangiti. Happy crush na lang ba talaga 'to, North? Nahuhulog na ako sa patibong mo. Hindi ko na namamalayang patungo na ako sa 'yo.

(:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅:♡:]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro