Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Yay! Epilogue na! Another story done! Mabuhay! Sinong hindi naniwalang ending na? Balakayujan! HAHAHA!

Kilig be with y'all!

Enjoy reading, #TeamBakod! 💕

***

"ANO BA, Jon?! Pumirmi ka nga! Hilong-hilo na ko sa 'yo!" naiinis na utos ni mom habang nagpapaypay ng sarili at patuloy naman ako sa paglalakad sa hotel room.

"Give my brother some slack, mom. Alam n'yo namang excited na," sambit ni Kuya Mark habang inaayos ang suot niyang grey trousers at white long sleeves. Magulo pa rin ang buhok niya dahil tinawagan pa siya ni Ate Nina kanina.

"Nahihilo ako sa kapatid mo, Mark! My God! Nand'yan lang naman sa kabilang hotel room si Lilo pero akala mo hindi sisiputin sa kasal!"

"Mom, please!" I massaged my temples as I felt an incoming headache. Hindi ko talaga mapakalma ang aking sarili.

"Honey, you're not really calming your son right now. Look how flustered he is," dagdag ni dad na inaayos din ang kanyang trousers.

Tama si dad. Sobrang kabado ako ngayon dahil finally, dumating na ang araw ng kasal namin ni Lilo. It's been two months since I proposed to her and our family's prepared our nuptials. Malaking pasasalamat ko kay mom at mama na talagang naging hands-on na tulungan kami para sa intimate beach wedding namin sa sobrang ikling panahon.

May kinuha man kaming wedding coordinator, iba pa rin na naroon sila para alalayan kami para maging perpekto ang araw na 'to. Everything seemed rushed when we looked at it from the outside. I mean, the preparations weren't smooth sailing but everything turned well.

Gusto sana nilang sa simbahan kami ikasal pero gusto ni Lilo na sa beach dahil very significant ng lugar na 'to sa amin. At isa pa, kasal namin 'to ni Lilo. At kung anong gusto ng baby ko, 'yon ang masusunod—buntis man siya o hindi.

Pero dahil buntis siya, mas naging maingat at maalaga ako. I'm thankful that despite her situation, she has become more open with me.

Iyon nga lang, may pagkakataon na tinotopak siya dahil nagiging makulit na rin ang baby namin. May pagkakataon na wala siyang gana sa pagkain o 'di kaya naman ay hindi masustansya ang gusto niyang lantakan.

Nakapag-aalala pero nagagawan naman namin ng paraan na makakain siya nang maayos. Sabi rin naman ng doktor na maayos ang paglaki ni baby.

Tinawag na kami ng wedding coordinator na naroon na ang mga bisita sa may dalampasigan. I felt chills down my spine. Another wave of anxiousness scattered all over my system.

Gusto ko sanang puntahan si Lilo na nasa katabing building lang namin pero hindi nila ako pinayagan. More than 24 hours ko na siyang hindi nakikita dahil sa mga pamahiin nina mom at mama. Pakiramdam ko'y mababaliw ako sa kaiisip kung ayos lang siya. Pero kasama naman niya si mama at binibigyan ako ng update na okay lang siya.

Nang makarating kami sa may dagat ay iba't ibang shades ng dilaw ang kasuotan ng mga kababaihan, samantalang naka-grey na trousers naman ang kalalakihan. Mga sunflowers naman ang bulaklak na nagsisilbing dekorasyon sa bawat upuan at sa tabi ng munting red carpet.

Hindi ganoong karami ang aming bisita. Most were our family, relatives, and really special people.

Si Kuya Mark naman ang best man ko. Si Ate Marites ang maid of honor ni Lilo na kaibigan niya mula sa building kung nasaan ang CLF Studio.

May ilang bata rin mula sa Let Me Foundation kaming kinuha to be part of our entourage. Isa na rito si Talia na anak ni Mrs. Laliana na naging counsellor ni Lilo noon. The foundation is very important for my Lilo dahil doon niya mas nakilala ang papa niya at maging ang sarili niya. We were surrounded by loving people and we couldn't be more thankful.

Nagsimula na ang pagtugtog ng mga kinuha naming dalawang violinists,isang cellist, at isang pianist. Bahagi rin sila ng L.M. Foundation.

We made it a point to make them a part of the special day of our lives. We also want to support their passion and see how they grow more. Lilo wanted to support them closely and see their talents get discovered and flourished—just like how she has become successful herself kahit na hindi siya nakapagsasalita.

And I... I couldn't be prouder. Sobrang talentado niya pero nananatiling mapagkumbaba at inspirasyon pa rin sa iba.

Inabisuhan na ako ng coordinator na maglakad na kasama sina mom at dad.

I stood properly in front as I looked back at the entourage getting directed towards the carpet. The sea breeze was tickling our noses and the waves were dancing on the sandy shore. Mabuti at hindi ganoong kahangin ngayong umaga kaya't hindi nililipad ang mga dekorasyon ngayong araw.

At sunod-sunod na ang mga nangyari. Mabuti na lamang at nakiisa ang aming mga bisita na walang maglalabas ng mga cellphone nila dahil may kinuha kaming photographer at videographer para sa buong araw na 'to. Malaking pasasalamat ko at nakinig sila sa aming munting pakiusap.

"Kalma, bro. Hindi ka naman siguro tatakbuhan ni Lilo," pabirong bulong ni kuya na nagdagdag ng stress ko. Kinakabahan na nga ako tapos dadagdag pa sila nina mom!

Nang oras na para sa pagdating ni Lilo, binaba nila ang puting kurtina na nagsisilbing pintuan at huminto ang musika. Mabuti na lamang at hindi malayo ang pinagmulan ni Lilo na building. Hindi ako mag-aalala na male-late siya o para sa baby namin. I really just want to see my baby.

Kumalma ang sistema ko nang makita ko ang silhouette ni Lilo sa may kurtina. Hindi ako maaaring magkamali. Nasasabik na talaga akong makita siya. Paniguradong mabibighani akong muli sa kanya gaya noong una ko siyang nakilala.

Nagsitayuan ang mga bisita at humarap sa iisang direksyon. Habang nangyayari na ang pinakaaasam ko, isa-isang nagtaas ng sunflower ang aming mga bisita—mapa-bata man o matanda. Binalot ng sunflowers ang buong lugar.

Nang unti-unti na nilang itaas ang kurtina, nagsimulang muli ang pagtugtog ng mga instrumento. Hindi ko kaagad nakita si Lilo dahil sa mga bisita naming dumungaw rin upang makita siya kaagad. Lahat ay nasasabik na makita ang aking bride... lalo na ako.

Pangako, hindi ako iiyak. Hindi ako—

The moment I saw Lilo, my heart took a leap from Earth to the moon in an instant. I knew my mind and heart betrayed me as I saw my wife-to-be. She was the most beautiful woman on the planet and I couldn't help my tears from falling.

She was wearing a white off-shoulder dress with white sunflower embroidery at the bottom. Simple lang ang ayos niya pero lutang na lutang ang ganda niya. Sinigurado rin naming hindi masikip ang suot niya para hindi maipit si baby.

Isang bungkos din ng sunflowers and hawak niya at sa bawat hakbang ay siyang pagtulo ng luha ko. Parang naglalakad siya sa field ng sunflowers gaya ng hiling niya—gaya ng painting ni Tito Elisseo, ang papa niya.

For her, it would make her feel like her father was present. For me, it meant that she was coming closer to me and the start of the new chapter of our lives.

Our eyes locked with each other as her mother walked her down the aisle. Malawak ang ngiti sa maganda at maamo niyang mukha.

Sa bawat paghakbang niya ay siyang paninikip ng dibdib ko. Gusto kong takbuhin ang natitira naming agwat para mas matitigan siya. Parang bumabagal ang oras at halos huminto para sa aming dalawa.

"Tama na ang iyak, bro. Talo mo pa ang asawa mo," biro ni kuya sabay abot ng panyo sa akin.

Asawa. God, malapit na.

Malapit ko na talaga siyang matawag na asawa.

Kinuha ko ang panyo at dinampi-dampi sa aking mga mata. Ilang beses rin akong napasinghot. Hindi ko pinansin ang pagbibiro ni kuya pero alam kong pinagagaan niya lang ang loob ko.

Finally, we made it.

My one-sided love did grow and was reciprocated at the perfect time. Nakatatawa mang isipin na ang childish ko sa pambabakod sa kanya pero that was the only way I could think of to protect her and show her that I was serious with her. From being strangers, to best friends, to lovers... today she'll become my wife and soon, will be called mommy by our baby.

Nang makarating si Lilo sa harap ko ay inalay ko ang aking kamay at malugod niyang pinatong ang kanang kamay roon.

Geez. I can't wait to make her my wife. Kung hindi dahil sa wedding ceremony, matagal ko na siyang ginawang asawa.

"Ang ganda mo," bulong ko sa kanya habang inaalalayan siya patungo sa may altar.

'Ang iyakin mo,' natatawa niyang pagsenyas na nagpasimangot sa akin. 'Pero ang guwapo mo pa rin kahit ang iyakin mo,' dagdag niya na siyang nagpakalma na sa aking sistema.

Fuck! Ang babaw ko na yata. I'm acting like a child right now.

Nagsimula ang seremonyas at hindi ko binibitiwan ang kamay ng mahal ko. The sun was already up and it wasn't too bad for us. The sunrise was adding up to the gorgeous celebration.

At nang oras na para sa aming vows, lalo akong kinabahan. I practiced so much that I just want to say everything perfectly. But as soon as I saw my wife-to-be, parang nablangko ang isip ko.

"Corliss..." I cleared my throat as I felt a lump forming with my eyes heating up again.

"Never in this lifetime did I see myself loving one person for such a long time. I always thought that it's something that only people who deserve it would have. Inisip ko na baka hindi 'yon para sa 'kin... and then I met you."

Parang naninikip ang dibdib ko habang nagsasalita pero pilit kong nilalakasan ang aking loob. Importanteng masabi ko sa kanya ang vows ko.

"With you, I found home. With you, I found my rightful place. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa mapkla kong buhay. Ikaw ang nagbigay ng direksyon sa naliligaw kong puso. You really mean everything to me in this world and lifetime, baby. At hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit anong bagay 'yon. Because with you, I am complete." Marahang pinunasan ni Lilo ang kanyang mga luha.

"Kaya't sa mga oras na sa tingin mo ay hindi ka karapat-dapat, don't ever think that. You... coming into my life was meant to happen. And I know, in this lifetime and even in the next, I'll always be loving you unconditionally. We'll always be destined and fated to each other. I promise that I'll be with you forever. And the only tears you will shed in the future would only be because of happiness. Kahit anong mangyari, nandito lang ako para mahalin at alagaan ka hanggang sa pagtanda natin. Thank you for shedding colours and giving meaning to my life. I love you, Corliss, Lilo, my baby. From today to forever, I love you."

Hanggang sa matapos ako ay naluluha si Lilo. Maging ang ilang bisita namin ay naririnig kong humihikbi.

Nang oras na para sa speech ni Lilo, tumayo si mama na hawak ang mikropono. Ngumiti si Lilo kay mama bago muling tumingin sa aking direksyon. Hinahanda ko na ang aking sarili na maiyak muli. Kung kanina ay naiyak na ako kaagad sa paglalakad pa lang niya, paano pa kaya ngayon?

'Jonas...'

I knew mama was translating for our guests but my eyes were only fixated on my Lilo. She was talking directly at me and that's what matters to me.

'Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa 'yo. Sobra. Simula pa lang noon, tanggap mo na ako kahit na ganito lang ako. Kahit na pipi ako. You acknowledged me and accepted me for who I am. Never mo akong pinabayaan at I am truly grateful. Kung hindi dahil sa 'yo, baka maraming bagay akong hindi naranansan. Baka kahit sarili ko ay hindi ko rin nakilala nang maayos.'

I couldn't help but feel my eyes watering yet again.

'Thank you for loving me since day one. Thank you for being patient with me on those days that I never realized your feelings for me. Thank you for being there on my bright days but most especially on the worst ones. Na kahit na may ninety-nine reasons para umalis ka, you still stayed dahil sa pagmamahal mo sa 'kin... At habang-buhay akong magpapasalamat dahil minahal mo ako nang buong-buo.

At ngayong magkaka-baby na tayo, alam kong mamahalin mo rin siya nang walang kapares. Salamat sa pagbuo mo sa akin. Salamat dahil nanatili ka. Salamat kasi nagawa mo akong hintayin. Pangako ko sa 'yo, na kahit anong mangyari, naririto lang ako lagi para sa 'yo... para sa pamilyang bubuoin natin. Pangako kong mamahalin kita hanggang sa dulo ng buhay ko. Mahal na mahal na mahal kita, Jonas.' She signed with all her might with tears flowing down her cheeks.

I reached for her cheeks and wiped the tears away. She smiled at me as I dried her face. Pinunasan din niya ang ilalim ng mga mata ko na basa rin ng luha. My heart was full with her vows.

"You may now kiss the bride," usal ng pari na siyang nagpangiti sa akin. The moment I was waiting for since we started the wedding. Ang maging ganap na Mrs. Stevenson na siya. I approached her and locked our lips together with eyes closed.

Nang maghiwalay ang mga labi namin, sabay kaming nagmulat ng mga mata at napangiti. Malakas ang hiyawan sa paligid at binalot ko sa isang mahigpit na yakap ang pinakamamahal kong babae.

Finally, we got here. It took us a long time pero nagkatotoo na nga ang matagal kong pinangarap. At sabay naming tatahakin ang bagong kabanata ng aming mga buhay na magkasama.

Nang maghiwalay kami, she slowly signed to me again.

'I love you, my dear husband.'

Hindi ko na naitago ang ngiti sa labi ko. Iba talaga ang epekto ni Lilo sa buhay ko. It's so hard to explain how warm my chest is because of her. She completes every missing part of my life.

"I love you, too, my dear wife," muli kong sambit bago siya ginawaran ng malalim na halik sa labi. She responded in the same intensity and the cheers grew and applause grew louder.

Sa dinami-rami ng tao sa mundo, nagkrus ang mga landas namin at alam kong siya talaga ang nakatadhana sa akin. Nakasisigurado ako na si Corliss ang forever ko. Siya rin ang 'the one' ko.

I will never lose you again, Corliss. I will not lose you tomorrow because I promise to share a lifetime with you. Forever.

***

Maraming-maraming salamat po sa pagbabasa! Officially complete na siya ngayong 12th March 2021!

It was short but very sweet, indeed! Sobrang thank you sa inyo!

SC? Malay natin meron! 🤣

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro