Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Get to know more about Jonas and Corliss' relationship beyond the years!

***

NAPAMULAT ako nang maramdaman na may biglang sumandal sa aking balikat. Pagsilip ko ay ang natutulog kong best friend pala. Maingat kong hinawakan ang ulunan niya at inayos ang puwesto namin. Inakbayan ko siya nang maayos at binalot siya gamit ang dala niyang kumot.

Kasalukuyang nasa bus kami papunta sa Batangas. Gusto niyang makarating do'n para kumuha ng inspirasyon at mag-relax. Plano sana namin na noong nakaraang linggo pupunta pero nag-ipon muna siya. Ayaw niya kasing magalaw ang nakatabi niyang ipon at ayaw rin niyang ilibre ko siya. She really is an independent woman.

Three days and two nights kaming mananatili ro'n na pinayagan naman ni tita para hindi raw kami sobrang magmadali. Akala ko nga ay hindi siya papayagan kasi may kalayuan pero may tiwala raw si tita sa amin—sa akin—na hindi ko pababayaan si Lilo.

At dahil malayo kami, maaga lang ay umalis na kami. At habang nag-aaral pa lang akong mag-drive at makakuha ng sasakyan, ganitong pagbibiyahe na muna. Kapag nagkaro'n na talaga ako ng sasakyan, kahit saan ay papasyalan namin.

Tahimik lamang sa bus, senyales na natutulog ang karamihan maliban sa drayber at sa kasama nito. I intentionally booked us the air-conditioned bus so we could be comfortable throughout the journey.

Naramdaman kong gumalaw si Corliss at mukhang nagising. Akmang didistansya siya sa akin pero hindi ko inalis ang pagkaaakbay sa kanya.

"Matulog ka pa. Malayo pa tayo," bulong ko sabay ang marahang pagtapik sa kanyang balikat. It was going to be another two hours before we arrived at our destination.

Hindi na niya tinuloy ang paghiwalay bagkus ay tumango na lang at inayos ang sandal sa akin. Inayos niya ang kumot sa sarili at pinatong rin sa akin ang kabahagi nito. To be frank, I didn't need it because the close proximity we were sharing was keeping me warm and cozy.

Wala man siyang abilidad na makapagsalita pero malinaw naman sa akin na ayaw niya akong lamigin. Minsan, mas naipararating talaga ang mga mensahe gamit ang mga aksyon kaysa sa salita.

I felt my heart skip another beat. Hindi niya alam pero nahulog na naman ako sa kanya.

Nang magpantay na ang kanyang paghinga at masigurado kong nakabalik na siya sa pagtulog, nilakipan ko ng isang magaang halik ang buhok niya.

Sana hanggang dulo, ganito tayo... Sana maging tayo...

We reached our destination by six in the morning. Inalalayan ko siyang bumaba sa bus dahil may kataasan 'to. She had no reservations reaching for my hand to get down but let go as soon as she's standing on the ground.

Hay... Kailan ko kaya mahahawakan nang sobrang tagal ang kamay niya? Damn... I hope she won't think I'm creepy with all these thoughts.

Nagtungo muna kami sa ni-reserve kong hotel room para maibaba ang mga gamit namin. Dalawang single bed sa isang kuwarto ang kinuha namin. Wala namang problema 'yon sa kanya. I've slept at their house several times na rin and I don't want her to feel unsafe since we're not at her place. Mas kampante ako na nasa iisa kaming kuwarto.

Nang maayos namin ang gamit ay lumabas na muna kami upang panoorin ang sumisikat na araw. Hawak niya ang kanyang cellphone at kinukuhanan iyon ng litrato. Abot hanggang tainga ang kanyang pag-ngiti at talagang nagnining-ning ang kanyang mga mata. Palihim kong kinuha ang aking cellphone at kinuhanan siya ng litrato.

Napangiti ako sa resulta. Sobrang lapad ng ngiti niya habang kumukuba ng litrato. Nililipad din ang ibang hibla ng kanyang buhok. Muntik na rin niya akong mahuli kaya't nilingon ko sa sumisikat na araw at kinuhanan iyon. She didn't need to communicate with me how beautiful the scene before us was but it was beyond perfect.

Lumapit ako sa kanya na nakaharap ang cellphone sa amin. "Picture tayo. Padadala ko kay tita para alam niyang nandito na tayo," anyaya ko. Pumayag naman siya agad.

I stood behind her and she subtly leaned her head towards me before taking several shots. Alam kong napansin niya 'yon dahil kahit noong lumingon siya sa akin na mukhang naiinis ay patuloy lang ako sa pagpindot ng capture sa aking phone. Her face and expression was just priceless. It's a real treasure.

The trip was fun and definitely relaxing. Nakadagdag na hindi gaanong katao ang beach ngayon. Marahil dahil hindi pa panahon ng bakasyon. Marami siyang litratong kinuhanan para sa mga references niya samantalang marami namang akong selfie at candid shots na nakuha sa aming dalawa.

I even changed my profile picture on my Facebook account into Corliss' candid photo. Nakatalikod siya sa akin habang nanonood kami ng sunset. She was playing with the waves that time I took it so her hair was dancing in all directions. Nakabistida rin siya kaya parang modelo siya sa likod. She was awfully gorgeous. Umaapaw ang ganda niya at masuwerte akong kasama siya.

I don't usually post or change things on my account. I'm not really a 'social media-type of guy' but I like that photo a lot. Actually, like is such a weak word on how I felt that moment. I love it. I love every bit of it.

Naalimpungatan ako nang maramdaman may tumapik sa aking braso. It was my girl.

'Anong ginagawa mo?' Sulat niya sa kanyang cellphone.

"Wala..." I answered.

She raised her brow and immediately took my phone from me. I saw how her eyes rested to unlock it. Wala namang kaso sa 'kin 'yon. Alam naman niya kung paano buksan 'yon dahil ginaya ko ang pattern niya. At kahit naman alam niya 'yon, she never touches my phone... unless I play pranks on her or something similar.

Pagbukas niya ng lock ay kita ko ang panlalaki ng mata niya. Bukas naman kasi ang Facebook ko kaya alam kong nakita niya kaagad ang in-upload kong picture niya.

With every second passing, may reaction at comment na dumadating do'n. Maybe some knew it was Corliss but no one could verify. Wala rin naman akong nilagay na caption para may magsimula nang kung anong kuwento. Besides, whatever I post is none of their goddamn business.

Naka-private ang profile ni Corliss at bilang lang talaga ang friends do'n. Her profile photo was her painting of the moon... and she rarely uses her account.

Namaywang siya sa akin kaya't 'di ko naitago ang aking pagngisi. "What?" tanong ko.

'Bakit may ganito?' She hurriedly typed.

"Ang ganda kasi. Why? Hindi mo ba gusto?"

'Baka magselos na naman fans mo!' she joked.

"Hayaan mo sila." I took my phone from her. "Let me make this better..." I slyly smirked at her making her raise her brow at me.

Akmang aagawin niya ang aking cellphone pero itinaas ko kaagad ang aking braso kaya hindi niya naagaw. Height was a real advantage for me. Her lips were protruded as she opened her own phone. Nakita kong nag-log in pa siya sa Facebook account niya dahil hindi nga niya iyon ginagamit.

I stood behind her and she went into my profile to look at what I did in the photo. And again, that moment was priceless. I saw how her eyes turned wide. Laglag panga siyang lumingon sa akin.

"Ano?" pigil na tawa at inosenteng tanong ko sa kanya. She rolled her eyes at me.

I edited the caption and added a single red heart on it. Various comments flooded the photo asking where I was? Who's the lucky girl? Am I dating already? Was I proposing? And so on... And like the usual, wala silang makukuhang sagot sa akin. This was my business.

The next day, I woke up earlier than her and saw my phone between her hands. Nakapagtataka na nasa kanya 'yon dahil alam kong pinatong ko 'to sa mesa. Hindi ako maaaring magkamali.

I tiptoed to her bedside and smiled as she slept peacefully with parted lips. What I learned about her as well is that, hindi siya malikot matulog kaya hindi sobrang gulo ng buhok niya. She looks like an angel.

Sana naging cellphone na lang ako para ako ang hawak niya sa pagtulog.

I silently took my phone from her hand and fixed her blanket. Bumalik ako sa aking kama at humigang muli. I opened my phone and to my surprise, it was on the Facebook app. Napatawa ako dahil pinalitan niya ang profile picture ko sa dati kong selfie. I went to the album and saw that she didn't completely remove the photo but just hid it and made it private.

But two can play that game. I changed my cover photo into that beautiful back photo of her. I added the heart emoji again but with the sunset emoji as well. At kahit maaga pa, sunod-sunod ang mga nag-react dito. Parang hindi na natutulog ang mga tao.

I thought it was the only change Lilo did but I was wrong. As I closed the app, napangiti ako dahil ang picture na akala kong nahihiya siyang makita ang ginawa niyang background picture ng cellphone ko. Damn! She got me there!

Inisip niya siguro na magtatampo ako na pinakialaman niya ang phone ko but it's not a big deal for me. She can hold my phone any time she wants. I have no secrets there...

The only secret I am really keeping from her is my deep feelings towards her.

Bumangon akong muli at tinitigan si Lilo na payapang natutulog. Hindi ko naikubli ang ngiti sa aking mga labi. I took several photos of her sleeping face. And cute niya kasi.

Hay... Sana masabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Sana magkalakas na ako ng loob. Mababaliw na yata ako nito. My best friend got me wrapped around those lovely hands of hers.

*****

DAYS passed by like usual. Pupunta ako sa kompanya bago tatambay kasama ni Lilo. But recently, I've noticed that she's been more open to meet and engage with her clients. Wala namang kaso 'yon sa 'kin pero hindi ko pa rin matanggal ang magselos. Masaya ako na masaya siya.

But at the same time, natakot ako na sa halip na tingnan niya ako na kagaya nang pagtingin ko sa kanya, baka mahulog siya sa iba. At isa pa, ayoko ring nakipagkikita siya sa mga kliyente na walang kasama. At least take me or tita with her. Mapapanatag pa ako kung ganoon.

Besides, nagpapalakas pa rin ako sa kanya. I want to be more than best friends with her. I want her to be mine officially. 'Yong hindi na unrequited one-sided love pero pareho kaming may nararamdaman sa isa't isa. Hindi ko siya pipilitin pero pakiramdam ko naman ay may tsansa ako sa kanya. We've been together for a long time so hindi naman malayo ang posibilidad n'on, 'di ba? Ewan.

"Masyado naman 'yang mahal, Jon," ani tita nang ibigay ko sa kanya ang tickets patungo sa Wonder Land. Malapit na ang kaarawan ni Lilo at alam kong pangarap niyang mapuntahan 'yon. Pero may kamahalan ang tickets at ayaw rin niya na gumastos basta. Gusto niyang unahin ang gamot ni tita at ang mag-ipon dahil sila lamang dalawa ang magkatuwang sa buhay.

"Okay lang po, tita. She deserves it. Tulungan n'yo na lang po akong mapapayag siya."

"Ikaw na bata ka! Naku! Kung hindi lang kita parang anak, baka sinabi ko na kay Lilo na basted-in ka na!" biro niya.

"Grabe si tita!" Napasimangot ako. "Sabihin n'yo na lang na sa inyo nanggaling ang isa, tita."

"Ha? Gusto mo pa kong magsinungaling sa kanya?"

"Hindi naman sa gano'n, tita. Alam n'yo naman na tatanggihan lang niya lalo kung sa akin galing pareho." Sa huli ay pumayag na rin si tita. At kinabukasan ay sinorpresa na nga namin siya magmula nang magising siya. I even pretended not to talk to her which was so weird. Sanay na sanay akong mine-message siya agad kaya nakapapanibagong gawin 'yon.

And I succeeded. Nagtampo siya and she was just so adorable.

Gaya nang inaasahan, nabigla si Lilo na 'yon ang regalo niya. In the end ay naging sabik na sabik na siya nang umalis na kami.

Masaya kami maghapon. Pero siguro mas masaya ako na maghapon kong hawak ang kamay niya. Siguro'y hindi man niya nilalagyan ng malisya 'yon, pero sa akin ay malaking bagay na 'yon.

Her hands were very soft to the touch and they fit perfectly with my hands. Gusto ko ang pakiramdam na 'to. The fact that she's comfortable with me, warms my heart.

Ngayong alam na niya na gusto ko siya, makikita na rin ba niya ako na higit pa sa isang matalik na kaibigan? Umaasa ako na pareho kami ng nararamdaman. Pero paano kung hindi? Natatakot ako na dahil sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko ay magbago ang lahat. Natatakot akong maglaho lahat ng mayroon kami ngayon.

***

Maraming salamat sa pagbabasa!

#TeamBakod

1st March 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro