
Chapter 5
Hiling ng bawat taong nag-inom kinagabihan ay ang magising ng walang hangover, at isa na ako doon. Ngunit sa unang pag-mulat ng aking mga mata, nakamamatay na sakit ng ulo ang sumalubong sa akin. There goes my plan of having a beautiful and evil-filled day!
Damn.
How many drinks have I had kagabi? Sa kagustuhan kong malasing nang sobra para kahit papaano'y lumakas ang loob kong harapin si Dad, I lost count kung naka-ilang baso ako ng alak.
And don't get me started on that pink gin.
If there's one alcoholic drink na hinding-hindi ko na ulit iinumin sa buong buhay ko, it would be the pink gin. Baka nga makakita pa lang ako ng bwisit na inuming 'yon ay makaramdam na agad ako ng hilo.
"Goodmorning, crazy bitch!"
Napapikit ako sa matinis na boses ng kaibigan kong mukhang handang-handa na para sa araw na ito.
Minsan hindi ko talaga maintindihan 'tong si Georgia.
Saan ba sya kumukuha ng energy nang ganitong kaaga? And if I remembered it correctly, she was more wasted than I was last night. She was rubbing her ass on places I don't even want to mention.
"Shut it, Georgia, agang-aga ang lakas ng boses mo. And why the fuck are you not hung over?"
Sinong diyos ba ang dinasalan nito at ganito siya ka-energetic? Sometimes, my best friend is so unreal. Most of the time, she's unbelievable.
"Anong maaga, A? 11:25 na, get your ass out of bed dahil anytime, darating na dito si rock man. And pinainom na ako ni Tita Mom ng magic potion niya", napabalikwas ako sa sinabi niya.
Shit! I don't have enough time to get ready! Bad shot na naman ako kay dad pag na-late ako.
I want that hangover soup really bad, but my head will be served on a silver platter pag ginalit ko na naman ang tatay ko.
"Rock man?", naguguluhan kong tanong kay Georgia habang busy sa paghuhubad ng masikip na dress na kahapon ko pang suot. Isang tao lang ang alam kong dadating ngayon,
"Yung tutor mong bato daw sabi ni Tito Dad", tatawa-tawang sagot sakin ni G. Ito na naman siya with her nicknames.
Georgia Rose fun fact number 1: Mahilig siyang magbigay ng nicknames sa mga tao. One very good example is how she established na Prof. Mors was to be called kamatayan, and our entire block started calling him that in secret.
I dashed towards the bathroom atnd I heard Georgia open the doors to our closet, probably to prepare something for me to wear. Naglaho ang sakit ng buong katawan ko nang salubungin ko ang maligamgam na tubig mula sa shower. Wala na akong oras na magbabad pa sa bathtub ngayon, na gustong-gusto ko sanang gawin. Nakaka-15 minutes pa lang yata ako na nakakapag-shower, kinalampag na ni Georgia ang pintuan ng banyo ko.
"Ariel, you gotta hurry up!! I heard a car stop sa labas, baka si rock man na yon!", she said from the other side, her voice muffled by the door.
Lalo akong nag-madali sa pag kilos, and I have a best friend to thank later for preparing my dress. Dahil kay G, hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras sa pagpili ng susuotin.
She chose a pink tube summer dress for me to wear, bahagya lang akong nagblow dry ng hair para hindi naman nakakahiyang bababa ako don na basang-basa pa ang buhok.
I slapped some baby powder on my face at kaunting lip gloss lang then I was ready to go. Narinig namin ang mahinang pagkatok ni manang sa labas ng kwarto namin.
"Young miss, pinapatawag na po kayo ng daddy nyo sa baba. Kayo din daw po, Mam Georgia. Dumating na daw po ang bisita n'yo."
Correction, bisita ni Dad.
Bumuntong hininga ako and I composed myself, tinitigan ako ng kaibigan ko at unti-unting sumilay ang mga ngisi sa mga labi naming dalawa.
Kahit wala kaming sabihin, nagkaintindihan na ang mga tingin naming 'yon.
"Let's get this show started, G. Thanks for the dress by the way."
Kinindatan niya ako. Sabay na kaming lumabas ng kwarto at bumaba, may ilan pang natitirang hakbang pero nakita ko na ang mukha ng kausap ni daddy,
No way. It can't be.
"OMG Hades?!", eksaheradang sigaw ni Georgia, naunahan pa niya akong magulat.
Ang galing galing talaga ng babaeng ito.
I saw Hades smirk at my bestfriend at dahan-dahan itong umiling. Nagtataka akong tumitig sa kanya dahil parang hindi naman kapani-paniwalang sya ang tinutukoy ni dad kagabi.
"Hey there, little mermaid and the official bestfriend, I knew we'd see each other again. Kukuha na ba ako ng permit? I know a lawyer, and a handsome one at that. Medyo masungit lang, pero tumatanggap naman ng 100 pesos para sa notaryo."
Parang tilapiang nagbukas-sara ang bibig ni Georgia sa tabi ko, while I only had one thing in mind.
Was he for real?
"Hades? You are Engr.Gomez?", naguguluhan kong tanong sa kaniya habang kunot-noo namang napatingin sakin si daddy.
"What are you talking about, princess? Hindi siya si Engr.Gomez. This is Engr. Samuel Alexander Torres, isa rin siyang Civil Engineer sa ilalim ng Gomez-Tiu Engineering Firm. Remember, anak? Sila yung sinasabi ko sa'yong gusto ko sanang makasama mo sa trabaho in the future pag isa ka na ring successful CE."
Napanganga na lang ako sa sinabi ni dad.
The man, Samuel, had the nerve to grin at me and my best friend!
This asshole lied to us last night! Kita ko ang patago niyang pag ngisi. Tiningnan namin s'ya ni Georgia ng masama, pero imbis na matakot ay lalo pa siyang natawa.
"I'm so sorry for laughing, Engr. Cortez. It's just that, nakasama ko po ang mga magagandang dalagang ito kagabi sa Revel. Sinamahan ko po saglit ang anak niyo sa may bar area, and I decided to do a little harmless prank on your daughter and her adorable best friend.", tumatawang sabi ni gago na siya ring nakapagpa-tawa sa daddy ko.
"Adorable?! Ano ako, grade 2?!", Georgia Rose mumbled angrily behind me.
This asshole better thank his lucky stars na nandito si Daddy, kundi ay kanina pa sana namin siyang pinaglalamayan.
"Why don't we start again, little mermaid? Nice to meet you. I'm Engr. Samuel Torres, but Sam will be fine."
Napansin kong gumalaw na si Georgia sa tinatayuan niya kanina at marahan itong lumapit kay Samuel.
Uh oh.
I smell trouble between these two.
"If you're not Engr. Gomez, then where is the real one, you imposter?!"
Napataas na lang ang kilay sa kaniya ni gago. Ano ka ngayon? Eh di natikman mo ang pagiging bruha ni Georgia Rose? If there's one thing she hates the most, it would be liars. They reminded her so much of her father.
Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong mas lumawak ang ngiti ng aking ama habang nakatitig siya sa aking likuran. Napatigil ako sa pagkibo nang marinig ko ang baritonong boses ng taong tinitingnan ni dad.
"I'm here. I'm sorry for being late, Engr. Cortez. I had to attend an emergency meeting earlier sa firm. Nice to meet you everyone, I'm Hades Gomez."
Slow-motion akong humarap sa nagsalita, at halos manghina ang mga tuhod ko nang magtama ang aming mga mata.
Anak ng lahi ng mga intsik!
Bakit ang daming chinito sa mundong ito?! Pero kung si Sam ay chinitong pasaway, ang totoong Hades ay chinitong nakakapag-yelo.
He's Hades alright.
Bagay sa kaniya ang pangalan niya, dahil parang anytime ay kukunin na niya ang kaluluwa ko. Kung matangkad na si Sam, Hades probably is a whopping 6'4. Literal kaming napatingala ni Georgia sa kaniya.
Pero sa lahat ng panahon ng pagpapantasiya, lagi talagang merong epal, hindi ko sinasabing si Samuel 'yon pero 'yon talaga ang gusto kong sabihin.
He cleared his throat and it pulled me out of my trance. Hindi pwedeng magmukha akong maamong tupa sa harapan niya, nilang dalawa.
That's not how Ariel worked.
Idinaan ko na lang sa pagtataray ang kabang nararamdaman ko kay Hades, matapang ko siyang tinaasan ng kilay, na mukhang hindi niya inasahang gagawin ko.
What?
Disappointed with your first impression of me, Mister?
Inasahan mo bang magiging tameme ako dahil sa presensya mo?
Muntikan na pero kaya pa namang i-deny.
"I would appreciate if you won't be late during our sessions, Engr.Gomez. Mahalaga ang oras ko kaya wag mong sasayangin. Anyway, nice to meet you, I'm Ariella Cortez, but call me Ariel."
Nakita ko ang bahagyang pagkagulat ni Hades sa sinabi ko sa kaniya.
Not so tough now, are we?
Engr. Hades, I will be having so much fun playing with you.
"Is that so Ms.Cortez? Then I apologize kung nasayang ko ang oras mo. Don't worry, when we start, we will make use of every second you have in your clock."
Nagpalipat-lipat sa aming dalawa ng totoong Hades ang tingin ng nagpanggap na Hades, a.k.a Samuel.
Last night, Hades was a fairytale, pero ang kaharap ko ngayon ay tila magiging isang napakalaking bangungot para sa akin sa mga susunod na araw. Bukod sa hindi ko talaga gusto ang subject na Math, mukhang nasa plano na niya ang pahirapan ako.
I probably made a mistake taunting him.
"Let's proceed to the dining hall, everyone? Lunch is waiting and I am starving.", masiglang sabi ni Dad sa aming lahat. Siguro ay nasa loob na ng hall si Mommy at tumutulong kina Manang na maghanda ng tanghalian.
Diretsong naglakad si Hades sa harapan ko at sabay silang pumunta ni Dad with the imposter sa dining hall.
Tinabihan naman ako ni Georgia na busy pa rin sa pagbulong ng mga sumpa, buhay pa pala ang isang ito.
"Ano, Ariel? Kaya mo?"
Napatingin ako sa kaniya, and I looked at her as if she asked the most stupid question.
"You know me, Georgia Rose, I always love a good challenge. The harder, the better", nakakalokong ngumisi sa akin ang best friend ko. Sigurado akong umaandar na naman ang medyo bastos niyang pag-iisip.
"Ikaw, bruha, natututo ka na ng mga harder harder na yan ha. I'm so proud, our baby is growing up na. Hindi na halatang virgin ka pa.", at umakto pa itong nagpupunas ng luha.
Inirapan ko lang siya at hinampas, bago kami nagsimulang maglakad papunta sa dining hall.
Bago pa man kami makapasok sa dining area, binulungan ko muna ang magaling kong kaibigan.
A joker smile was plastered on Georgia Rose's face when we entered the dining hall,
"Sit back, relax and enjoy the game, Georgia. I never lose"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro