Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Bwisit!

'Yan lang ang masasabi ko.

Isang malaking bwisit sa buhay si Hades.

Ilang minuto pa lang nang umalis ang magkaibigang panggulo dito sa bahay namin, ay naririnig ko na naman ang usapan ni Mom at Dad na punong-puno ng paghanga sa dalawa naming bisitang engineer kanina. Tatakas na sana ako sa eksena nang harangin ako ni Georgia,

"Oooops, saan ka pupunta, mahal na prinsesa? Nakita naming lahat 'yong pa-halik sayo ni Engineer.." 

Napatingin din sa gawi namin ang mga magulang ko.

Well done, G, walang katapusang pang-aasar na naman ito.

"Would you mind explaining that kiss, young lady?", nakakalokong tanong sa akin ni dad. 

How would I? Mukha bang nababasa ko ang isipan ni Hades? Ultimo ako ay nagulat rin nang gawin niya 'yon!

At bakit ba ang daming issue ng mga tao dito? 

Kamay.

Sa kamay lang naman ako hinalikan ni Hades. Pero sa inaasta nilang lahat, parang gusto nilang bigyan ng ibang kahulugan ang halik na iyon bukod sa pamamaalam. 

Humanda siya sakin sa Lunes, kasalanan niya 'to.

"That was nothing, Dad. It was probably just his way of saying goodbye?" 

Bakit ba pinag-uusapan namin ang topic na ito? Kadiri sila ha?

Nakita ko naman ang palihim na pag-ngiti sa akin ni Mommy. Anong nangyari sa gusto akong ipagdamot sa ibang tao? 

"Bruha ka, way of saying goodbye? Para kay Ariel lang? Bakit sa'kin naman hindi? Mga palusot mo din minsan, Ariella, hindi ko kinakaya...", sinapo ni Georgia ang noo niya na akala mo'y hirap na hirap siyang intindihin ako. 

Hindi rin naman makapal ang mukha ng babaeng ito. Sa aming dalawa, mas madalas na siya ang nakakatanga at nakakabobong intindihin.

"Sige na, anak, it's okay. Single naman kayong dalawa ni Hades hindi ba? Then, what he did was completely fine. It wasn't in any way, violating..", sagot naman ni mom. 

Hindi ko rin maintindihan madalas ang mga magulang ko. 'Yung ibang parents nagbabawal sa mga anak nila na mag-boyfriend or girlfriend, samantalang ako ipinagtatabuyan nila kay Hades.

Hindi na ako sumagot sa mga pang-aasar nilang lahat at pumasok na ako sa loob ng bahay. 

Hanggang nagyon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano ko gigibain ang "Great Wall of Hades". Napaka-suplado at cold naman kasi ng isang 'yon. Akala mo ikamamatay niya ang pag-oopen up sa mga tao. Hades is like a robot and his response to everything was programmed. 

Sa madaling salita, kung anong tanong, siyang sagot; kung anong utos, siyang galaw.

Padabog akong umupo sa sofa at tinitigan ko ang chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame ng aming mansyon, sa Paris pa yata ito ipinagawa ni Mom.

Lord, bigyan Niyo po ako ng clue kung paano ko wawasakin ang pader na nakapalibot kay Hades, para naman mag-open up siya kahit konti at hindi ako mapanisan ng laway pag siya ang kasama ko. 

Sa daldal kong 'to, hindi pu-pwede sa'kin ang katahimikan niya.

"Young miss, ano daw po ang gusto niyong isuot para sa charity event bukas? Tatawagan ko na po ba si Lucas para makapag-pasukat kayo?", nanlaki ang mga mata ko kay Manang. She just gave me a brilliant idea! 

Hindi ko na naiwasang ngitian ang kisameng tinititigan ko lang kanina.

Lord, thank You po sa mabilis na response, magpapa-misa po ako sa Sunday promise!

"Manang, hindi ba for top engineers lang ang charity event na yon?"

Nagtataka naman akong sinagot ni Manang Linda.

"Nasabi nga po sa amin ng Daddy niyo na puro nga daw po mga engineer ang magiging panauhin doon. May problema po ba, Miss? Sasabihin ko po ba sa daddy niyo na hindi niyo gustong sumama?" 

Alam ko na ang first move ko sa Operation 101: Destroy the Great Wall of Hades.

Umiling kaagad ako kay Manang.

Ako lagi ang plus one ni Daddy sa mga ganitong event. Lagi niyang sinasabi sakin na kailangan kong maging open sa mga ganitong bagay dahil during events, we get to establish connections na maaring magamit namin in the future- or in my case, to carry my father's honored name as early as now.

"Sige po, Manang Linda, makiki-contact na po si Lucas. Pakisabi po na maghihintay ako sa kaniya today...", agad naman akong tinanguan ni Manang at saka ako muling iniwan dito sa living area.

Lucas Botiér is a fashion designer from France. Nakilala ko siya nang minsan akong isama ni Mommy sa New York for fashion week. He's half filipino-half french, at sa lahat ng mga designers doon, designs niya ang lubos na nagustuhan ni Mom. Since then, sya na ang lagi naming inaabala pag kailangan namin ng mga outfit for formal events.

This charity event will be for the people in Tacloban na nawalan ng mga tirahan nung nakaraang bagyo. Si Daddy ang madalas na isa sa mga VIPs sa mga ganitong kaganapan. Hindi puwedeng hindi siya a-attend. Sigurado akong naroon din si Hades. Siya ang number one CE dito sa Pinas, imposibleng hindi siya magiging ka-table ni na Dad.

Ang smart ko talaga!

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang sumalampak sa tabi ko si Georgia. Saan ba galing ang isang 'to at bigla na lang siyang sumusulpot na parang kabute?

"I heard na pupunta daw dito si Lucas? Sayang din ang isang 'yon, Ariel. Ang gwapo gwapo niya kaya lang, pareho kami ng hanap. We both love men. Why is this world so unfair sa'ting mga babae? Nauubos na ang mga gwapo! Yung iba taken, yung iba ka-lahi ni Lucas, tapos yung iba naman, pinapasok ang pagpapari! Saan na lang ako pipili ng jowa?" 

Problemadong-problemado lagi ang babaeng ito sa lovelife niya. Inirapan ko na lang siya at saka sumagot,

"You're hopeless, Georgia Rose. Kung sinagot mo sana yung dm sayo ni Harry Styles, eh di sana hindi ka naghaharumentado ngayon? May jowa ka sanang British na nadadala kung saan saan, kaya wag mo akong artehan, kasalanan mo 'yon. Kasalanan mo kung bakit hanggang ngayon single ka pa rin. Hindi bale ako, choice ko na talaga ang pagiging single ko." 

Sinamaan naman niya ako ng tingin sa muling pagpapa-alala ko sa kaniya ng katangahan niya noon kay Justin Bieber.

"Ariella! Ariella! OMG!! NAGFOLLOW BACK SA TWITTER KO SI JUSTIN BIEBS!" mangiyak-ngiyak na sigaw sa'kin ng best friend ko. 

Siya ang leader ng mga luka-lukang fans ni JB.

"Congrats, Georgia. Now, let me go back to sleep. It's fucking 3 in the morning!", pabalang kong sagot sa kaniya at saka muling nag-tago sa ilalim ng makapal na kumot. Laking bwisit ko nang muli niya itong hilahin para alisin mula sa pagkakapatong sa akin.

"What the fuck, Georgia Rose?! What the hell are you doing awake at devil o'clock?! Sugo ka ba ng demonyo, G?! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka. May quiz tayo sa fluid mech bukas, at ipinapaalala ko sayo na mahigpit ang prof natin don! Hindi nadadaan sa pagpapa-cute, kaya tigilan mo na ako. Mag-aaral pa ako bukas..." 

Tiningnan niya ako na para ba akong baliw at saka muling itinuloy ang paghi-hysterical niya. 

"May chance na ako, Ariel babes, omg! Isang dm lang nito sa'kin, aayain ko agad siya ng kasal!", tili ng may hithit kong kaibigan. Matagal ko na siyang sinasabihan na tigilan na niya ang pagsinghot ng katol. 

"Georgia Rose, sagutin mo na lang ang dm sayo ni Styles, inaaya ka nung taong makipag-date pag bumalik tayo sa London after the semester. Hindi mo na kailangang umasa dyan kay hairflip Bieber na yan. Ikaw din, mamaya kaka-intay mo diyan mawala din si Brit dude. Pag pareho 'yang nawala sa'yo, iyak ka." 

Marahan ko pang tinapik-tapik ang pisngi ng nagwawala kong best friend, saka muling humiga. 

Lord, parang awa Niyo na, paki-suntok na po ng isa si Georgia para makatulog na kaming dalawa.

"Ewan ko sayo, A! Basta mag-hihintay ako kay Justin, hindi naman mawawala si Harry diyan"and after a month, nag-number one trending si Brit na siyang dumurog sa puso ni Georgia Rose,

Harry Styles was seen in a romantic getaway with Victoria's Secret model, Kendall Jenner.

"Baliw ka, G. Nag-dedicate na nga sa'yo ng kanta yung tao, hindi mo man lang pinagbigyan! Lagi kang dinadalaw kada-balik niya galing tour, hindi mo man lang pinapansin. Parusa sa'yo 'yang pagiging single mo ngayon. Tapos ikakasal na si hairflip 'di ba? Goodluck, best friend. Mga ilang taon pa, pasok ka na lang sa kumbento." a

Agad naman niya ako muling sinaman ng tingin. 

Lalo kong itinuloy ang pang-aasar sa kanya,

"Said her name was Georgia Rose

And her daddy was a dentist

Said I had a dirty mouth

But she kissed me like she meant it" 

Madrama kong kanta na siyang lalong nagpapula sa pagmumukha ng bruha.

"Siya ang humalik sa'kin! Hindi ako! Ninakaw niya ang first kiss ko! Nandoon ka, Ariella. Kitang-kita mo ang nangyari!" 

I just shrugged and gave her a teasing smirk.

Kung ang ibang babae siguro, ipagmamalaki na ninakawan sila ng halik ni Harry Styles, hindi ang best friend ko. Sa kaso niya ay parang siya pa itong aping-api. Tinawanan ko lang siya nang tinawanan, hanggang sa pumasok ulit si Manang na kasama na si Lucas.

"Hello, my beautiful sea princess! Hello....Flounder..", mas pumula pa ang mukha ni G sa itinawag sa kaniya ni Lucas. Nagpatuloy naman ang bakla kong bff/designer sa pagbeso sa akin at umirap kay Georgia Rose.

Hindi sila magkasundong dalawa dahil nilandi lang naman ng magaling kong best friend si Lucas nang unang beses ko silang ipakilala sa isa't isa, not knowing he's gay. 

Sugod kasi nang sugod, ayan ang napapala.

"Hi Lucas, hindi ka ba na-traffic?", sagot kong pagbati sa kaniya.

"Ano ka ba, Ariella, hindi uso ang traffic 'pag naka-chopper ka. Anyway, na-inform na ako ni King Daddy kung ano ang ganap bukas ng gabi. Ano ba ang type na color and style ng aming munting prinsesa?" napangisi ako kay Lucas. 

Siya lang talaga ang kilala kong kayang magproduce ng gown in 10 hours, sometimes less. Sa dami ba naman ng trabahador niya, he can finish the job in no time. 

That, and he's really hands-on with his job.

"I want a green cocktail dress with the right amount of sparkle, Lucas. Have the color in the shade of little mermaid's tail.." na-excite naman ang designer sa sinabi ko. Minsan lang akong magbigay ng detalye sa kung anong gusto kong isuot, kaya tuwang-tuwa siya sa mga pagkakataong nakikipag-collaborate talaga ako sa design. 

All for my plan.

Sinimulan na akong kuhanan ng measurements ni Lucas, habang nananahimik naman ang best friend ko na naka-upo sa bean bag. Nakatitig na naman siya sa mukha ni Lucas Botier. 

Georgia was hopeless. 

Matindi talaga ang pagka-crush niya sa isang ito, at bago pa siya mahuli at muling matawag na Flounder, inagaw ko na ang atensyon niya.

"Samahan mo ako sa salon mamaya, G. My treat, I promise. Kahit anong gusto mo.", nagliwanag naman ang ekspresyon sa mukha ni Georgia Rose at nagmadali siyang umakyat para siguro mag-handa. Natapos na si Lucas, at agad naman siyang nagpaalam sa akin para daw masimulan na niya ang kaniyang masterpiece.

Lucas Botiér and his dramatic diva personality.

"I promise, you will be the most beautiful woman there, Mademoiselle. Now, I gotta run, at babalik ako dito bukas with your dress, and I will help you get ready for the party. The event will start at 8 pm, right? I'll be here around 3. Freshen up before then. Well, lagi ka namang fresh, so extra-fresh...", kinindatan niya muna ako at bumeso sa magkabila kong pisngi bago kumekembot na lumabas ng bahay, kasunod ang kasama niyang alalay.

Napailing na lang ako at napalingon sa may hagdan nang marinig kong pababa na si Georgia.

"Let's go, Ariel! It's time to princess up!"


You better get ready, Hades. 

You have no idea what's about to hit you


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro